pix101

“One of the boys” yan si alex, akala ko yung una maarte toh, well hindi naman ako nagkamali may konting arte pa rin sa kanya pero ang pakikisama talagang solid kung solid.. and the rest of the gang talaga namang aakalain mong matagal na kaming nagkasama. Wala pang isang araw pero miss ko na agad lahat ng nakasama kahapon..

Feel na feel ko namin ang pagkapirata sa ride na ito.. mangyari biglang bumuhos ang mahina ngunit mahangin na ambon habang winawasiwas ang barkong sinasakyan namin tila ba nasa kalagitnaan kami ng karagatan ng maabutan ng isang bagyo. Masaya maingay at ang hayup ko pang katabi na si chen na natutunan ko na ring katuwaan ay di na napigilang saktan ang mura kong katawan dahil “nerbiyos” o kung ano pa mang paninigas na kanyang naramdaman..

Kulang na ba sa nutrisyon ang utak ko o sadyang mali lang yung code na binigay ni mikel sa akin.. haha ngayon ko lang siya nailagay.. sana maraming magdonate kamote kulang na lang gawing “sticker” at ilagay sa lata hahaha ganda ng kulay parang bantay bata lang ang peg.. anyway nawa'y lumalim pa ang pagkakaibigan nating lahat.. salamat mikel sa obra mo ;) kahit na akala mo lagi kong niyuyurakan pagkatao mo kasabay naman nu'n ang pagmamahal ng isang kaibigan.. syet bromance? bwahaha bok parehas lang tayo ng gusto.. si ayka.. ayie, paubaya mo na hihii ;)

9

Kahapon ko pa lamang nasilayan at nakilala ang magandang binibining ito pero tila may taglay siyang batubalani na pilit hinahatak ang aking interes na manatili at makasama siya. Gusto ko pa syang makilala, gusto ko ulit siyang makita. Basta, ewan. Pero gusto ko siya.. ako'y humahanga sa kanya.. 

Hindi sa ayaw namin sa masikip o may kasama sa shuttle kaso may oras kaming hinahabol kanina kaya ayun “taxi” ang ending.. powtek nagulangan ata kami kanina.. P900 tas sa amin pa ang toll fee. anyway naging smooth naman ang biyahe.. kasama ng mga kaibigan na dati sa computer screen ko lang nakikita tapos may dumagdag pa na bagong kaibigan. Ayun naging makulit at masaya ang buong biyahe papuntang EK..

(photo credit to leyowthegreat)