patama quotes

Nakatulala habang nakaupo
Napalingon sa gilid puno ng ngiti
Akala ko'y hindi kakilala
Yun pala'y taon ng nakalipas simula noong huling nagkita

“Kilala kita” bulong sa sarili
Nahiya ng konti
Tumago sa gilid
Sumunod ka na parang dati
Noong wala pang pipigil at walang kahati

Bakit tila hindi ka lumilisan
Napapaisip habang nakatayo lang sa gilid kasama ang paghahanap kung ika'y nasaan
Biglang naalala ko, hindi pala kita gusto
Ang tanging memorya kasama ka ay gusto lamang ibalik
Pero ang makasama ka ay hindi naman pinangarap

Sapat na ang nagsalubong mga mata natin
Sapat na ang nagkita tayo sa malayo
Sapat na ang makita mo akong nakangiti
Sapat na ang nakita ko mga mata mo
Hanggang doon na lang dahil kahit kailan hindi kita kayang mahalin

—  Alaala ng nakalipas