pasasalamat

Nagbebyahe na naman ako

Sadyang tuwing sasakay ako ng bus, sa ikatlong upuan na pangdalawahan ako pumupwesto. Bukod sa hindi masyadong mauga, <hingang malalim> dito ko nakatabi ang crush ko. Husgahan man akong hindi makamove-on, don ako masaya ei sa pag-aalaala.

Hindi ko naman tiningnan yung lalaking katabi ko. Hindi ko sya type kahit gwapo sya <literal po, via peripheral vision tahaha>. Nagsaksak na lang ako ng earphone sa tenga.
Nakaidlip…
Pero nakayuko si koya? Anu yun? Shit! May sipon sya! Kadiri! Pinahid pa sa t-shirt nya. Suminghot-singhot pa… Itinagilid ang mukha nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

Dakila akong echosera, kaya alam kong umiiyak sya. Hindi ko na pinansin. May magagawa ba ako? Don’t talk to strangers! Bilin yan ni mama… Kahit gusto kong magtanong,nanahimik na lang ako. Buong byahe ganun sya. Tas nasilip ko openfb nya <via mobile, tsismosa talaga ‘ko>, may tinitingnan sya don tas nagngingingit ang kalooban nya. Andon na ako sa point na kakausapin na sya, pero antindi ng self control ko.

May kinausap pa sya sa phone…
Isinaksak ko uli yung earphone ko…
Pumikit…
Naramdaman ko na lang…
humilig sya sa balikat ko… Kulang na lang singahan ang damit ko! <Pero di'ba? Papable naman sya? Ok lang koya! Ipaghehele pa kita!>
Ganun lang kami, wala pa ring lumalabas sa boses ko.
Nakaramdam ako ng awa sa isang estranghero.

Tinanggal nya headset ko…
Umayos ng upo…
Isinuot kanyang sumbrero…
Sabi nya:
“Salamat sa respeto… At sa balikat mo…”

Nabigla ako…
Bumaba na sya…
Nilingon ko pa…Hinabol ng tingin nang sya ay makababa na…

Napangiti ako, malaking bagay ang pananahimik, hindi nakialam, hindi nakinig dahil walang permiso galing sa kanya… Ginamit ko lang ang aking pandama… Sensitive sya… Ayaw makitang umiiyak… nagtatapang-tapangan… pero nasasaktan…. sa ganitong sitwasyon ayaw ng kausap… yung may magbibigay lang ng panyo at yayakap ang kailangan nya… At ako ito balikat lang ang naioffer ko… Malaking bagay na…

3 Oras Nalang . . .

Ita-tag ko na lahat ng mga grupong kinabibilangan ko para maraming notes yung huling post na gagawin ko ngayong 2011.. Haha.. (Bagong Taon na, NOTES pa din ang habol mo?)

Mapagpalang 2012 para sa lahat!

•Mga kaibigan
•Mga tagasubaybay
at
•Mga sinusubaybayan

Isa kayo sa mga dahilan kung bakit ako nananatili dito.
Salamat sa mga aral na nakuha ko sa inyo, at sana may aral din akong naibahagi.
Ang walong buwan ko dito sa tumblr ay talagang hindi nasayang.

A HAPPY & BLESSED NEW YEAR to everyone!!!

<’))><

With them :)

Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong ‘to, sa pagsama sa akin sa CTMU2 kahapon.

Sa Team Gerry’s – former schoolmates ko, Ate Shai, Ate Cherry, Ate Dianne, at Ate Mich, sa mga new found Ate’s at Kuya’s ko, Ate Marla, Ate Cess, Kuya Derick at Kuya Mackoi, at sa buong Team ninyo.

Maraming salamat po talaga sa bonding moments. Hindi ako na-OP HAHA.

Shout out!

Ate Cherry - salamat sa picture haha (teka, asan na 'yun?) xD

Ate Dianne - salamat sa pagpapapirma ng books ko :) at sa kaingayan mo. Okay lang kahit napagalitan tayo sa bus.

Ate Cess - salamat sa pagtatanong lagi ng “okay lang kayo?”

Ate Marla - salamat sa camera mo

Ate Shai and Ate Mich - salamat ng marami sa pagsama sa'kin :)

Kuya Derick - salamat sa pin :)

Kuya mackoi - salamat sa pagiging magaling na organizer :)

at syempre salamat sa kaklase kong si Karen sa pagsama sakin sa buong event na 'to. :))

PASASALAMAT.

Nagpasalamat ka na ba sa Panginoon kasi nakakapag aral ka sa mamahaling eskwelahan, nabibili mo lahat ng gusto mo, araw araw kang may baon, araw araw kang may pagkain, araw araw kang natutulog sa malambot na kama? Pwes kung hindi, magpasalamat ka dahil sa hindi mo ba napapansin, maraming nagugutom sa kalsada at di nakaka-kain tas ikaw naka hain na lahat lahat tinatanggihan mo pa ang grasya samantalang sila nag ka kuba'kuba na kaka limos, kaka hanap sa basurahan ng pagkain at pag tratrabaho. Oo alam ko at alam mo na “kung kakain ba ako eh mabubusog sila?” alam ko naisip mo yan. Pero ang punto IKAW may nakakain sila wala. Gets mo? 

Isa pa ay ang pag-aaral. Napansin mo ba na halos lahat ng mahihirap nag pupursiging mag-aral samantalang ang mayayaman e tinitake for granted lang ito? Pati baon pinang pupusta sa dota/basketball at kung ano ano pa. Hindi lahat ah. Kung tutuusin dapat nga yung may kaya o ung mayaman ang mas maging pursigido kasi sila ang taong kayang maabot ang pangarap at maka tulong sa iba kapag nangangailangan. Pero anong nangyayari? Nasasayang. Natutulog habang may klase, nag iingay at di nakikineg, nag cucutting. O diba? Kung tatanungin sino ang mas may maraming medals, ung mahirap. 

Sinasabi ko tong mga to kasi nakakalimot na tayo. Hay nako ang hirap mag explain. Opinion ko lang to. :)

Salamat.

Habang nakahiga ako kanina sa damuhan ng UP Sunken Garden eh naglakbay yung diwa ko sa kung ano ba ang naging takbo ng buhay ko ngayong taon. Eto lang naman ang mga nais kong ipagpasalamat sa Diyos, sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan at sa mga tagasubaybay ng aking blog.

  • Ang pagcecelebrate ko ng aking ika-dalawampu’t-apat na kaarawan (kahit di ko masyadong naramdaman). :)
  • Ang isang taon ng pamamalagi ko sa aking trabaho. Yun lang. :p
  • Ang malusog na pangangatawan at kalusugan ng aking pamilya at ng aking kalusugan.
  • Ang makabuluhan kong pagbabalik sa aking Tumblog na kahit na inaamag na sya ay nagulat akong may nanatiling naka-follow sa aking site.
  • Sa aking katangi-tanging KADA, ang PAKYUKADA. Laking pasasalamat ko sa inyo dahil kahit paano ay tinanggap nyo ako kahit ako na ang pinakamatanda sa ating grupo. Alam kong marami tayong namimiss na gawin - ang kulitan, confesessions, ang pagpupuyat, ang kwentuhan at marami pang iba. Pero gayunpaman ay natutuwa ako dahil hindi man tayo ganoong nag-uusap ay masaya tayo kapag nagkikita-kita. Mahal ko kayong lahat tandaan nyo yan!
  • Sa aking kaisa-isang bestfriend (dito sa Tumblr at sa totoong buhay), si JV. Tengene neto, maglilimang buwan pa lang tayong magkakilala pero parang ilang taon na tayong magkaibigan. Nawa'y maging matatag pa ang ating samahan kahit anuman ang ating mapagdaanan. Alam mo naman andito ako lagi kailangan mo man o hinde, handang dumamay at makipagkulitan sayo.
  • Sa mga naging kaibigan ko rito sa TUMBLR, alam nyo na kung sinu-sino kayo ah. Hindi ko na kailangang isa-isahin pa. Maraming salamat sa kwentuhan sa aking inbox, sa pakikinig sa aking mga payo, sa pakikinig sa aking mga kwento, sa kakulitan ko at marami pang iba. Nawa'y makilala ko pa kayo ng lubusan.
  • Sa mga blogger na naging sinusubaybayan at mga blogger na sumusubaybay sa akin, maraming maraming salamat sa inyo.

Hindi ko na alam kung kailan ako sisipagin upang sumulat ng pagpapasalamat na ito, kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon. 

Sa inyong lahat, maraming salamat sa taong nagdaan at nawa'y maging mapayapa at mayabong ang darating na 2012 sa atin. :)

PS: Hindi pa po ako yayao o magdedeact. Wag OA ha. Nagpapasalamat lang ako. :)

Perks of Being a Berdei Boy

Sa lahat ng bumati, bumabati, at babati palang maraming salamat po sa inyong lahat! medyo kakaiba man at pers tym akong mag berdei na walang golf session o maingay na videoke, ayos naman ang maghapon, nag enjoy parin ako!

maraming salamat mga IDOL kasama ng libo libong bumati sa Pesbuk, Twitter at pati na din dito sa tumblr, ung nag effort pa na tumawag galing pinas, ung mga nag send pa ng video greetings at ung mga usual na pag papadala ng hubad na larawan sa akin (tantanan mo na)  at sa mga nagmamahal  na bumati kahit ngayon ko lang nakita na follower ko pala!

thank you ulit mga IDOL! kahit malayo ako eh ramdam ko ang pagbati nyong lahat, pasensya na din pala sa flood at sa mga natiis na hindi ako i unfollow kahit na puro berdei greetings ang dash nyo! salamat!  till next year ulit mga idol!

AYLABYU OL! *with feelings*



Henceforth, I am going to wear this tag with pride wherever I go to show my appreciation for FEU; for inspiring and teaching me with things that are imperative to succeed in life. Thank you to the rewarding experiences that I gained during my college years. Cliché as it may sound, but I am a proud Tamaraw. This is my simple yet heartfelt means of paying back to you, my dear Alma Mater. :)

Readers, Friends, followings. I Love you po specially dun sa mga naglike nung post, salamat di na ko magdedeact, pinagpawisan ako dun kala ko magdedeact nako gumagawa na nga ako ng final message tas yun pag tingin ko.. ahhh shet thank you all. God Bless pows. Yun lang.
—  misterkiddo
The Best of Creative Corner

May contest kasing pinauso sa CC. Contest na walang premyo kundi kasikatan, katanyagan at siguro self confidence o pwede na ring story confidence? Ah basta. So ayun, nominate dito, nominate doon.

50:50 ako sa contest na `yun. Suportahan ko ba o hindi. Pero syempre, nakinominate ako kasi nga gusto ko rin manalo `yung mga idol ko. Ahihihi.

Syempre, ayaw ko man ipagmalaki or what or something, nagpapasalamat din ako sa mga taong nagnominate at bumoboto sa akin at sa mga kwentong ginawa ko.

[Finished]Best in Comedy.

AFGITMOLFM na kasalukuyang may 46 votes na hanggang ngayon iniisip ko kung bakit comedy eh hindi naman ako nagpapatawa dun.

[FINISHED] Best Couple.

Art at Ianne mula sa afgitmolfm na kasalukuyang may 56 votes na hindi naman siguro masyadong masama kasi kahit ako boto kay Art at Ianne. :D

[FINISHED]Best Short Story.

Bestfriend na kasalukuyang may 24 votes na siguro ikinatuwa ko dahil maikli lang `yung story pero `yun nga `yung point kaya nga short story.

[FINISHED]Best Tearjerker.

Trip na kasalukuyang may 15 votes na kung tutuusin hindi naman ito nakakaiyak dahil ito talaga dapat ang comedy.

[FINISHED STORIES] Legendary Story.

AFGITMOLFM na kasalukuyang may 27 votes na hindi pa rin ako makapaniwala kung paano nalagay sa legendary story eh kung tutuusin, walang wala ang story ko sa ibang nominated sa category na `to.

[FINISHED] Most Romantic Story.

AFGITMOFLM na kasalukuyang may 43 votes na siguro dito lang ako sasang-ayon kasi romantic naman ata talaga `tong story.

[FINISHED]Most Loved Protagonist.

Nuriko na galing sa bestfriend na kasalukuyang may 17 votes na no comment kasi paano naging loved `yun eh super simple naman nitong babaeng `to sa kwento.

Most Encouraging Reader.

.L. na kasalukuyang may 18 votes na hindi pa rin ako makapaniwala kasi hindi naman ako magaling magcomment, minsan walang kwenta at sabaw na sabaw ang mga sinasabi ko. Siguro magaling ako mambola. Hehe.

Friendliest Author.

.L. ulit na kasalukuyang may 29 votes na hindi din ako naniniwalang ako ay friendly kasi tamad din ako minsan mag reply sa comments. Magaling lang siguro ako makisama? O hindi din. Ay ewan, baka ako lang binobola nila. Haha.

Eh wala lang. Kinikilig lang ako kaya inisa isa ko. Hindi man ako manalo sa mga categories na `yan eh feeling ko nanalo na din ako kasi may mga taong minamahal ang mga kwentong ginagawa ko.

Bilang manunulat, hindi siguro mahalaga ang manalo sa mga contest, mas mahalaga ay kung may mga taong nagbabasa na para sa kanila ay panalo na ang kwento mo. May contest man o wala.

Yung pagpanalo sa contest? Plus points na lang siguro `yun. :)

Dear Tumbple

Hindi ko malilimutan ang mga taong tumulong sakin sa panahon ng aking panghihina.
Hindi ko tatalikuran ang mga taong nagbigay sakin ng inspirasyon.
Hindi ko sila ipagpapalit may dumating man na mas mabait sa kanila.
Isa ka sa mga yun!

Marami man tayong hindi napagkakasunduan pag dating sa mga opinyon.
Madalas man tayong magkasagutan dahil sa salungat nating mga pananaw.
May mga pagkakataon man na hindi tayo nagkasundo dahil sa isang bagay, hindi yun nangangahulugan na wala na kayong puwang sa puso ko.
Oo! Marami man tayong pagkakaiba, pero hindi sapat na dahilan yun para kalimutan ko ang mga panahong naging kalakasan ko kayo sa mga panahong tayo'y magkausap o di kaya'y magkasama.
Kung napapatamaan ko man kayo minsan sa mga posts ko, hindi ibig sabihin nun na galit ako sa inyo. May mga panahong sapul din ako sa mga pina-publish nyo, pero kailangan yun eh, dahil meron tayong natututunan sa isa’t-isa. Ang mahalaga, naging magkaibigan tayo dahil sa site na to at siguradong marami at malayo pa ang ating pagsasamahan.

MAHAL KO KAYONG LAHAT.

<’))><

Etong Napala ko!

Eto na yung Napapala ng galawang “Slowly but Surely.”

Hindi madalas, pero nakaugalian ko na kasi yatang, Bago ako tumapos ng trabaho at mag-palaya ng tao (langya Hugot pala), sinisigurado kong may maayos kaming nasimulan, may maayos na napag-samahan, at may maayos kaming natapos.
ganon ako ka-pulido sa mga bagay na ginagawa at pinapasok ko.
mabagal, OO, pero may kalidad na puro.

Eto na yung Katas ng Ilan nang Linggo ng Pagpupuyat ng BONGGA. Katas ng ka-BUSY-han!!

kahit na di ako mabilis sa galawan, salamat dahil may mga tao pa rin na marunong magbigay ng Konsiderasyon.

Sobrang salamat sa aking Supervisor na si Sir James Bermundo, na sobrang talino at Komikero na kahit alam kong medyo Imbyerna na sa Ka-dramahan ko sa twing kaming dalawa na lang ang naiiwan, nandyan pa din s'ya at iniintindi ako.

Sa aming mga Team Leaders na sina Sir Joenie Cernero na Makalokohan pero may bangis na taglay (ang daming alam na diskarte mapa-chicks o trabaho, tsk, GALING!), kay Ma'am Jaevee Ignes na mahirap patawanin pero pag tumawa, sya lang din ang tatawa sa jokes nya, hahahahaha (CHAROT, Peace po, lafterp ako dyan kay Mam Jaevee) at kay Ma'am Mary Jane Hermoso a.k.a. Boss MJ (Tibo kasi sya) na kahit minsan eh napangungunahan ko sya sa pagbibigay sa akin ng Allocation eh, inuunawa nya na lang ako, no choice naman kasi dahil Rush Kami, hahaha.

Salamat din kay Diane Cailing at sa tatlong bagong FINALIZER na katuwang ko sa FINALIZING process, kung hindi dahil sa kanila, malamang LAGING MADALING ARAW na ‘ko makakauwi. (mabigat kasi sa Finalizing dahil last Process direct to client sya)
at sa lahat ng Processor sa TEAM STATE NET, Maraming salamat sa kanilang kooperasyon dahil sa inyo may pina-Finalize ako. salamat dahil hindi masyadong Critical ang mga errors na binibigay nyo sakin para i-Re-Edit. salamat sa mabilisang pagkatuto ng mga Instructions.
at pinaka huli, THANK YOU GOD, sa WONDERFUL BLESSING na ito, lagi kang “UNEXPECTED pero TIMING” magbigay ng Biyaya, alam mong nangangailangan ako ngayon kaya binigay mo sa'kin ang INCENTIVES na ito, sobrang galing mo po papa Jesus. THANK YOU talaga. hahaha

(siguro korni o OA man o maliit na bagay sa iba, pero MALAKI ang pasasalamat ko dito.)

07/28/2015

ANGEL DEI REYES PERALTA,

To start.. I want to thank you for EVERYTHING you’ve done to me. I mean, thank you for being a girlfriend, a soulsister, a mentor, blah.blah.blah. You’re all packed in one. You know that I don’t have a sister that I can share girl stuffs, boy crushes, and secrets. I’m so lucky to have you. You are like a little sister to me now, and sometimes you even act as my older sister also. Thank you for listening to all my dramas, comforting me when I have problems, and supporting me in everything I do. Remember that our friendship is not measured on how long we’ve been bestfriends but it is measured by the conflicts, difficulties we’ve been through and the bond that we have established. I want you to know that I love you and I will always be here for you. 

Kala mo tapos na? Meron pa. Marami pa akong gustong ipagpasalamat sa'yo. Thank you sa pagdamay mo saken pag nagugutom ako. Thank you at natuto akong magmura kapag nagagalit kase na-inspire ako sa'yo. Thank you at tinuruan mo akong magPoker. Thank you sa pag-aayos ng Tumblr site ko. Thank you sa inspiration dahil nakagawa ako ng sariling blog dito sa Tumblr. At higit sa lahat thank you dahil sa'yo.. I mean sa inyo ni Teejay, nakilala ko si ♥Chubby

♥RITZELLE.

Thank you,

Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na napalaki/pinalaki nila akong ganito, nagpapasalamat ako na pinalaki nila akong responsible, nagpapasalamat ako na pinalaki nila akong may takot sa Diyos. Nagpapasalamat din ako na pinagagalitan nila ako, oo inaamin ko na nagdadabog ako (kahit din naman kayo) kapag pinapagalitan nila ako, pero sa bandang huli narerealize/naabsorb ko din kung anong point nila, or mga sinasabi nila sakin at nagpapasalamat ulit ako doon. :) Kya ikaw wag kang mag-galit o magtanim ng sama ng loob sa mga magulang mo kung pinapagalitan ka nila, dapat mag pasalamat kapa. Kung iniisip mong hindi ka man lang nila mahal dahil pinapagalitan/pinangangaralan ka nila, pwes mali ka. Naiisip mo na ba na kung hindi ka nila mahal magsasayang pa ba sila ng effort na pagalitan ka? Magcacare paba silang pagalitan ka kung hindi ka nila mahal? Isipin mong mabuti, at appreciate mo ang mga ginagawa nila sayo habang nanjan pa sila, sabi nga nila nasa huli ang pagsisi oo, alam ko hindi pwede sa una.

SALAMAT SA PARENTS KO. KAHIT DI KO MAN LAGING NASASABI E, MAHAL KO KAYO. XD

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ako nagsusulat, at kailangan kong magsulat.  Nakatataba ng puso ang makatanggap ng mensahe at papuri mula sa presidente mismo ng website kung saan nagcocontribute ako ng aking dagling kuwento sa wikang Kinaray-a.  Hindi ko lang maiwasang kiligin nang sinabi niyang marami raw akong admirers at ang iba’y nagdirect message pa sa kaniya. At ang bago kong kuwento ay naka-60 likes 3 oras matapos itong ipost sa dungugkinaray-a.com.

Higit pa sa papuri o ano mang karangalan, layon kong makapaghabi at magpahayag ng mga kuwentong malapit sa puso ng mga mambabasa lalu na sa aking mga kasimanwa.  Higit akong nasisisyahan kapag dalawa o tatlong tao ang nakakabasa ng aking mga sinulatan, at ang marinig mula sa presidente mismo ng site ay labis akong nabigyan ng lakas upang magpatuloy sa pagsusulat para sa mga mambabasa hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa lahat ng sulok ng mundo kung saan may mga nakauunawa at nakakapagsalita ng Kinaray-a.

Maraming salamat.

GPOY: Padaan po ng mukha ulit. Gusto lang magpasalamat ng taong to sa mga natanggap nyang pagbati kahapon at kaninang sa araw ng Pasko. 

Salamat doon sa mga di nakalimot na isali ako sa kanilang Blogger Appreciation Posts kahapon. Di ko ini-expect na makakatanggap ng mga ganun kasi naman safeeling ko ay di naman ako gaanong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko sa ditoTumblr. Isa pa hindi rin ako yung pansinin na blogger na mayat-maya ay nakikita saDash mukha. Kaya na-appreciate ko talaga yung mga effort na inixert ninyo para masali ako dun.

Sa mga naging bagong followers ko naman, maraming salamat sa pagfollow nyo sablog kong ito at sana hindi kayo magsawa. Napasalamatan ko naman siguro kayo isa-isa nung kakafollow nyo pa lang sakin, pero dun sa hindi pa salamat ng marami ulit.

I have said a lot, that’s all for now and I’ll go to bed in awhile. By the way, I’m giving away the following: Stuffy head, runny nose, chest congestion and non-stop coughing and sneezing. It’s free for the taking. Let me know. Chot! :)

To all, Merry Christmas again!

Ngiti sa araw araw.

Singliwanag ng bukangliwayway ang ngiting gumuhit sa aking mga labi ng imulat ko ang aking mga mugtong mata. Sa wakas, umaga na naman. Matagumpay ko na namang nalagpasan ang isang araw ng kalungkutan at pangungulila. Isang munting dasal ng pasasalamat ang inialay ko sa Poong Maykapal. Pasasalamat na sa kabila ng mga paghihirap na dinadanas ko sa araw araw, sa mga sakit na aking nararamdaman, sa mga kalungkutang nakabaon sa puso ko, araw araw niya pa rin akong binibigyan ng pagkakataong gumising at ipakitang kaya ko. Araw araw niya pa ring iminumulat ang aking mga mata upang masilayan ang kanyang magandang nilikha. Araw araw niya pa ring pinaparinig sa akin ang huni ng mumunitng ibon, ang ingay sa labas ng aking silid at ang mga kantang siyang nagpapangiti sa aking puso. Araw araw niya pa rin akong binibigyan ng lakas at pagasang harapin ang bawat pagsubok na nakaatang sa aking mga balikat. At araw araw niya pa ring pinapaalala sa akin na marami akong dahilan para maging masaya at mabuhay sapagkat hindi pa tapos ang aking misyon sa mundong ibabaw. Kaya araw araw kong iguguhit ang ngiting ito sa aking mga labi at araw araw na ipagpapatuloy ko ang aking pagsusulat sapagkat ito ang natatanging bagay na ibinigay niya sa akin upang maipahayag ko ang aking saloobin sa pangaraw araw.