patagongdiaryyy

9

Yung Toblerone bigay ko sa kanya, pero inuwi ko since di pwede i-uwi sa kanya. So yung gift nya sa akin nung anniversary?? :“> Simple pero yung impact para sa akin lakas. HAHA! Ang effoooort langs. :) Biruin mo, naggupit siya ng mga small squares gawa sa folder. Tapos nung nakita ko siyang naggugupit sa classroom sabi nya project daw ng kapatid nya, edi naniwala naman ako. Yun pala, para sa akin talaga. :’) Ohaaa ohaaaaa. Proud boyfriend is here. ♥ Wala akong masabi sa kanya, sa binigay nya sa akin. Kung talagang may taong tunay na nagmamahal sa'yo, gagawa yan ng bagay na magpapasaya sa'yo. :) ♥ ♥ ♥ Thanks pa rin clai!! :*** I love youuuuu >:D< :) ♥

Kwento muna ko. Haha. Kaninang mga 1am gising pa din ako. Nakatambay ako sa blog ni ate Clairisse (patagongdiaryyy). Kakafollow ko lang sakanya kahapon. Hahaha pakshet. Nakakatuwa siyang mag blog pramis. Tapos pati sa blog nung boyfriend niya (misterawesomee) pumunta ako dun. Hahaha. Nakakakilig silang dalawa. Haha. Mag ttwo years na pala sila by next month. Palit palitan nga yung pagbasa ko sa blog nila. Dito, doon. Haha. Basta. Tumigil lang nga ako nung dumating si Papa. 1:45am na yata yun. Pati nga nung patulog na ko silang dalawa pa din iniisip ko. Naks. De, ang cute kasi nilang dalawa. Hihi.

Madaming wala SAKIN na kaya mong hanapin sa iba pero madaming wala sa kanila na SAKIN mo lang makikita. :')

Oo, maaring may mas gwapo sa akin. May mas attractive, mas cute, mas magaling sumayaw, marunong mag-gitara, pero wala yan sa akin. Kung sila man mas mauunang makakakilala sa'yo, tiyak sa akin pa rin yung bagsak mo. :) Alam kong alam mo kung gaano kita pinapahalagahan bilang isang babae. Higit pa sa respetong hinihingi mo ang binibigay ko sa'yo. Tsaka kayang-kaya kitang samahan sa lahat ng problemang makakaharap mo. Di kita iiwan. Promise! Kung tutuusin, sa iba, panandaliang saya lang naman mabibigay nila sa'yo eh, kung kiligin ka man, saglit lang. Eh kapag ako? Wala, yung kilig na yun dadalhin mo pagtanda. Maghintay ka, kapag liligawan ko na yung mga magulang mo, tsaka yung magpro-propose na ako para sa kasal natin. :> Ang tunay na lalaki, hindi iniiwanan ang girlfriend nya, at mamahalin niya ito kahit ano mang landas ang dapat tahakin. HI CLAIRISSE SUPREMIDO DE LEON ♥ :) I LOVE YOU PO! :) ♥

You're stuck in my heart like a glue, No one can love me the way you do. You will always be the apple of my eye, And I will always love you until the day I die.

 

“There is always a person in your life that will make your day bright, make your world crazy, make you "scream and shout” and definitely, would make your life complete.“

Ang bilis ng panahon no? :) 2 taon na tayo. Parang kailan lang, inaasar kita sa mga pagkakamali mo. Inaasar kita sa mga bagay-bagay, at nanatili tayo sa estadong "magkaklase”. Ayun, hindi ko alam na nahulog na pala ako sa'yo. Unti-unti akong nagkagusto sa'yo at di nagtagal, minahal kita. :) Nakita ko kasi sa'yo yung tipo ng babaeng hinahanap-hanap ko. Simple, masiyahin, marunong makisama, mabait, magalang, hindi maarte, mapagkakatiwalaan at mapagsasabihan mo nga mga problema mo, at marami pa. PROMISE. Oo, naramdaman ko sa'yo yung kasiyahan na hinahanap ko sa mga panahong malungkot at malalim akong nag-iisip. Hindi mo ako masisisi kung bakit minamahal kita ng sobra, dahil ikaw na mismo ang nagpapatunay sa sarili mo kung bakit ka karapat-dapat na mahalin at paglaanan ng oras at sakripisyo. Kaya, una, sorry sa mga nagawa ko sa'yong hindi mo ikinatutuwa. Minsan hindi natin maiwasan magkatampuhan at yung kakulitan ko, yung nagiging sanhi ng pagkainis at pagtatampo mo. SORRY HA? :) Hindi lang ako nag-iisip sa mga panahong hindi tayo nagkakaintindihan. Pasensya na, i love you :* Sumunod, maraming maraming maraming maraming maraming salamat. :) Alay ko sa'yo ang lahat dahil sobrang lakas ng loob mo para tanggapin ako at maging boyfriend mo. Kahit na hindi pwede, tinuloy mo pa rin. Dahil sa sobrang pagmamahal mo, para bang araw-araw akong pinapana ni kupido. Sa totoo lang, lagi akong kinikilig sa'yo. Tignan lang kita habang nakangiti, napapangiti na rin ako. Sa bawat oras na kasama kita, wala akong ibang naramdaman kung hindi saya, saya, saya at saya. Pinupuno mo ng happiness yung buhay ko. Hindi kumpleto yung araw ko na hindi kita nakikita, hindi kita nakakasama, hindi kita nakakausap, at kapag onti lang yung time na nakalaan para sa ating dalawa. Parating na yung college… di pa natin alam kung ano mangyayari sa atin, kung magkaschool ba tayo o hindi. Basta ha? :( kahit ano mangyari, walang iwanan. :( GAGAWIN KO ANG LAHAT. HIHINTAYIN KITA. KAYA ‘TO, TIWALA LANG. UBOS YANG MGA KALABAN! ♥ HAHA!  Oh mahaba na pala. Omeghed. =)) Well, CLAIRISSE SUPREMIDO DE LEON. ♥ :) Ang anghel na pinadala ng Diyos para sa akin. Ang taong patuloy na umiintindi at nagmamahal despite all the things na makakasira about sa akin. Wag ka sanang mapagod magmahal sa akin ha? :) Kasi ako, hinding hindi hindi ako mapapagod. Pag naramdaman ko yun, magpapahinga lang ako, tapos mamahalin kita ng tuloy-tuloy. NON-STOP. :) See you in 10 years sa altar okay? :) HAPPY 2ND ANNIVERSARY CLAIRISSE! :“) In relation to all the moments we shared, the moments we create and treasure, I assure you that you will always be my number one. The one and only. :) I’ll never stop until we are completely happy. Another year had passed, many years to go. Papakatatag tayo ha? :) ♥ I LOVE YOU MORE, I LOVE YOU MOST, I LOVE YOU FOREVER AND ALWAYS! :) STAY LOVABLE, BEAUTIFUL. ♥ I LOVE YOU! :”> >:D<

Hindi ako susuko. Hindi ako magsasawa. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Kasi MAHAL KITA. :)

Dahil mabilis na ang pag-usad ng panahon ngayon, hindi ko na sasayangin ang mga panahong kasama kita. Clai, gusto ko lang sabihin sa'yo na kahit na hindi pa okay para sa relasyon natin, kahit na hindi pa okay sa mga magulang mo.. MAGHIHINTAY AKO. :) may mga dahilann ako kung bakit hindi kita dapat iiwan. Kailangan ko pa ba sabihin yun? Hindi na siguro. Baka mabigla ka sa sobrang dami. Iba na kasi yung feeling na nakikita ko na yung future ko kasama ka. Oo, walang kasiguraduhan ang future. Maraming pwedeng mangyari at magbago, pero gagawin ko ang lahat wag lang magbago yung pagmamahalan natin at hindi mangyayari ang ayaw natin mangyari. Bast ha? walang iwanan ha? Peksman yan ha! ;)  Sana wag kang magsawa sa akin kahit na alam kong hindi ka ganon. Ako lang love mo diba? :“) Habang nabubuhay tayo, ikaw lang ang magsisilbing inspirasyon ko. Ikaw lang ang nagsisilbing liwanag kapag ang buhay ko ay madilim. Ikaw lang ang nagsisilbing dahilan ng paggising ko. :”) Clai ha? ^__^ I love youuu :** “Sa pagtahak ng mahabang daan, ikaw ang nasa isipan" I Love You! :* 

Sa paglipas ng panahon..

Mas lalo akong na-iinlove sa'yo :) Ewan ko ba kung bakit. Sinasabi ko sa sarili ko na sa paglipas ng mga araw, hindi ako dapat magkulang. :) Ibibigay ko ang lahat, mamahalin kita ng walang sawa at walang pagod. Magiging handa ako pagdating ng panahon. Hihintayin kita. Kahit ano mangyari, ikaw lang iisipin ko. Yung mata mong bumibihag sa damdamin ko, at yung mga ngiti mong nakakapag-alis ng mga hinanakit at bigat sa puso ko. Hayyyy, kay sarap mabuhay ng ganito. Salamat at merong ikaw sa buhay ko. :) ♥

Kaya di ko binabalewala ang mahal ko..

Kasi alam ko pag inuna ko pa ang sariling katuwaan ko sa buhay tulad ng dota o lakwatsa, alam kong may lalaking bigla na lang susulpot at magbibigay sa kanya ng atensyon. Ayokong mangyari yun kasi alam ko sa sarili ko kapag ginago ko ang mahal ko, sa huli ako din magsisisi. Ayoko yung habang busy ako, hindi ko siya kinakamusta. Ayoko yung habang magkalayo kami sa isa’t-isa, may nagcocomfort sa kanya kapag nalulungkot siya. Kaya ako, sinisigurado kong masaya siya sa piling ko. Hindi ko siya pinababayaan. Kapag masaya siya, nandun ako at lalo na kapag down na down na siya at malungkot na, kailangan na dun ako. Di ko na pinalipas ang isang araw na hindi siya tinatanong kung kamusta na siya. Kasi dapat pinapakita mo sa kanya kung gaano siya ka-halaga sa'yo, at kung hindi, tiyak, magsasawa yan sa'yo. :) diba clai? :) HI I LOVE YOU :* >:D<

WALANG PASOK SA MONDAY. </3

Nagtataka kayo kung bakit malungkot ako.. Malungkot akong walang pasok sa monday dahil di namin macecelebrate ni www.patagongdiaryyy.tumblr.com ang aming ika-2 annibersaryo bilang magkasintahan. Nalulungkot ako kasi eto na yung last year na baka magkasama kami sa isang araw na hindi namin malilimutan sa bibliya ng buhay namin. Yung tumatak na araw sa puso’t-isipan naming dalawa. Hayyyyyyyyyyy, sayang talaga. Ang laking SAYANG. Dami ko pa naman sanang plano para sa lunes. Isa na dun yung magbabanggit ako ng moments naming dalawa nung nililigawan ko pa lang siya ganon.. Ayun, wala na.. :(