pinoy text

Gusto kong magpalamig at mag-ikot sa baguio kasama ka.
Gusto kong mag kape at mag bulalo sa tagaytay kasama ka.
Gusto kong mag cebu at sabay na tatalon sa bawat talampas habang magkahawak ang mga kamay.
Gusto kong mag perya at sumigaw sa itaas ng chubibo kasama ka.
Gusto kong mag isaw at sago’t gulaman kila aling bebang kasama ka.
Gusto kong mag roadtrip patungong subic kasama ka.
Gusto kitang dalin sa manaoag at sabay na idarasal ang ating mga hiling.
Gusto kitang ihatid sa trabaho at ipagmaneho kahit saan mo gusto.
Gusto ko kasama kita.
—  Aalis tayo
Tips to avoid "Malalandi"

Whenever someone is hitting on you, or let’s say nararamdaman mong nilalandi ka niya, wag kang maging pamigay na ibubuka mo na agad at ibibigay ang lahat, maling mali. Maging matalino ka, magisip, gamitin ang utak, wag magpakatanga at magpakahulog sa mga matatamis niyang salita para sa huli, hindi ka iiyak at masasaktan. 

Here are the tips to avoid those malalandi na ang habol lang sayo ay ang anez mo:  

  • Pag tinawag ka niyang “baby/babe” na kunyari ‘di niya sinasadya at na-typo lang siya, tawanan mo lang, or replyan mo siya ng “mommy/daddy”. 
  • Pag tinanong ka niya if virgin kapa or hindi na, always answer “depende” tapos sabay joke. Hahaha jk 
  • Maging investigator ka, alamin mo lahat, tingnan mo mutual friends niyo, kapag madami kayong mutual friends or friend niya ang ex mo or crush mo or yung isa mo pang crush… malandi yan. Cancel! 
  • Tingnan mo mga profile pictures niya, click the heart reaction, kapag madaming nagheart tas malalandi rin sila, alam na, malandi rin siya. 
  • Look the like section sa Twitter account niya, dun mo malalaman kung maharot siya or hindi based sa mga nilalike niya. 
  • Sa instagram, tingnan mo ang following niya, kapag puro mga pakarat ang mga pinafollow niya, alam na. 
  • Kapag consistent siya sa paglalandi sayo, and hindi niya inaalam ang personal info mo, magpaalam kana agad sa kanya, forever. 
  • Kapag hindi siya consistent sa pagkakausap sayo, kahit wala naman siyang kinakabusy, at kakausapin kalang niya kapag bored siya, magisip isip kana. Hindi ka laruan na lalaruin lang kapag bored. 
  • Kapag tinatanong niya lagi if walang tao sa inyo tas pupunta daw siya, wag mo nang kausapin, magnanakaw yan. Wala ngang tao, bakit pupunta sa inyo? Bobo amp. 
  • Ask mo agad if may Tumblr blog siya, if meron cancelin mo na agad. Malandi yan 100%.

So far ayan lang naman, if you have something to share or suggest let me know thru comments or just Tumblr ask me here. Hahahaha

Minsan dapat din nating maintindihan na hindi lahat madadaan sa galit.
  • Nagagalit ka kapag nagdodota siya. Pero ‘di mo ba narerealize na mas mainam maglaro kesa mambabae siya?
  • Nagagalit ka kapag 'di nakakapagreply agad. Bakit sa tingin mo sayo lang ba umiikot ang oras niya?
  • Nagagalit ka kapag may kausap siyang ibang babae. Bakit sa tingin mo lahat ba ng makakasama niya mamahalin niya agad-agad?
  • Nagagalit ka kasi hindi ka niya maisama sa mga lakad nila ng barkada niya. Hindi mo ba naisip na kailangan din niya ng oras para mag-enjoy ng wala ka?
  • Nagagalit ka kapag nagagalit siya. Bakit ikaw lang ba karapatang magalit at masabihan ng salitang “SORRY”?
  • Nagagalit ka kasi hindi ka niya sinasabihan ng “I love you”. Bakit hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niyang kilos para maramdaman mo yun?

Simple lang naman ang solusyon diyan. Kung 'di mo kayang tanggapin kung sino siya, kung anong mga ginagawa niya, kung anong kulang sa kanya. Itigil mo. Ibreak mo. Kung 'di mo matiis na hindi ka niya nilalambing, odi iwan mo siya. Maghanap ka ng taong iintindi sa pagkatao mo. Kung hindi mo kayang mahalin ang mga bagay na nakasanayan niya ng gawin, 'wag mong pahirapan ang sarili mo. Ganun lang 'yun. Darating din naman siya sa puntong magsasawa na siya sa mga ginagawa niya at siya na mismo ang gagawa ng paraan para sa relasyon niyong dalawa. Pero kung 'di mo maintay yun. Humanap ka nalang ng taong sasabay sa topak ng utak mo.

Wala ka sa fairytale. Hindi lahat ng bagay gagawin niya para sa'yo. Gumising ka sa pananaginip ng kasiyahan. Hindi lahat kayang magbago. Tanggapin mo lang kung ano siya, kung sino siya, ganon ang tunay na pagmamahal. Hindi naghahangad. 

Ano nga ba ang pure, genuine or pirated na tao?

Para sa akin, maraming bagay sa ating mundo na mapipirata, DVD, CD, at album. Pero ngayon pati tao pala ay meron na. May iba’t ibang klase ng pirata yan:

  1. Poor Pirate - ito yung tipo ng mamimirata nalang hindi pa malinis ang pagkakapirata, halatang pinirata lang at maraming tao ang umaayaw dito, pwedeng pagtiisan pero hindi satisfied ang taong nakakaencounter nito.
  2. Edited Pirate - eto naman yung mga nagevolve from poor pirate (parang pokemon lang) may konting improvement, dito, cut ang mga pangit na kuha, or yung mga kuha na mahahalatang pinirata lang pero kapag itinabi mo sa original ay waepek pa den.
  3. Clean Pirate - eto yung magagaling mamirata, madalas silang napapagkamalang edited pirate, pero sila yung hindi kelangan ng edit, malinis ang kopya, pero halatang pirata pa rin dahil sa mejo poor quality
  4. Copy pirate - eto yung pirata na nga, pinirata pa, kumopya sa isang pirata, at parang epidemia na mabilis kumalat, ito yung mga poor ang originality, at sobra manggaya eh nanggaya lang din ang kinopyahan
  5. Very Clean (DVD copy) pirate - ito yung napakaperpekto ng pagkakakopya, na sa pagtingin mo ay parang parehas lang talaga ang original at ang kopya, ito yung lahat nalang pati yung special features nung pinagkopyahan ay kinopya, in short, walang originality talaga, ito yung type na mahirap malaman, pero ito yung habang tumatagal, pagkanagagasgas ay lumalabas ang defects, kaya best ang orig.

Ang original ay maganda, kahit na poor ang pagkakadevelop sa original ay may sariling features pa din, hindi tulad ng kopya lang na walang sariling gawa. Huwag maging pirata, dahil ang pirata ay walang magandang naidudulot. Ang genuine ay puro na ring maituturing, na parang perlas na nagasgas at pahirin mo lang ay kikintab muli, hindi tulad ng fake na gasgas ng tuluyan. Maging totoo ka sa sarili mo, dahil sumisikat ang tao hindi sa pag dagdag sa anino ng isang tao kundi sa paggawa ng sarili niyang kinang. You are born an original, you shouldn’t die a copy.

Ang masakit kasi talaga eh yung everything seemed perfect tapos bigla ka na lang niyang iiwan, walang pasabi, walang signal. Basta iwan na lang. Kahit naman sa friendship or sa boy girl relationship e masakit ‘to. Na ang saya nya with others tapos ikaw..hinihintay mong lapitan ka niya tapos ayusin nya ulit lahat nang sainyo, pero hindi. Hindi na mangyayari yon kahit gustong gusto mo.