pgen

Dana Victoria I. Asentista

a.k.a. chocolatebelge

Barbra, Justine, Via, Dana

Siya ay isa sa mga taong hindi ko akalaing magiging ka-close ko. Grade 4 ata ‘yun nung una ko siyang mapansin. Angganda ganda niya, nakaka-insecure! Hahaha! Tapos, ang first impression ko sa kanya nun, masungit siya. Pero, hindi pala. Nung 2nd year ko ata siya unang naging kaklase. Sobrang hinhin niya talaga. Tapos ang kaibigan niya nun sila Justine at Lourdes. Tapos. Waa. Basta. Mahirap i-explain. Dati, gustong gusto ko talaga siya maging kaibigan. Kaso, hindi ko alam kung pano ko siya i-aapproach. Hindi ko alam kung pano kami naging magkaibigan. Haha! Tapos, dumating sa point na gusto siya kasama sa Wisdom Generation ni Barbra. Siya ang naging Kim Taeyeon namin. Tapos ayun. 'Yung Gee pa 'yung sayaw namin nun. But, we never had a chance to dance onstage. Ngayon PGen na kami. Haha!

Kanina, celebration ng birthday niya. Sa March 13 pa kasi, eh Tuesday 'yun so walang time. Tapos, ayun. Kumain nalang kami sa Jollibee. Sobrang selected lang 'yung mga inimbitahan niya. Kaya, sobrang masaya ako, kasi, above dun sa mga hindi sinama, isa ako sa mga napili niya. Ibig sabihin, pinahahalagahan niya ako. Ayiee! :“> Nung pagdating namin dun, 'yung mama niya, andun na naghihintay. Tapos, ang kinain namin, Chicken Joy, na may Coke. Tsaka Ice Cream! Sobrang nakakatuwa na nakakahiya, kasi, andami dami namin tapos, sobra sobra pa! May ice cream paaa! OMG! :”>

Pagkatapos magJollibee, binilhan namin si Taengoo ng 3 balloons dun sa may labas ng Jollibee. Hello Kitty, Bugs Bunny, at Barney. 3 para I love you! Dapat 'yung isa Minnie Mouse eh. Kaso, pinalitan nila. Haha! Tapos, naka-schedule ako, kasama 'yung mga kagrupo ko sa TLE, na bumili ng mga kailangan namin para sa project. Edi dumiretso kami sa School Inn. Tapos, 'yung iba, pupunta sa bahay nila Genie. Sabi ko, susunod nalang kami.

Pagkatapos namin magSchool Inn. Bumalik kami sa Jollibee. Tapos, nagulat ako, lahat sila andun, hinihintay kami. Sobrang na-touch ako, kasi, hindi ko expected na, under the heat of the sun, eh, maghihintay sila nang ganun. Eh parang antagal namin namili ng mga kagrupo ko. Kaya, sobrang na-touch talaga ako.

Pagkatapos, sumakay na kami ng jeep, papunta sa Nayon Lourdes sa bahay nila Genie. Dun din 'yung bahay nila Taengoo. Tapos ayun, mahaba-habang lakarin din. Tapos, paakyat pa 'yung kalsada. Kaya, sobrang nakakapagod. Pero sobrang worth it din. Nung nakapasok na kami sa bahay nila Genie, uminom kami ng tubig. Tapos nagCR ako. Tapos, nanood kami ng The Grudge 3. Sobrang worth it din 'yung palabas. Haha! Suspense sobra. Worth it, dahil andameng laughtrip sa tuwing may nangyayare. Napapareact din ako ng sobra, pero ang mas nakakatuwa 'yung reaction ng mga kasama ko. Haha!

Pagkatapos nun, naglaro kami! Dun sa may tapat ng bahay nila. Naglaro kami ng Patintero! OMG! Hindi ako marunong nun eh! Tapos tinuruan nila ako. Ang saya saya talaga! Kahit talunan 'yung grupo namin. Haha! Siyempre masaya, kasi, natutunan ko maglaro nun! Haha! Tao na ako! xD

Pagkatapos, nag-ayos ayos na ng mga gamit. Kumain ng fish ball, at cotton candy. Tapos naglakad na kami papunta dun sa hintayan ng jeep. Tapos ayun. Buh-bye na.

Sobrang thankful ako kay Papa God. Dahil, noong March 13, 1995, binigyan Niya kami ng isang classmate, friend, sister, unnie na si Dana Victoria I. Asentista. Sobrang hindi ko siya makakalimutan sa buhay ko. Ito ang last celebration ng birthday niya na makakasama namin siya before we leave High School. Everything is all worth it. Sobrang thankful ako kay Papa God, sa oras na binigay Niya. Sa araw na to, na nacelebrate namin nang masaya ang birthday ni Taengoo. Sobrang thankful din ako sa family ni Taengoo, na nagwork hard para dun sa mga kinain namin. Sa mga nagpapasaya sa kanya, sa araw na 'to. Hindi kumpleto ang birthday niya nang wala kayo. Kaya, be proud that you made her the happiest on her day.

17 years young na si Taengoo! Wag ka mag-alala, age doesn’t matter. Tsaka, kung ikukumpara kami sayo, mas mukha pa kaming matanda sayo! Taengoo, be happy okay? Always smile! Always pray! I love you Dana! :) <3

instagram

Henry Rollins is 💟 this past Thursday at the Webster. #pgen (at The Webster)

Made with Instagram
Save the Best for Last ♥

Ayun, Goodbye Stage na ng PGen kanina. Sobrang masaya ako, dahil, after all these years natupad na rin ang wish namin na makapagperform sa GZ. Thank you Papa God!

Kanina kasi, BV na BV ako umaga palang. Tapos may formation pa kanina, sobrang BV ko talaga. Tapos ayun, Praise and Worship sa GZ. Tapos, kailangan may ipeperform ‘yung mga sections. Eh sa sobrang BV ko talaga, ayoko magperform. Tapos, nung nagperform ng The Boys 'yung kabilang grupo, dun ako nabuhayan ng dugo. Sobrang nabitin ako.

Sabi ko kay Memory, “Meh, buuhin natin 'yung sayaw.”

“Walang CD.” Sabi niya.

Tapos tinawag namin si Justine. 3 na 'yung mga kaklase ko na pinipilit kami na magsayaw. Tapos ayun, naghanap ng cellphone na may The Boys tapos sinaksak dun. Tapos. Ayun. Waaa.

'Yung reaction ng audience, sobrang unexpected. Ang ineexpect ko kasi, magiging awkward kasi nga sinayaw na nung una. Pero nung nandun na ako sa gitna, OMG. Uproar! Ramdam na ramdam ko 'yung gradual change nung part ko na. Sobrang natuwa ako, napangiti ako nang wala sa oras. Haha!

Naka-fatigue kami kanina, ang costume na hindi ko expected. EVER. Kapag nagpapractice kasi kami tapos naka-fatigue, 'yun ang hindi ko talaga sineseryoso. Dahil, hindi ako makagalaw nang matino kapag suot ko yun. Pero, kanina, nawala lahat ng kaba ko, 'yung uneasiness ko, nawala lahat nung nagccheer 'yung mga Montessorians.

Sabi ng mga kaklase ko, maganda naman 'yung sayaw namin. Medyo nagkagulo lang dun sa climax. Tapos, sabay sabay daw. Kaya, dun ako napabilib. Hindi ko talaga inexpect na ganun ang response nila.

Ngayon, isa lang naman ang gusto kong malaman. Ano ang masasabi niya dun sa sayaw namin?! At oo, si Michael David Fidel ang tinutukoy ko. Napansin niya kaya ako? Ano kaya ang reaction niya? Na-impress ba siya? Hindi? Or what?! Did it leave a good impression on him? Nirisk ko 'yung pride ko para dun. Sobrang nakakahiyaaaa. Waaaaaa. Pero GV parin ako. :))


Letters. :)

Hindi pa ako tapos sa mga letters na ibibigay ko sa mga mahal ko sa buhay sa graduation. 2/20 palang ang tapos ko. Bukas Potluck Party na namin. OMG. Tinatamad kasi ako thes past few days. Tsaka kapag may mga kailangan akong gawin, laging one step at a time. After ng Clearance Paper ko, aasikasuhin ko naaa. Sa graduation ko pa naman ibibigay eh. Hindi ako magddrama bukas. Sa grad na talaga.