parang instagram

BACKREAD BEFORE YOU FOLLOW.

Bago ka magfollow, kilalanin mo muna yung blogger na ifa-follow mo. Basahin mo yung bio niya. Tingnan mo kung reblogger ba siya, puro quotes, puro convo yung blog, personal posts o kung parang instagram niya to kasi puro selfie. Wala kang karapatan na umangal sa mga pinopost niya dahil unang-una, ay blog niya yun.

Wag basta basta lang follow ng follow. Hindi ko sinasabi na maging choosy kayo. The thing is, wag niyong paglaruan yung follow button. May mga bloggers pa din na nasasaktan o nalulungkot kapag napapansin nilang may nag-uunfollow sa kanila. Iniisip nila kung may nagawa ba silang mali o may kulang sa pagbablog nila.

To make everything short: BACKREAD BEFORE YOU FOLLOW.