php ng

cambaganda  asked:

Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!

Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)

Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.

Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.

Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.

Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.

Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 

Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  

Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.

Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”

Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.

At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.

Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!


*All photos of book covers belong to their respective owners. 

HOW TO GET AWAY WITH INAANAK

( The Ultimate Ninong/Ninang Guidelines )

Para masagot na ang tanong sa “Magkano kaya ang ibibigay ko kay Inaanak this Pasko?” and other mysteries, narito ang ultimate Ninong/Ninang Guidelines according to budget, closeness and kuripotness level.

Ø  1000 PHP AND ABOVE

  • Kabet ka ng CEO ng kumpanya.
  • Kamag-anak mo ang mga Marcos. #MarcosNotAHero
  • Friend mo siya sa FB mo. Pinusuan na yung selfie mo, shinare pa.
  • Fetus pa lang nung huli mong nakita ang inaanak mo.
  • May nakatutok na baril sa’yo habang nagbibigay ng papasko.

Ø  500 PHP TO 1000 PHP

  • Jowa mo ang CEO ng kumpanya.
  • Advance ang sweldo this December, may 13th month pay, may Christmas Bonus na, may pa-ham pa.
  • Bespren mo ang magulang niya.
  • Yung magsyota pa lang sina bes, mega-volunteer ka na agad ng “Ako ninong sa unang baby niyo ha!”
  • Kapag anak siya ng ka-opisina/katrabaho. ( Para di ka pagchismisan  sa office na ang kuripot mo.)
  • Kapag around December din ang birthday ng inaanak mo. Para isang bigayan na lang.

Ø  300 PHP TO 500 PHP

  • Tropa mo ang magulang niya.
  • Advance ang sweldo this December, may 13th month pay na, may Christmas Bonus pa.
  • Yung magsyota pa lang sina bes, kinontrata ka na agad na, “Ikaw ang ninong sa unang baby namin ha!”
  • Kapag anak ng dati mong ka-work. ( Wapakels ka na kung pag-usapan ka na nila sa opisina kase hindi mo na naman sila katrabaho. )
  • Kapag nabigyan mo na ng pabertdey this year ( around February- August ) pero nanghihingi pa din ng papasko.
  • Yung dapat sagad ka na sa 200 php pero humirit pa si bes ng, “Hoy. Dagdagan mo naman ng 100 pa, 1st Honor yang inaanak mo.” o kaya “Gurl. Sa Makati nagwowork tapos 200 lang?”

Ø  200 PHP TO 300 PHP

  • Kaibigan mo ang magulang niya.
  • Advance ang sweldo this December, may 13th month pay pero walang Christmas Bonus.
  • Ang tawag mo sa kanya usually ay, “Yung anak ng kumare ng inay” Kase wala kang idea kung sino siya.
  • Perfect attendance tuwing pasko. Pupunta kahit naka-dextros makapamasko lang.
  • Yung dapat 100 php lang pero gagawin mong 200 php dahil pinilit ka ng nanay mong dagdagan  kasi, “Nakakahiya naman kay kumare anak.”

Ø  100 PHP TO 200 PHP

  • Para dun sa inaanak mong magmamano at babatiin ka lang tuwing ‘Ber Months tapos dedma na ulit pagkatapos.
  • Friend mo sa FB. Mahilig mag-like ng pero never pinusuan. Hindi din marunong mag-comment.
  • May  13th month pay naman pero madaming kaltas. Ipinambayad lang sa utang.
  • Perfect attendance tuwing pasko. Bitbit pati yung bunsong kapatid.
  • Anak ng kumare ng nanay mo na 100 php lang talaga yung budget mo pero dahil “Nakakahiya kay Kumare”, si nanay mo na mismo ang magdadagdag ng additional 100 php.

Ø  50 PHP TO 100 PHP

  • Para dun sa inaanak mong anak ng pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan mo na hindi mo alam kung ka-bloodline mo pa.
  • Friend mo sa FB, pero never nag-like at comment sa status mo.
  • Nakakaalala lang ang magulang niya kapag may kelangan.
  • Walang 13th month pay, delay pa sweldo.
  • Binigyan mo na nga ng regalo, nanghingi pa ng pera.

Ø  50 PHP.

  • Walang konek sa buhay mo. Hindi mo kamag-anak. Hindi din kaibigan ng kaibigan mo. Wala. As in. Hindi mo alam kung bakit ikaw ang kinuhang Ninong.
  • May 13th month pay ka naman pero sadyang kuripot ka lang talaga kaya single ka pa rin hanggang ngayon. Walang lovelife.
  • Friend mo sa FB pero nagshare ng Mocha Uson Blog.
  • Gusto mong bigyan ng 200php dahil pasko naman pero naalala mong may utang pa pala si bes sa’yo kaya 50 Php na lang.
  • Madalas mong makita pero madalas din manghingi ng pera.
  • Nagmahal. Nasaktan. Nagkuripot.

Ø  20 PHP.

  • Scroll pa! Walang 20 hoy! Sobra ka naman!

me:

*gumastos ng 300 php para sa school work*

huhu ano ba ito ang mahal!!!


also me:

*gumastos ng almost 1k para sa isang lip tint*

Okay to ang mura

itsnelsielee  asked:

Potpot. Bakit di mo subukang magpublish na rin ng sarili mong libro? Patok ka panigurado. Tatawa lang ng tatawa ang mga readers mo lalo. :)

Yung fishball nga singkwenta sentimos pa rin hanggang ngayon. Makatarungan pa kaya kung tumbasan nila ng 130 php yung laman ng blog ko? Di ba hindi? Baka isumpa niyo pa ako. hahaha! May mga bagay talaga siguro na di kayang pantayan ng pera at kahit anong book cover. Dahil mas okay pag libre. Libre lang maging masaya sa blog ko. ( kung feel mo )

Isa pa, kung kelangan ko ng libro para matawag akong manunulat. Hindi ko na kailangan. Nagsusulat ako hindi para matawag na manunulat. Manunulat na ako kaya ako nagsusulat.

Charing!