pinoy gifs

Relationships are never easy. Some days you’re going to wake up and that love you know you have for the person in the bed next to you, isn’t going to come so naturally. We always say “no one told us it was going to be this hard” but they did. We choose not to listen because it seems so unreasonable that one day, you will find yourself doubting your love for that person. The only way you can make a relationship last is if you work at it every day and never give up on it. Because if you fight and argue and quarrel with that person and still can’t imagine leaving them, then you love them. And that’s the kind of love that’s forever.

May mga taong darating sa buhay natin para baguhin ka o darating para baguhin mo sila. Hindi mo alam kung bigay ba o pahiram lang, darating para mahalin ka o para saktan ka lang. Pero kahit sino pa man ang taong dumating sa ating buhay isa lang ang sigurado, mag iiwan sila ng isang leksyon, maganda man o hindi, isa lang ang dapat mong gawin, tanggapin mo ito ng buo sa puso, dahil iyon ang huhubog sayo sa kung ano ka sa mga darating na panahon. Pwedeng magdulot ito ng kapighatian o maging isang dahilan para lalo kang tumibay. Sa pagtakbo ng buhay wag na wag mong pagsisihan ang mga bagay na nagawa mo, tama man ito o mali. Bagkus ang pagsisihan mo ang mga bagay na hindi mo ginawa para maitama ang mali.

Minsan hindi mo naman kelangan matakot subukang bigyan muli ng isa pang pagkakataon para umibig at maging masaya ang puso mo. Madalas takot ka lang talagang sumubok, takot kang MAPAG-IWANAN, takot kang MASAKTAN, takot kang makita ang taong mahal mo na may ibang mahal na, takot kang tanggapin ang katotohanan na minsan sa buhay mo iibig ka sa taong may ibang mahal na, takot kang MAGSISI at higit sa lahat takot kang MAG-ISA.

Pero paiiralin mo nalang ba ang mga bagay na kinatatakutan mo? Iyan kase ang problema sa atin. Kasi yung nakikita nila sa iba akala nila magiging ganun din ang kapalaran nila. Masyado tayong nagpapadala sa mga bagay na sa mata lang binabase. Kaya nagiging masikip ang mundong dinadaanan natin. Kasi imbis palawakin ikaw lang at ikaw ang nagdadala ng paa mo sa lugar kung saan mas masasaktan ka.

Minsan hindi naman masama sumubok, magiging masama lang yun kung HINDI MO PA SINUSUBUKAN INIISIP MO NA ANG KAHIHINATNAN.

Yung taong magpaparamdam sayo na mahalaga ka. Yung taong sasaluhin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Yung nandyan palagi para i-comfort ka. Yung taong hindi ka iiwanan sa ere. Yung taong palaging nagbibigay ng space para sayo sa buhay niya. Yung taong handang mapahiya sa iba para mapasaya ka. 
Kung yung taong yun ay kilala mo na, wag mo nang hayaang mawala pa. Ako? Minsan na akong nakakilala ng taong yun pero pinakawalan ko. Kaya ngayon, sising-sisi ako. Ngayon, naiisip ko nalang ang katangahang nagawa ko. Kaya wag mo na siyang hayaang mawala sao. Wag mong ipagtabuyan. Baka mapagod sayo, biglang magbago.