pekpek shorts

Si Lamok At Si Pekpek Short
  • Kanina nang naglalakad ako may sumusunod sa aking matandang babae na nakapekpek short kaya naisipan kong pumasok sa 7/11 sa may Malibay dito sa Pasay.
  • Para bumili ng ice cream na tag-20php dahil sa sobrang init at ako'y pawis na pawis.
  • Habang nasa loob ako ng 7/11, nakita ko rin siya sa loob at tingin pa rin siya nang tingin pero hindi ko napinansin.
  • No'ng nasa counter na ako, nagulat na lang ako kasi nasa harapan ko na siya pero may mga bitbit na ito. Siguro bibili (sa isip ko), kung hindi ako nagkakamali nasa 40's na siya.
  • LAMOK: Excuse me po, napansin ko lang po kanina pa kayo sunod nang sunod sa akin?
  • BABAE: Ay! Sorry, iho... kung ganyan naging reaction mo. Naalala ko lang kasi ang anak kong namatay n'on napatingin ako sa'yo.
  • LAMOK: Ay naku! Sorry po, may maitutulong po ba ako?
  • BABAE: Puwede bang sabihan mo ako ng "GOODBYE MA" pag labas ko dito?
  • LAMOK: Ay! `Yun lang po ba? Ok sige po maliit na bagay.
  • Lumabas `yong babae tapos sumigaw ako ng "GOODBYE MA", pagtingin ko sa counter ay laking gulat ko sa bill na babayaran ko... P300.
  • LAMOK: Teh, ba't ganyan ang babayaran ko, Eh, ice cream lang naman binili ko, ha?
  • CASHIER: Sabi kasi n'on babaeng umalis ang anak n'ya raw ang magbabayad.
  • LAMOK: Ay hindo!t Patay tayo diyan! Naisahan na naman ako. Grrrr!
  • LESSON:
  • Huwag basta-basta nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala lalo na kung tila kahina-hinala ang kilos nito na nakbuntot sa`yo. At lalong 'wag ka basta-bastang naniniwala sa mga kuwento namula sa mga taong `ngayong mo palang nakita ang mukha nito.
  • Sa panahon ngayon, marami ng kadramahan para lang makapaglinlang ng kapwa.
Dalawang ugali ng BF/GF, ang mahigpit at hindi.

Ang hindi mahigpit na BF/GF, ito `yong tipo ng tao na hinahayaan niya `yong partner niya sa gusto nitong gawin. Halimbawa, gusto ng partner mong sumama sa mga friend nito, mag-inum, maglandi, or magsuot ng pekpek short o kung ano-ano pa. Papayagan kaagad niya ito, sa totoo lang nakakaramdam din si BF/GF ng selos at tampo. Pero ang ganitong type ng BF/GF ay napaka-understanding at alam ang pangangailangan ng partner kaya hinahayaan niya `yong tampo at selos. 


Ang mahigpit na BF/GF naman ay ang opposite ng hindi mahigpit. Halos lahat na ata gustong gawin ng partner mo ay ipinagbabawalan ka. Pero ang iba naman ay limited lang ang pinagbabawalan tulad na lang ng masasamang bagay at kasama na nga dito ang pagsama mo sa mga kaibigan mo. Ito ang ang mahigpit na kalaban ng mga tampuhing kaibigan. Ang ganitong type ng BF/GF ay puwedeng makakasakal sa iba, pero minsan mabuti rin ang ganito. It depends na lng sa ka-partner mo kung masasakal ka o hindi.