pinagbigyan

A day with Forevermore: Six

“Hun!” Hingal na intrada ni Elmo ng makapasok ito sa kwarto nila. Sinenyasan siya ng huwag maingay ni Julie dahil kakapatulog lang niya ng kambal, at maging siya nakaidlip narin – nagulat lang talaga siya sa pagtawag sa kanya ng kanyang asawa kaya siya nagising.

“You will not believe this.” Lumapit si Elmo kay kay Julie na nakahiga na sa kama nila. “Chineck ko lang yung room ni Sophie. Look what I’ve found.” Inabot niya rito ang isang nakatuping plain bond paper.

“What’s this?” Napatayong sabi ni Julie ng kunin niya ang bond paper na inabot sa kanya ni Elmo.

“Basta read that.”

Kahit na medyo hilo-hilo pa si Julie sa biglaang paggising niya ng alas dyes ng gabi pinagbigyan niya parin ang hiling ng kanyang asawa na basahin ang kung ano mang nakasulat sa bond paper na iyon.

And it says…

Dear Sophia,

I want you to know that you are the most beautiful pokemon I’ve ever seen. I saw your mom yesterday at the supermarket, she talked to my mom. I realized that she is a beautiful pokemon too. Anyway, mom and I will bake some cookies tomorrow. Can we go to your house to bring you some?

PS I hope your dad isn’t a cookie monster.

Your friend,

Nathan

“Uh. Ang sweet naman.” Touched na sabi ni Julie sabay tingin kay Elmo with full smiles.

“Sweet?” Inis na sabi ni Elmo. “Hindi mo ba naintindihan yung binasa mo?” Iritang sabi niya sa kanyang asawa.

“Of course naintindihan ko.” Natatawang sabi ni Julie dahil umuusok na ang ilong ng kanyang asawa sa galit.

“Bakit sweet?”

“Because it’s really sweet honey.”

“Hindi eh.” Inagaw ni Elmo mula kay Julie ang sulat at nagpaikot-ikot sa kwarto nila habang binabasa iyon. “Hindi talaga.”

“Anong hindi?”

“Manliligaw to.” Nangangamabang sabi ni Elmo ng magtama ang tingin nila ni Julie.

At dahil sa salitang binitawan na iyon ni Elmo, sumabog na ang tawa ni Julie. “Woops.” Pagpigil niya sa kanyang pagtawa ng maalala niya na tulog sa tabi niya ang kambal at hindi makakatulong ang pagtawa niya sa inis nararamdaman ni Elmo ngayon. But she can’t help it, she can’t help but laugh.

“Hindi nakakatawa.” Umupo si Elmo sa couch nila sa kwarto, hawak niya parin ang sulat na medyo nagusot na.

“Hun-” Inalis ni Julie ang kumot na nakabalot sa legs niya para makatayo at makapunta sa couch kung nasaan ang kanyang asawa. “It’s just a letter. You know our daughter better.” Pinatong niya ang braso niya sa balikat ni Elmo at nagbaba-taas ng kilay ng tumingin ito sa kanya. “Di ba nagrhyme pa.” She said with a cute giggle.

“Honey-” Humarap si Elmo kay Julie para hawakan ang magkabilang pisngi nito. Hindi niya kasi makuha na hindi magets ng asawa niya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Look. You have to listen to me okay?” Sandali niyang pinagmasdan ang asawa niya. “They’re just kids-”

“Exactly.”

Tinakpan ni Elmo ng hinlalaki niya ang labi ni Julie. “Let me finish first.”

“Okay.” Sagot niya ng tanggalin ni Elmo ang hinalalaki nito sa labi niya.

“I know what we have now is great and I don’t regret any of it. But honey-” Napakunot ang noo niya habang tinitingnan si Julie. “She doesn’t have to go through what we’ve been through.” Napabuntong hininga nalang si Elmo. “I know she’s growing up-”

“Way too fast.” Dagdag ni Julie.

“Yeah, way too fast.” Pag-agree naman ni Elmo. “But honey you see, no matter how old she gets, she’s still our baby and we have to protect her, kaya please no dating muna.”

Natawa na naman si Julie. Gusto niyang magseryoso sa sitwasyong tulad na iyon pero hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang pagkatawang nararamdaman niya kesa sa pinaglalaban ni Elmo.

“Kanina ka pa tawa ng tawa.”

“Because you sound like my dad.” Natatawang sabi parin niya. “But seriously hun-” Sinubukan niya ng magseryoso. “They’re just friends. I know Nathan’s mom, tsaka wala pa sa isip ng anak natin yan. She’s been a good girl and she knows very well her boundaries. We have talked about this before pa this letter came. Sophie’s intelligent enough to understand our past.” Halata parin niya sa mukha ni Elmo na hindi ito kumbensido. “You know what she said to me?”

“Ano?”

“She said that she’ll wait for God’s timing until someone like her dad comes along.”

“She said that?”

“Yeah, she said that.” Pinisil ni Julie ang ilong ni Elmo. “Kaya wag ka ng mag-inarts dyan. She’s still your baby girl. Walang aagaw.” She assured him.

“Ang hirap pala ng may anak na babae.”

Tumango si Julie. “Relate si Papa dyan.” Tumawa ulit siya. “Oh before I forget, there’s something that you have to read too.” Tumayo si Julie at pumunta sa side table malapit sa kama nila. May kinuha lang siya roon saglit bago siya bumalik muli sa tabi ni Elmo. “Here.” Isa iyong letter na nakasulat sa paper pad ng grade three.

“Letter na naman?” Tanong ni Elmo.

“Wag kang mag-alala hindi yan bigay kay Ellie ng kung sino. Paper pad niya lang yan.”

“Ellie wrote me a letter?”

Umiling si Julie. “Orange did.”

“She can write?” Laking patataka ni Elmo.

“Nagulat din ako ng inabot niya yan, she told me that Ate Sophie, Ate Ellie and Kuya Lance taught her and Blue how to write.”

Napangiti si Elmo ng kunin niya kay Julie ang paper pad na iyon. Ganun kasi ang culture ng mga anak nila sa kanilang bahay, mahilig magbigay ng mga letter ang mga bata kahit walang okasyon. Kapag naappreciate nila ang mommy at daddy nila binibigyan nila ito ng personalized letter.

Dahil first time na makakabasa ni Elmo ng sulat galing kay Orange, he read it right away.

Dear Dada,

Dont be mad.

Can I do Karaty?

I promes I wont hirt you or Mum.

I could fite off robbers, its great don’t you think?

So can I do it with Blue?

Mum said if you say yes she will too.

Sing to make sure.

Thank you,

Orange

Natawa si Elmo, biglang nawala ang inis niya kanina ng mabasa niya iyon. “Sing to make sure?”

Natawa rin si Julie. “Yan din ang hindi ko maintindihan.” Ihinilig niya ang ulo niya sa braso ni Elmo. “So dada-” Ngumuso si Julie para ituro yung isa pang letter na hawak ni Elmo. “Don’t you think it’s about time to return that to Ate Sophie?” Tumingin siya kay Elmo sabay ngiti rito. “Akala ko ba don’t touch what’s not yours?”

Napangiti rin si Elmo kay Julie. “Alright. I’m sorry.” Inakbayan niya ito sabay halik sa noo ng kanyang asawa. “I don’t know what I would do without you.”

Ngumiti muli si Julie habang pinapakiramdaman ang mahigpit na pagkaka-akbay sa kanya ni Elmo. “So do I, honey.” Ipinatong niya ang kanyang kamay sa legs ni Elmo sabay tapik dito. “So do I.”

Yung pagmamahal na ganyan, ‘yung love na pinapakita mo na overwhelming, parang imposibleng walang puntahan. Babalik at babalik din sa'yo, not necessarily sa taong pinagbigyan mo
—  Anthony, That Thing Called Tadhana
7/18/15

So pumunta kami sa kasal ni ma’am G kahapon. Tapos pinakaaabangan namin yung reception kasi madaming foods. Hindi naman kami nadismaya, madami nga lalo na yung letchon. Tapos punta kami kila R para makibirthday tapos nagyaya sila na uminom. Tapos sumunod kami. Langya audience lang talaga nila ako pag-umiinom eh. HAHAHAHAHAHA. Hindi kasi ako nainom. Bale ginawa ko na lang pinapak ko yung pulutan nila. HAHAHAHAHA! Tapos bago umalis isang shot lang daw. Edi pinagbigyan ko pero sobrang konti lang nung nilagay ko sa baso empi lights ata iniinom nila. Grabe parang ang pait parang yung alcohol sa bahay ininom ko. HAHAHAHAHA. Ayun mamimiss ko na naman sila kasi babalik na ako ng manila ngayon. :(

Beastmode raw ako sabi ng mga kaklase ko sa klase ko sa high school. Nanood kasi sila ng turo ko (moral support daw, sus HAHAHAHA). Medyo exag sila kasi hindi naman masyado. Siguro medyo nainis lang kasi ang ingay na nga sa labas ng room, may nag we-welding pa sa katabing buiding tapos makikita mo pang tumatawa ang estudyante mo sa iyo. Ewan ko ba kung ako ba pinagtatawanan o yung pinag-uusapan nila. Noong una pinagbigyan ko pa kaso nung nakita ko nanaman at umulit pa na sungitan ko na. Nadala lang siguro ng pressure and stress dahil sa environment that time. Pagkatapos ko namang magturo na-konsensya talaga ako. Ayaw ko kasi nung may nakakagalitan, iniisip ko baka lumayo loob sa akin nung bata ayaw ko nang ganun. Nginingitian ko na lang siya kapag nakakasalubong at nakikita ko para malaman n’ya na okay na kami na hindi na ako galit.

201 out of 365

aAyoko na. Mamamatay na ako. Kailangan pa lang i-pass yung IE namin last week. Eh walang may alam sa room, akala namin MedBackgraoung. Pero sht. Kasama pala yung IE. So pinagbigyan kami hanggang bukas. WOW. Ang haba nun. Isang gabi lang?! Galing ah. Hayyy. Bahala na. Puyatan nanaman. Tapos may practicals pa bukas. Di ko na alam uunahin. 

Tapos earlier thsi day, chill lang. Except nung defense namin sa thesis proposal. Haha. Nakakakaba pero si Ma’am OJ chill lang. Di ka nga tinitingnan habang nagdedefend kasi busy chinecheck niya yung hard copy namin. Buti na lang. Pero sobrang utal-utal ako sa harap. HAHAHA. Nakikinig pa man din siya. Kakahiya. :3 pero anyways, feeling ko di worth it yung SUPER effort namin, kasi naman bat sila di ganun. -.-

Alam kong hindi ka dumating para iwanan din ako tulad ng ginawa nila. Nakakapagod din kasi maghintay ng taong di ako iiwan at sasaktan eh, yung lahat na ata ng effort ginawa mo pero nonsense padin. Di ko naman kasi kayo pinilit pumasok sa buhay ko eh , nagkusa kaya kayo ! Nananahimik akong wala kayo tas nung pinagbigyan ko kayong maging part ng buhay ko sasaktan at iiwan nyo lang din pala ko. Sana hinayaan nyo na lang ako diba ? Yan tuloy ! Nahihirapan ako ! Sinanay nyo pa kasi ako eh !
Sana hindi ka katulad nila 😍
Sana hindi mo ko iwan.
Sana wag kang magsawang intindihin yung moody kong ugali.
Sana ikaw yung magpatunay sakin na may FOREVER.
Sana makita ko si Future ko with you.
Sana mahalin mo lang ako araw-araw.
Sana wag kang magbago.
Sana lagi kana lang sweet.
Sana ! Sana ! Sana ! Sana !
IKAW SANA 😍😍😍
Masaya na hindi.

July 17, 2015.

Pagkatapos ng ilang linggong walang imikan at walang komunikasyon, nagkausap kami ulit nung nagdaang Biyernes. Ako ang unang nagtext. “Hi. Pwede ka bang tawagan?” Kung magrereply siya, yun na ang sign. Kasabay ng pagpili ko ng trabahong gusto ko, ang paglelet go ko ng mga planong gusto kong gawin sana para sa kanya. Gago ko rin no? Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, sinasali ko pa rin siya sa mga desisyon ko sa buhay. Tanga level 987654321.

“Sino ba to?”. Reply niya sa’kin. Insensitive as ever. Duh! Malamang wala na siyang pakialam. “Jhu”, pagrereply ko. “Ah sge :) nabura kasi mga contacts ko”. Alam kong sadya mong binura. Kung hindi man, eh di, okay. Nabura contacts mo. Tss. “Salamat”. Oo, salamat at pinagbigyan mo ko kasi kailangan kong marining man lang ang boses mo para maging okay ako. Hoo tangina. “Tawag ka na po.” Namimiss mo rin kaya ako? Asa pa ko. Hahahaha! “Pauwi pa lang ako eh. Kung di ka po pwede mamaya, okay lang.” Pero please, sana pwede ka. Gusto kong kumalma. Hindi ako okay. Ikaw lang nakakapagpakalma sa’kin. “Sige hintayin ko na lang ingat ka ha?” Talaga bang concern ka sa’kin? May kunting pakialam ka pa ba sa akin o sadyang sweet ka lang? “Salamat po :)” With smiley yan! Kinikilig ako leche ka! :)

Sobrang kinakabahan ako. Makakausap ko na siya ulit. Galit kaya siya sa’kin pagkatapos nung huli kaming nag-usap? Kakausapin kaya niya ako? “Hello?” Katahimikan. “Hi”. Di ko alam paano ko siya i-aapproach! Nakakatanga! Kinamusta niya ko. Sabi ko lang, “Hindi ko alam”. Di ko na talaga alam kung anong nararamdaman ko e. Siguro, sa dami ng pinagdadaanan ko, namamanhid na ko. Simula nung natapos rin kami. Nagtaka siya. Pero di na rin napansin na naging magaan na rin yung pag-uusap namin. Di ko maiwasang mamiss kung paano kami mag-usap dati. Sobrang kumportable kami sa isa’t isa na kahit lahat-lahat na ang pwede naming mapagkwentuhan, di kami nabobored. Matumal lang akong magsalita. Mas pinapakinggan ko lang ang boses niya. Tinatagan ko ang sarili kong wag umiyak. Magbago lang ang tono ng pananalita ko, alam niyang nalulungkot ako o hindi. Kilalang-kilala na niya ako. Lahat ng bagay tungkol sa’kin, alam na alam na niya. Daya!

Hanggang sa umabot na naman kami sa puntong naungkat na naman ang nakaraan. Kung anong nangyari. Kung bakit natapos ang lahat. Hanggang sa nagkaiyakan na naman kami ng bonggang-bongga. Closure. Nagkarun na rin ng tuldok ang lahat. At sobrang sakit, na sa mismong tao na akala mo, gusto mong makasama sa lahat ng bagay, ang mismong magsasabi na, “I’m sorry. Ako rin naman nagkulang, hindi lang ikaw ang may kasalanan. Alam ko makasakit pero makakahanap ka rin ng taong para sa’yo.” Mas masakit pa sa ilang samapal yun men! Tanggap ko naman na sa sarili ko na wala na talaga pero wala na palang mas sasakit pag mismong taong di mo inaasahang magsasabi nun ang mismong gigising sa’yo sa buong katotohanan. “Paano kaya kung di tayo naghiwalay? Paano kaya kung tayo pa rin ngayon? Ano kayang ginagawa natin?” Tanginang what ifs yan. “Payakap nga ko”. Wala na. Humagulgol na ko sa iyak. Hahahaha!

Buong akala ko kasi galit siya sa’kin pagkatapos nung naging sagutan namin nung huli kaming nag-usap.  Masaya ako na at least naging parte ako ng buhay niya. Na nakilala ko ang isang taong sobrang tapang pero sobrang malungkot rin pala. Naging masaya rin naman ako sa halos apat na taon na nabuo sa isang pagiging isang kaibigan, kapatid, kabarkada ko sa lahat ng bagay. Marami pang nangyari sa gabing yun na gusto kong isarili na lang. At sobrang, hinding-hindi ko yun makakalimutan.

Well, at least we’re civil with each other. Di ko naman na pinagkaila sa kanya na duh, bitter pa rin ako sa nangyari kasi naman, sobra rin akong nasaktan. But eventually, alam ko naman na magiging okay rin ang lahat. Kahit na gustong-gusto ko na ako yung dahilan ng kasiyahan niya, na ako ang magpapangiti sa kanya palagi, na ako ang magiging kasama niya sa saya at lungkot, ayoko nang ipagsiksikan ang sarili ko kung hindi na talaga magwowrk out kasi, baka lalo lang siyang mawala sa akin kahit na gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang sinabi ni Basha kay Popoy.

Sigh. Nasaan na ba kasi ang forever ko? Hahaha!

She was gorg last night, at pinagbigyan niya ako when I sang her a hymn, she went out of the clouds and after I basked in her beauty she went into hiding again. #selene #luna #bluemoon

Cousin talk.

Nagkkwentuhan kami ni Dhana tungkol sa boyfriend-boyfriend kasi pare-pareho lang kami ng sitwasyon nila Yen.


“Kasi hindi natin alam kung pag bumalik ba sila satin hindi na nila gagawin yung mga ginagawa nila satin eh. Naniniwala ako sa 2nd chance pero kung yung pinag uusapan is yung chance na pinagbigyan mo siya ng maraming beses na itama yung pagkakamali niya pero hndi pa rin niya ginagawa, hindi na ako naniniwala dun na hndi na niya gagawin ulit yun kapag naging okay kayo for the nth time. Diba.”


“try mo lang maginvest ulit ng tiwala cous kasi dba wla dn mangyayari kung puro doubt. pag nag-away tayo dn nman ung mas lugi kasi tayo ung mas nssktan. habaan mo pa pag-intindi at pasensya kasi base sa experience ko ngayon, mahirap tlga maiwanan”


“This time kasi ako na yung gumawa ng paraan para mag-away ulit kami kasi gusto ko na talaga makawala sa toxic na relationship namin. Hindi na kasi talaga healthy eh. Sobra. Wala rin naman siyang naiaambag sa buhay ko. Oo nagiging masaya ako pero pansin ko rin sa sarili ko na hindi naman talaga ako nag ggrow as a person pag siya yung kasama ko. Alam mo ung feeling na siya lang yung nagbebenefit kasi mas marami kang naibibigay sakaniya… Tas wala ka masiyadong nakukuha pabalik. Ganun lagi ang nararamdaman ko kaya para sakin, tama na.“


“sure ka na talaga? baka kasi nacoconfuse ka lang? baka naghahanap ka lang ng bago sknya or effort?“


“Kung yung ibang tao kaya akong pahalagahan, bat pa ako maghahanap sa taong lantaran na hindi naman talaga nagbibigay halaga kapag andiyan ka na.Alam ko struggle mo Dhana. Panghihinayang. Kasi ayaw natin masayang yung foundation na binuo natin. Diba? Ramdam na ramdam ko yan”


“dyan din ngstart ung away namin sa hnd pagpapahalaga. pero ung nlaman ko na reasson nya is kasi nga daw hnd ko dw naaappreciate khit ung simpleng pagkikita dw namin. sobrang nanliliit dw sya sa sarili niya pag snsb ko na hnd nya ko pinapahalagahan. baka ganyan din nasa utak niya. sobraaa. kasi sobrang okay na ko sknya. comfy pati natural na.. kaya nakakapanghinayang talaga“


“E kaso cous ang pagkakaiba natin, madali makagets yang guy mo. Yung sakin, napaka!! Napakahina pumick up kahit simpleng pagpaparinig ko lang. Hindi niya talaga magampanan yung boyfriend duties not unless you tell him what to do. Sobrang hirap nung ginagawa ko, spoon-feeding ako sakaniya frown emoticon Hindi rin siya nagkukusa. Ang shaket shaket.“


“ ugh haynakoooo. bakit kasi napakacomplicated ng mga guys! sa dinami dami ng mga sweet movies hnd pba nila alam ung mga dapat na gngwa nila sa gf nilaaa! aynako. “


“Kasi gusto nila action”

“pero seryoso ung bf ko sobrang namimimiss ko na. ex pala hahaso ano na decision mo? hahaha “


“Ako rin naman kaso wala na eh. Kanina nga naalala ko lahat ng ginagawa namin. LAHAT frown emoticon HAHA ALAM MO NA YONDecision ko? Iwan ko na talaga. Kasi eto pa pala cous, pinarealize sakin ‘to ng mga tropa ko eh. Kapag nakikipagtalo ka at lalo ka lang sumasagot sa kaniya, lalo mo lang nirereplyan, maiisip niya, kaya ka niya. Isang text niya lang na kahit ano, kahit awayin ka pa niya, pag nagreply ka sakaniya, ikaw ang talo. “


“ganyan din sinabi ni Meiyen! at pag mas hinabol daw natin mas lalaki daw ego nila na hindi nman natin kaya na wala sila. kaya mas lalo lang tayo ittake for granted. kaya TIGILAN NA TALAGA NATIN. Ginawa naman na natin ung part natin. kung babalik sila na nagsisisi and willing to change, iwish na lang nila na hnd pa tayo nkkmove on. Basta happy happy lang tayo cous”


“Ayan! Tama yan!! Lagi nalang kasi eh, totoo naman kasi yung sinabi ni Popoy na “You had me at my best but you chose to break my heart” diba. Buong buo tayo nung tinanggap natin sila, tas lahat ng kulang sa buhay nila pinuno natin pero anong ginawa nila satin? They took us for granted because they know na hindi natin sila kayang iwan. Ang hirap magsabi pero ang sarap sabihin na “Wala silang kwenta” kung ganon lang ginagawa nila satin nang paulit-ulit. “


“yesss!! hay. ang dami ko realization dis past few days tas dumagdag pa ung ngayong day. Basta hayaan na natin sila. kung sila nman makarealize, bahala sila maghabol haha “

Pinagbigyan namin siya na puntahan ka kahit bonding namin yun kasi alam naming mahal ka ng bestfriend namin. Pero kung nagbreak kayo ng bestfriend ko dahil lang sa kami ang pinili niyang makasama nang matagal. Pwes! Sana inisip mo muna na kami ang una niyang nakilala bago ikaw.

MAPEH Fest

So yun, dahil isa ako sa mga officer. Pinakilala kami kanina during MAPEH fest. Buong pag aakala namin ay tatayo lang dun. Tapos baba na. Yun lang.

Pero hindi lang yun ang nangyari, pagka akyat kasi namin ng stage. Biglang sabi ng Emcee. Sasayaw daw kami ng Twerk It Like Miley! Fudge! Di kami prepared. May nagrerequest nga sakin ng twerk it like miley sakin kagabi pero di ko pinagbigyan kasi naghihiya ako (Si PF) tapos biglang ngayon, pinagsasayaw kami. At sa Gym pa ah. Maraming tao. Good thing di ako yung pinag lead nung president kung hindi si Chester. 😂😂
Hahaha! 😂👍
So yun, nung una awkward kasi wala talaga kaming napractice walang steps. Tapos maya maya, nagstart na magsway si Chester. Sumusunod lang kami. Tapos nung nagchorus na! Grabe yung sigawan! At Grabe din si Chester. Ang lambot ng katawan. Daig pa ko sa pagtwetwerk! Hahaha! 😂
Di ako nagbigay todo kasi awkward. Hahaha. Yun! Ang saya na ang epic na nakakahiya! Hahahaha! 😂😂😂

Things I'll Never Tell You #19 Last

“Yung ganyang kalaking pagmamahal imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo pero sigurado ako mababalik yan sayo.”

- Anthony, That Thing Called Tadhana

Thankful ako sa lahat ng bagay na nangyari. Sa lahat ng natutunan ko sa pagpapakatanga ko. At sa lahat ng narealize ko.

Yung mga bagay na yun is naging way para marealize ko na kaya ko pa palang magmahal. Hindi pa pala ako manhid, katulad nga ng laging sinasabi ni Chona. Na marunong pa pala ako umiyak at makaramdam ng sakit, makalipas ang mahigit isang taon.

Siguro nga may mga bagay talaga na dadaan lang sa buhay mo. Para may iparealize sayo. Salamat sa pagdaan. Pero siyempre bawal lumagpas. Diyan ka lang. Syempre as kaibigan nalang.

Nasaktan ako. Pero ngayon okay nako. Wala na yung sakit na naramdaman ko nuon. Sa araw araw ba naman kasi na ipamukha mo sakin na hindi mo ko gusto. Hindi ba naman ako maumpog nun? Hahaha.

Pero thank you sa lahat. Wag ka sana magagalit pag nabasa mo to. Love you BBF!

PS
In relation with the quotation, maniwala kayo. Meron taong magrereciprocate nung gangyang klase ng pagmamahal. Hindi man agad agad. Pero meron. ☺

New Article has been published on Eagle News

http://www.eaglenews.ph/chr-muling-nagtungo-sa-t-sora-manalo-residence/

CHR, muling nagtungo sa T. Sora Manalo residence

(Eagle News) — Muling nagtungo ang dalawang opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) sa tahanan nina Angel Manalo sa no. 36 Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Ito ay matapos makatanggap ng tawag ang CHR na umano’y hinaharang ng mga pulis ang pagkaing dinadala rito.

Pero sa pagtungo ng mga opisyal ng CHR sa lugar, sinabi ni CHR investigator na si Policronio Nalangan Jr., wala naman silang nakitang humaharang at sa halip ay nadatnan nila ang isang plastic  at karton ng pagkain na iniwan malapit sa gate.

Sa pag uusap sa cellphone  nina Nalangan at Joy Yuson, na isa sa mga itiniwalag sa INC,  ay hiniling ng CHR investigator na makapasok sila subalit hindi sila pinagbigyan.

Sa halip, humarap sa mga taga-CHR ang natiwalag na si Roel Rosal na nagrereklamo ukol sa umano’y pangha-harass sa kanila.

Hiniling rin nilang alisin ang mga sasakyang nakaparada malapit sa gate dahil paano raw kung gustong lumabas ang ambulansya at kung maysakit na ang ilang nasa loob ng tinitirhan ni Angel Manalo at ng kaniyang mga tagasuporta.

Nagpaliwanag naman ang mga miyembro ng QCPD na hindi nila hinaharangan ang gate at maaari naman nilang alisin doon ang mga sasakyan kung mayroong lalabas. Bukod dito, kapag may lalabas na sasakyan ay mayroon naman anilang ibang gate na maaaring daanan.

Mariin ding itinanggi ng pulisya na hinaharang nila ang mga pagkaing dinadala ng mga tagasuporta ni Angel Manalo.

Ayon  kay Police Senior Inspector  Jun Fortunato, tinitingnan lamang nila ang mga dinadalang pagkain  para na rin sa seguridad, lalo na at nakatakip pa ng mukha ang mga nagdadala ng pagkain.

Binigyang diin din ng opisyal na ang pagvi-vigil na ginagawa ng mga tagasuporta ni Angel Manalo ay hangga’t maaari ay ipinagbabawal lalo na at  wala silang permit to rally mula sa Quezon City government.