pictures ko

5

Chanyeol B-day Countdown ; Different Sides of Chanyeol

D-14: modyeol

Tapos na ang aming Matabungkay adventure!!! Soyo soyo

2 days yun. Birthday kasi ni fam from canada kaya bang bang bang freeee! Hahahaha. Nung saturday sadlyf pa ko kasi may pasok eh. AudTheo lang kasi walang law, dumadavao si atty. Edi yun nga si fam2 naman susunod daw sa gabi mga 7 edi dun na ko sasabay. Ang napakagaling naman na si Ruffino na prof ko sa AudTheo eh nagtext nung 9:30 na! “I woke up with fever” WOW! okay walang klase! Nakaalis na ang everyone kasi nung tinawagan ko nasa lemery na daw! Nakakagalit! Sa tunay! Grabity buong araw ako maghihintay!

9 hours later

6:30 let’s go fam off to Matabungkay! Gabi na kami nakarating kasi pucha nagfifeeling Manila ang matabungkay! 2 hours yung byahe namin. Ang layo! Part parin sya ng Batangas pero sabi ng fam2 mas malapit na daw yun sa Cavite eh. Lamon lang tuloy nagawa ko pagdating tapos yung bungad pa may multo daw! 4 tapos may bata hahahaha. Ok next day na ha! Nung umaga nagpunta kami sa dagat tapos ang layo! Hindi ko alam kung pano ieexplain pero may part ng dagat na walang tubig kaya nalakad namin so parang literal na nasa gitna na kami ng dagat! Hindi ko alam kung pano idedescribe! (Kung gusto nyo panuodin nyo ig stories ko! Nandun yun! Char nagpromote si ate haha) Kanina naman nung tanghali, take note ha! Tanghali! Nagbanana boat kami with cousins. Dapat tapos na kaso magpaddle boat pa daw kami at snorkeling edi syempre sino ako para tumanggi sa free? Hahahaha ansaya saya mga friends! Daming Dory and other friend fish hahahaha tapos nung pauwi pa kami traffic free eh 2 kotse kami, hala let’s go ang bilis parang nagraracing lang ang everybody hahaha ayaw nga ng inahin eh char sya haha. Yung kotse pa ni fam3, may part sa bubong na nabubuksan kaya yun very happy ang mga bata feeling mga kandidato sa pagkaway tapos ang hangin pa sa taas kasi ang bilis nga ng patakbo. Fam! Everybody! Upload na please!

Ps: NEGRA KO NA!