pinoyculture

9

9 Randomly Chosen Kapampangan Words

I got bored and I took out words from a Kapampangan dictionary dating from the year 1732, and these are the words I stumbled upon.

“Language is the road map of a culture. It tells you where its people come from and where they are going.”
- Rita Mae Brown

Kultura ng Pinoy na hindi mawawala sating lahat.

Maaring yung typical “Pinoy” ang gumagawa nito. Ano nga ba ito?

Kultura ba masasabi o nakasanayan lang? Kayo na lang ang magtama ha?

Ito yung nakatago ang lahat ng bago, at ang lahat ng bago ay para sa bisita lamang.

Nararanasan mo rin ba ang mga tagpong ito?

  • Ang lahat ng tupperware naka display lang sa kabinet maaring magamit ito kapag may outing o kaya naman timplahan ng gulaman kapag may bisita yung Pitsel na Tupperware.
  • Ang kumot na sobrang lambot, kapag may bisita kayong tutulog sa bahay niyo, siguradong ipagbubukas ito ng nanay mo.
  • Minsan nga pati ang tuwalya, yung may TAG pa na tuwalya ang ibibigay dahil nga sa makikiligo ang bisita na maaring galing sa ibang bansa, o kaya naman matagal nang hindi nakita.
  • Pati ang makikintab na kutsara na akala mo treasure, naalala ko dati ang mga Gold na Kutsara Tinidor na pinapagamit pa sa bisita dati, yun pala kulay gold lang at hindi tunay.
  • Ang mga plato, babasagin na malalaki ang bilog, tapos sa inyong mag-anak eh yung plastic na plato lang.

Isang patunay kung gaano ka hospitable ang isang Pilipino, tipong kung hanggang maari eh bago eh ipapagamit ito mapaalam lang na espesyal ang taong ito. Ito ang nakakatuwa bakit ang sarap isigaw sa Mundo na “ AKO AY PILIPINO ” dahil sa respeto ng lahat ng nakakasakop nito sa bawat isa.

Basta SALE ugali na ng Pinoy sugurin ang mga Malls.

Kahit wala ng makain, kahit wala ng pang tuition hala sige makabili lang ng sale na damit papatusin na ito ng ating mga kababayan. Paano pa yung mga taong may kaya diba? Lalo na kapag may tatak naman talaga ang damit at matagal mo ng gustong bilhin ang damit na ito, hindi bat napakasaya nga naman mabili ang damit na gusto mo sa murang halaga? 

Isa sa nakakatuwang kultura ito ng Pinoy, talagang susugod sa mall kahit umuulan kahit sobrang init at kahit na maraming tao. Nauuso pa nga ang dukutan kapag siksikan isa ring hindi mawawala na ang mga taong mapagsamantala, pero wala tayong magagawa minsan nga lang naman daw may sale.

Marami sa atin ang nahihilig sa mga sale na damit, dahil bukod sa nakaka tipid tayo eh pwede pa nating doblehin ang damit na bibilhin natin. Ganun din naman eh, gusto mo lang rin naman yung disenyo ng mga ito. 

Pag nakita na si 20%,50%,70% on selected items hala! Sige lang! Sugod dito, bayad doon, swipe ng credit card dito kuha ng lukot na pera doon. Nakakatuwang kultura ng pinoy na sa likod ng kahirapan ng ibang tao eh nagagawa pa rin nila ang gumala at gumasta ng pera para mapasaya ang sarili o kaya naman ang pamilya.