parang bula

The moment I knew I need some improvement

I think this anon arrived at my account last year. Naalala ko pa noong una ko tong binasa sabi ko “tangina neto, ginagawa akong tanga porket tama grammar ng pinagsasabi niyang kshitan” tapos nasa isip ko wala akong pake kung mali grammar ko, basta nailalabas ko ang nadarama kong hinanakit sa damdamin. Until bigla akong nadepressed, to the thought na baka sa una pa lang pinagtatawanan na nila ako, na yung ibang mga blogs na nagpopost about wrong grammar poet ay ako, feeling ko lahat ng bagay na kapintas pintas sa blog ko ay totoo. Suddenly my blogging confidence just went from 100 to 0. Nawala na parang bula ang confidence ko para magsulat, pakiramdam ko bawat sulat ko ay ijujudge ng iba, baka may makita silang maling grammar at kung ano-ano pa kaya tumigil muna ako ng ilang buwan, though nagpopost ako minsan pero binubura ko kapag hindi ako satisfied sa mga words na nakasulat dito. Eto din ang dahilan kung bakit nainsecure ako sa utak ko, the way I think, the times where I forget some basic words at dumating din sa point sa kung saan nagtatanong ako ng kung anong english neto which I dont usually or ive never done before. Halos mabaliw din ata ako, pero slight lang dahil akala ko imbis na tumalino ako every year, mas bumobobo yata ako, kasabay na rin sa pressure ng mga kaklase ko sa school, mga taong nagsasabi na akala nila nung una nila akong nakikilala ay matalino daw ako pero weird lang dawa pala. Hanggang sa sunod-sunod ko ng nareralize na ang baba na yata ng tingin saakin ng mga taong nasa paligid ko, they’ve treated me as someone na walang kwenta, hindi nila kailangan when it comes to academic matters, or basta related sa mga smart stuffs kuno. Doon ako bumaba ng bumaba hanggang sa wala na akong tiwala sa sarili ko.

Pero hindi ako sumuko, oo corny ang linya na yan pero putangina dahil sa iba kong kaibigan dito sa tumblr, kilala niyo na kung sino kayo, sila yung tumulong sakin para maencounter ko ang insecurities ko. Sinabi nila sakin na natural lang sa isang baguhang manunulat ang makakuha ng ganyang criticism, though I took it way too serious on my side dahil first time ko lang ang mapansin ang grammar ko sa pagsusulat, Tangina natatawa ako sa drama ko dahil diyan sa anon na yan, pakyu kang anon ka kahit na good criticism mo yan nainsecure ako ng pagkatagal tagal at hanggang ngayon meron pa rin epekto sakin.

Eto lang ang conclusion ko sa long post na ito:

Sa dinami rami ng sinabi ko, ang gusto ko lang iparating ay dadating tayong lahat sa point na kung saan akala natin wala tayong insecurities, pero meron pala at sobra ang magiging epekto nito sa pagka tao natin. The best way to conquer it is try to embrace it, sa paraan ko dahil nga sa nainsecure ako sa pagiisip ko or the way I write, umino ako ng memo plus gold at hindi po ito sponsored pero kung balak po ako isponsor ng memo plus gold hihi contact me po, charot lang. Ayun nga, I tried to exercise my brain, nagbasa ako lalo para maexpand ko pa ang vocabulary ko at I tried my best to write a poem na galing talaga sa puso ko at hindi para sa sake ng blog na ito.

nakakatawang isipin na yung mga taong pinangakuan ka na lagi silang nandyan para sayo, na hinding hindi ka nila iiwan, na hinding hindi ka nila sasaktan ay unti unti na nawawala mula sa pagkakahawak mo sakanila, yung mga taong niyakap mo, pinatahan mo, yung ikaw na laging nandyan para sakanila kahit anong mangyare, yung mga taong kasama mo sa tawanan, sa mga kalokohan unti unti nalang nawawala ng parang bula at ngayong kailangan mo ng may hahakgan sayo at sasabihan ka na ‘’tahan na, andito lang ako’’, tila naglaho na silang lahat at ikaw, nagiisa nalang sa laban na tinatahak mo ngayon. 

Mali ka. Nagkakamali ka kung iniisip mo na isa lang ako sa mga pansamantalang tao na dadaan sa buhay mo.

Na katulad lang din ako ng mga taong nagkaroon ng simpleng gusto at paghanga sa'yo. Na sa isang iglap ay parang bula lang na mawawala ako. Na ang lahat ng ito ay isa lamang laro at pwedeng matigil kapag sinabi kong “hinto”. Mali ka. Alam mo kung bakit? Dahil ako, ako yung tao na meron din nung takot na katulad ng sa'yo.

Takot ako na masayang lang ulit ang pagmamahal na maibibigay ko. Natatakot ako na yung taong mamahalin ko ay iiwan lang ulit akong durog at lito. Natatakot ako na sa muling pagkakaroon ng kulay ng mundo ko ay siya ring muling pagguho nito. At yung takot na luha ang posibleng maging kapalit ng muling pagsugal ko.

Pero hindi ko pinigil ang sarili ko na mahulog sa'yo. Oo, isinantabi ko ang takot na meron ako para gumawa ng mga alaala kasama mo. Wala akong pake kung masaya, o nakakatakot, o nakakapanabik, o nakakalungkot. Basta ang alam ko, gagawa tayo ng mga alaalang hindi natin gugustuhing mabaon sa limot dahil lang sa konting away at tampo. Ginawan na kita ng permanenteng lugar sa puso ko, at yung mga darating na pagsubok ang magiging matibay na pundasyon nito.

Kaya nagkakamali ka kung iniisip mo na isa lang ako sa mga pansamantalang tao na dadaan sa buhay mo. Dahil ako, mananatili ako.


Photo by: Ela Mae M. 

Bakit nga ba gusto kita?
Ilang beses ko na ring sinubukan
na hanapin ang sagot
sa tanong na ito,
ngunit hanggang ngayon
ay hindi ko pa rin makita.

Bakit nga ba nawala ka?
Hindi pa man nabubuo
ang pagtitinginan
nating dalawa,
nauna pa itong naglaho
na parang bula.

Bakit nga ba gusto pa rin kita?
“Gusto” pa rin ba
ang tawag do'n
o “mahal” na?
Mahal, minahal kita.
Mahal pa pala kita.

Bakit nga ba ikaw pa?
Madami namang iba diyan
diba?
Pero hindi pala pwede
ng diktahan ang puso
na matagal nang tanga.

—  s. f. // tula #1

Too much realization with good friends and alcohol. Idk, ang sarap lang maging masaya na tatawa ka lang. Di ako pala inom pero di naman ako nag lalasing. Pero di ko alam kung paano naging rhyme ang dyosa sa joga. Hahahahahaha. So ayon bakit ba kasi nagkaroon ng more than friends but less than lovers. Siguro para sakin, pag gusto ka ng isang lalaki, liligawan ka talaga. Di yung lalandiin ka lang. Iintindihin ka in every way. And nakakalungkot lang kasi sa generation natin bilang nalang yung mga lalaki na talaga namang oldschool manligaw. Sabi nga, “pag gusto mo, pag hihirapan mo.” And it seems whatever we want, nakukuha natin to sa isang pitik lang. In the end, mawawala rin na parang bula lang. Minsan naisip ko okay na rin yung mag isa ka lang, work work, payaman, travel, pero fudge ayoko tumandang mag isa boi. Gusto ko parin yung tipong “for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part”. Ganoin.

I saw my ex yesterday.

After ilang weeks nang pag iwas ko at pag iisip na sana wag ko syang makita. Pero aun, pinagtripan na naman ako nang tadhana, nakita ko sya. Ofcourse di ko sya nilapitan, at di ko din sure kung nakita nya ko pero ito lang ang sigurado, nanghina ako. At ang gusto ko lang nung mga time na un, maglaho parang bula para di nya ko makita. At aun nga, dali dali akong lumabas nang mall. Pati dapat dun ako maglalunch, nawala sa isip ko. Gusto ko nalang makauwi agad agad.

Sabi ko kagabi bago ako matulog, “Lord, alam ko may purpose bakit mo hinayaan na makita ko sya ulit.”

Hindi ko sya napanaginipan kagabi. Pero nagising ako na alam ko na ung purpose bakit. Alam ko na bakit nangyari ung kahapon, bakit kelangan na maramdaman ko un. Alam ko na.

God let me saw her para ipaalam sakin ung pakiramdam nang hindi pa nakakamove on. Para malaman ko ung pakiramdam nang di pa totally heal kahit na araw araw kong sinusubukan gamutin ang mga sugat sa puso ko.

Para sa susunod, sa susunod na makita ko sya ulit maaalala ko yung araw na to. At makukumpara ko yung pakiramdam ko at sa panahon na un, masasabi ko na sa sarili kong, nakamoveon na ko.

Paano ko nga ba
aalisin sa sistema ko
ang mga bagay na
nakasanayan na
Paano ko kalilimutan
ang mga ala-alang
lumipas na
Paano ko haharapin
ang bawat umaga
kung sa pag gising ko
ay hindi ka na kasama

Saan nga ba ako
dapat magsimula
Isang araw bigla
ka na lamang nawala
na parang bula
Gabi gabi nakadungaw
sa bintana at napapatulala
Sa ala-ala ng nakaraan
pilit akong kumakawala

Kailan nga ba maghihilom
itong pusong sugatan
Sa hinaharap ay ano
ang aking kahihinatnan
Ako ay gulong gulo pa rin
sa nararamdaman
Umaasa na itong sakit
ay mayroon ding hanganan

anonymous asked:

Parang sarili mo kinakantahan mo sa kisapmata hahaha -nini

Sino kayang umalis ng parang bula haha. mag reply ka nalang sa fb 😂

recalcitrantprincess  asked:

Bakit kahit pinag effortan mo na yung isang tao, kahit binigay mo na yung lahat ginawa mo yung gusto niya, pinahalagahan at iningatan mo siya pero nagawa ka niyang iwan tapos yung oag iwan niyo pa sayo biglaan parang bula biglang nawala di naman kayo nag away or anything bigla di ka kinausap hindi ka chinat or tinawgan di na nag pakita sayo. Bigla na lang siyang nawala.

Hello, recalcitrantprincess! Don’t feel bad kung alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. There are kinds of guys kase na kapag naka isip sila mag restart ng life nila, gagawin ka nilang computer yung buhay nila then mag rerefortmat sila ng mga sarili nila. Bahala na kung sino mawala. In short, selfish. Meron ganung guys. At the end of the day, you did your best naman. 

Sampung “No-No’s”ng Manginginom.

1. H’wag makulit habang umiinom. H’wag mo paglaruan at gawing tau-tauhan ang pulutan, lalo na kung may sabaw ‘to. Matatanggap ko pang ibato mo sa mga kainuman mo ang isang pirasong TORTILLOS kaysa sa buto ng BULALO na inulam n’yo pa kahapon.

2. H’wag matakaw sa pulutan. Inuman ito. Hindi ito PICNIC. Hindi mo magagamit ang NINJA MOVES mo sa pagkuha ng pulutan mula sa platito ni Inay. Tandaan mo, sa bawat grupo ng nagiinumang barkada may isang myembro ‘jan na nagbibilang ng sinusubo mong pulutan.

3. H’wag patagalin ang baso. Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos. H’wag mong i-mumog ang alak sa loob mismo ng baso. May naghihintay pa ng tagay. Kailangan mong ipasa agad ang baso dahil baka ‘yung katabi mo, nabubulunan na pala mula sa isang tipak ng karne na patago n’ya pang sinubo.

4. H’wag inom ng inom. May limitasyon ang lahat. Hindi dahil birthday n’ya, sagot n’ya lahat ng bote ng alak. Bumili ka rin. H’wag kang abuso.

5. Uminom ng diretso sa t’yan. H’wag sa ulo. Katawan ang pinapainit ng alak. Hindi ang ulo. Narinig mo lang ang “theme song” n’yo ng ex mo, bigla ka nalang mangbabato ng yelo. Okay lang sana kung TUBE ICE e, pero h’wag naman yung isang plastic ng buong yelo.

6. Magpaalam pag-uwi. Hindi ‘yung bigla nalang nawawala. Lalo na kung nasayo ang pamasahe ng mga kainuman mo. Baka kinabukasan, batuhin ka nila ng mga pudpod nilang tsinelas.

7. Magtira ng pamasahe. H’wag mong ipagkatiwala sa kainuman mo ang pamasahe mo. Mamaya maipambili n’ya ng yosi o di kaya nama’y maglaho s’ya na parang bula. Maganda na ‘yung may extra kang perang nkaipit sa garter ng brief mo o kaya sa pagitan ng bra mo.

8. H’wag matulog sa harapan ng inuman. Wala ka sa kwarto. H’wag mong gawing unan ang plato ng pinaglalagyan ng spaghetti na pinang pulutan n’yo. Anong tingin mo sa buhok mo, pasta?

9. Siguraduhing sa bahay ang uwi. Hindi sa motel. Mas mura na, safe pa. Walang CCTV sa CR at KWARTO.

Higit sa lahat,

10. H’wag titikman ang katabi. Hindi s’ya pulutan. H’wag mo s’yang gawing buto ng bulalo na pwede mong sipsipin at isubo. Tandaan mo, pinagpawisan na ‘yan. Nakatikim ka na ba ng bulalo na mabaho at maasim?

Intindihin mo maigi ‘to

Ikaw, kung babalik ka sa buhay ng taong mahal mo, siguraduhin mong hindi mo siya paaasahin o sasaktan lang. Matindi ka rin eh no, may nagpapasaya na sayo na iba tapos babalik ka pa sa buhay niya? Para ano? Para ungkatin ulit ang sugat na pahilom na? Paasahin ulit ang pusong malapit ng mapagod? Malapit ng maka-move on yung tao tapos babalik-balik ka, sasabihan mo ng “mahal pa rin kita” pero kapag naiipit ka na, bigla ka na lang aalis at mawawala na parang bula. Dahil ano? Wala naman daw karapatan kasi hindi na kayo. Anak ng pitumpu’t pitong tupa naman. Masyadong playing safe eh. Ginagawang fall back option yung isa dahil sa “hindi siguradong nararamdaman”. Mahal? Mahal mo pero hindi mo kayang ipaglaban? Mahal pero hindi kayang bitawan ang “hind kuno na kaligayahan”? Dahil ano? Magulo ang mundo? Dahil natatakot isugal ang nasa harap mo? Pagmamahal ba yan o gusto mo lang bigyan siya ng maling pag-asa at pagmukhaing tanga?

Palibhasa kasi alam mong hindi pa ganung nakaka-recover kaya madali lang sayo magpabalik-balik sa buhay niya. Palibhasa kasi walang “commitment” kaya pwede ka mamangka sa dalawang ilog. Sarili mo lang iniisip mo hindi mo inisip na masasaktan mo ulit siya. Yan kase hirap sa mga tao, may bago na pero hindi pa marunong makuntento. Bago ka masaktan sa mga mababasa mo sana naisip mo muna na may masasaktan ka sa desisyong ginawa mo. Sana naging masaya ka sa pagpapaasa ulit sa kanya. Sana masaya ka kasi malapit na siya sa finish line pero pinabalik mo ulit sa umpisa. SANA MASAYA KA SA GINAWA MO SA KANYA. SANA MAINTINDIHAN MO ANG SINASABI AT NARARAMDAMAN NIYA.

Dalawang taon, dalawang taon na din pala.
Akala mo nakalimutan na kita? Sa totoo lang hindi pa.
Nandito pa sa akin lahat nating ala ala.
Ikaw ang una, sa iyo ako sumaya.

Pangalawa, sana wala nang pangatlo.
Sana naman huling beses na ito.
Hindi ka na babalik, ‘yun naman ang totoo.
Kailangan ko na lang tanggapin ang kwentong ito.

Akala ko noong una lahat ay ayos na
Abril noong makalawa tayo pa ay magkasama.
Masaya, masaya, lahat puro saya.
Pero lahat ng saya naglaho na parang bula.

Kasabay ng iyong paglayo
ang paghahanap ko ng bago
Pero wala talagang nakatapat sayo
Kahit pagsama samahin mo pa sila sa grupo.

1cAoUh lHuN6 xH4pH@t nUaH
Asaran pa natin noong una
Pero sino ang unang bumitaw?
Ikaw din naman pala.

—  Kung iiwan mo ako, huwag ka nang babalik.

Yung taong gabi gabi mong kausap? Yung karamay mo? Yung kakwentuhan mo tapos gaguhan kayo? Tapos sa isang iglap bigla nalang nawala na parang bula? Hirap man tanggapin pero baka nagsawa na din makipag usap. Yung ganitong sitwasyon eh ang hirap kalimutan pero ano nga ba ang magagawa? Hayaan nalang.

Kung iiwanan mo ako, sabihin mo…

Oo masasaktan ako kapag iiwanan mo na ako. Hindi ko maipapangako sayo na hindi ako iiyak, hindi kita pipigilan at pababayaan ko na lang na mawala ka ng ganun ganun na lang. Pero kung sakaling iiwan mo na ako, gusto kong sabihin mo sa akin. Magpaalam ka ng maayos. Tapusin natin ang lahat ng nag-uusap tayo. Ayoko kasing mawala ka ng hindi ko namamalayan. Mas masakit kapag iniwan mo ako ng walang pasabi. Sigurado kapag nangyari yun mas magiging miserable ako.. hindi matatapos ang pagluha ko.. walang kamatayang pagtatanong kung bakit ka nawala na parang bula at sisisihin ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Natatakot akong marinig sayo yung salitang paalam na. Pero mas hindi ko kakayanin na mawala ka na lang na hindi man lang nakakapag-goodbye. Mas matatanggap ko ang lahat kung sasabihin mo kaysa naman iwan mo na lang ako na parang walang nangyari..

Pero sana hangga`t maaari, magstay ka sa akin habangbuhay.

Huwag mo na ako balikan kung iiwanan mo lang ulit ako. Huwag mo na akong balikan kung puro awa na lang ang nararamdaman mo. Huwag mo din sabihin na kaya mo ako binabalikan, kasi mahal mo pa ako. Huwag mo akong maloko loko sa mga salitang binibitawan mo kasi alam ko ang totoo. Hindi mo na ako mahal. Kasi kung mahal mo naman talaga ako, hindi ka aalis diba? Kaso umalis ka eh, nawala ka ng parang bula. Nawala ka at iniwan mo ako nagpupumilit pang lumaban para sa relasyon nating dalawa. Tapos ngayon, babalikan mo ako kasi wala kang choice? Tama na. Ayoko na. Tama na yun ilang beses kitang tinanggap kahit na sobra sobra na akong nasasaktan ng dahil sa pagiwan mo. Tama na, gusto ko na din naman maging masaya. Tama na yun pagpapakatanga ko sa iyo, tama na yun pagsasakripisyo ko para sa iyo kasi may iba pang karapat dapat na maramdaman yun ganon trato kesa sayo. Hindi lahat ng bagay o tao, kapag iniwanan, eh nandun pa din pagbalik mo. Yung iba, umalis at naghanap ng ibang magmamayari, at yun iba, may nakapulot na sa kanila na mas kayang alagaan sila kesa sayo. Huwag mo na akong saktan pa, kaya please lang. Huwag ka nang babalik.

canyoubemyex  asked:

Pano malalaman kung seryoso ba talaga ang lalaki or nakikipagfling lang?

Kapag consistent. Kapag lagi talaga siyang nangungulit. Kapag laging nanjan. Lagi ka kinakausap. Lagi ka pinapatawa. Yung alam mo talaga sa sarili mo na nanjan lang siya. Hindi yung parang bula na biglang nawawala. Sweet ngayon pero bukas wala. Ang kulit ngayon pero bukas hindi ka pinapansin. Ang lalaking seryoso hindi ka paghihintayin. Parang babae din. Kapag nagtext ka, reply agad. Malalaman mong nilalandi ka lang, kapag sweet lang siya kung kelan niya maisipan :)

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 8

“Arch. Magalona, this is Engr. Aldrin Cruz.” Sir Felix said as he introduced Elmo to the guy beside him.

“Elmo?!” gulat na sabi nito. Halatang nagulat si Sir Felix na kilala siya ni Aldrin.

“Aldrin!” bati niya and offered his hand for a shake. He took it pero sinabayan niya ng yakap sa binata.

“Anak ng. Architect ka na nga palang mokong ka!” he excitedly said.

“Hahaha. At ikaw Engineer ka na.” Elmo said.

“Uhm…” Sir Felix cleared his throat at dun pa lang kumalas si Aldrin.

“Sir Felix, I’ve known this guy since high school. Bestfriends kami nun.” paliwanag ni Elmo.

“Yup! Partners in crime.” Aldrin added. Natawa naman si Sir Felix.

“Mabuti naman na magkakilala na po kayong dalawa. Atleast madali na makatrabaho ang isa’t isa.” he said.

“Opo.” sabay na sabi nila ni Aldrin. Tumango na si Sir Felix at dahil nga magkaibigan na sila ni Aldrin, siya na ang nagtour sa kanya sa resort na ginagawa.

“Brad, tagal mong nawala ah. After high school nagvanish kang parang bula.” Elmo told him. Napayuko na lang siya tsaka natawa.

“Eh paano, mom wanted me to study in London. Ayun. Right after graduation, lumipad agad kami papunta dun. Di na nga ako nakapagpaalam sa barkada eh.” he said.

“Oo. Buti alam mong may utang ka sa amin. Hahaha.”

“Kamusta ka na dude?” he asked all of a sudden.

“Hm. Ayos naman.”

“Sila tito?”

“Ayun. Still in Canada. Pero this time permanent na. Diba kasi dati they come home often? Pero after Frank graduated in college and before I start college, umalis na sila.”

“Naiwan ka dito?” he asked.

“Yeah.” Elmo answered.

“Hindi ka na ba binubugbog ni tito?” he asked seriously. Napayuko ako. “Uy dude pasensya na. Alam mo namang concerned lang ako sayo. Para tayong kambal eh. Kaya inaalala ko lang.”

“Nasa Canada na siya. He can’t hurt me anymore.” he answered.

“Good to know.” tipid na sagot naman ni Aldrin.

They roamed around the site, going to different parts of the resort at ipinakita rin ni Elmo ang scale model sa kaibigan. How the resort would look like once it’s finished.

“Iba ka talaga, Moe. Lawak ng imagination mo.” he said as he stared at the model in front of them.

“Haha. Inspired lang.” Elmo said at napangiti pa ito. Aldrin looked at him, curiosity evident in his eyes.

“Inspired?” he asked. Napailing na lang si Elmo at napangiti.

“Hm. Busy ka ba on Saturday?” Elmo asked.

“Bakit? Wala namang trabaho nun.”

“May utang ka pa sa akin na libre nung high school. Akala mo ha.”

“Tss. Ikaw talaga basta utang di mo nakakalimutan eno?” nagtawanan silang dalawa.

“Naman. Ako pa?”

“Fine. Dinner’s on me then.” tumango na lang si Elmo at saka na siya tinapik sa likod.

“Sige. I’ll go ahead na. May pupuntahan pa ko. If you need anything, sabihan mo lang si Sir Felix. Okay?”

“Sige. Salamat dude.”

*****

5pm na at hindi niya pa rin tapos ang article na sinusulat niya. Ito kasi ang hatest part niya sa trabaho. Ang magsulat ng magandang article for the month of love. Samahan pa ng sakit ng puson niya.

“Friend, ang nguso nakakatusok sa tulis.” nagulat siya nang makita si Sef sa office niya.

“Tsk.”

“Ay. Bad mood si bff. Te, time of the month mo?” tanong nito sabay lapag ng kape sa mesa ng kaibigan. “Oh. Coffee mo, pampakalma.” he added.

“Go away.” she said as she waves him off.

“Ts. Time of the month nga. First day?” he asked.

“Second.” she answered.

“Ay! Sakit? As in ouch ouch ever so bongga?” tumango na lang si Julie at saka na sinubsob ang ulo sa desk niya.

“Bakla ang sakiiiiit!!!” she cried while clutching her lower abdomen.

“What happened?” nagulat ang dalawa when they saw Elmo standing by the door.

“Anditey na si suitor. Ayan oh. Annoying period ang friendship ko.” Sef replied. Agad namang lumapit si Elmo sa kanya.

“You want to go home?” he asked pero hindi siya pinapansin ni Julie.

“Ang arte mo, bff. Hmp! Diyan na nga kayo. Gorabels na akiz. Byiee!” at saka na lumabas si Sef sa office.

“Julie…” Elmo called.

“Bakit ka andito? Akala ko ba late ka na makakauwi?” she asked.

“Nagpaalam agad ako sa trabaho. Bawal na ba kita puntahan?” hindi naman kumibo si Julie. “Nagsisimula pa lang ako manligaw mukhang basted na agad ako.” he said to himself. Julie stifled her laughter dahil gusto niyang asarin muna si Elmo. Sumeryoso siya ng mukha at saka humarap kay Elmo.

“Oo. Babastedin na agad kita. Nanliligaw ka pa nga lang wala ka nang oras saken. Pano pa kung sagutin kita?” she said seriously pero sa totoo lang natatawa na siya. She saw how his eyes grew wide at saka ito napayuko.

“S-sorry. Sige I’ll make time for you promise. As in ibibigay ko lahat ng time ko for you. Sorry na Jules. Wag ka na magalit please?” pag-alo ni Elmo sa kanya.

“Hahahahaha.” she started laughing hard. Mukha kasing takot na takot si Elmo at halatang kinabahan sa sinabi niya.

“B-bakit?” he asked.

“Ang kulit kasi ng itsura mo. Tapos mukhang nakakita ng multo sa putla. Hahahahaha.”

“Tss. Ganyan ka? Pinagttripan mo ko ha?” sinimulan namang kilitiin ni Elmo sa tagiliran si Julie.

“Hahahaha. Elmo stop! Ano ba?!” napataas ang boses ni Julie. “Tsk. Naman kasi eh.”

“Oh. Mood swings?” he asked.

“Tsk. Umuwi ka na nga!”

“Hala na. Bakit? Tumatawa ka lang kanina ah.”

“Pwede? Masakit puson ko. Uwi na dun.” she said.

“Ay. Kaya pala. Stop that first. Halika na.” he said. Hinawakan niya ang kamay ni Julie at saka na ito pilit na pinapatayo. “Julie Anne wag ka na magpabigat. Tara na.” he said.

“Bakit ba? May gagawin pa ko!”

“Continue that tomorrow. Iuuwi na kita.”

“What the? Ayoko!”

“Wag na matigas ang ulo. Let’s go home. I’ll make you dinner.” he said at saka na pinilit tumayo si Julie. He took her bag at hinatak na niya ang dalaga palabas ng building.

“Epal oh.” bulong ni Julie. Natawa na lang si Elmo and they continued walking towards the parking lot. “I brought my car. Nasa kabilang side ako nakapark.” she said.

“No need. Sabay na tayo.” sabi ni Elmo.

Pinapasok na siya nito sa kotse and even put her seatbelt for her bago ito sumakay sa driver’s seat.

Nang makarating sa bahay ni Julie ay agad na nagprepare si Elmo ng kakainin niya. He decided to make her something special. Pambawi niya sa pagkabadtrip nito sa kanya kaninang umaga.

“Jules, are you free on Saturday?” he asked over dinner. Tumango naman si Julie at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Bakit?” she asked.

“Let’s go out for dinner. Ipapakilala kita sa highschool bestfriend ko.”

“Bakit?”

“Ipapakilala ko kasi yung inspiration ko.”

*****

Saturday came. Nauna sina Julie at Elmo sa restaurant. It’s an Italian restaurant na paborito ni Elmo. Dun niya naisip dahil sabi niya kay Julie, gusto niyang butasin ang bulsa ng kikitain nila dun.

After about 30 minutes ay nasilayan na ni Elmo na pumasok si Aldrin. He looked around and when he spotted him ay napangiti agad ito and walked to them.

“Sorry late ako dude.” bungad nito. He paused when he saw Julie sitting beside Elmo.

“Ayos lang bro. Nga pala, this is Julie. Jules, si Aldrin. Bestfriend ko nung highschool.” he introduced the two to each other.

“Nice meeting you.” Julie said as she offers her hand for a shake. Aldrin hesitated for a while but took it and shook it once.

“Let’s order?” Elmo said. He could feel na awkward ang mangyayaring dinner na ito pero wala siyang paki. Libre to eh. “Jules, anong gusto mo?” tanong niya kay Julie.

“Hm. I’ll have the seafood pasta.” she said.

“Okay. Ikaw dude?” Elmo asked Aldrin. “Ay. Alam ko na pala. Sige ako na.”

“Hahaha. Sige nga. Ano yun?”

“Tss. Easy-peasy. Pesto diba?”

“Haha. Ikaw na talaga bro. And alam ko din yung sayo.”

“Weh?”

“Oo. Penne pasta with spicy marinara sauce.” ngiting-tagumpay na sabi nito.

“Hahaha. Tama. Alam mo pa rin talaga favorite ko.” they placed their orders at habang naghihintay ay nagkwentuhan sila.

“Nga pala, do you remember the time when my mom gave you chocolates nung dumating siya from Europe? Tas the next day hindi ka nakapasok because you had an allergic reaction to nuts. Hahahaha.” kwento ni Aldrin.

“Oo! I remembered that. Grabe todo sermon ako kay mom and dad nun. Si Frank tuloy kumain nung iba. Hahaha.”

“Hahaha. Yeah. And the time when you and Frank went to our house kasi napagalitan kayong magkapatid?”

“Yes. Eh pano naman kasi, pinagtripan namin yung kwarto. Ni-repaint namin siya tas pag-uwi nila mom sobrang kalat sa kwarto. Dad even threw the can of paint at us. Buti nakailag kami ni Frank.”

“Hahaha. Grabe dude. Ang gago mo na bata pa lang tayo.” Aldrin said.

“Tss. Wag ganun. Nakakahiya kay Julie.” Elmo said and looked at her. Ramdam kasi ni Elmo na out of place si Julie dahil sa mga kwento ni Aldrin about their childhood days.

“Haha. Ano ka ba. Okay lang yan. Ang kulit nga eh. Ganun ka pala dati?” she teased.

“Yes. Baliw yan si Elmo when we were kids.” Aldrin said. Tumango na lang si Julie and drank her wine.

*****

Dumating na ang orders nila at agad namang inasikaso ni Elmo si Julie. She told him na wag na siyang asikasuhin pero mapilit ang binata.

“Try this oh.” Elmo said at akmang susubuan pa ang dalaga. “Say aaaah.” he added.

“Tsk. Wag mo na ko subuan.” she told him. Napapansin niya kasing medyo sumasama ang tingin sa kanya ni Aldrin. She doesn’t know why pero kinakabahan siya sa mga titig nito.

“Anong wag? Bilis na. Try this.” pilit ni Elmo. Julie took a quick glance at Aldrin at nakita niyang nakatingin ito sa kanila.

“Uhm… N-nakakahiya.” she said.

“Ha? Anong nakakahiya? Come on, H. Try it lang naman eh. Magtatampo ako sayo.” he said.

“H? A–” di na natapos ni Julie ang sasabihin dahil nasubo na sa kanya ni Elmo ang pasta.

“Haha. H is for honey. Cute no? Hahaha.” natatawang sabi nito.

“Tsk. Naman kasi.” Julie said sabay hampas dito. Alam niya sa sariling namumula siya kaya she bowed her head to just hide the blush.

“H, kinikilig ka no?” asar nanaman ni Elmo.

“Stop it. Mahiya ka naman kay Aldrin.”

“Bakit? Hahaha. Sensya na dude. Hindi showy si Julie eh. Hahaha.” Elmo said.

“Ayos lang pre. Ang cute niyo tignan.” she heard Aldrin said. Pagsilip niya rito ay nakita nanaman niya ang matatalim na tingin nito sa kanya.

“Oh diba? Cute daw tayo, H.” sabi ni Elmo sabay angat sa mukha ni Julie. “Hahaha. Sige na hindi na. Kain ka na uli.” he said and smiled at her.

“Look who’s here.” nagulat sila nang may marinig na pamilyar na boses. They all looked at who it was and was surprised to see Janine standing a few feet from them. “I’m joining them.” she told the receptionist at saka na tumabi kay Aldrin.

“J-Janine…” sabay-sabay na sabi ng tatlo.

“Oh. Bakit parang namutla kayong tatlo? Especially you Elmo.” she said. Napatingin ito sa gilid niya and smiled at Aldrin. “Hi Aldrin. Kamusta?”

“I-I’m good. Ikaw?”

“Ayos naman. Moving on.” she said.

Julie felt the awkwardness kaya naman tinext niya agad si Sef.

‘Bakla, save me! Best drama actress na role ang kailangan ko.’ she sent the message and acted as if she is enjoying their company. Parang nagsisi siyang sumama kay Elmo sa dinner na to.

“Julie, kamusta na kayo ni Moe? Going strong?” asar na tanong ni Janine.

“H-ha? K-kami? Ano…” she stuttered.

“We’re doing great. Masaya kami ni Julie. Bakit?” Elmo answered and even put his arm on her shoulder and pulled her closer to him.

“Wow. That’s good to hear. Kaya lang baka masaktan si Aldrin. Diba?” patuloy sa pang-aasar si Janine.

“I-I don’t know what you’re talking about.” Aldrin said at saka yumuko.

“You want me to refresh your memory?” Janine asked.

“BFF!!! JUSKO MAHABAGIN. TARALETS NA ANUBEY?!” nagulat ang lahat ng nasa restaurant nang may marinig na tili. Pagtingin nila ay si Sef pala.

“Sef?” pagtataka ni Elmo.

“Friend, kidnappin ko lang ng very very light si bff ha? Emergency over there sa office. Kailangan kami as in now na!”

“Ha? Bakit? Anong meron sa office?” Julie asked.

“Basta friend. Kailangan na natin gumorabambam dun. Fly na tayiz!!” at hinatak na siya nito patayo.

“Uhm… Sorry if I can’t stay long. We have to go.” nagmamadaling sabi ni Julie.

“Sasama ako.” Elmo said as he held her hand. Tumingin si Julie kay Aldrin at Janine at saka siya bumaling ng tingin kay Elmo.

“Wag na. You stay here. Matagal kayong di nagkita ni Aldrin. Kami na bahala ni Sef.”

“Tsk. Fine. Tawag ka agad sa akin ha? Ingat kayo, H.”

“O-okay. Enjoy your night. And thanks for dinner, Aldrin. Sorry if I have to go.”

“Tara na bff! Ang daming hanash oh!” hinatak na siya ni Sef palabas ng restaurant.

“Bye, H! Call me!” was the last thing she heard from Elmo.

Loading… ████████████████] 99%

Ramdam mo ba yung akala mo makikita mo na sya? Yung taong alam mong mapapasaya ka? Yung taong akala mo sya na, pero biglang nagbago? Pero biglang nawala, at naglaho na parang bula? Pero biglang nag error?Yun kasi yung nakakainis eh, akala mo magiging kayo na, akala mo sasaya ka na, akala mo sya na, pero hindi eh. Sinaktan, pinaasa, ginago, tinarantado, ginawang tanga, pero mahal mo pa din. Lagi na lang ikaw yung nag a approach, ikaw na lang lagi yung lumalapit, pero sya? Hindi. Lagi na lang ikaw, puro ikaw.Ang pagibig, hindi laging para sa isang tao lang, kailangan ng kaparehas, hindi yung mag isa ka lang. Paano ka lalaban kung yung taong pinaglalaban mo eh matagal ka na palang binitawan? Paano ka lalaban kung yung taong pinaglalaban mo ang nagsasabing sumuko ka na? Paano ka sasaya kung lagi ka nyang sinasaktan? Minsan, kahit anong laban mo, sa huli talo ka pa din. Kahit alam mo mananalo ka na, may mga taong hahadlang para makamit mo yung gusto mo at dun, dun bigla magbabago ang lahat.

Cool off?

Cool off cool off, hihiwalayan ka lang din n'yan. Sobrang makasarili ng term na ‘yan. Kapag sinabihan ka ng cool off. Medyo ihanda mo na ang sarili mo, mag uumpisa na ang taning sa relasyon niyo. Umpisa na kung saan lahat ng pangarap at mga pangako niyo ay maglalahong parang bula.

Lahat ng maririnig mo sa kanila pampalubag loob lang, minsan may pa play safe pa para may onting paasa moments pa sila. I pity those kind of people. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo sila hahayaang mahirapan at masaktan. Tutulungan mo silang makabangon. Hindi makasarili ang pag-ibig.

Pwedeng mali ako, pwedeng iba 'yung nangyari sa inyo. Pero most of the time? Ganyan ang scenario, laging 2 sides of coin naman 'yan.

  • Dati laging magkausap. Ngayon lagi mo na lang siyang tinititigan. 
  • Dati laging magkausap. Ngayon masosorpresa ka kung bakit ka niya naalala.
  • Dati laging magkausap. Ngayon parang magpapamisa ka kapag naalala ka niya.
  • Dati laging magkausap. Ngayon, parang nawala na lang na parang bula.