pinindot

8

Being an IT student,

So i pleased my girl na idownload niya yung application na ginagawa ko sa thesis habang magka videocall kami. (Knowing na para di talaga sa thesis yung app) Habang iniinstall niya pinagmamasdan ko siya, tapos nung nag appear na yung welcome screen sabi pa niya “ay wow puso” kaya sabi ko “wala eh ganyan thesis namin e” tapos nagpipigil nako ng tawa. Nung pinindot na niya yung start. Napunta sa isang page na may text banner sa taas. Tas may isang yes na malaki. HAHHAHAHAHHA yung reaction niya God, priceless. Sobrang thankful talaga ako sa babaeng to @masakate . Sabi ko sige pindutin mo. tas isang message na simple yung bumulaga sakanya. Ang sarap talaga sa feeling na napapangiti ko siya hays. So ganyan ko talaga gagamitin pagiging programmer ko sa panlalandi sakanya

ONCE UPON A TIME, NAGCHAT NANAY KO SAKIN.

Kapag kausap ko yung mga kaibigan ko lalo na kapag sa peysbuk, kung anu-ano nalang yung nasasabi ko. Para bang diko pinag-iisipan yung mga tina-type ko. Sadyang kapag nabasa ko yung chat nila, may instant reply na agad ako sa utak ko.

Pero iba pa rin pala kapag kausap mo yung crush mo. May parang dagdag na 5 seconds sa bawat isang segundo. Gets mo ba? Basta parang bumabagal yung oras. Hindi ako ganun masyadong nakakapag-isip. Bawat reply niya, parang essay sa exam. Tapos 20 points pa. Dapat maganda ang construction ng sentence, maayos ang grammar at yung pinaka main thought. Dahil kapag pangit, makakakuha ka lang ng 5 points for effort.

Nung isang araw late na akong nakauwi sa bahay. Na kay classmate kasi ako naglalaro kami ng bahay-bahayan. Habang busy ako sa kakatingin ng pictures ng crush ko sa instagram niya, bigla na lang nag pop up sa phone ko yung mukha ng nanay ko. Nagulat nga ako eh, di man lang ako informed na may instagram account na pala nanay ko. Iba-block ko sana. Hihi. Ayun na nga, nag message pala siya sakin sa peysbuk. Sa pagkakatanda ko, naka open yung messenger ng facebook ko sa lahat ng mga friends ko pwera lang sa nanay ko. Kainis diba? Hindi ko muna pinindot dahil ayokong I-seenzoned yung nanay ko. Masasaktan lang yun. Sabi kasi ng chat niya,

“Asan ka?”

Naghintay muna ako ng mga 10 minutes, umaasa kasi ako na baka di na siya magreply ulit pero as usual, dahil makulit ang nanay ko, nagpop up ulit yung mukha niya and by this time, medyo kinabahan nako ng mga 10 times, sabi niya,

“Alam kong online ka. May tatanong ako sayo. Reply agad.”

Lahat na ata ng internal intestines ko, large or small man ay gumagalaw ng wala sa oras.

“Alam kong online ka.” Pero paano. Inunfriend na kita nanay.

“May tatanong ako sayo.” Opo ma, pinost ko po sa peybuk yung mga selfies niyo sa bakuran natin pero dinelete ko rin po agad yun eh. Huhu.

 "Reply agad.“ Paano kung sabihin ko sayong ayaw ko? Bleh :p

Kabang-kaba na ako nun. Di nako mapakali. Kaya habang nag-iisip ako ng irereply ko, bigla ko nalang nakitang nagta-type na siya.

typing..

typing..

typing..

Hindi ko alam kung nobela ba tong itatanong ng nanay ko, o baka puno ng mga pagsesermon lang ang mga nakalagay. Inoff ko muna yung phone ko. Nagdasal ako ng mga three times then biglang tumunog phone ko. Like this oh, "Tingggg!” Binuksan ko agad, tapos nakita ko na naman yung mukha ng nanay ko, tapos pinindot na yung message niya.

“Bigyan mo ko ng buhay sa candy crush. Wala nakong buhay.”

Kayo nalang magjudge sa kanya. Hays. Aray ko bhe </3

Pre, magsulat ka.

Wala yan sa lalim ng iyong tinuturan o sa babaw ng mga kung anu-anong ka-anuhan ang gusto mong isulat. 

Wala yan sa kung ano ba ang mas kahangahangang salita kung pareho lang naman ang nais mong ipahayag.

Wala yan sa sasabihin ng iba kundi sa tanging mga salitang sasabihin mo lang.

Wala yan sa “Ano raw?” dahil sa di-pamilyar na salita, wala rin yan sa “E ‘di wow” dahil sa simpleng pangungusap na may matapang na pagpapahayag.

Kung gusto mong magsulat, magsulat ka. Titulo lang ang salitang manunulat o writer. Kung ano ang gusto mong sabihin sa mundo - positibo man o hindi - ipahayag mo. Tutal, buhay mo naman yan eh. Matanda ka na rin para malaman kung ano ba ang mga consequences na maaaring mangyari.

Wag kang magpapapigil sa iba. Wag mong isara ang takip ng ballpen mo. Wag mong i-shutdown ang laptop mo. Wag mong i-log out ang mga social media accounts mo.

Wala yan sa kung anong sasabihin nila. Wala yan sa numero ng mga likes sa mga salitang inilahad mo. Wala yan sa bigat ng mga comments nila o sa kung ilang beses ba nilang pinindot ang reblog sign at hearts sign.

Pre, magsulat ka. Walang pipigil sa'yo. 

Ang aking damdamin para sa The Most Painful Battle

WARNING: Punong puno ng SPOILER ito.

Winarningan kita ha, ikaw ang makulit.

Tatlong beses na-ipost ang The Most Painful Battle at dalawang beses itong nabura.

Una: Noong nasa Wattpad pa ito at “Pierce Love” pa ang pamagat nito. Hindi ko siya tinuloy at binura ko.

Pangalawa: Naisip kong ibalik ito at i-repost dito sa website / blog ko at naisip kong palitan ang pamagat, ginawa kong “The Most Painful Battle” dahil naisip kong masyadong plain at walang masyadong meaning ang naunang pamagat.

Pangatlo at huling beses: Naisip kong mas madaling mag-post ng kwento sa Wattpad kesa sa website ko kaya pinost ko ulit doon, dinala ko ang pamagat na “The Most Painful Battle” at doon ko na ipinagpatuloy ang laging nauudlot na pagu-update ko sa mga kasunod na kabanata.

Nagsimula lang kasi talaga ang kwentong ito sa “trip trip” lang, ang tanda ko tinatapos kong isulat noon ang She Died (?) pero medyo nara-writer’s block ako kaya naman naisipan kong gumawa ng kwentong pampawala ng stress, pampa-lipas ng writer’s block, ‘yung trip mode na kwento lang talaga kaya naisip ko itong The Most Painful Battle (o noon ay Pierce Love) Basta ko lang pinindot ang “create” a story sa Wattpad, tinitigan ang blangkong pahina at inilapat ang mga daliri ko sa keyboard at nagsimulang i-type ang isang “ewan” na prologue, habang sinusulat ko ang panimula ng kwento, hindi ko pa alam kung ano talaga ang plot, may idea lang ako na gusto ko ng character na “may pahed”, tipong nakaka-turn off, hindi “ideal” kaya naisip kong gumawa ng isang “feeling gangster na tambay na jejemon na character”, sawa na kasi akong mag-describe ng “gwapo, hot, mayaman, matalino, sexy” na mga bidang lalaki kaya naisip ko “siya”. Si “siya” ay wala pang pangalan habang tinatype ko ang prologue, hindi ko tanda kung paano ako nakarating sa pangalang “Pierce Useda”, naisip ko lang na dahil may pagka-feeling gangster at siga itong character na ito, dapat trying hard itong pumorma at magmukhang siga kaya dapat may highlights ito at may mga “piercing” at doon ko siguro nakuha ang pangalang “Pierce”.

Pero sa prologue na tinatype ko noon ay kailangan pa ng isang character, ang kaibigan ni Pierce Useda. Pero wala akong alam na pangalan na ibibigay dito, dahil biglaan at trip lang talaga 'yung kwentong iyon hindi ako nakapag-prepared ng mga pangalan. Wala akong maisip, ayaw ko ng normal na pangalan, gusto ko 'yung “nakakatuwa, madaling tandaan”, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pumasok sa isip ko ang salitang “orangutan” (hindi ko talaga alam kung bakit, wala namang konek sa ginagawa ko noon), dahil doon ay pinangalanan ko ang isa ko pang character na “Oranggu Tan”, double “g” talaga para hindi naman hayop na hayop ang pangalan niya. HAHAHAHAHA! 

At naisip ko rin na kung “feeling” gangster sila, hindi ba dapat may gang o grupo man lang sila? At dahil “jeje” at mga jologs sila, baduy at corny na pangalan ang ibinigay ko sa “little feeling gang” nila, “The Pogi Gang” at dahil kailangan din ng mga pangalan sa mga iba pang members (hindi naman pwedeng dalawa lang sila ni Oranggu sa gang hindi ba?) ay naisipan kong A, B at C na lang ang mga pangalan ng mga kasamahan nila dahil tinatamad akong mag-isip ng mga pangalan. Trip nga lang e, hindi talaga ako seryoso noon. HAHAHAHA!

At dahil pinanindigan ko ang katamaran ko at kakornihan ko ay pinangalanan kong Leaf Tea at Bana Na ang dalawa pang mga tauhan. Naisip ko 'yung Bana Na kasi gawa ni Oranggu Tan, hahaha! Oranggu Tan likes Bana Na ♥ Hindi po ako normal, hahahaha!

Sa umpisa talaga, hindi ko alam kung anong patutunguhan nitong kwentong ito, I was really just going with the flow ng itinatype ko, kung ano na lang maisip na eksena habang nagta-type iyon na lang ang susundan ko at pagbabatayan sa mga kasunod pang eksena. 

Pero syempre, patagal nang patagal, lumilinaw na sa akin ang tamang direksyon ng kwentong ito, nakaisip na ako ng dapat na plot talaga nito at ng mga dapat na pangyayari. Naisip kong panindigan ang pagiging jeje at feelingero ni Pierce, ginawa ko siyang sobrang nakaka-turn off sa mga readers at si Oranggu naman ang pinakagwapo ko sa mga mata ng mga readers (para naman makabawi ako sa mabantot na pangalang ibinigay ko sa kanya HAHAHAHA). Ginawa kong mabagal ang PIELEA moments (Pierce X Leaf) dahil gusto ko munang pa-eksenahin ang BANATAN moments (Bana X Oranggu Tan) dahil naisip kong hindi ganoon kadaling bigyan ng development ang PIELEA dahil (1) nakakadiri si Pierce XD (2) Taken na si Leaf. 

Sa BANATAN, pinagtagpo ko 'yung magka-iba nilang mundo. Isang mayaman at isang mahirap. Isang nagka-financial problem ang pamilya at isang walang ina at may mapang-abusong ama. Ginusto kong ang “pagkakaiba” nila ang maging magnet nila sa isa’t isa. Plus, may similarity din sila: parehas silang may mga pangarap; maging pianist at maging chef.

Sa PIELEA naman, ipinagdamot ko talaga si Leaf kay Pierce. Taken na nga kasi ito ni Owen Cortez (seryoso, hindi ko alam kung bakit ginawa kong “normal” ang pangalan niya, siya ata ang pinaka-normal ang pangalawan sa kwento HAHAHAHA!), hindi ko naman pwedeng paghiwalayin agad 'yung dalawa dahil lang umeksena ang bidang jeje diba? At hindi naman basta basta magkakagusto si Leaf kay Pierce kung ginawa ko ang lahat para magmukha itong ewan at sobrang nakaka-turn off sa harap ni Leaf. Alam ko ang sama kong manunulat para i-bully nang ganoon si Pierce, pero ginusto ko lang naman ng kwento kung saan “kinalala” muna talaga siya ng husto ni Leaf bago ito mahulog sa kanya. Gusto kong magkagusto sa kanya si Leaf sa kabila ng mga flaws niya, gusto ko lang talaga bumuo ng tauhan na kahit sa dami-dami nitong flaws ay may mga magaganda pa rin itong katangian at posible pa rin itong mahalin. Ayaw kong sumulat ng isang “prince charming”, gusto kong sumulat ng “normal” na tao. Masiyado na akong maraming naisulat na “prince charming”, gusto ko na ng isang “normal” na tao na punong-puno ng flaws pero unti-unting nagma-mature at nakikita ang mga magagandang katangian nito.

Naisip ko rin gumawa ng ikatlong love team, ang PINGGU!!! Pinggu = Pierce at Oranggu! Hahaha! Bromance po ito, ang gay pakinggan pero para sa akin mas natuwa akong isulat ang loveteam nila kesa sa PIELEA at BANATAN kasi habang isinusulat ko ang PINGGU ay naiisip ko ang relasyon ko sa mga kaibigan ko lalo na sa mga bestfriend ko. Pag-ibig din naman ang pagkakaibigan, hindi ba?

Pero napag-tripan ko nga ata talagang tunay itong si Pierce, naisipan kong bigyan siya ng sakit. HAHAHAHA. Feel ko lang na pahirapan sya eh, hahaha. *evil*

At dinedbol ko siya sa huli dahil

(1) trip ko lang talaga HAHAHAHA 

(2) habang sinusulat ko ang kwentong ito at kahit kaonti ay nagseseryoso na ako sa plot (HAHAHA) ay may napagtanto ako: ang tema ng kwento ay “pagbibigay ng ikalawang pagkakataon”. 

Mga ikalawang pagkakataon sa kwento:

* 'Wag husgahan ang tao sa unang beses na nakita mo siya, bigyan mo siya nang ikalawang pagkakataon para mapatunayan niya talaga ang sarili niya sa'yo. Tulad kay Pierce, sa unang basa mo sa karakter niya ay nakaka-turn off at nakakainis siya masyado pero hindi ba’t paglaon ay nakita mo ring may mga katangian siyang nakakapagpangiti sa'yo na tila ba mapapa-aww ka na lang? Nagma-mature ang tao, kaya kahit ayaw mo sa kanya dapat bigyan natin siya nang ikalawang pagkakataon na mapatunayan ang sarili niya at makilala natin siya ng husto.

* Hindi dapat tayo nagpapa-pigil sa ating nakaraan. Oo, masakit ang masaktan. Kaya nga kapag napaso na tayo ng apoy ay takot na tayong lumapit dito. Pero saan ka makakarating kung nakatali ka sa nakaraan mo? Katulad ni Oranggu, ayaw niya pang aminin ang nararamdaman niya para kay Bana dahil ayaw niya na nang panibagong relasyon, binabagabag pa rin siya ng nakaraan niya kaya ayaw niyang bigyan nang ikalawang pagkakataon ang sarili na umibig at sumayang muli.

* May mga bagay tayong nagagawa na kahit alam nating hindi tama ay ginagawa pa rin natin, hindi ba? Tapos magsisisi lang tayo kapag may nasaktan na, kapag nasaktan mo na siya, sila o nasaktan ka na. Tulad ni Owen, nalito siya saglit sa damdamin niya, he might sound like an asshole sa ginawa niyang pangtu-two time pero may mga oras naman tayong hindi tayo makapagdesisyon diba? May mga oras na nag-aalangan tayo sa mga nararamdaman natin, may mga oras na nalilito rin tayo. Nagsisi naman siya kahit alam niyang huli na. Paano niya maitatama ang mali niya kung hindi siya mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, hindi ba?

* Hindi man nagkatuluyan sina Pierce at Leaf, ay may ikalawang pagkakataon pa rin para sa kanilang dalawa, sa ibang paraan at katauhan nga lang.

Oo, “ikalawang pagkakataon” ang nakita kong tema para sa kwentong ito. HAHAHAHAHA! Ang weird ko, whatever. HAHAHAHA!

Pero masaya ako sa naging resulta ng kwentong ito. 

Masaya akong napatawa ko ang mga mambabasa, naiparamdam ko sa kanila ang sakit na nararamdaman ng mga tauhan at napa-iyak ko sila. HAHAHAHAHA sadista lang. HAHAHAHAHA! Pero seryoso, masaya ako kasi nabigyan ko ng iba’t ibang emosyon ang mga bumasa nito, hindi man lahat atleast karamihan ng parte ng mga tumangkilik dito ay naiparamdam ko sa kanilang parang totoong tao talaga sina Pierce, na buhay sila, na pwede silang mag-exist sa totoong buhay.

Pero may sikreto akong sasabihin sa inyo tungkol sa kwentong ito:

sa mga huling parte ng kwentong ito, may kaonting eksenang nangyari talaga sa akin, hindi “eksaktong” ganoon pero basta, tipong ganoon. HAHAHAHA! At iyong pagka-ospital ni Pierce, 'yung mga damdamin ng mga tauhan doon, iyon 'yung ilan sa mga damdaming naramdaman ko nang ma-ospital at mapunta sa kritikal na kundisyon ang isang malapit na tao sa akin. Kaya siguro kahit papaano ay naramdaman niyo ang naramdaman nila, kasi totoong damdamin iyong inilagay ko doon.

Salamat po sa mga nagbasa ng The Most Painful Battle, salamat sa mga nagmahal kay Pierce Useda. ♥

03/03/13

Never ako nagUnfollow. as in ever since. mas okay na sakin ako yung iunfollow tas iuunfollow back ko nalang kaysa sa ako yung mauunang maginitiate. once na pinindot ko na ung follow button sayo, never ko na babawiin. as much as, hindi ko habol yung dami ng followers; alam ko kasi yung feeling ng inuunfollow, at seryoso hindi sya maganda sa feeling, para kang sinasabihan sa muka na, “Ayoko sa mga posts mo, masakit sa mata kaya iuunfollow nalang kita….”