pasumalang-sermon

Pag-ibig at French Fries V.3

Mainit yung fries, excited ka, kahit mainit kumuha ka na, pagkagat mo napaso dila mo. Ang sakit diba?

WAG KASING ATAT. May tamang oras sa lahat ng bagay, hihintayin mo lang ng ilang minuto na lumamig yung fries hindi mo pa nagawa nasakatan ka tuloy, nagdra-drama ka ngayon tuloy kung gaano na kabasag/kadurog/kawasak yang puso mo.

Pero teka, wag mo hayaang tuluyang lumamig ang fries ha. Nawawalan ng lasa at nakakawalang-ganang kainin kapag ganun eh. Minsan kahit initin mo pa ulit, wala na yung lasang hinahanap hanap mo.

About the O.P issue...

2 statement lang nag ilalabas ko dito.

  1. Hindi role ng organizers ang ipakilala kayo sa isa’t isa ng bawat tao dun, lalo na’t ang dami natin. Hindi sila ang dapat sisihin kung bakit wala kang naka-usap o anuman during the event. RESPONSIBILIDAD ng bawat isa sa atin ang makihalubilo sa crowd at maka-usap ng personal ang mga taong nakaka-usap ninyo lang sa internet. [ito yung part na kung saan kakausapin ng mambabasa ang kanyang sarili at sasabihin na “kaya mo lang naman nasasabi yan kasi hindi ikaw yung na-o.p at meron kayong mga -kada / peymus kasi kayo], Well, pakyu sagad. Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil sa mga taong katulad mo. Nag-e-expect ka ng mga bagay na hindi dapat i-expect at isisisi mo sa iba kapag hindi mo na-abot yung expectations mo. UNA, walang peymus-peymus dito, oo peymus na kilala pero hind yung depinisyon ninyo ng peymus na parang artista na kapag binansagan ang isa na PEYMUS ay ang hirap na nitong lapitan at para kang hindi deserving na lumapit sa kanila. Yung sa mga may -kada, hindi naman kami nangangain kapag nilapitan, malamang kung first time ka at wala ka talagang kakilala, dun papasok ang salitang EFFORT, meron naman diyan na kapag nginitian mo ay kakausapin ka na, at yung iba na katulad ko ay mahiyain talaga, pero hindi naman kami nag-rereklamo sa huli na na-O.P kami dahil ako, alam ko sa sarili ko na pagkukulang ko yun.
  2. Wala talagang number 2, joke lang to, nasabi ko na ata yata sa 1 eh. Sa susunod, kung sa tingin mo na ma-o-O.P ka lang, ipinapayo ko na gawin mo muna bago mo sabihin, walang mabuting nadudulot ang pakikinig sa emosyon/feelings mo. At kung na-o.p ka man nga sa pagpunta mo sa isang meet-up, isipin mo to.. may ginawa ba ako para hindi ma-o.p? Kung inisnab ka ng isang tumblrista, marami pa diyang iba, hindi naman siguro lahat ng nasa isang meet-up eh ii-snabin ka. 

P.S :

Pasumalang tips para sa mga baguhan sa meet-up, mapa-lalaki o mapa-babae. Lapitan ninyo ang isang tumblrista at sabihin ang linyang ito ”Ate/Kuya, may nahulog sa iyo..“, mapapalingon yan sa baba, tapos pag-tingin niya ulit sa iyo, hawiin mo yung buhok mo o di kaya basain mo yung lips mo sabay banat ng … ”AKO". Epektib yan, tried and tested. Iwas O.P.

Sabi ni Kimpoy, “I RESPECT WOMEN”.

Pero bakit ganun yung ibang babaeng humanga sa kanya, parang hindi naman karespe-respeto. Hindi lahat, yung makapag-koment lang ng wagas.

Kung ayaw niyong na-iisyu si Kimpoy eh Tigilan ninyo ang pagsagot sa mga puna na nakukuha niya. Kayo ang nagpapabaho ng image ni Kimpoy, hindi si Kimpoy. Gayahin ninyo yung tao, kalma lang.

Grow up and get a room.

Sex.

Eh ano ngayon kung virgin pa ako? Sukatan ng pagkalalaki? Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan sa akin na ma-binyagan.

Sinabi ko na ito dati at sasabihin ko ulit, ako yung lalaki na gustong mabinyagan kapag ikinasal na. Aminado rin ako sa sarili ko na mahihirapan ako pero kakayanin ko, kapag hindi ko na nagawa ito, isang malaking kahihiyan sa sarili ko ito.

Wala akong pakielam sa iisipin ninyo, wag ninyo lang pakielamanan desisyon ko.

Not my blog, BITCH!

I still have that hangover from the Epic HP Meet-up yesterday that I can Crucio on that Kimpoy Fan who T.A-ed me about backing off. [Ang bobo ko lang dahil ni-answer privately ko yung sagot ko, pang OSCARS pa naman]

She told me that…

  1. I SHOULD KEEP MY OPINIONS TO MYSELF AND NOT WRITE IT IN MY BLOG.
  2. I COULD GAIN HATERS ABOUT MY POST.
  3. SHE ADVISED TO DELETE MY KIMPOY POST.
  4. SHE WROTE ABOUT ME IMPLEMENTING THE CRAB MENTALITY ON THAT POST.
  5. SHE TOLD ME TO STOP BRINGING KIMPOY…DOWN? [Yeah, seriously?]

NOT my blog. BITCH

I can write whatever I want and I don’t get orders from strangers like you. That opinion is bugging me and the only way I can rid of it is to blog about it. And as far as I can remember, it’s just a fucking opinion and I do have fucking rights to that opinion.

I know the consequence of my actions, HATE ME FOR HATING KIMPOY, I don’t care. I’m not even hating him, I just don’t get my people go ga-ga upon hearing his name.


I didn’t encrypt something in my post about some diabolical plan to bring Kimpoy down. I don’t know if you’re too obsessed or just a die hard fan but you must know how to accept criticisms. That is not a hate post, I repeat. It’s not me who implements crab mentality here. Don’t you have anything else MUCH important to do than sending that i don’t know, death threat?[?] T.A.

Accept the fact that Kimpoy is already that Famous that he’ll keep getting both appreciation and hate message. My post contains both, I did mention that he’s more handsome than me. That’s appreciation…i think so.

To be forgotten is worse than death

Favorite motto ko na galing sa Final fantasy series, mula kay Freya.

Paano nga kung makalimutan ka ng isang tao? Or worst mawala na lang bigla yung tao na iyon. Unang reaksyon na matatangap mo mula sa tao sa paligid mo eh yung “DENIAL”, yung ayaw ka nila mawala ek ek. Tapos kapag nawala ka naman, hindi magtatagal eh makakalimutan ka rin naman.

Minsan ginusto ko nang mawala, nang malaman ng mga tao sa paligid ko kung gaano ako ka-importante. Ika nga nila “you never know what you got ‘till it’s gone”. Pero bakit pa kasi kailangan mawala? Bakit hindi natin i-respeto/tanggapin ang isang tao sa kung ano siya at kung anong kaya niyang gawin? Bakit hindi natin sabihin na mahal natin ang isang tao araw-araw, pasalamatan siya araw-araw para kapag dumating yung araw na mawala ito. Wala kang panghihinayangan ko hinagpis na mararamdaman.

We’ve only got eighty six four hundred seconds in a day to turn it all around or throw it all away…

Live Like We’re Dying - Kris Allen

Ang cute ng kindat ni kimpoy.

O diba, napabasa ka dito. Wala lang, maiba lang, agaw-pansin. Pero gwapo naman talaga yung si Kimpoy diba? Hindi ako nababakla o kung ano pa man. Alam ko naman din kasi na gwapo ako. [HAHA! Joke lang]

Hindi ba’t kay saya na yung positibo ang pinapansin natin sa isang tao?

Pubic Hair

Naalala nyo pa ba nung sinumalang kayong tubuan ng buhok sa mga pribadong parte ng katawan ninyo? Hindi ninyo tanggap sa simula pero di kalaunan ay natanggap ninyo rin, at isa pa, hindi ninyo naman pinagsisigawan na “AY POTA MAY TUMUTUBONG BUHOK SA PUKE/TITI KO?” o hindi naman “NAY, TAY, AYOKO KO NA MABUHAY, TINUTUBUAN NA AKO NG BUHOK SA PUKE/TITI KO”.

Kaya sana, wag ninyo na rin ipanglandakan sa lahat na ayaw mo, o naiirita ka, o mas gusto mo yung dati kesa sa bagong dash. Change is inevitable ika nga nila. Wala na tayong magagawa kung hindi maki-angkop dito. Parang yung halimbawa ko lang sa itaas yan eh. Sana kung meron tayong ikina-iirita o ayaw sa isang bagay eh isa-atin na lang natin yun [lalo na kung napaka-walang kwenta ng ikina-iinis mo, alam mo nanaman siguro ang kaibahan ng walang kwenta sa may kwenta], at kung hindi na talaga mapigilan eh tama na ang isang beses na pag-rant.

SMILE!

Alam ko naman na mahirap maging masaya sa ganitong panahon, sa mga problema na pinagdadaanan ninyo. Pero kung ayaw ninyo talaga nyan, yung feeling na ganyan, kumain kayo ng tsokolate tapos ngiti. Ngiti lang.

If you want to be happy, be.  ~Leo Tolstoy

Curiosity made the Felines Extinct.

What you don’t know won’t kill you.

Totoo naman diba, kung hindi mo alam, hindi ka masasaktan. Ang masama lang eh kapag bina-backstab ka, pero hindi mo naman alam diba? Pero kapag nalaman mo naman yung aggressive hormones mo ay tataas at dahil nga aggresibo ka ay makakagawa ka ng ilang bagay na sa huli ay pagsisihan mo. Ang pinaka-mainam na paraan dito ay yung pag-kalma, divert your attention sa ibang bagay, at kung talagang aggresibo kang tao eh huwag ka dun sa umaaway sa iyo makipag-away, makipag-away ka sa mga kaibigan mo, kasi kapag sa kanila ka nakipag-away, mailalabas mo na yung sama ng loob mo, mapapayuhan ka pa nila sa mga dapat mong gawin. Tapos ang pinaka-masaya diyan eh mag-gagaguhan kayo sa huli.

Natatakot ka? Magtatago ka? Hiatus? Bakit ka magpapa-apekto sa mga sinasabi ng tao na hindi kayang magpakilala sa tao at hindi mo kilala? Eh nandito naman kami na kilalang-kilala ka?

Ang tinutukoy ko dito eh yung mga bashers na nanlalait sa likod ng ibang mukha. [Nako talaga kapag nakita ko yung tao sa likod ng mga taong yan i-ba-bash ko level 10]. Nakapagsulat na ao tungkol dito, at yung iba ay naapektuhan sa mga sinasabi ng duwag na taong ito. Hindi naman kasi dapat talagang mag-pa-apekto. Hindi naman sa humahanap ka ng gulo pero depensahan mo ang sarili mo, pwera na lang talaga kung napakawalang-kwenta nung pinagsasabi tungkol sa iyo pero kung personal na eh dumepensa ka, hindi naman ibig sabihin na dinepensahan mo sarili mo eh totoo ang sinasabi. Bad side is natotolerate mo siya sa ginagawa niyang katarantaduhan, pero kung nanahimik ka at patuloy pa rin sia sa panggugulo eh mas mabuti na rin siguro na tumayo ka at lumaban kesa hayaan mo na lang basta ang kalaban.

You see people [HAHA, natawa ako sa statement na to’]. Ang problema sa atin eh alam na ngang mali eh kinokonsinte pa, hindi naman kasali, sumasaling kit-kit pa. At kapag ikaw ang naging paksa ng panlalait eh wag kang magmukmok sa tabi at magtago, TUMAYO KA! Ipakita mo na hindi ka weak, pakita mo na hindi lahat ay kaya nilang laitin. Pero siyempre kapag medyo personal na nga, pero kung wala lang eh pabayaan mo siya. Intindihin mo rin yung mga salitang binibitawan niya kasi hindi naman lahat eh puro panlalait, the mere fact [eto nanaman, english. HAHA!] na may nasasabi siya sa iyo eh baka nga merong mali sa sistema mo. Gets? Basta kung magbibigay ka ng reaksyon, siguraduhin mo na hindi ito dala ng emosyon. Dapat pinag-iisipan ito dahil kapag kumawala na ang mgas salita sa bunganga mo, hindi mo na mibabalik yan.

Grow up. Get a room.