pero wala lang talaga to

Imba ang Love.

Gusto nating lokohin ang sarili natin palagi na nakakalimutan na natin yung taong gusto nating kalimutan. Pero matatawa ka dahil alam mong isa itong malakaing kalokohan. Maaring sinasanay mo ang sarili mong wala siya, pero siya at siya pa rin ang iniisip mo. Wala kang magawa kundi ang lahat ng bagay na nararamdaman mo sa kanya eh tanggapin. Minsan sinasabi na nating ok na tayong wala sila. Pero bigla ka na lang magugulat. Isang iglap na matunganga ka.. Siya bigla ang naiisip mo..

Siguro nga mahirap utusan ang puso.. Unang una wala naman itong isip at utak naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Alam mo yun.. Yung ok ka naman. Tapos parang trip mo maging malungkot eh iisipin mo lang siya. Nakakaloko.. Minsan you can’t help but to think na masaya na kaya talaga siya? Kaya na niya talaga kayang wala ka sa buhay niya? Yung mga ganyang tanong na palaging gugulo sa isip mo.

Pero pagtapos ng araw. Tatanggapin mo na lang eh. Na wala na talaga ang lahat. Maaring naiisip natin sila. Pero malaki ang chance na hindi nila tayo iniisip. Ang galing no? After ng lahat ng ginawa sayong kagaguhan. Sa huli.. Kabutihan pa rin ng lagay niya ang iniisip mo.

Imba ang Love.

3 years & 6 mos.

3 years & 6 mos., ang tagal na palang walang tayo. Ang tagal ko na din pa lang single simula nung iniwan kita. Pero bakit ganun?. Oo, alam ko mali ako iniwan kita, sinaktan kita, pinaiyak kita. Sorry. Sorry kung hindi ko binigay sayo yung rason na hinihingi mo kung bakit kita ni'let go. Sorry dahil iniwan kita. Sorry kung naging selfish ako that time. Sorry kung nasaktan kita ng sobra. Nasaktan din naman ako eh, kung alam mo lang. Nitong nakaraang taon okay naman ako eh, wala na kong paki sayo kung ano na nangyayari sa buhay mo o kung may gf ka na. As in wala talaga. Pero nitong nakaraang buwan lang lagi kitang napapanaginipan. Sa isip isip ko, baka eto na yung time para humingi ako ng tawad sayo, sabihin na ang rason kung bakit naging ganito tayo. As in gusto ko na talagang makausap ka ulit. Marami akong gustong sabihin sayo. Pero…
Lahat ng gusto ko mukhang napakalabo na mangyari pa.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Ewan ko lang kung ganito din yung naramdaman mo nung iniwan kita, pero kung oo, grabe! Ang sakit pala talaga.
Para akong sinaksak ng paulit ulit sa nalaman kong balita tungkol sayo. Kasal ka na sa babaeng mahal mo. Naks. Congrats.
Di ko alam kung bakit bigla nlang akong nasaktan sa balitang nalaman ko tungkol sayo ngayon lang. Gusto ko maging masaya para sayo, pero di ko magawa. Ang sakit lang isipin na yung taong handa ko na ulit mahalin ay nakatali na sa iba.
Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Hahaha. Haysss. Pero thankful pa din ako kasi naging parte ka ng masaya at madrama kong buhay (3 years). Thank you and sorry for everything.
So happy for you. 😊 best wishes sa inyo ng wife mo and God Bless you always.

Ang hirap talaga kapag achiever ka. Yung tipong laging nag eexpect sayo ang mga tao. Konting pagkakamali mo lang pag-uusapan kana. Kapag may achievement ka naman o may award hindi mo alam kung masaya ba talaga sila para sayo. Ang hirap lang talagang i-please ng iba. Buti na lang talaga wala na akong pake. Pero minsan may pake pa rin ako. HHAHAHAHA. EWAN KO BA.

K BYE.

Performance task namin sa Filipino is to make a song na related sa El Fili at gusto ko talagang gawan ng kanta yung sa chapter 23, ewan ko ba kung bakit. Pero the things is, I can’t seem to make a song out of it. Sobrang daming distractions tapos wala rin ako sa focus. Nakakainis pa kasi naiinis ako ng walang dahilan. Parang gago. Nakaka-stress kasi di naman ako ganito. Kapag feel ko gumawa ng kanta, natatapos ko agad pero ngayon wala talaga. Nagkakaroon ako ng flow pero nawawala rin agad. Wala lang. Nakaka-frustrate lang talaga kasi hindi naman ako ganito e. Nyeta.

Masasabi kong ang bait mong tao. Bilang isang lalaki, nagawa mong aminin sakin yan. Syempre di maiiwasan masabi yan dahil halos alam naman ata talaga ng lahat crush kita. HAHAHA. Pero don’t worry, di naman ako na-fall sayo. Gusto ko lang ipost kasi sobrang proud ako sa lalaki na hindi nagpapaasa ng babae. Straight to the point kung may pag-asa or wala. Hindi yung magiging sweet pero wala lang naman pala. Thank you!!! Masasabi kong crush goals talaga ako. At ngayon tinuturing mo na akong bestfriend mo, ramdam ko naman yun. Mas naging close tayo e. :)

"Napatawad ko na siya"

Nakita ko siya kahapon habang pa-uwi ako. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko sa kaniya. Napatawad ko na ba talaga siya? Ang hirap naman kasi na iisang school kayo at parehas lang ang dinadaanan. Di malabong di ko siya makikita. Kapag naman nakikita ko siya, bumabalik yun sakit. Na parang di ko pa siya napatatawad. Ni hindi ako makatingin sakaniya. Samantalang siya, natititigan pa ako. Ano nga bang bago? Ganon naman siya kalakas. Kaya niya gawin ang nga gusto niya. Kaya niyang manipulahin yung mga tao sa paligid niya. Nakakatuwa lang dahil ang daling itigil para sakaniya ang meron kami dati. At nakaka-amaze dahil parang wala lang sakaniya. Siguro wala lang naman talaga sakaniya lahat. Pero, SEVEN YEARS YON. Seven years pero ang dali lang sakaniya balewalain lahat. Wala pa nga yatang isang linggo, nalimutan na niya ako. Samantalang ako, APAT NA TAON, apat na taon na pero nandito padin yung sakit. Naaalala ko padin yung mga nangyare sa seven years. At ang sakit sakit, ikaw yung nagpamukha sa akin na WALA TALAGANG FOREVER pero mahal padin kita. Namimiss na kita. Ano kayang mangyayare kung tayo padin yung makasama? Naiiyak na lang ako kung iisipin. Gusto ko sanang sabihin ba proud na proud ako sayo kaso di tayo nag-uusap kaya dito na lang.

4

02.14.17//

Wala akong idea talaga na may surprise na ganito, dahil sabi mo sobrang busy ka this day dahil marami kang meet up, then ako pala kameet up mo. Jusme! Nalate ako pumasok dahil ayaw ko talang pumasok, kasi nakakatamad naman at pinabili pa nila ako ng flowers para sa prof namin. Pag dating ko dun sabi ko pa “may flowers na ako oh” then sabi nila agad “kano yan?” Hindi ko napansin na may letter ay flower na pala sa upuan ko. Ang sabi nila pinaLBC lang. Akala ko talaga andito siya pero pero wala talaga. Lunch na sabi niya magvideo call na kami pero ayaw din lang niya so ayun tapos na kami kumain asa room na kami tapos tumawag siya sabi niya “babe payakap naman” gulat na gulat ako hindi ko alam kung anong meron pero tumakbo na ako agad sa harap ng school saka ko siya nakita may hawak na sunflower, isang box at nuggets. Bwahahaha! Akala ko talaga wala kasi alam namin both na kakauwi lang nila ng manila nung monday, pero eto kami ngayon magkasama. Sobrang saya ng araw nito. Happy Valentines day mga beshyy!! 🙊😘💕

“AYOKO PANG SUMUKO. BAKA BUKAS KASI MAHAL MO NA AKO.”

A quote from Hugot Snap.

Ayoko pa talagang sumuko kasi malay mo diba, bukas mahal mo na ko.

Malay mo bukas nasakin na yung buong atensyon mo.

Malay mo bukas ako na yung hinahanap hanap mo.

Malay mo bukas hindi na yung ex mo kausap mo nang may pagkahaba habang topic.

Malay mo bukas hindi na yung mga taong pinagseselosan ko ang kausap mo.

Malay mo bukas pag magkasama tayo ako na yung kausap mo at hindi na yung kachat mo sa messenger mo.

Malay mo bukas interesado ka na sakin.

Mahal, malay mo rin bukas wala na talaga ako sayo.

Pero takot lang talaga ako sa thought na baka pag nagopen up na naman ako, magagalit ka, mamisunderstand mo na naman. Baka mauwi na naman sa hiwalayan. Kahit pa sinabi ng kaibigan ko sakin,

“wag kang matakot jusko. pag nag break kayo isipin mo nalang na mas okay na un kesa mag stay sa toxic na relationship. ganyan kayo eh away bati away bati kunting ano lang break agad. puta.“ 

Ayokong sumuko. Aayusin pa kita, diba sabi ko, aayusin pa kita kung pagbibigyan mo ko. Eto, binigyan mo ko ng chance pero di ko alam kung pano ka ayusin, pano ka buoin. :( 

umalis ako ng bahay kanina na walang kain, tas di pa ako nakakapagsuklay ng ayos tas hanggang ngayon wala pa ding kain, ngangatal na tuhod ko tas medyo nahihilo ako pero kinakalmahan ko lang kasi wala talaga akong gana, parang unti unti ko na ding pinapatay sarili ko hahahaha charot pero wala namang may pake. eh tapos himala nagquiz ulit kami ang dami kong nasagot tas pumasa naman thankyou lord. tapos eto ako ngayon nasa library kasi mamayang 5:30 ulit yung sunod kong klase so baka matulog na lang muna ako kahit saglit kasi sa totoo lang wala akong naitulog kagabi puro nalang ako iyak hahaha such a cry baby.

Bakit 'di ko kayang bumitaw.

Siguro nga ako na lang naman ang umaasa. Baka nga wala na talaga, akala ko lang meron pa. Pero sa totoo lang ayoko pa talagang bumitaw. Bakit? Kasi umaasa ako na pareho pa rin tayo ng nararamdaman. Baka nahihiya ka lang ipagtapat sakin o nag hihintay ka lang ng tamang pagkakataon. Baka kasi mahal mo rin ako, hindi mo lang sinasabi. Kaya nga siguro kahit na alam ko at dama ko namang malabo na talaga ang lahat, nananatili pa rin akong nakakapit. Hindi ko kayang bitawan. Ayoko. Natatakot ako na kapag binitawan ko, saka mo lang maisip na mahal mo rin ako. Natatakot ako na kung kailan naka move on na ko, bigla kang magpaparamdam at gugustuhin akong muli sa buhay mo.

Pag binalewala mo...

Darating sa punto na mapapagod siya sayo. Oo mahal ka niya pero marunong rin yan mapagod. Marunong rin yan makaramdam ng sakit. Masakit kaya pag binabalewala mo. Mahal ka tapos ginaganyan mo lang? Yung totoo, mahal mo ba o ginagawa mo lang pampalipas oras?

Tandaan mo, lahat ng ginagawa niya sayo ngayon mawawala rin yan pag sumuko na yan. Syempre mapapagod yan na parati mo na lang binabalewala. Hahanap rin yan ng magpapasaya sa kanya. Yung di siya babalewalain. At pag nahulog na siya sa taong yun, lahat ng ginagawa niya sayo, sa iba na nya gagawin. At mamimiss mo yun.

Subukan mong kausapin, expect mo na kawalang gana reply nyan sayo. Di naman sa bitter pero wala lang talaga gana sayo. Wala na lang talaga sya pake sayo. Hahabulin mo, pag nahulog ulit sayo uulitin mo parin naman. Kaya tatapusin nya na kung anong meron sa inyo. Ayaw mo man o gusto. Napakastupido mo kung ganon. Binabalewala mo ang taong seryosong nagmamahal sayo. Sinayang mo ang mga katulad niya. Wala kang kwenta kung ganon.

Sana kapag sinasabi mong namimiss mo ako, namimiss mo ung mismong ako. Ung presensya ko tuwing magkasama tayo. Boses ko tuwing magkausap tayo. Ngiti at tawa ko tuwing nag aasaran tayo. At mga kamay ko tuwing hawak ‘to ng mga kamay mo.

Hindi yung tamis ng labi ko tuwing hahalikan mo ko. Init ng katawan ko tuwing may mangyayari satin. O sarap ng yakap ko tuwing nakayapos ka sakin.

Sana kapag sinasabi mong mahal mo ko, mahal mo talaga ako. Sana yun talaga ung sinisigaw ng puso mo. Sana yun talaga ung lagi-laging binubulong sayo ng isip mo. Sana yun talaga yung nararamdaman mo.

Hindi yung sinasabi mo lang yun para utuin ako. Lalo’t alam mong bibigay at bibigay ako, kasi may feelings na ko para sayo.

Sana totoo nalang lahat ng yun. Sana totoong nararamdaman mo ung mga bagay na yun sakin. Di naman sa wala akong tiwala, pero di ko lang talaga mapigilang di matakot. Na baka nag aassume lang ako. Na sating dalawa ako lang ung nagmamahal. Na baka kaya mo ko mahal, kasi kailangan mo ako. Kailangan mo ako para maibsan ung mga pangangailangan mo.

Sana totoo nalang lahat ng yun.

— 
10:00 pm | C.J.R
Wala Pala

Gusto ko lang balikan ang nakaraan
Sa kung saan wala tayong kasiguraduhan
Malabo lahat
Walang tayo
Komplikado
Pero bakit nga ba na kung kailan ako hindi sigurado doon pa ako pinakamasaya

Ewan ko nga ba
Kung bakit ako pumayag sa isang malabong laro para lang makasama ka
Para lang sumaya
Kahit alam ko na pansamantala
Minahal nga siguro kita
Hindi kasi ako yung tipong nagpapadaig, nagpapatalo
O sumusugal sa bagay na malabo
Pero oo, sumugal ako sa'yo
Walang atubili
Walang teka-teka ano ba ‘to
Mabilis pa sa alas kwatro

Oo, sumugal ako sa'yo
Kahit walang pangako ng panghabambuhay na pagsasama
Kahit walang kinakapitang “oo, sige tayo na.”

Sumugal ako sa'yo
Sa kabila ng paghadlang ng mga kaibigan ko
Sa pagasang isang araw magbabago
Pagasang mapapalitan na ang salitang “malabo” ng isang nagmumurang TAYO

Bakit ako pumayag na maging pasamantala
Naguumpisa pa lamang pero natatanaw ko na
Ang pagkawasak ng puso kong hindi handa
Nakakatawa na minsan pala masaya maging tanga

Patagal ng patagal
Inakala ko na dalawa na tayong sumusugal
Iniisip na baka ito na ‘to
Lalo na nung sinabi mo na mahal mo rin ako
Nung sinabi mo na “masaya ako sa'yo.”
Nung mga oras na hinawakan mo ang mga kamay ko
Sabay halik sa noo
Sabay bitaw sa isang pangako
Na parang bang hindi mapapako
At magsisilbing pambura sa sitwasyong napakalabo

Ngunit isang araw, tinulak mo na lang ako palayo
Nakahanap ka na pala ng taong mas magpapasaya sa'yo
Mas magbibigay ng kulay sa mundong ginagalawan mo
Mas magbibigay kahulugan sa mga panaginip mo
Mas magmamahal sa gagong katulad mo

Pasensya ka na
Umaasa na kasi ako
Nakalimutan ko na mayroon nga palang dulo
Ang sitwasyong binuo mo, ko, tayo..
Mayroon nga palang katapusan
Itong kasunduan
Na gusto kong na lang balikan
Ang sitwasyong walang kasiguraduhan

Pasensya ka na
Akala ko kasi meron na
Pero wala pala talaga

Dati napapansin ko kapag nag m-masturbate ako nagkakaroon ako ng pimples kinabukasan. So dahil gumana ang pagka-weirdo ko, nag search ako kung may significant relationship ba yung masturbation at pimples. Hindi lang pala ako yung may problema sa ganun dahil maraming article din akong nabasa na ganun din yung nirereklamo nila. Pero nalaman ko na wala, nagkakataon lang daw talaga kaya ganun. At totoo nga, kasi ngayon kahit araw-araw ko ginagawa wala naman akong pimples. Depende na lang kung nagpupuyat talaga ako. La lang, naisip ko lang ngayon. Gege.