personaleng

too much anime

I think im going to be insane. Lol. Shit, I feel weird right now, its like, whatever anime show i watch, it affects me, i mean, i can really relate or i can feel their pain eventho its just a fictional story, i dont know why i love animes more than reality shows/movies with real humans. ang oa ko hahaha. But, seriously, this is how much im addicted to it. I didnt expect in the first place that i would actually like anime. What has got into me? Hahahah. Those animators are really amazing because they’re so creative on making anime series. They know what reality really is. They dont just draw/animate, they work hard so otakus will love their work. They are so brilliant.

  • Mama: manonood kaba alleli?
  • Papa: hindi yan manonood, katext niya boyfriend nya! si tungo! *sabay alis*
  • Ako: Ma, alam mo ba? na wala na ako?
  • Mama: anong wala?
  • Ako: Wala nakong boyfriend.
  • Mama: oh? bakit ano nangyari?
  • Ako: Wala, ganun talaga eh haha!
  • Mama: haha di nakatagal? Di na kayo nag uusap?
  • Ako: Hindi na matagal na haha.
  • .
  • Okay nasabi ko na.
Di ako makapaniwala.

Di padin ako makapaniwalang college nako, bukod sa height ko kulang pa ata mga pinag-aralan ko nung HS ako. (hehe tse) de… alam kong sapat na yun, magagaling naman mga teachers namin eh mga buwis buhay sa pagtuturo (puro chika nga lang sa room eh) (yung iba :P). Exciting talaga punyemas eh naka-ilang post nako na ganito kasi gusto ko ilabas tong excitement at kaba ko eh. Masaya na ko kahit hindi ako sa plm basta makapag college lang nyets. Naaawa lang ako kayla mama kasi ang daming gastusin :| wala pa nga kaming uniform ni kuya eh, tas sabay pa yung pagbayad ng prelim namin sa panganganak niya. Pano kaya yun ang daming gastos ang dami na naming utang. Dyusko ang hirap. Kaya malaki pasasalamat ko kay mama at papa eh kinakaya nila lahat ng to. Lord tulong :|

I've changed.

Alam ko sa sarili ko yun. Oo nagbago ako, binago ko talaga sarili ko para maging better ako kaysa sa dating ako. Nagbago ako kasi napansin ko sa sarili ko na masyado nang luma yung mga style ko o ugali ko. Gusto ko yung magkakaron ako ng mas maraming kaibigan, hindi naman kasi ako ganun dati, socially awkward kasi talaga ako, hindi ako mahilig makipagkilala, hindi ako mahilig makipag close, pero ngayon iba na ako, medyo nagiging madaldal nadin ako, mahilig nadin akong mag approach ng di ko pa masyadong kakilala, katulad nung mga ginawa ko nung meet up, nagpakasaya ako, hindi ako nanahimik para mag mukhang tanga. Sandali ko lang sila nakasama medyo close na kami agad, hindi yung katulad ng dating ako, sa text\chat lang mahilig makipag close. Nagbago ako, naging mas confident ako, mahalaga sakin yun lalo na sa school, kailangan ko talga maging confident, hindi katulad nung dati, hindi ako makapagtaas ng kamay sa recitation dahil lang sa putapeteng hiya ko. Nagbago ako, naging masmaresponsable akong anak sa mga magulang ko, lagi na akong tumutulong sakanila, hindi katulad nung dati, gising, kain, ligo, laro at tulog lang ako. Oh diba ok naman yung pagbabago ko? Naninibago man kayo, natural lang yan kasi nga hindi pa kayo sanay sa bagong ako. Lahat naman tayo nagbabago.

Seryosong usapan.

Mahilig ako sa ganito, yung mga seryosong usapan, kasi dun lumalabas kung ano ang totoo. Yung mga totoong nararamdaman at yung mga seryosong opinyon. Mas tumatatak at tumatagos sa puso kapag seryosong usapan talaga eh, wala man halong biruan para magtawanan, masaya padin sa pakiramdam kasi nalalaman mong totoo siya sayo.

Enrollment.

Mag eenroll na ako.. sa JRU na <\3

Bahala na si Lord mukhang may balak nanaman siya para sakin kaya dun niya ako ilalagay. This time sana successful na, sana dun na talaga ako. June 3 na pasukan dun, ayos lang, gusto ko nga yun eh, pasukan na agad lol. Nalilito padin ako kung anong course ang kukunin ko hay. T_T

"Introduce yourself for 3 mins."

Grabe ano sasabihin ko sa tatlong minuto?? eh hindi naman msyadong interesting ang buhay ko baka mabored lang sila pag nagsabi ako. hahahaha. pero ayun keri naman. naka 88% lang ako kasi 2 mins lang yung tinagal ko eh wala nakong maisip na sasabihin tungkol sa sarili ko xD grabe tipid magbigay :( hahahah! nakikipagsabayan nadin ako sa english speaking ngayon sa mga kaklase ko dti kasi nahihiya akong magenglish nung hs XD Late bloomer ako kumbaga. weh. hahahahaha.

Ito palang ang aking mga books. Kasi hindi na kailangang bumili nung iba.
Algebra at Philippine History :) natutuwa ako kasi madadali lang lahat ng subject ko, ang kulang lang talaga sakin ay courage pero nakaka recite naman ako lagi kahit papano, basta feel ko kulang pa effort ko. Minsan di ko talaga maiwasang lumipad utak ko kaya nwawala focus ko sa prof pero ayun madali ko namang naibabalik sarili ko sa focus. Mababait at magagaling magturo mga prof ko kaya nakaka gana magaral kaya ayun tas ang bilis ko daw magkaron ng ka close ewan ko naging friendly nako ng sobra nung nagsimula ang college life ko. So ayun kaya.. This is a perfect college year for me :3

Oh diba sa sobrang excited ko nakahanda na agad mga gamit ko para sa school hahaha :)) tagal naman kasi mag monday eh xD etong bag nato luma na yan, nagamit ko yan nung 3rd year pa ata ako pero sandali lang kaya eto nalang gagamitin ko :3 opo mahilig ako sa black and white talaga, kitang kita naman sa theme ko diba haha. Sa linggo na ako bibili ng notebook at sapatos hihi :“)

I heard that your dreams came true.

okay, inggit ako sayo.. kasi andiyan kana, ako nandito padin, you know what i mean? alam kong ako din naman, maaabot ko din yung mga pinapangarap ko pagdating ng panahon (kanta yun lol) bata pa naman kasi ako, marami pa akong pagdadaanan bago yan.. pero bat ikaw ang bilis mong naabot? im so jelly, ang bilis ng blessing mo, alam kong dapat hindi ako naiinggit dahil kailangan ko lang maghintay para marating ko din yan. Sorry lord kung naiinggit ako, alam kong meron kadin para sakin, it takes time lang, pagsisikapan ko yun :)

I.T

Ito ang pinili kong course kasi mahilig ako sa computer (ang babaw) de basta, gusto ko matuto ng programming at ibapa, alam kong pwede ko namang i-search sa google kung pano yun pero gusto ko yun na mismo talaga pagaaralan ko kasi mahirap hatiin ang oras sa pag-aaral at sa ibang bagay. Satisfied na talaga ako sa pinili kong course kasi ito naman talaga ang gusto ko. Pamilyang technolohiya kami, kaya ko nasabi yun kasi lahat talaga kami dito mahilig sa pagcocomputer\gadgets, kaya yung isang business namin puro may kinalaman sa computer\gadgets (computer repair\laptop repair, download, install, cd burn, pa-reformat, pa-open line\jelly bean at marami pang iba) 4 years old palang ako kahiligan ko na ang computer, pero puro paint paint at y8 lang ako nun hahaha! tas ayun nahawa ako sa kuya ko sa mga nilalaro nyang pang lalaki, yung counter strike tas nung na uso yung dota pati nadin yung ibang laro sa warcraft. Ayun sigurado namang gaganahan ako sa pag-aaral nito kasi interesado ako sa pinag-aaralan ko.

Close your eyes, open again, close again.

I dont want to close open.
Bakit ganyan yung kantang yan :((( nakakainis hahahaha

Nung mga nakalipas na araw, hanggang ngayon, at sa mga susunod pa na mga araw, maghihintay nalang ako ng himala (lol) himalang umulan ng 4000 pesos para sa uniform naming dalawa ni kuya -.- siyempre nagbibiro ako diba, di pa naman siguro agad agad dapat may uniform ano uso naman civilian sa college. okay, ilang araw pa ang hihintayin ko para pumasok nako sa school, akoy sabik na kahit wala pa akong gamit, mag rerecycle nalang ako poorever ako. Kaya sa mga rich kid dyan, Hi, pautang. chos.

Hindi mo alam trip mo sa buhay?

Ang hirap naman nun.. pano ka masgaganahang mabuhay nyan? Pano ka masgaganahang mag effort sa lahat ng bagay? Pwede pala yun.. yung hindi talaga alam kung anong gusto nyang gawin sa buhay niya, basta sumusunod nalang sa magulang nya na makapagtapos at magkaron ng magandang trabaho. Tas kapag nainlove, ayun magaasawa, tas yun na yun. Nako imposible naman yan, yung di mo alam gusto mo, meron yan, hindi mo pa lang nadidiscover sa sarili mo. Nasabi ko na din sa sarili ko yan dati eh.

Darkness.

-The absence of light.

Natutulog ako ng patay lagi ilaw, pero may natitira pa namang onting liwanag, yung makakakita pa ako kapag naglakad ako. Pero yung talagang walang ka liwaliwanag?? Hindi ko kakayanin.. hindi ako makakatulog sa takot, maraming pumapasok sa isip ko, hindi ko maiwasang magisip ng mga kinakatakot ko sa dilim. I hate darkness, sino ba naman gugustuhin ang dilim? lol. I’m sharing this kasi right this moment, ganun ang sitwasyon ko, all black ang paligid ko, mamamatay nako sa takot. What should I do? hindi ako makagalaw hahahah. Seriously, napaka weak ko pagdating sa dilim. Mama :(( hahahah

It's just a feeling.

Feelings na pwedeng mawala, o lumala. Hindi rin yan permanente, hindi yan pang habang buhay na. Pa iba-iba talaga yan, o kaya naman pabalik balik. Sarili lang natin ang makakapag lala o makakapag wala ng feelings natin sa isang tao. Ako inaamin ko, mabilis akong maka move on, dahil kung talagang wala nang pagasa, hindi na talaga ako umaasa. Dahil busy akong tao kaya mabilis akong makalimot, marami akong pwedeng pagka abalahan kaysa isipin yung dating kami. Maraming bagay ang pinag iinteresan ko kaya nakakalimutan ko siya. Marami ding nakakapag pasaya sakin kaya nasasabi kong masaya ako kahit wala siya.

Wala na po.

Hindi ko pa nasasabi kay mama, papa at kuya ko na wala na akong boyfriend, kasi magtatanong tanong yan syempre kung bakit, eh ayaw ko ng nagkkwento.. pero ang isasagot ko nalang kung sakaling tanungin nila ako ay “wala naman kasi yun, di naman kami seryoso nun” matutuwa pa nga kasi sila kapag nalaman nila yun eh. Ayun masayang masaya ako sa desisyon ko :) walang kasamang ka-bitteran o sama ng loob, kontento na talaga ako ngayon. Masmasayang mag focus sa pangarap ko kaysa sa ibang tao hehe.

 tinanong niya ako kung ano paborito kong anime, tas nabanggit ko yung deathnote, tinanong niya ako kung sino paborito kong character dun sa deathnote, ang sabi ko si L. After a day, during our frosh and orientation day, he gave me this mouse pad with L on it. Regalo nya yan sa birthday ko (advance gift) kasi walang pasok sa birthday ko. Kaya pala niya tinanong yun dahil magreregalo siya, ang OA ko ba? mouse pad lang sobrang masaya na ako? ang ganda kasi eh, tsaka minsan lang kasi ako makaranas na makatanggap ng regalo tuwing birthday ko eh kaya napaka laking bagay na nito sakin kahit simpleng regalo lang.