paslangin

Pag may kasama si Crush.
  • *Nakita ko sa tapat ng canteen, may katabi....
  • Ako:Pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako.
  • Sila:Bakit?
  • Ako:Yung nakikita ko. Yung babae, baka mapatay ko.
  • Sila:Saan ba?
  • Ako:Ayuun, tatambangan ko yan mamaya. Makikita niya. Tatambangan ko yaaaan.
#KorteHindiKalsada

Bes, isang araw lang akong absent pero information overload na ang utak ko tungkol sa killings na ‘yan.

Oo bes, KILLINGS WITH S. Uunahan ko na kayo, hindi ako nagdodroga kaya wag niyo kong sasabihan ng “tulak ka lang kasi at takot ka na, kaya ayaw mong patayin bigla sa kalsada”

Sheda! Ang pag aakusa sa isang tao tungkol sa kalulungan niya sa droga ay madadaan sa korte, at kung anong MAS masistemang paraan (mapa-rehab man 'yan) at hindi sa punyeta mong baril NA PWEDE MONG GAMITIN UPANG SILA'Y PASLANGIN. At pinauso mo pa ang paglalagay ng karatula na may nakasulat na: AKO'Y TULAK WAG TULARAN.

Pashnea! Hindi ko maisip kung paano ka nakakatulog ng mahimbing sa gabi matapos mong patayin ang taong may potensyal pang magbago para iwasan ang kung ano mang bisyo nila.

Hindi ko maisip na sa dinami dami ng libangan mo ay napili mo ang pag-HUNTING sa mga DI-UMANO'Y gumagamit DAW ng pinagbabawal na droga.

(At hindi ko tatanggalin ang pagbanggit ng salitang “DAW“ sa kadahilanang, hindi mo maiiwasan ang katotohanang:

ANG IBA MONG PINASLANG AY PAWANG NAAKUSAHAN LAMANG, NI HINDI MO PA NAPAPATUNAYAN).

Tanga. Bobo. Hindi mo ba naisip na ang mga taong ’to ay biktima lamang ng fallacies na binuo NG UTAK NIYONG SABIK SA PAGBABAGO.

Hindi mo rin naisip na ANG PAGBABAGO AY HINDI SING BILIS NG PAGTAAS NG BILANG NG MGA TAONG NAMAMATAY ARAW ARAW SA KALSADA.

bes, payong kaibigan lang. Ang biktima, na tulad nilang mga nalululong sa masamang droga, ay mas nanaisin ang pag-iintindi at tulong mula sa atin, hindi ang bala.