paulite

Nakakamis maging tambay

November 16, 2014,

Ano ba ang tambay? Yun ba yung walang trabaho? Yung magdamag nasa kanto? Yung lasinggero na kapitbahay niyo? Kung tingnan ng iba ay walang kwenta at mukhang adik. Lagi umaasa sa magulang, salot sa lipunan, at walang patutunguhan. Pero kahit ano pa man ang kahulugan at panghuhusga, minsan din naman akong naging tambay. Hindi ko ito kinakahiya, bagkos pinagmamalaki ko pa. Marami kasi akong mga masasayang sandali, mga natutunan, at paalala na lahat tayo ay may pagkakataon na magbago at umunlad ng paunti-unti.

Natapos na ang kontrata ko bilang tambay. Humigit kumulang isang taon din ang aking naging paglalakbay sa likod bahay. Isang taong halos paulit-ulit at walang kasawa-sawa ang aking mga ginagawa sa araw-araw. Gigising ng tanghali, kakain, maliligo, tatambay magdamag, mag-iinom kung may pera, at uuwi ng madaling araw na may sermon na sasalubong. Dahil dun, napilit ko ang aking sarili na maghanap ng trabaho. Pero ngayon na may trabaho na ako, bigla kong naisip na nakakamis din pala maging tambay.

Marami ang nag bago simula noong nagkatrabaho na ako. Hindi na kasi unlimited ang oras ng pagtulog, at kailangan ko din na labanan ang paghila sa akin ng higaan sa tuwing gigising sa umaga. Ganun din sa pagtulog, nahirapan ako ng husto sa bagay na ito. Kadalasan kasing maabutan ako ng pagtilaok ng mga manok bago ako makaramdam ng antok. Hindi ko narin madalas nakakasama ang mga barkada ko. Napalitan na sila ng mga katrabaho ko na hindi ko masabayan sa trip. Halos ako lang kasi ang lalaki. May lalaki man, tagilid pa. May mga usapan kasi sila na hindi ako makaugnay, may hirit naman ako na hindi nila naintindihan, nasayang lang ang punchline ko. Pero ganun pa man unti-unti ko nang natututunan ang pakisamahan at umugnay sa kanila. Isa lang ang ikinatuwa ko sa kanila, ito ay ang nakasalamuha ako ng ibat-ibang personalidad at uri ng tao.

Naalala ko yung mga sandali na nagpapalipas lang ako ng oras. Tipong may hinihintay, pero wala naman talaga. Nagsasayang lang pala ako ng oras. Nakakalumbay din kasi maging tambay kung ikaw lang mag-isa. Kaya ang ginagawa ko ay naghahanap ako ng karamay. Iniisa-isa kong sinusundo ang ang kapwa kong tambay sa kanilang mga tahanan. Hindi ko man sila minsan mahagilap lahat, kahit papaano ay may karamay ako. Magkakasama na naming pag-iisipan kung ano ang magandang susunod na gagawin. Minsan pumunpunta nalang kami sa mundo ng mahijuaga. Kung saan ang oras ay mabagal at ang mga tao ay masasaya. Dahil meron tayong tinawag na balanse, ang panandaliang saya ay mapapalitan pagkaantok, pagkalanta, at pagkagutom.

May bagay ang ayaw ko noong tambay pa ako. Isa dito ay yung mga taong huhusgahan ka dahil isa kang tambay at wala kang trabaho. Tipong iisipin agad nila na adik ka, walang kwenta, at tatamad-tamad, pero hindi naman nila alam ang tunay na kwento. Sila yung mga tsismosa kong kapitbahay. Tsimisan ng tsimisan, mga inggiterang walang kasawa-sawang manira ng ibang tao. Pero halos wala naman silang pinagkaiba sa isang tambay, madalas din kasi silang nakatambay sa tindahan at sa kalsada, nangingialam pa sa buhay ng iba.

Mahirap lang nung tambay pa ako ay lagi akong may problema sa pera. Di naman dahil sa utang at hindi rin naman ako nangungutang. Ito ay dahil wala lagi akong pera, hindi naman kasi kami mayaman. Kahit mismong pang-yosi ay wala ako, mapipilitan pa akong manghingi sa magulang ko, tipong limang piso lang may sumbat pa. Hindi naman ako makapalag, totoo naman kasi mga sinasabi nila. Kaya nambuburaot nalang ako sa mga kaibigan ko pasamantagal. Pero dahil sa may trabaho ako at kumikita ng pera, sagot ko na sila. Ganyan naman ang magkakaibigan dapat laging nagbibigayan.

Hindi ko alam kung paano tatapusin yung kwento. Kaya mag iiwan nalang ako ng paalala at payo. Masarap din maging tambay, wag lang gawing panghabangbuhay.

There’s this guy on FB who’s always posting Ron Paul stuff, among other goofy ass shit like conspiracy theories and the illuminati. He posted this and I decided to ruffle his feathers a bit. After my last comment, it got to about 10 minutes and he didn’t respond, so I thought “uh oh, he’s about to delete this (like he always does when people prove him wrong) better screen grab for fun”.

Sure enough it’s about 35 minutes after, and it’s not on his wall anymore.

instagram

BEFORE the night ends…. I gotta say HAPPY BDAY AGAIN … JET SERIOUSLY BRO there is never a day that passes on thinking of you man. I know your watching us, but another year to October comes around. Also i know u see all the shit that’s happening but man don’t worry bro I always remember things are not as bad as it is at times… It’s fucked up but I’m not letting it get to me …but U know what I know u hear my prayers, asking God to give us at least one day back here on earth with us. That would be pretty dope! But I know we will reunite again one day. Random But the walking dead is back on and American horror stories…. It’s gonna be a good season bitch! But bro…. LOVE YA MAN AND UNTILL NEXT TIME …… See YA in my dreams though! #family #jarettandrewpaulite #paulite #love #brother #ames #happybday #until #next #peacetreaty #intime #singularity #miss #oneday #october13 #remember #prayers #dreams #heart

Sa susunod na pagkakataong masaktan ka ulit ng dahil sakanya, wala ka ng dapat pang sisihin kundi sarili mo lang. Bakit? Kasi kahit alam mo ng malaki ung posibilidad na patayin niya ulit ang puso mo, paulit ulit mo parin siyang pinagbubuksan ng pinto papasok dyan sa buhay mo.
—  Minsan ng naging tanga. // cjr

Binabagtas natin ang daan sa salitang “tayo.” Akala ko madali lang ‘tong daan na 'to. Akala ko dire-diretso lang ang ating tatahakin, naniwala ako, kasi iyon ang sabi mo. Pero, bakit ganon? Habang nagtatagal parang nag-iiba na ang daan na sinabi mo. Nagpatuloy pa rin tayo kahit hindi na ako sigurado kung ito nga ba ang tamang daan na ipinangako mo. Baku-baku, maputik, ang daming lilikuan.

Binalewala ko dahil naniwala ako sa direksyong binigay mo. Akala ko matatapos na ang daang ganito, akala ko lang pala iyon. Tinanong na naman kita.. “bakit ganon? Ang hirap naman ng daang ito.” Hindi ka umimik at tinignan mo lang ako. Paulit-ulit ang daang tinatahak natin, hanggang sa hindi na kita tinanong pang muli. Unti-unti nang nawawala ang tiwala 'ko sa'yo. Narating natin ang sa gitna ng “tayo.” Napaisip ako kung magpapatuloy pa tayo dahil nakita ko ang daan na atin pang tatahakin. Tumingin ka sa'kin at bigla mong sinabi, “Tama na, 'Ayoko na. Pwede mo na akong iwan dito.”

Hindi ko inaasahang ikaw ang unang mapapagod at susuko.

Yakap. Yung mga yakap mo na parang ayaw ko nang bitawan. Yung mga yakap mong sobrang higpit na ramdam na ramdam ko yung mga tibok ng puso mo. Yung yakap mong ramdam ko na mahal na mahal mo talaga ako. Yung yakap mo na ayoko nang lumayo at gusto kong ganun na lang tayo. 

Hawak ang aking Kamay. Hawak hawak ang iyong mga kamay. Hindi nagpatalo kailangan dalawang kamay ang aking hawak. Pinaglalaruan sabay halik sa iyong mga kamay. Yung ayaw ko nang bitawan dahil gusto ko laging hawak ko ang iyong mga kamay. Hinding hindi bibitawan dahil hindi ko hahayaan bitawan mo ang mga ‘to. Kung sakaling bitawan man, kinukuha agad sabay hawak ng mahigpit sa iyong mga kamay.

Halik. Mga halik mo sakin. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Para bang walang bukas. Ang tamis ng bawat halik para bang kendi kung saan sobrang nilalanggam sa sobrang tamis. Yung mga mapangakit na mga labi na ang sarap idikit yung labi ko sa iyong mga labi. Ang sarap sarap mong halikan nang paulit ulit.

Habang nag bbrowse ako sa fb nakita ko yung picture ni ninoy na may dugo picture nung namatay siya tapos close up pa ang creepy. Natakot tuloy ako bigla, paulit ulit yung picture na nakikita ko sa utak ko naiimagine ko kainis. Paano ko matutulog nito

Gusto ko lang magthank you sa kanya at sa mga taong natutuwa sa aming dalawa. Hay grabe guys. Alam niyo ba sa tuwing sinasabi kong ang swerte ko sa kanya lagi niyang sinasabing mas swerte daw siya. Naalala ko yung sinabi ko “mahal ang sweeet mo” alam niyo sabi niya “weh? drop down daw” hay. Di ko alam ba’t ayaw tumanggap ng compliment ‘tong hayop na ‘to. Hahahahaha. De joke lang. 

Pero oo nga mahal, ang sweet mo. Isa sa mga gusto ko sa ating dalawa hindi tayo tulad ng iba na materialistic. Ewan, mas natutuwa ako sa mga long post or letters or what. Mahal, wag ka nang maarte. Alam mo ang sweet mo talaga. Nakakainis. Sobrang sweet mo. Wala wala. Swerte ko lang sayo. Alam mo naman kung bakit diba? Na sabi ko na ‘to sayo noon eh. Thank you. Thank you sa lahat mahal ko. Hindi mo lang alam pero araw araw kong binabasa nang paulit ulit yung mga ginawa mong sulat ang mga post. Kahit mga convo natin kagabi o kanina grabe paulit ulit kong binabasa. Tulad nga ng sabi ng iba mahal ko, sobrang sweet mo talaga. Swerte ko. nawawalanngurl

  • Boy:Gusto mo ba ako?
  • Girl:Gusto kita.
  • Boy:Eh bakit di mo pa ako sinasagot? Anong problema?
  • Girl:Kasi takot akong ipagkatiwala yung puso ko ulit. Takot akong maiwan nalang basta. Nakakatakot na maniwala na mahal ka ng tao pero bigla nalang mawawala ng parang bula. Nakakapagod umiyak. Maraming beses na. Isang beses ka nga lang masugatan, masakit na eh... Paulit-ulit pa kaya?
2

Channing Tatum.
Hottest Species. Grabe. Bakit napaka-hot mo? Naririnig ko pa lang ang pangalan mo, naglalaway na ako. Ako na lang sayawan mo buong maghapon please. Noong nanonood ako ng Magic Mike XXL, grabe nakahawak lang ako sa upuan at sa kasama ko the whole time. Hindi maalis yung tingin ko sa'yo. Wala akong pakialam kahit maraming tao. Hindi ko ma-contain yung hotness mo Channing. Gusto kong panuorin yung Magic Mike ng paulit ulit. Hahahaha. Channing. 😍

Nakakapagod

Nakakapagod pala ang mahalin ka, nakakapagod na araw araw kong pinaparamdam sayo na mahal kita kahit parang balewala lang ako sayo. Nakakapagod sabihin sayo ng paulit ulit kung gaano kita kagusto kahit puro tawa lang ang sagot mo. Nakakapagod magpanggap na hindi ako nasasaktan at nagseselos. Nakakapagod maghintay sa text,tawag, at chat mo araw araw. Nakakapagod ang iistalk ka araw araw para lang malaman ko kung ok ka. Nakakapagod at nakakasawa ang mahalin ka dahil palagi nalang akong balewala at naghihintay sa wala. Sabi nga sa kanta “I did my best, But I guess my best wasn’t good enough” yeah I did everything para maramdaman mong mahal kita at mahalaga ka pero wala talaga. Lahat tayo napapagod at nagsasawa, may kapaguran, may hangganan.

6:30 AM nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng phone ko, umaga na ulit. Panibagong araw na naman ang haharapin ko dito sa Korea, mahigit apat na buwan na din ako dito at halos nasanay na din ako sa buhay dito sa ibang bansa. Nasanay na din ako na wala yung mga taong gusto ko lagi kasama, walang yung nanay ko na tatalak para gigising saken sa umaga, mga kapatid na papasok sa eskwela at mga kapitbahay na makikita sa kalsada. Pero hanggang ngayon pag iniisip ko ang bahay namin sa Bacolod eh nalulungkot pa din ako.

Ang buhay ko dito sa Korea halos pare-parehas lang araw-araw, nakakasawa na yung routine. Yung gigising ako sa umaga, maliligo, magluluto ng almusal, papasok sa trabaho, uuwi sa bahay, magluluto ng hapunan, kakaen, matutulog, gigising. Kinabukasan uulitin na naman ang routine na ginawa ko kahapon. Oo paulit-ulit lang ang buhay dito, pero kahit paano sa buhay dito natututo ako. Natutunan ko ang buhay ay isang pakikidigma kung saan yung mga mahihinang tao ay walang lugar dito, ang pagiging takot yun pa yung nagpapatapang sa atin. At kahit iwan ka man ng lahat ng tao, mananatili kang nakatayo sa gitna ng gyera ng mundo.

Mahirap man minsan para sa akin ang buhay dito sa ibang bansa pero kinakaya ko, hindi dahil matapang ako kundi dahil sa mahina ako at kailangan kong maging matapang para labanan ang kahinaan na meron ako. Hindi madali ang bawat laban, lalo hindi ko alam kung sino at ano ba talaga ang aking kinakalaban, ngunit sa pagdaan ng bawat umaga, sa pagdaan ng bawat araw alam ko makikita ko din kung anu man hinahanap ko.

Sa bawat umaga sabi nila panibagong pagsikat ng araw, panibagong pagkakataon para magbago, panigbagong pagsubok, panigabong laban at higit sa lahat panibagong buhay na ipagpapasalamat. Kaya sa bawat umaga, mahirap man bumagon, babangon pa din. Tiyaga lang at tiwala, pasasaan ba’t matatapos din ang araw tapos bukas ulit.