pitaka

torpengromantikoo asked:

Ramdam mo di pala yung pakiramdam na bigla na lang sasagi sa isip mo ang pamilya mo at para kang bata na hahagulgol. Haaays ang hirap noh? pero wala tayong magawa kundi magtiis kasi para to sa future natin. Magpakatatag tayo.

Oh sir. Ang hirap. Ramdam ko yun. Gustohin mo man makasama pamilya mo pero wala kang magawa kundi mag tiis ng mag tiis. Yong pakiramdam na bigla ka nlng iiyak sa lungkot na parang bata. Tiis nlng tyo. Mahirap naman kasing umuwi ng pilipinas na walang laman ang pitaka.

Kwentong Pitaka

Bago ako matulog, magkukwento lang muna sandali ako sa nangyari kanina sa tatay ko.

Nawala ang kanyang pitaka kanina nang pauwi na s'ya galing sa opisina. Ayon sa kanya, nahulog daw ito sa bus na sinasakyan n'ya pauwi. Paano n'ya nalaman na sa bus nawala ang pitaka? Nakapagbayad pa daw kasi s'ya. Tsaka na n'ya lang nalaman na nahulog ang pitaka n'ya pagbaba sa bus. Lagi naman daw n'ya kinakapa ang wallet na ‘yon sa kanyang bulsa kapag nasa bus s'ya. Pero hindi namin malaman kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataon eh kanina pa n'ya ito naisipang hindi kapain. Sa palagay ko eh naging kampante si father dear na laging naroon lang ang pitaka n'ya sa bulsa ng pantalon. Napag-isip isip ko tuloy na hindi talaga dapat maglagay ng pitaka sa bulsa ng pantalon lalo na kapag nasa bus. Mas napapalagay ako kapag nasa loob ito ng aking bag (o kaya 'yung ginagawa ng utol ko minsan na paglalagay ng pera sa loob ng brief. Putik, walang galang sa mga bayani. Pero sabagay, mabaho rin naman ang pera kaya quits lang. Biro lang).

Pinilit pa daw n'yang habulin ang AC Transit na sinakyan n'ya pero hindi na rin umubra kaya tumawag na lang s'ya sa dapat tawagan pagdating sa bahay. Ang dami pa naman daw lamang cards ng wallet na 'yun. May ATM, discount cards, pati lisensiya at 'yung prepaid card para sa cable namin eh naroon sa wallet na 'yun (kaya wala kaming cable ngayon huhu). Mabuti na lamang at walang gaanong pera ang wallet na 'yun. Pero nakakapanghinayang pa rin. Kaya naaawa ako kay itay. malungkot s'ya kanina at nakatulog ng maaga.

Sana ay magkaroon ng himala mamaya at may magandang loob na magsauli ng kanyang pitaka sa opisina n'ya sa munisipyo ng Valenzuela. Naniniwala akong makababalik pa ang pinakamamahal n'yang sisidlan ng salapi. At alam kong totoo ang mga naririnig at napapanood kong balita tungkol sa mga matapat na Pilipinong nagsasauli ng naiiwang gamit ng mga pasahero n'ya.

Pasensiya na at tinatamad na akong magkwento. Dinalaw na rin kasi ako ng antok. At dahil dito, matutulog na ako.

.

Dhammacakkappavattana Sutta

I have heard that on one occasion the Blessed One was staying at Varanasi in the Game Refuge at Isipatana. There he addressed the group of five monks:

There are these two extremes that are not to be indulged in by one who has gone forth. Which two? That which is devoted to sensual pleasure with reference to sensual objects: base, vulgar, common, ignoble, unprofitable; and that which is devoted to self-affliction: painful, ignoble, unprofitable. Avoiding both of these extremes, the middle way realized by the Tathagata — producing vision, producing knowledge — leads to calm, to direct knowledge, to self-awakening, to Unbinding.

And what is the middle way realized by the Tathagata that — producing vision, producing knowledge — leads to calm, to direct knowledge, to self-awakening, to Unbinding? Precisely this Noble Eightfold Path: right view, right resolve, right speech, right action, right livelihood, right effort, right mindfulness, right concentration. This is the middle way realized by the Tathagata that — producing vision, producing knowledge — leads to calm, to direct knowledge, to self-awakening, to Unbinding.

Now this, monks, is the noble truth of stress:[1] Birth is stressful, aging is stressful, death is stressful; sorrow, lamentation, pain, distress, & despair are stressful; association with the unbeloved is stressful, separation from the loved is stressful, not getting what is wanted is stressful. In short, the five clinging-aggregates are stressful.

"And this, monks, is the noble truth of the origination of stress: the craving that makes for further becoming — accompanied by passion & delight, relishing now here & now there — i.e., craving for sensual pleasure, craving for becoming, craving for non-becoming.

"And this, monks, is the noble truth of the cessation of stress: the remainderless fading & cessation, renunciation, relinquishment, release, & letting go of that very craving.

"And this, monks, is the noble truth of the way of practice leading to the cessation of stress: precisely this Noble Eightfold Path — right view, right resolve, right speech, right action, right livelihood, right effort, right mindfulness, right concentration.

"Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before: ‘This is the noble truth of stress.’ Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before: 'This noble truth of stress is to be comprehended.’ Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before:’ This noble truth of stress has been comprehended.’

"Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before: 'This is the noble truth of the origination of stress’… 'This noble truth of the origination of stress is to be abandoned’ [2] … 'This noble truth of the origination of stress has been abandoned.’

"Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before: 'This is the noble truth of the cessation of stress’… 'This noble truth of the cessation of stress is to be directly experienced’… 'This noble truth of the cessation of stress has been directly experienced.’

"Vision arose, insight arose, discernment arose, knowledge arose, illumination arose within me with regard to things never heard before: 'This is the noble truth of the way of practice leading to the cessation of stress’… 'This noble truth of the way of practice leading to the cessation of stress is to be developed’… 'This noble truth of the way of practice leading to the cessation of stress has been developed.’ [3]

"And, monks, as long as this — my three-round, twelve-permutation knowledge & vision concerning these four noble truths as they have come to be — was not pure, I did not claim to have directly awakened to the right self-awakening unexcelled in the cosmos with its deities, Maras, & Brahmas, with its contemplatives & brahmans, its royalty & commonfolk. But as soon as this — my three-round, twelve-permutation knowledge & vision concerning these four noble truths as they have come to be — was truly pure, then I did claim to have directly awakened to the right self-awakening unexcelled in the cosmos with its deities, Maras & Brahmas, with its contemplatives & brahmans, its royalty & commonfolk. Knowledge & vision arose in me: 'Unprovoked is my release. This is the last birth. There is now no further becoming.’”

That is what the Blessed One said. Gratified, the group of five monks delighted at his words. And while this explanation was being given, there arose to Ven. Kondañña the dustless, stainless Dhamma eye: Whatever is subject to origination is all subject to cessation.

And when the Blessed One had set the Wheel of Dhamma in motion, the earth devas cried out: “At Varanasi, in the Game Refuge at Isipatana, the Blessed One has set in motion the unexcelled Wheel of Dhamma that cannot be stopped by brahman or contemplative, deva, Mara or God or anyone in the cosmos.” On hearing the earth devas’ cry, the devas of the Four Kings’ Heaven took up the cry… the devas of the Thirty-three… the Yama devas… the Tusita devas… the Nimmanarati devas… the Paranimmita-vasavatti devas… the devas of Brahma’s retinue took up the cry: “At Varanasi, in the Game Refuge at Isipatana, the Blessed One has set in motion the unexcelled Wheel of Dhamma that cannot be stopped by brahman or contemplative, deva, Mara, or God or anyone at all in the cosmos.”

So in that moment, that instant, the cry shot right up to the Brahma worlds. And this ten-thousand fold cosmos shivered & quivered & quaked, while a great, measureless radiance appeared in the cosmos, surpassing the effulgence of the devas.

Then the Blessed One exclaimed: “So you really know, Kondañña? So you really know?” And that is how Ven. Kondañña acquired the name Añña-Kondañña — Kondañña who knows.

“Dhammacakkappavattana Sutta: Setting the Wheel of Dhamma in Motion” (SN 56.11), translated from the Pali by  Thanissaro Bhikkhu. Access to Insight (Legacy Edition), 30 November 2013,http://www.accesstoinsight.org/tipitaka/sn/sn56/sn56.011.than.html
  • Teka parang naguguluhan kana sa magulo mong mundo.
  • Huwag ka munang mawalan ng Pag-asa
  • Tignan mo muna ang paligid mo
  • Nandyan pa ata sa luma mong pitaka ang yosi na binili mo sa kanto.
  • O baka naman may naitago yang nanay mo na baygon na pwede mong singhutin habang ikaw ay naka dekwatro,
  • O kaya yung tinago ng tatay mo na muriatic acid na pwede mong inumin habang sya'y wala pa at nasa baryo.
  • Huwag ka ng umiyak, dadamayan kita.
  • Gusto mo bang lumabas? sasamahan kita.
  • Sige ba mamaya, kaya mauuna muna ako.
  • Sasalubungin kita sa daan at sasagasan ko ang buong katawan mo gaya ng hinihiling mo.
  • Sisiguraduhin kong mahihirapan ka
  • na halos marinig ko na ang pagkabali ng buto mo at ang pagtagas ng dugo na aagos mula sa katawan mo,
  • Gamit itong sasakyan ko na kasing bigat ng problemang dinadala mo.
  • Akala ko ba mataas ang pangarap mo sa buhay?
  • kasing taas ba yan ng pwesto mo sa itaas ng gusali na tatalunan mo? Sige alam mo namang magaantay lang ako dito.
  • Aantayin ko ang paglagapak ng katawan mo dito mismo sa inaapakan ko. Aantayin ko nalang mawala lahat ng pinaghirapan mo at ang nasayang na pangarap mo.
  • Nakakatuwa kung iisipin hindi ba?
  • Ganon lang ako kabilis mawawala sayo kung gugustuhin mo.
  • Pero ano ba ang dahilan kung bakit ako'y papatayin mo?
  • Samantalang ako'y binigay lamang sayo.
  • Kwento ni Direk
Friday.

Sana may magandang regalo sa akin ngayon…
Gift of LURVE. Chareng. 😂
Pay day please. Tangina. Uga na. Hahahahahaha. Na ughan akoang pitaka. 💔😩😔😭

If you could show care & compassion to anybody who needs help, they will always remember how you brought them up in the times where they need comfort the most.

Thoughtful gifts from 2 different patients. Natuwa ako kasi gutom ako, e yan oh snack na plus may pitaka nako for coins. Thank you💞

Mandurukot

Bakit kaya may mga taong nabubuhay sa paggawa ng maling bagay? Yun bang, hindi tama at kahit kailan ay hindi magiging tama. 

Araw ng Martes, ika-4 ng hapon ng mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari.Napakasaya kong naglalakad papunta sa istasyon ng tren kasama ang aking dating kaklase. Masaya kaming nagkwentuhan sa mga bagay-bagay na nangyayari sa amin ngayong kolehiyo. Nadaanan namin ang mga kainan tulad ng Chowking at Jollibee. Sa wakas ay nasa harap na kami ng istasyon, kailangan nang inspeksyunin ang aming mga dala. Laking gulat ko nang makita kong bukas na ang aking dalang bag. Natakot ako at inisip kung nasaan na ito. Hinanap ko ito sa loob ng aking bag ngunit wala akong nakitang cellphone at coin purse dito. Mangiyak-ngiyak kong tinawag ang aking kaklase upang sabihin sa kanya na ako’y nanakawan. Bumalik kami sa tapat ng Chowking at tinanong ang gwardiya doon kung nasaan makikita ang mga nakukuha ng CCTV. Agad kaming pumunta sa Baranggay Hall at doon ko nakita ang kawatan na dumukot sa aking telepono at ng aking pitaka. 

Umuwi akong kabado at pagkauwing-pagkauwi ay sinabi ko ito sa aking magulang. Doon ay umiyak na ako at sinabing mag-iingat na ng husto.

Bakit kaya may mga taong kayang gumawa ng ganong bagay? Hindi ba nila naisip na ang kanilang ninanakawan ay salat din sa kayamanan? Hindi ba nila naisip na salat din ako ngunit hindi sumagi sa isip ko ang magnakaw? May mga tanong talaga na kay hirap sagutin, mga tanong na kay hirap abutin para sa mga taong may matinding pangangailangan. 

Sana ay sumagi sa ating isipan na ang pagnanakaw ay hinding-hindi masosolusyunan ang ating mga pangangailangan at pagkukulang. Ang pagnanakaw ay mali, at kahit kailan ay hindi magiging tama sa mata ng ating Panginoon.



Isang umaga ng Sabado ganap na alas nwebe ng umaga. Mayroon akong binabalak na dapat tapusin kaya nagbigay kagad ako ng mensahe sa amo ko na nakasaad na liliban muna ako ngayon. (Nais kong mafeel ang peace of mind in a while). Sa aking pupuntahan, tila parang napakalabo ng mga eksena. Bakit kamo?
Walang laman ng kayamanan ang pitaka ko. Kaya umalis ako ng bahay ng walang kadala-dalang pera at masakit ang sikmura. Kahit kumakalam ang tiyan ko. Pumunta pa rin ako ng atm machine ngunit sa mapait na resulta ay unavailable ang serbisyo nila. Gusto ko sanang gamitin ang midas touch ko. Gusto ko sanang gawing ginto ang machine kaso baka iba rin lang ang makinabang dahil di ko mabubuhat.


Bweno! ang tanging laman lang ng wallet ko ay tumataginting na 12pesos. (May trabaho ba talaga ako o wala? Oh sadya lang na minaliit ko ang dose pesos at hindi ko to vinalue as a money) Naghanap ako ng ibang atm machine gaya ng bdo at ucpb ngunit bigla namang bumuhos ang malakas na ulan sa paglalakad ko. Hindi kaya signus ito na may paparating na malaking pagsubok or di kaya blessing na to sa itaas? Haha Ngunit ayokong isipin ang ganung bagay, dapat sigurong maghanda at mas maging maingat ako sa mga ikikilos ko.
(Ang oa ko noh)
Umulan lang at wala akong pera kung ano-ano na ang naiisip ko. So, maghihintay muli ako ng ilang minuto para tumila ang ulan. At nung tumila na.  Sabay naman ang text sa akin ng magulang ko na nabasa daw ng ulan ang mga sinampay ko. Ano pa ba ang magagawa ko, basa na eh. Alangan naman paypayan ko yun para matuyo. Huli na ang lahat. Hindi ko na siya mababalik pang muli. Yan ang trip ng tadhana eh. Pagbigyan.
Paano ko ihahandle ang insulto ng tadhana? Gaya ng dati, hingang malalim at ngiti ng konti. At pabebe wave sa salamin ng 7-11.


Naglakas loob na ako. Dapat ko ng tawirin ang masukal na daan na to. At baka maabutan uli ako ng ulan. Tinakbo ko na ng may dangal ang road papuntang jeep. And I was like “Run Forest, Go Forest, Run Forest.” At sabay pasok sa jip with matching pabaril baril sa labas parang si Jason statham. Joke Nasa lima palang kameng nakaupo na pasahero. Kaharap ko si cyclops. Namumula ang kanyang mga mata. Kung titignan mo siyang mabuti. Hindi naman siya nasa influence ng drugs.(mapanghusga lang talaga ako)  Sadya lang nireregla ang kanyang mga mata dahil sa sore eyes. Kitang kita ko sa mga mata niya ang bagyo. Mata ng bagyo. Pumasok na sa area of responsibility. At mayroong naman isang pahopiang drayber na pabwelo ng bwelo ng kotse na kala mo ay aalis na ngunit hindi pa pala. (Kala mo naman maniniwala kaming aalis ka na. Pautot mo lang yun para ikaw ang sakyan ng mga pasahero eh.) At meron din isang sigaw ng sigaw na payat na lalaki, na kala ko’y may tuberculosis at sinasabing “Konting tiis nalang, aalis na to”. Naitanong ko sa sarili ko “Gaano ka-konti ang sinasabi mong “konting tiis”. Kasing liit ng hinliliit ko. Kasing liit ng butones. Lasing liit ng butas ng skyflakes. Pinsan ba ni konting tiis si konting ingat at konting tiwala lang. Siguro naiinip lang talaga ako . Nakakarelate lang siguro ako dahil parang ang buhay ko ngayon ay hindi pa nabyahe na jeep. Sobrang init. Kailangan pang mapuno bago kumilos. Laging nagtatawag ng pasahero parang laging naghahanap ng tulong at atensyon.


Naisipan ko nalang magsulat sa maaliwalas na umaga na yun. Bihira lang akong magsulat sa phone ko. Minsan kasi parang tuloy tuloy ang pasok ng ideya kapag mismong handwriting ko ang ginagamit. Isang bolpen at maliit na papel na parang tickler. Pero tickler talaga siya. Ineechos ko lang kayo.
Sa bawat sulat ko.


Kung ano ang unang pumasok sa isip ko na magkakatugma, yun na yun. No erase. Marami akong napuna kapag wala akong maisip.


Kapag wala akong maisip. Kapag wala akong maisulat. Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Ihahanap ko muna ang mga paa ko ng magandang pwesto.  Ipoporma ng maganda ang aking likuran.Ang hirap alalahanin ng unang picture na nakikita ko sa imahinasyon ko dahil sa amoy ng katabi ko pero ang alam ko lang dapat akong mag isip ng makabuluhan at masaya. So, focus dapat.
(Kahit nilibot ko na ang lugar na to noon, parang di pa rin ako nakukumpleto.)


At sa biglang pagfflashback ang mga nakakastress na pangyayari ng buhay ko. Wala naman ako sa trabaho pero yun pa rin ang dumadaan sa isipan ko. Dumaan ang jeep sa mabahong lugar ng Pasay. San ka ba naman makakakita ng pati kalye iniihian?


(Muli kong idinilat ang aking mga mata. Baka sakaling mayroon paghuhugutan sa paligid ngunit wala pa rin. Isa pa rin itong mabagal na biyahe na buhay ko. )
Nakakapagod isipin ang mga nakakapagod na bagay. Sobra!

Ngunit masarap pa rin talagang pumikit. Ang sarap i-mix ang ingay sa labas at ingay ng katahimikan sa isip ko.
Siguro nga nasanay akong kapag magulo na ang lahat na parang walang patutunguhan. Kailangan ko talagang magpahinga kahit ilang Segundo lang.


Kapag wala akong maisip. Ang bagal ng oras. Kapag naman ang dami kong naiisip. Kulang ang oras ko kung tutuusin. Tanging hiling ko talaga. Konting oras pa para sa sarili ko at para sa kinabukasan ko. Ang buhay nga naman. Laging opposite. Laging may challenge.
(Huminto ang sasakyan dahil maraming nakaharang na jeep sa aming harapan.)


Habang tumatagal ang aking pagpikit. Napapahimbing ang pag iisip ko. Hindi ko feel na para akong genius sa ginagawa ko. Dahil kailan man hindi ko tinanggap na ganun ako. Ayoko rin tawaging ex-genius. Walang ex. Sa paggawa ng muta ng mga mata ko. Ang saya ng  feeling ng tuloy tuloy ang beat ng puso ko at ng kwento  sa isipan ko.
Ang daming tumatakbong konsepto. Ang dami kong naiisip na ideya. Ang dami  kong gustong gawin pero hindi ko naman maisulat paisa-isa.


(Pumasok naman ang isang batang nagbibigay ng sobre at kakanta. Dahil nakapwesto siya sa harapan ko. Ang sobre niya na mismo ang ginamit kong sulatan kaso sobrang dumi rin ng papel.) Useless. Sa totoo lang, umay na umay na ako sa ganitong sistema. I mean, sa sistema ng pamumuhay ko kapag iniisip ko pa. Nagtataka na rin ako sa sarili ko. San ba papunta ang lahat ng to?


Naguguluhan ako. Nawawala sa konsentrasyon ang pag-idlip ko.  Saan ba ako magfo focus. Sa pag tulog nalang o sa pag-iisip.
Sa malungkot na pamumuhay ko na gumugulo sa puso’t isipan ko. Parang ayoko ng ituloy.

Muka rin akong tanga dahil didilat lang ako para magsulat. Dilat sulat. Dilat sulat.
(Hindi maiiwasang gumising para iabot ang bayad ng ibang tao. Ganyan talaga ang buhay. May gagamiting ibang tao para makapunta tayo sa paroroonan)


Pinipigilan ko nalang ang akin luha. Ang pangit kayang umiyak ng walang karamay. Naalala ko sa tuwing may problema ako. Ngumingiti ako ng matagal.

Minsan parang gusto kong sumali sa piyesta ng mga dahon. Parang gusto kong magpaypay sa ihawan na may dahon. Bentahan niyo ako!
Bakit ko ng ba ginagawa to? Sumusulat ako para malaman ko kung sino ako.

Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit napakalupit ng mundo na to.
(Napansin ko na ang mga kasama ko sa jip ay tulog na halos)


Sana mayroon akong mahabang etits para makipagsex ako sa mundo na to. Mahina ako magvisualize ng bagay. Pero kapag sa tabi ko may image akong nakikita mas madali kong naeenvision ang mga ito sa pagpikit ko.


Kailan kaya gaganda ang balasa ng baraha. Hindi pa rin ako nakakadali. Marami ring nasasayang na datus sa utak ko. Sa mapanlinlang na kapaligiran.

Minsan pa bigla ko naman nakalimutan yung naiisip kong nakakatawa nung nasa bahay ako. Minsan kahit na may nakaappreciate ng ginawa ko parang sa sarili ko. Sana kinausap ko nalang siya ng personal. Hindi ko nalang isinulat.


Siguro bahala na talaga. Ang bahala na talaga ay kahalintulad ng bathala nalang ang bahala. Ang mahalaga ngayon. Naisusulat ko ang gusto ko. Naipapadama ko ang gusto ko. San man ako dalhin ng alon. Alam kong buhay pa rin ako kahit anong wave pa yan. 
San man papunta?  Konting tiis pa. Aandar na. http://ift.tt/1JlhnmB
Ulat sa Isang Maikling Kwento

Ang Kalupi

Ito ay isa sa mga maikling kwento na  isinulat ni Benjamin P. Pascual. Ang mga tauhan na nasa kwentong ito ay si Andres Reyes, ang sinisi na nagnakaw ng kalupi, si Aling Martha, isang ina at ang may ari ng kalupi, si Aling Gudyang, isa ring ina at ang inutangan ni Aling Martha dahil nawala ang kanyang pera, Pulis, ang nag-imbestiga sa nawawalang kalupi. Ang insidente na nabanga ni Andres Reyes si Aling Martha ay naganap sa palengke.

Ang kwentong “Ang Kalupi” ay nag simula lahat sa pag-alis ni Aling Martha sa kanilang tahanan para pumunta sa palenke at mamili ng mga gulay at iba pang pagkain panghandaan sa anak niya. Nang nasa palengke si Aling Martha, ang siko ng isang bata  ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib, nagalit si Aling Martha at humingi ng pasensya ang bata. Tumuloy si Aling Martha hanggang sa dumating siya sa paninda ni Aling Gudyang, doon niya napansin na ang kanyang pitaka ay nawawala, kaya umutang muna siya kay Aling Gudayang. Bigla niyang naalala ang batang nakabangga sa kanya, siya ay hinanap ni Aling Martha at nang mahanap niya, idinala niya sa pulis.

Nang yari ang saglit na kasiglahan nang sila’y tinatanong ng pulis, sinabi ni Aling Martha na nung pagka banga ng bata sa kanya, sumunod ay nawala na ang kanyang pitaka. Napunta  sa tanong ng pulis si Andres kung ano nang yari sa kaluping nawawala. Dahil sa galit ni Aling Martha, inaakusahang siya ang kumuha ng kanyang pitaka. Dito makukuha ang pangunahin suliranin sa kwento na pagkawala ng kalupi ni Aling Martha at ang pagdala sa presinto at akusa kay Andres Reyes. Ang pangalawang suliranin ang ay ang panlaban ni Andres sa masakit na pangurot ni Aling Martha sa kanya.

Ang kasukdulan ay tumuloy sa pag-iimbistiga ng pulis kay Andres, at nang lumalaban ang bata sa pangungurot ni Aling Martha sa kanya, tinakasan niya siya. At sa pagtakbo niya patawid ng kalsada, siya ay naaksidente. Sa huli ng kwento, sa pag uwi ni Aling Martha sa kanilang tahanan, doon niya nalaman na ang kanyang nawawalang kalupi ay naiwan lamang niya.

Ang tema ng kwentong ito at huwag tayo manghusga ang sa panlabas na kaanyuan kundi ang dalisay na kalooban.