payapa

Ang salitang TAKOT ay burado na sa mundong ibabaw.

Bakit ako matatakot?

Anong dahilan?

…na magkamali…ulit?

…yung paulit-ulit ulit?

PAST IS PAST. LET’S DWELL NEW THINGS.


AT HINDI AKO PAPABAYAN SA MGA MAGIGING DESISYON KO… nang NAG-IISANG TUNAY, TAPAT at WALANG SAWANG (daig pa ang mga naging paulit-ulit kong pagkakamali) nagmamahal sa akin.

(nabubuhay at mabubuhay ng mapayapa panghabangbuhay…)

At umibig ng payapa
[And to love in peace..]
Mabuhay sa mundong itong
[Live in this world..]
Ligtas sa takot at gulo
[Without fear nor chaos]


Ang makita kang malaya
[To see you free..]
Ang nag-iisang panata
[Is my one promise..]
Yayakapin, mamahalin kita
[I will wrap my arms around you, love you..]
Hanggang wala nang bukas”
[Until there’s no tomorrow]

~ HANGGANG WALA NANG BUKAS [Until There’s No Tomorrow] (by Ebe Dancel)

(( Advance guys, heheheh :’))))) ))

Pinoy Love Quotes and Sayings

Pinoy Love Quotes and Sayings

Balang araw, mawawala na yung sakit, yung mga iyak, yung pagod, yung sobrang pagiisip. Balang araw, magiging masaya ka din ulit.

Mahal kita pero hindi ko maipaglaban kasi wala akong karapatan. Wala akong titulong pinanghahawakan. Hindi ko maipaglaban ang pagmamahal ko para sayo, dahil wala namang tayo.

hindi mapapawi ng isang SORRY
ang pangakong sinira nya.
Hindi kayang takpan ng mga ngiti
ang sakit na kanyang ipinadama.
Dahil maging ok ka man sa paningin ng iba, puso mo
parin ang makakaramdam ng sakit na ginawa nya

KAPATAWARAN ang sagot sa bawat kasalanan,
at pag-unawa ang Tugon sa Lahat ng pagkukulang kaya matuto kang magpatawad
at umunawa dahil yan ay isang GINTONG Pangaral para mamuhay ng PAYAPA.

Alm mo ba kung bakit tayo nasasaktan?
Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan,naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal ng taong hindi tayo kayang panindigan!

Nahihirapan ka? Isipin mo na lang na hindi ibibigay sayo ni God ang problemang yan kung hindi mo kaya.

Yung pagiging mabait sa taong kinaiinisan mo ay hindi ‘yan kaplastikan… matalino ka lang talagang tao, dahil nakukuha mong irespeto siya sa kabila nang kagaguhan niya, at ayaw mo ring gumaya sa kanya.

Anu bang pagkakaiba ng kasama SILA at kasama KITA? simple lang. Pag kasama SILA.
tawa ako ng tawa kasi masaya. Pero pag kasama KiTA, di pa tayo tumatawa.
SOBRANG SAYA ko na!

Pinoy Love Quotes and Sayings

Yung feeling na kapag kasama mo ‘yung Taong Special sa’yo, parang ayaw mo nang humiwalay sa kanya.

Ang gusto kung relasyon ay yung maraming NAKAKAALAM pero walang NAKIKIALAM.

Wala naman talaga pinanganak na MANLOLOKO. Di lang talaga naitanim sa pag-iisip nila ang tunay na kahulugan ng SERYOSO, RESPETO at KUNTENTO.

Ang bottomline ng pag-ibig ay kung masasaktan ka in the end or magiging kuntento ka.

Hindi mo ko masisisi kung nainlove ako sayo dahil miski ako hindi ko akalain na mahuhulog ako sayo.

Kapag nagmahal ka ng isang tao, nagagawa mo ang mga bagay na kahit kailan ay hindi mo inaasahang gagawin mo

Kahit kailan hindi naging tama ang mali, aanhin mo ang TAMA kung MALI naman ang paraan.

Alam mo kung bakit nasasaktan ka? Kasi iniisip mo na gusto ka rin nya, kahit hindi naman talaga.

Pinoy Love Quotes and Sayings

Nagseselos Ako!

Muli naman ako magsusulat ng tula para sa tunay kong saloobin
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa at ipagsigawan
Na nagseselos ako, na tila sasabog na parang bomba ang aking damdamin
Na ang hirap pigilan ang matinding pagseselos na aking nararamdaman!

Manhid ka ba? O sadyang ikaw sa akin ay walang pagpapahalaga
‘Di mo ba naiintindihan kung bakit sambukol ang akin mukha?
‘Di mo man lang pansin na ako’y nagngingitngit at nanlilisik ang aking mga mata
Dahil ang lahat ng ito ay NAGSESELOS AKO, na di ko mawari kung ikinatutuwa mo pa!

Oo! Hindi nakakatuwa ang ganitong nararamdam na kung maaari lang na itago ka,
Tiklupin, at isilid sa akin bulsa para lang makasiguradong hindi ka mawawala
Na hindi napupukaw sa iba ang iyong atensyon at walang makakalapit sa’yo na iba
At higit sa lahat, hindi kakaba-kaba ang aking damdamin at ang isip kong lubusan ng magiging payapa.

Nagseselos ako! Nagseselos ako!
‘Yan ang laging sinisigaw ng aking isip at ng aking puso
Pero hindi ko kayang sabihin ang kataga na 'yan sa'yo
Na nagseselos ako sa mga binibigyan mong atensyon sa iba na tila may punyal nakatarak sa akin puso!

Mahal mo ako, mahal mo ako, mahal kita aking mahal!
'Yan ang laging bigkas ng iyong bibig, 'yan ang laging nababasa ko na nakakagaan sa loob
Pero bakit ako'y nasasaktan 'pag sa iba'y todo ang atensyon iyong inaalay
At ako'y tila gutom na nanlilimos ng iyong atensyon at pagmamahal.

Mahirap, oo, napakahirap ng ganitong relasyon
Nasa malayo sa isa’t isa at tila nagbibilang lagi ng oras
Kung kelan magkasama, mahagkan ka, at mayakap
Na puno ng pananabik, pananabik nakakabigay ng lakas na kabog sa dibdib.

Alam kong minsan ay mali ako sa pagseselos na walang dahilan
Pagseselos na minsan gusto kong durugin ang pagmumukha ng 'yong kalandian
Nakakangitngit sa kalooban, nakakagalit na walang basehan
Pero mahirap bang intindihan ang aking nararamdaman na NAGSESELOS AKO!

Oh, Mahal ko, ako naman sana ay iyong pangalagaan
Tapat kong pag-ibig ay huwag mong baliwalahin
Dahil baka ako'y sumuko na lang at ika'y kalimutan
Nang wala ng makulit pang nagseselos at nasasaktan.

Ang sarap talaga ng may maayos na relasyon.

Masaya, payapa at kahit na nagkakaroon ng mga trials, pareho niyong inaayos dahil mahal niyo ang isat-isa. At kapag sasagi sa isipan mo yung mga pinagdaanan mo sa ex mo nuon, maiisip mong mukha ka pala talagang tanga, mukha ka palang kawawa.

- Kaya kung gusto mong maging ganito kasaya, matuto kang magsimula.