para: a win win situation

Pag ang tao ba nagsabing hahanapin ang sarili niya at iniwan ka eh hahanapin ba talaga nila?

For me? Ayon sa mga naranasan ko? Hindi siguro? Isang white lie na lang yun, or I should say.. “Pampalubag loob” Para pwede kang umasa at huwag masyadong masaktan. Dahil gusto niya pa rin i preserve yung “karakter” ng pagkakakilala mo sa kanya. Kumbaga, siya ang may hawak sayo. Kasi hahanapin ang sarili niya tapos kapag hindi niya nahanap sa iba at wala siyang nakita. May option siya para balikan ka. Alam mo yun? Win Win Situation sa kanya at Win Lose Situation sayo?

Win sayo kasi posible siyang magbago after nung mga nangyari.

Lose sayo kasi pwede ka niyang iwan ulit. Anytime pwede niya ulit gawin. Kasi ikaw yung nakikisama at naghihintay sa kanya eh. So anytime na may humadlang at may magustuhan siya. Palaging ganun ang gagawin niya. Bibigyan ka niya ng cold approach at kapag naging cold eh makakahanap na siya ng butas para iwan ka at hahanapin na naman ang sarili?

Win sa kanya kasi may babalikan siya anytime na gusto niya. Kumbaga may ulam na siya.. Kumuha pa ng isa pang ulam dahil masiba ang mokong eh.

Win ulit sa kanya dahil hindi siya makakaramdam ng pag-iisa. Makasarili eh. Talagang ganyan ang mga makasarili. Palaging win win situtation. Kasiyahan ng sarili at wala siyang pakialam sa nararamdaman mo.

Eto.. Matanong kita. Paano niya hahanapin ang sarili niya? Kung umpisa palang ng relasyon niyo eh ikaw na ang kukumpleto dito? May tao bang naghanap ng iba pa kung kumpleto na siya? Pag ganyan lang din at hahanapin ang sarili eh kailangan mo ng tanggapin ang katotohanang wala na yan kaibigan. Inuumpisahan mo na rin ang pag tanggap na people come and go. Na yung mga hahanapin ang sarili na yan eh “GIMMICK na lang ngayon para mabango pa rin at hindi maging masama ang imahe niya sayo at sa mga kaibigan mo”.