pilipino-ako

KARTON
akda at guhit ni Det Guiamoy

Gabi-gabi,
sa mga eskinitang ‘di naaabutan ng liwanang ng buwan
may mga walang kamuwang-muwang

Dinadakip
Kinukuha
Walang kamuwang-muwang

Gabi-gabi,
sa aspaltong tigmak sa lamig
ang pagdaloy ng ligamgam na dugong pinandilig

Bulag ba tayo para ‘di makakita?
Manhid ba tayo para ‘di makaramdam?

Gabi-gabi,
sa balita, sa usap-usapan, sa haka-haka
sa kapirasong karton

Tunay ba itong maituturing na patibay
Na ang nasasakdal sa pagkakasala ay dapat ipapatay?

Walang paglilitis
Walang alinlangan
Walang kinalaman
Walang kaalam-alam
Walang kamuwang-muwang

Gabi-gabi,
sa mga taingang bingi
sa mga 'di na maaaninagan ng liwanag ng buwan

Magsasalita pa rin kami
at hinding-hindi mananahimik
hanggang sa ang hustisya ay tayo nama'y lingunin
maulinigan man lamang ang mga boses na 'di na maririnig

Gabi-gabi,
paano ka nakakatulog sa kaalamang
may ibang hindi na magigising?

Ang pagbabagong parating
ay hindi na makikita bukas
kung ang mga karapata'y sa gabi pa lamang ay kinukuha
kung ang mga mata'y 'di na mumulat sa susunod na umaga


CARDBOARD LABELS
written and drawn by Det Guiamoy (English translation)

Every night,
in the alleyways never lit by the moonlight
are the unknowing

Abducted
Taken
Unknowingly

Every night,
on the cold of the asphalt roads
flows the warmth of pure thick blood

Are we too blind to see?
Are we too numb to feel?

Every night,
in the news, in conversations, in gossip
in weathered cardboard labels

Are guesses and accusations proof enough
That alleged souls be sentenced to their last breath?

No court
No doubt
Just crime
Just death
Unjust, unknowingly

Every night,
to deaf ears
to those who will never see the moonlight

We will still speak
and we will never be silent
until Justice will eventually turn to us
when she hears the voices we will never hear again

Every night,
how do you manage to sleep
knowing they will never wake?

The coming change
will never be seen tomorrow
if our rights are taken in the dark of night
if our eyes will never open the next morning


Para sa mga napagkamalan, napagtripan, napaglaruan, napagbuhusan ng galit na hindi naman karapat-dapat sa kanila.

Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay, may karapatan sa pangalawang pagkakataon, gaano man kabigat ang kasalanan. Ituon natin sa paghilom at paglunas ang ating lakas at hindi sa karahasan at pagpaslang. Ang mga mahihirap ang nasasadlak sa walang katarungang pagpatay, mga mahihirap na hindi nabigyan ng pagkakataong mabuhay nang disente at kumpleto ang pangangailangan.

Hindi naman magiging laganap ang krimen kung nakakakain ang mga tao nang tatlong beses isang araw, nakakapasok sa eskwelahan at natutustusan ang mga pangangailangan.

Isang digmaan laban sa mga mahihirap ang nagaganap, at hindi naman ang mga tunay na utak sa pagpapalaganap ng pinagbabawal na gamot ang nahuhuli at napapatay ng mga awtoridad. Ngunit nagsisimula naman ang pagbabago sa pagsuko, sa pag-amin ng pagkakamali, at pagpasok sa rehab upang magbago. Huwag nating ipagkait sa mga nalulong sa masasamang bisyo ang pagkakataong maging mas mabuting tao na maaaring magsilbi sa bayan sa hinaharap.

Kahit naman may mga kasalanan ay hindi dapat pinapatawan kaagad ng kamatayan, sang-ayon man kayo o hindi sa death penalty. Dahil lahat ng tao ay may karapatan sa paglilitis sa hukuman, upang matuklasan ang kanilang mga hinaing, mga dahilan kung bakit nangyayari at ginagawa ang mga bagay-bagay. Kung may pagkakamali ay ikulong at patawan ng karampatang parusa, at ang mga nakakaalam lamang ng dapat gawin ay ang mga hukom at alagad ng batas. (Sana lang ay ginagawa nila nang maayos ang kanilang mga trabaho.)

Kung “anti” man ako sa kahit ano, ako ay anti-human rights violations, anti-vigilantism, anti-summary execution, at anti-extrajudicial killings. Hindi sa kung sino mang tao. Dahil kahit wala tayong ginagawang mali, maaari pa ding ma-frame up or kung anu man upang mapagbintangan. Dahil kapag nasabitan ka na ng karton sa leeg na nagsasabing nakagawa ka ng kasalanan, hindi mo na maipagtatanggol ang iyong sarili. Hindi na nakakapagsalaysay ang patay.

Tayo ang mga natitirang Joven Hernando. Tayo ang kabataan. Tayo ang mamamayang Pilipino. Naniniwala ako sa tamang proseso nang pagsasagawa ng batas. Naniniwala ako na tunay ang paparating na pagbabago.

Naniniwala ako sa due process.

#cardboardjustice #LahatTayoPosiblengDrugPusher #StopSummaryExecution #StopExtrajudicialKillings #SantaPatronaAdrienneOnday

I hope I’m not too late for AFAD!

Hi my name is Bea. 22. Proud lesbian Pilipino/Pinoy. I was born in the Philippines, now living in the US. I have been living in the US for a decade now (on Aug 20th) and I haven’t been back since. During those years, I have assimilated to American culture and forgot my roots. As a result, I developed self-hate and I just felt disconnected. Just recently I started studying more about my culture in an effort to connect with my roots and I also learned to appreciate the way I look because who are we kidding!? Asian women ARE BEAUTIFUL. I chose this photo because I am at my barest. On my forearm, I wrote the Baybayin scripture for “Ako Ay Pilipino” which means “I Am Pilipino”.

#BAREInsecurities #Pilipino #Pilipina #Pilipinx 

I CAN'T EXPERIENCE THIS SHIT AGAIN, MAN. THIS COUNTRY IS ALREADY A MESS, AND NOW ANOTHER STORM?! GODDAM IT'S CHRISTMAS, FOR CRYING OUT LOUD.

“Bagyo ka lang. Pilipino ako.” Translated as “You’re just a storm. I’m a Filipino.” If you guys don’t know, Filipinos are metal as fuck. You would see them after the storm, smiling at cameras, helping each other out even if they got nothing left. There would always be people who would send help and Filipinos always make it through.

And so this time, God bless our country. It’s freezing in here right now (and this is a tropical country, and I’m in the city so that shit is not normal). Let’s just hope that us Filipinos keep making it through.

Hindi ka niya kilala pero kilala mo siya. Isang panalangin lang ang kailangan niya, kababayan tara na’t ipagdasal si Mary Jane Veloso. 

Hindi mo siya kamag-anak.
Hindi mo siya kapamilya.
Hindi mo siya kaibigan.
Hindi mo siya ex.
Lalong hindi mo siya ka-close.

O maaring hindi mo man siya nakasabay sa pagsakay sa jeep o lrt.
Sa pagibili ng pagkain sa Jollibee o sa pamamalengke.

Pero hindi mo maitatangging kababayan mo siya.
May magagawa ka ba para sa kanya?

Since we have already the #itsmorefuninthephilippines, maybe we can also have some of these Philippines domestic tourism slogans:

- Boracay, You Sexy Beach!
- Haller, Baler!
- Bohol: Go To Hill!
- Be Cool, Bicol!
- Thank you, Camiguin!
- Maliit Navotas, Lumalaki!
- We Fly High In Capiz!
- Go Gaga In Naga!
- Kaibigan, Punta Na Sa Vigan!
- Virac, You Rock!
- Kamuning Get Me!
- Better Leyte Than Never!
- Whee! Tawi-Tawi!
- Walang Aayaw Sa Apayao!
- Maraming Gig Sa Taguig!
- Bongga Ka Day, Sa Norzagaray!
- I wanna dance with Zambales, I wanna feel the heat with Zambales

Asiong Salonga, Tunay na lalake ay walang Abs

Tatlong taon narin akong hindi nakakapanood ng palabas sa sinehan. At sa wakas may palabas na nagbukas ng interest ko manuod ng sine at ito pa, Filipino Movie to. Dahil dyan meron konting review sa napanuod ko.

Matagal na, matagal na matagal na akong hindi nakakakita ng trailer ng pelikulang Pilipino na may barilan, may tino-torture, at umuulan pero walang nag-iiyakan. Ang huli kong napanood na Pinoy action film sa sinehan mismo e yung Anak ng Kumander na starring, directed by, co-written by, theme song performed by at produced by Manny Pacquiao. Ang masasabi ko lang ay…magaling, napakagaling na boksingero ni Pacquiao. Yun lang. Di rin ako makarelate sa lalake sa mga recent na pelikulang Pinoy – lalakeng pinag-aagawan nina Christine Reyes at Anne Curtis dahil ang guwapo niya lang, o lalakeng kabisote na nakaengkanto ng babaeng nasa kalahati ng kanyang edad, o kaya lalakeng nagkaka-amnesia sa isang pelikulang pinamagatang My Amnesia Girl.

Bale ganito sa Asiong sina Ely Buendia at Gloc9 ang gumawa ng theme song ng Asiong, tapos may awayan portion pa tungkol sa director’s cut at producer’s cut at may A rating mula sa Cinema Ratings Board – e di game, tara, panoorin natin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Busy ka ba? Kung oo, sasabihin ko na lang sa yo na panget ang Asiong, pero pangako, magugustuhan mo siya. Kung hindi ka busy, upo ka muna. Ipapaliwanag ko sa yo kung bakit.

Maganda ang timing ng Asiong. Entry siya sa Metro Manila Film Festival, tapos ang mga kasabayan niya e same old same old – UnliShake Rattle and Roll, pelikulang may Kris Aquino at salitang “Mano” sa pamagat, pelikulang may Juday at Ryan Agoncillo, Panday of the Titans, pelikulang may “Enteng” at “Ina Mo” sa pamagat, at kung anu-ano pang shit. Tapos, isipin mo yung mga nagdaang lima, sampung taon. May naaalala ka bang Pinoy action film? May naaalala ka bang pelikulang Pinoy na trailer pa lang e alam mo nang panlalake siya? Panlalakeng pelikula. Huwag na nating pag-usapan ang pene films nung 70s at ang titilating films gaya ng Talong, Anakan mo Ako at Tag-ulan Noon, Ang Bukid ay Basa. Wag ganun, baka masabihan pa tayong sexist. Isipin mo na lang si Derek Ramsey.

Oo, isipin mo si Derek Ramsey. Nasa tabing dagat siya, tinatanaw si Angelica Panganiban. Tapos tututok kay Derek yung camera, lalapit, malapit na malapit, parang hinihimas ang kanyang balikat, dibdib, abs. Hindi ka sigurado pero parang may nakita kang bumabakat sa suot niyang short. O isipin mo si Gerald Anderson. Kausap niya si Sarah Geronimo. Sabi ni Sarah, bakit ka ganyan makatingin? Tapos sasabihin ni Gerald, ang ganda mo kasi e. Tapos ngingiti siya, parang biglang nag-slow mo ang camera, tapos tatambling sa kilig si Sarah Geronimo.

Hindi ganyan ang panlalakeng pelikula. Yang mga ganyang pelikula ay yung tipo ng pelikulang napanood mo kasi monthsary niyo ng girlfriend mo at gusto niyang manood ng sine tapos pumayag kang yun na lang ang panoorin kasi mahal mo siya and all that shit. Tapos after a few months, maghihiwalay kayo kasi nagalit siya dahil ayaw mong gamiting profile pic sa Facebook yung picture niyong dalawa na magkayakap nung minsang nagpunta kayo sa Enchanted Kingdom.

Ano na nga bang pinag-uusapan natin?

Sa Asiong, walang Derek Ramsey. Yung mga main characters, malaki ang tiyan. Pati nga si Carla Abellana, malaki ang tiyan dahil buntis. Alam mo na nilagay yung mga artistang yun sa Asiong hindi dahil sa kanilang good looks kundi dahil sa kanilang personality. Dahil dun, pag sinabi mo sa mga kaibigan mo na “Maganda ang Asiong!”, meron kang credibility, di tulad ng mga nagsasabing “Maganda ang Twilight kasi ang guwapo ni Edward Cullen! Like niyo to if you agree!”. Tanginang yan.

Totoo rin yung sinasabi ng ibang reviewers na ang gulo ng kuwento ng Asiong, na parang tumira ng katol yung nag-edit, ganun. Pero okey lang yun. Nagpunta ka sa sinehan para magtext, dumukot sa malalim na lalagyan ng popcorn, lumingon sa magsyotang naghahalikan, magdikit ng bubble gum sa upuan at tumingin sa screen paminsan-minsan kapag lumalakas ang volume kasi may nagbabarilan. Hindi ka nagsine para mabago ang buhay mo. Walang graded recitation pagkatapos ng pelikula. Gusto mo lang maging ikaw at alam mong hindi ikaw si Gerald Anderson at si Coco Martin.

Kaya okey lang kahit sa simula ng pelikula sinuntok ni Roi Vinzon nang 48 times sa mukha si Jorge Ejercito (Asiong) tapos sa susunod na eksena listong-listo na siya at isinama ang tropa para rumesbak. Okey lang na kahit tirador at kutsilyo ang ipinantutok nila bago magsimula ang laban, naratrat ng bala ang mga kalaban nung pumalag sila. Wala tayong problema kahit na nung magkatutukan ng baril, walang hawak na baril yung isang tambay at kamao niya ang ipinantutok niya. Yaan mo na kung bakit hindi pa rin nakakalabas ng Bilibid si Jay Manalo kahit tropa niya lahat ng pulis. Pakelam ba natin kung bakit lumusob sa libing sina Totoy Golem tapos handa sa barilan ang buong pamilya tapos biglang may nakikipagbarilan habang nagbibisekleta.

Magandang panoorin ang Asiong sa sinehan kase maraming nanonood na tunay na lalake. Yun bang nakacargo pants at itim na t-shirt tapos maya’t maya sumisigaw ng “Asioooong!”. Tapos pag may tumunog na cellphone sisigawan nila ng “Pakisagot naman yung telepono o. Busy ako e.” Kapag sinabi ni Asiong na “Simple lang naman ang buhay mo, Fidela e. Alagaan mo ang anak natin, magpaganda ka pa lalo, lagi kang maging malambing…at hintayin mo akong umuwi,” papalakpak sila, tapos papalakpak ka rin, magpapalakpakan kayong lahat, tapos magmamadali kayong umuwi dahil kailangan niyo pang magsaing.

Maraming eksenang beri gud sa Asiong. Kung magaling lang umarte si Jorge at hindi timang yung pagka-edit, pang-first honor yung pelikula e. Halimbawa, ang gandang tingnan ng mga namamatay kapag may aksiyon. Di kagaya ng ibang Pinoy action films na muntanga lang yung mga nababaril (usually nasa mataas na lugar, mangingisay, tapos mahuhulog). Pinakagusto kong namatay yung driver ng kalesa. Bale ang nangyayari, binabaril nina Totoy Golem yung dati nilang tropa na kaaway na nila ngayon. Nakatago siya sa likod nung driver ng kalesa, tapos dahil kontrabida sina Totoy Golem, bumaril pa rin sila kahit may inosenteng matatamaan. E di nasapul yung driver ng kalesa. Tapos ang ganda niyang mamatay. Lumiyad siya nang nakapikit, saka siya humandusay. Tangina, ganun mamatay, mehn. Kung may gagawa ng bagong pelikula tungkol kay Rizal, siya dapat ang kuning artista para maganda yung death scene.

Marami ring magaling umarte. Bilib na bilib ako kay Carla Abellana kasi nahalikan niya nang 48 times si Jorge Ejercito. Kalokohan kapag hindi siya nanalong Best Actress dahil dun. Solid ang supporting cast – as usual magaling si Baron Geisler as himself, mukha talagang kontrabidang masarap pagbabarilin si Jon Regala, at utang na loob naman, gawin niyo nang bida si Ronnie Lazaro. Ang galing-galing nung tao lagi na lang siyang supporting actor sa mga pelikula.

Okey na siguro to. Kung di mo pa napapanood, panoorin mo na ang Asiong. “Trak trak na bigas pa ang kakainin” ng Pinoy action film, pero mabuti naman at buhay pa pala siya. Welcome back pare, long time no see.

from http://tunaynalalake.blogspot.com/2011/12/heto-na.html

Mayaman ang Pilipinas

Mayroong isang propesor sa isang major subject namin na nagsabi sa amin na mayaman ang Pilipinas.

  • Sa Natural Resources palang daw, walang-wala na sa atin ang Carribean.
  • May Oil daw na matatagpuan sa Palawan na mas mahal pa sa krudong matatagpuan sa SEA.
  • Natatangi ang mga dalampasigan ng Pilipinas at napakaganda ng dagat sa ilalim nito. Mayaman ang kagubatan at Kamangha-mangha ang talento ng bawat Pilipino.
  • Nabanggit daw sa bibliya ang bansa natin na sinasabing pinuntahan daw ng isa sa mga apostol ni Hesus. (kaya isa daw tayo sa mga mase-save sa sinasabing nalalapit na End of the World.)

Siguro nga, totoo ito. Kung hindi totoo ang kanyang pahayag na ito, hindi aangkinin ng CHINA ang lupa/teritoryo na para sa atin.

Kahapon kasi, nabasa ko sa Manila Bulletin na isang newscaster daw sa China ang nagsabi na inherit daw ng China ang Pilipinas kaya’t pilit nilang inaangkin ang lupa na dapat ay sa atin. Ngayon naman, hinaharang nila ang mga prutas na inaangkat ng Tsina mula sa Pilipinas.Pati ang mga Travel agencies sa China, pinapatigil ang pag papadala ng turista sa ating bansa. What’s their problem, really?

Mayaman ang Pilipinas. Ngayon ko higit napapatunayan na mayaman ang bansang pilit nilang inaangkin, nilulubog sa utang at nilulugmok sa kahirapan. Sinabi ng isang newscaster na napakaganda ng Pilipinas. Nakakalungkot lang isipin na yung mga pangit tungkol dito ang naipapamalita sa mundo. Sumasama ang image ng Pilipinas na malayong malayo sa nakita nya.

Binanggit din ni mam na Alam daw ng 1stworld countries na kung magkakaroon lang ng sapat na pondo ang Pinas para sa Agrikultura, Turismo at Komersyo, hindi nalalayong uunlad tayo ng di hamak na mas maunlad sa Tsina. Dahil dito, sinabi nya na sa infrastructure lang sila nagpapa utang ng pondo, hindi sa mga proyekto ng gobyerno para sa Agrikultura at iba pa na totoong magpapa unlad sa atin.

see? ANG YAMAN NG PILIPINAS. Hangal lang ang mga nagpapatakbo nito, at para sa akin, tamad lang ang mga taong naninirahan dito. Kasi kung iisipin, kung tayong lahat ay mag pupursige na umunlad ang ating bansa, UUNLAD TAYO ng walang humpay. Kaso hindi. Gumagana ang ating Crab mentality pagdating sa ganitong mga bagay. Hangal ang gobyerno dahil hinahayaan nitong mangutang tayo ng mangutang para sa mga walang katuturan na mga bagay.

Maling investments, Hangal na Gobyerno, at walang pakeelam na Mamamayan. Puro reklamo, wala namang gumagawa ng unang hakbang upang magbago ang lahat. Kulang lang tayo sa pag pupursige e. Sige pa, konting tulak pa.

O, isa ka lang ba sa mag-wawalang bahala nito o isa ka sa mga unang hahakbang Patungo sa pagbabago?

Nababaliw na ako O.O

Minsan mahirap din talaga ang magsalita ng Ingles. Pero mahirap din naman magsalita ng deretsong Filipino. 

Bakit nga ba?

Kasi… 

Weirdo ang sistema dito. Hindi naman sa bulok.. weirdo lang talaga. 

Todo todo focus sa pag-aaral ng Ingles. kasi nga daw universal language ang Ingles 

Tapos parang binabalewala lang ang pag-aaral ng Filipino. Kasi daw sosyal ka kapag nakakapagsalita ka ng Ingles. 

Eh ano ba tayo? Pilipino tayo. Hindi ba’t dapat ay inuuna natin ang pagtangkilik sa sariling atin? Ayos lang naman na magmahal ng sa iba, pero dapat mas mahal natin ang sa atin. 

Ni hindi nga alam ng iba sa atin ang pamagat ng pambansang awit natin eh. Bayang Magiliw? MAG-ISIP KA NGA ULIT!

Tapos sariling atin, ikinakahiya natin. Ano ba naman yun! 

Kaya tayo hindi umaasenso eh! 

wala na atang pinatutunguhan ‘to. haha 

oo. isinulat ko ito dahil wala akong magawa. 

AT ALAM KO NAMAN NA HINDI ITO PAPANSININ. 

Okay lang. Huwag niyong pansinin. Tutal kabaliwan lang ito ng isang babaeng nababagot-kasi-walang-makausap-kaya-sa-huli-ay-kinausap-niya-na-lang-ang-sarili-niya. 

hahaha. Kapayapaan sa inyong lahat. Fish be with you. XD