pinoy quotes

Huwag mo muna akong pakawalan, pakiusap. Hindi pa ako handa. Hindi mo naman ako inabisuhang malapit na pala tayo sa dulo. Wala pa sa kalahati ang may marka sa mga planong balak sana nating kulayan. Akala ko'y may pang habang-buhay pa tayong pagsasamahan. Akala ko nangako tayong walang wakas. Akala ko maghahawak kamay tayo sa bawat sayaw ng buhay. Akala ko hindi magpapatangay sa alindog na nasa kapaligiran. Akala ko takot ka sa mga pansamantalang bagay. Hindi ko maunawaan ang pananaw mo. Hindi ba’t kabisado mo na ang kinaroroonan kahit hindi na kita gabayan. Alam mo na dapat ang bawat pasulong. Hindi ko alam kung bakit naliligaw ka. Hindi ko alam kung bakit pinili mo ang pait ng lumbay laban sa tamis ng pag-ibig.
Alam kong tapos na tayo kahit hindi naman talaga tayo nagsimula. Pero sa puso ko parang totoo ang lahat.
Magkaibigan lang. Pero pupuntahan ka ng alas dose ng madaling araw para lang makita ka.
Magkaibigan lang. Pero hindi na mabilang yung bawat halik at yakap.
Magkaibigan lang. Pero kasama mo sa bawat pagdiriwang ng musika.
Magkaibigan lang. Pero may bigay na isang dosenang rosas noong araw ng mga puso.
Magkaibigan lang. Pero pag-gising mo sa umaga siya ang una mong makikita.
Magkaibigan lang. Pero ipagmamaneho ka kahit saan.
Magkaibigan lang. Pero nagpapalitan ng matatamis na salita.
Magkaibigan lang. Pero imbitado sa bawat handaan kasama ang pamilya.
Magkaibigan lang. Pero laging may dala ng paborito mong pagkain.
Magkaibigan lang. Pero siya ang unang tutulong kapag may nangyaring hindi inaasahan.
Magkaibigan lang. Pero katabi mong inaabangan ang paglubog ng araw sa may aplaya.
Magkaibigan lang. Pero laging may pambungad na regalo kahit wala namang okasyon.
Magkaibigan lang. Pero papangitiin ka sa kahit na anong paraan mawala lang yung lungkot sayong mukha.
—  Kaibigan lang. Bawal lumagpas.