pinoy kowts

Lumayo ako hindi dahil sa gusto ko lang kundi dahil kailangan. Ito lang ang nakita kong paraan para makalimot at makapag-isa. Gusto kong makawala sa mundo kung saan ikaw lang ang nakikita ko. Masakit kasing umasa. Nakakatuyo ng pagkatao ang umiyak nang umiyak sa twing naaalala kita – hindi lang gabi-gabi kundi oras-oras. 

Kung kaduwagan ang paglayo ko sa'yo ay tanggap ko na. Siguro hanggang dito na lang talaga. Suko na kasi ako. Minsan na akong lumaban pero wala rin namang nangyari. Pero sa kabila ng lahat ay wala akong pinagsisihan. Ang mahalin ka ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Lumayo ako dahil ayaw kong ikaw ang maging dahilan kung bakit katakutan ko ang salitang pagmamahal. Ang gusto ko, ang pangalan mo ang magpapaalala sa akin kung bakit masarap at masayang magmahal.

—  Lumayo ako dahil mahal kita.