para sa akin:))

Trini’s Last Name is not ‘Kwan’

Hey folks, I’m flailing over the Trimberly tag and all, but I remembered someone made a post of this before and wanted to share their message, in paraphrase: 

Trini the Yellow Power Ranger of the new 2017 movie does not have the surname ‘Kwan’.  As stated by Becky G, her actress, here on her Twitter account:

This is the original (Edit: First known on TV) Yellow Ranger (Trini Kwan) from the Mighty Morphin’ Power Rangers (1993), Thuy Trang (may she rest in peace):

I do resent (read: very) the fact we keep getting whitewashed Asian works put into live action (@hollywood wOW), but it’s very clear they’re separate characters.  (Edit: I know Power Rangers originated from Super Sentai, but Power Rangers have no fixed race nor ethnicity.  They can be represented by whoever.  I understand Becky G and disagree with the Twitter user that compared the casting to Emma Stone in Aloha.  Becky G is a Latina.  Thuy Trang was Vietnamese.  I just want Becky G’s Trini known separately from Thuy Trang’s Trini, but still retain them as the first Yellow Ranger in the long pilot premiere and the first Yellow Ranger in the movie reboot.  They are separate characters.)

TL;DR in your fanfics/fanarts/fanposts, please don’t confuse Becky G’s character to be Thuy Trang’s character and don’t give her the last name ‘Kwan’!

Crush mo ‘yong isang tao dahil sa personality.

May ganito pa ba ngayon? ‘Yong sobrang nagugustuhan ‘yong tao dahil sa ugali niya o kaya dahil sobrang bilib siya sa ginagawa ng taong ‘yon? Like magaling magsulat, kumanta, mag-drawin

Nagkacrush ka na ba sa isang tao na hindi tumingin sa itsura? Kasi mostly ‘di ba sa itsura tumitingin ‘yong tao ngayon pag dating sa crush? 

 Gwapo, maganda, cute, etc. Pero ayon, nagka-crush ka na ba sa isang tao dahil sa ugali nya? Sa talent o skill niya? O dahil sa minsan mo siyang nakitang gumawa ng isang bagay na para sa ‘yo ay sobrang remarkable? Eh di ayon na nga nagka-crush ka hindi dahil sa pang pisikal nyang itsura. Tapos sa pagdating ng mga araw eh nade-develop na lalo yung feelings mo para sa kanya, ‘yong dating plain na hitsura ay lalong gumagwapo o gumaganda habang lumilipas ang mga araw. 

Minsan mapapasabi ka na lang na  "Ang cute pala ng dimples nya / ang ganda pala lalo ng mata niya kapag nakangiti sya / pantay at maganda pala ngipin nya, etc. At yung dating simpleng crush lang nauwi na talaga sa totoong love. Para sa akin kasi ang ganda kapag ganito nagsimula yung pagkagusto mo sa isang tao, unrequited love man yan o hindi. 

Iba kasi kapag sa personality ka na-fall sa isang tao. Hindi dahil malaki katawan, sexy, swagger, famous sa Social Media. Tipong magiging bonus lang lahat ng makukuha mo once na tinanggap ka niya. Feel ko ‘yon yung type of love na kaya mo ipaliwanag kasi sobrang naa-amaze ka sa taong ‘yon. Maipapaliwanag mo kung bakit mo siya gusto at isa pa ‘yong way para lalo niyang galingan kasi malay mo gusto ka rin niya? Madalas kasi ganon, kapag nakaka receive ng compliment sa tao ‘yong mga artists. Lalo nilang ginagalingan kasi alam nilang may nakatingin sa kanila. 

Ayon ‘yong mga klase ng Love na hanggang sa pagtanda na talaga. Kapag binalewala niyo ang itsura ng isa’t isa at nagsimulang tumingin sa mismong pagkatao nila. Men, never na magfe-fade ‘yon. For keeps na ang ganung mga tao at huwag mo nang pakakawalan. Ako more on personality kasi. Kapag medyo boyish ka at mahilig ka sa laro at ang strong ng personality ang sarap mong mahalin kasi alam mo ‘yong feeling na ang tapang niya tapos pagdating sa ‘yo ang lambot-lambot niya. Haha!

Sana hindi pa nawawala ‘yong mga taong ganito. Yung bumilib o napamahal dahil sa skills and talent or personality. Hindi ‘yong walang mahanap kasi puro pang display ang gusto. Kaya maraming nasasaktan at hindi nagtatagal. Kaya tinitiis kahit ginagago na. 

- Infelice and Rhadson Thoughts. 

Funny how life throws jokes that aren’t really funny.

History repeated itself. Kung the last time eh ako yung nanggago, this time ako yung ginago. Serves me right siguro. Ito na yung karma ko sa ginawa ko sa kanya.

Keep reading

Ang pinakamahirap lang naman kapag nawala ‘yong taong nakasanayan mong laging nandyan e 'yong mag-umpisa ka ulit sa ibang tao. Tipong, gaano ulit katagal bago ka magtiwala nang buo. Ano ang totoo sa hindi? Kapag ba binigyan mo itong tao na to e hindi na siya mawawala? Isa rin ba siya sa bago mong poproblemahin sa hinaharap?

Kaya para sa akin? Gawin mo lang ang gusto mo. Hindi mo kasi malalaman kung magiging madamot tayo e. Ako kasi ngayon? Pinagbigyan ko lahat ng taong magpakilala sa akin. May mga biglang nawala at may mga taong consistent talaga. At least, alam mo na agad kung sino 'yong mga aasahan mo in the long run. Sobrang blessed kapag may nakilala kang mga tunay na kaibigan sa Internet.

Lalaking araw araw kapa din nililigawan kahit kayo na.//

Paano nga ba tayo nagsimula? Ang alam ko wala naman tayong simula eh, basta bigla bigla nalang nangyari ang lahat ng hindi natin inaasahan. Minahal natin ang isa’t isa ng hindi natin namamalayan. Oo ikaw yung lalaking pinapngarap ko dati pero hindi ko alam na totoo ka pala, na may isang ikaw pa na kayang gawin ang lahat pra sa taong mahal niya.

Nagbyahe ka ng anim na oras at nag antay ng ilang oras dahil may klase pa ako. Hindi ka talaga pumapalya sa mga surprises mo sa akin, mga effort mo para mapasaya ako, mga kwento mong nakakaaliw, mga jokes kong hindi mo magets agad. Lahat ng ginagawa mo mas lalo kong minamahal yung pagkatao mo.

sabi nga nila Uwian na, ginalingan eh. Ginalingan ko ba talaga? Hahah ang dami nanating napagdaanan at yun ay nakatago lahat sa puso ko, masaya man o malungkot. Sa malungkot tayo nagsimula pero etong istorya ng pagmamahalan natin pupunoin natin ng saya at kilig. Ikaw lang ang mahal ko, ang mamahalin ko sa panghabang buhay.

Limang buwan na tayo ngayon mahal at dumaan na ang maraming pagsubok na talagang nasubok tayong dalawa, pero sabi ko nga na kahit ano pa yan walang makakapagtalo ng relasyon natin, dahil ang ikaw ay para sa akin lang. Mahal na mahal kita sobra. Mahal na mahal. 😘💖

Para sa aking minamahal,

Matapos ng masasakit na nangyari sa akin, sinabi ko sa sarili ko na ayoko na. Hindi na muna ako magmamahal; na wala muna akong pakialam sa ganyan. Sinabi ko sa sarili ko na sa susunod ay hindi na dapat ganito; na hindi na dapat ako lang ang nagmamahal; na tama na ang pananakit ko sa sarili ko. Nagtayo ako ng pader para wala nang makapanakit sa akin. Sabi ko pa na hindi ko hahayaang may makapasok sa buhay ko na walang planong manatili pero dumating ka. Dumating ka at gumuho ang pader na akala ko’y matibay na. Dumating ka at para bang wala akong sinabi sa sarili ko. Sa madaling salita, pinapasok kita sa buhay ko. Hinayaan kitang pumasok sa buhay na wala akong ideya sa mga posibleng mangyari pero masaya ako. Masaya ako at nariyan ka. Masaya ako at may isang katulad mo na nakakapagtiis sa pagmamaldita at pagsusungit ko. Masaya ako dahil alam ko na hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Sabi ko sa sarili ko noon, “Swerte ang babaeng mamahalin niya.” Wala akong ideya sa nangyayari. Ang tanging alam ko ay masaya ako at napapagaan mo ang loob ko. Hanggang sa dumating ang araw na inamin mo sa akin na gusto mo ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero matapos kong marinig mula mismo sa labi mo ang mga kataga, tanging ang malakas na pagtibok ng puso ko ang narinig ko. Tinanong pa kita kung bakit ako pero sabi mo’y, “Hindi lahat ng bagay kailangan ng dahilan.” Hindi ko alam bakit pero napangiti ako sa naging sagot mo.

Hindi ako nakaramdam ng takot – takot na baka mawala ka o iwan mo ako kapag hindi naging maganda ang mga nangyari. Lumipas ang mga araw at alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako. Paano nga ba ako hindi mahuhulog sayo? Ikaw ang naging sandalan sa mga panahong gusto nang sumuko. Ikaw ang naging unan sa mga panahong tila walang tigil ang pag-iyak. Ikaw ang nagbigay ng ngiti matapos ng isang gabing puno ng pagluha. Ikaw ang nagpalakas ng loob sa tuwing natatakot. Ikaw ang laging nandyan sa tuwing magigising sa kalagitnaan ng gabi. Ikaw. Ikaw na laging nandyan para sa akin at hindi lumisan.

Patawad sa aking mga pagkakamali at salamat sa lahat ng iyong alaalang binigay sa akin. Hindi na mahalaga kung masaya o malungkot o masakit.

Mahal kita. Sana maniwala ka.

Mahal kita. Wag ka nang magtanong pa.

Mahal kita. Hindi mo na kailangan pang mag-alala.

Mahal kita pero ang mahalaga’y maging masaya ka.

At alam kong hindi ‘yon sa piling ko kaya paalam na.

Nagmamahal,

P

malabo tayo,
malabo ang bawat
“kamusta” maging
ang bawat “ingat ka”
malabo kung ano ako sayo
ngunit malinaw kung
para sa akin ay ano ka
pumupunit ang bawat
sagot na “salamat”
sa mga pasabi kong
“mahal na mahal kita
gumuguhit ang bawat
“matulog ka na”
sa mga gabing sinabi kong
“sana makausap pa kita”
ganito tayo,
malabo pa sa tubig ulang
pinagtampisawan ng
tila nag-aasar na tadhana

Ma, i’m sorry if i’m such a disappointment. Ma, sorry kung ngayon ko lang sinabi. Pagod na po ako. Pasensya na kung lagi kong sinasabing okay lang ako kahit hindi. Kailangan ko na rin pong dumulog sa psychologist. Hirap na po ako. Gabi-gabi na akong binubulabog nito. Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ko na alam gagawin ko. Ma, salamat po sa pagintindi. Salamat at lagi kang nandiyan para sa akin.

Lahat nung dumating na babae sa buhay ko. May mga partner na. Masaya na lahat sila. Habang ako, walang magawa kundi maging masaya na lang sa kanila. Minsan di ko maiwasang isipin kung ano ang ginawa ko at hindi naging ok yung sa amin dati. Wala namang problema. Sobrang naging mabait lang ako sa kanila. Kahit ano gawin ko hindi ko na mababago yun. Masaya na lang ako na minsan eh naging parte sila ng buhay ko. Sila ang humubog ng mas matinong ako. Yung mga nangyari sa akin sa nakaraan? Yun ang naging way para ma reach ko yung maturity when it’s come to love.

Labo ng life minsan. Mas madalas na hindi mo ma gets. Pero dahil nagtitiwala ako na may nakalaan para sa akin at hindi ako pababayaan ng poong maykapal. Petiks lang ako ngayon. Walang inaalala. Kumukuha ng saya sa mga kaibigan. Palaging umaalis kasama ang mga kaibigan para hindi malungkot.

Maraming nangyayari na hindi ko kayang dalhin mag-isa. Pero patuloy ko lang na nginingitian. Dahil alam kong darating yung araw at malalagpasan ko rin ang lahat ng ito.

Kasi ikaw.
ikaw yung nagparamdam sa akin ng sakit
ikaw na nagparamdam ng awa
at hindi pagmamahal.

Pero alam mo yung pinakamasakit sa lahat?
yung yung hindi ka man lang nagparamdam
hindi ka nagparamdam
nung mga panahong nalilito ako
na akala ko may iba ka na
na akala ko wala ka ng gusto sa akin
na akala ko wala lang ako sayo
kasi natitiis mo ako
pero sila nabibigyan mo ng oras kesa sa akin
sabagay ano nga ba tayo
wala namang tayo
pero isa lang ang alam ko
gaya natin, hindi pa nagsisimula pero ramdam kong tapos na ito.

Hindi ko alam kung paano ba ito sisimulan.
natatakot kasi ako na baka mali nanaman ako
o baka naman magkulang nanaman ako
at hindi ka makuntento
at bigla mo nanaman akong iwan.
natatakot ako na baka
pag may nakita kang mas maganda
bigla mo na lang ako hindi pansinin.

Masakit para sa akin yun,
na habang isinusulat ko ito,
isa lang ang nasa isip ko
at IKAW YUN.

Hindi ako galit. Pero sobrang nasaktan ako. For the 2nd time around, nagmukha akong tanga. Para akong isang inosenteng bata na walang alam sa nangyayari sa paligid niya. Ang pure ng ngiti ko, kasi wala akong alam. Akala ko ayos ang lahat, akala ko lang pala. Naiintindihan ko kung ano ang dahilan, pero hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ako madaling magbigay ng tiwala, pero alam kong hindi ako nagkamali ng pinagkatiwalaan, kasi tulad ng sabi ko, naiintindihan ko ang dahilan, pero hindi ko alam kung bakit. Naiintindihan ko kung bakit niyo inisip na nagsinungaling ako. Kahit kumpyansa akong hindi niyo iisipin ‘yun dahil kilala niyo ako. Pero ayos lang. nasaktan ako pero ayos lang. may mga mensahe sa paligid na nakikita ko pero hindi ko inisip na para sa akin ‘yun. Ang daming mensahe na nung nalaman kong para 'yun sa akin, nakakawasak. Nakakawasak basahin ang mga mensaheng kailanman hindi ko aakalaing maisusulat para sa akin. Naiintindihan ko, oo, pero sorry, hindi ko matanggap.

Nagsorry ako hindi dahil mali ko, kahit ngayon lang, ayokong umako ng mali na hindi ko ginawa. Nagsorry ako kasi aalis ako, pero babalik naman. Hindi ko lang alam kung kailan. Hindi ako galit, pero nasaktan ako. Ang sakit sakit pala talaga magmukhang tanga kasabay ng pagwasak ng tiwala.

3

Totoo yung sabi nila na minsan sa buhay mo yung makikita mo palang sure na sure kana, oo totoo yun dahil hindi naman natin inaasahan lahat lahat eh. Unang kita palang natin sa isa’t isa akala mo kung ilang beses na tayong nagkita.

Sobrang gulo nung una pero eto tayo, nang dahil dun mas tumatatag yung pagmamahalan natin, at inuumpisahan din natin mabuo yung friendship natin. Yung pagmamahalan natin na walang pantay ang saya.

Ikaw yung taong alam ko sa sarili ko na nung una palang kita makita sigurado na ako, na ako ay para sa sayo at ikaw ay para sa akin lang. Corny para sa iba pero yun yung naramdaman natin dalawa na hanggang ngayon hindi parin natin alam kung bakit nga ba ganito.

Ngayon na mag wawalong buwan na tayo at asawa na kita sobrang salamat ko sa Panginoon natin na binigay kana niya sa akin. Sobrang worth it mong mahalin ng sobra dahil deserve mo yun. Mahal kita, mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang kasiyahan ko, ang lakas ko at lahat lahat ko. Basta mahal kita asawa ko. 💓

Sana minsan bigyan mo naman ako ng pagkakataong piliin yung sarili ko. Sana minsan kapag nakikita mo kong matatag yakapin mo naman ako kasi yun yung mga oras na ang hirap hirap na pero pinipili kong tumayo kasi wala akong pagpipilian. Gusto ko rin maging mahina paminsan at maramdaman na may lalaban para sa akin.

Hindi ako si Ryan Bang, na kayang gawin ang lahat para sa fudgee bar. Pasensya ka na, may hangganan ang abilidad ko. Hindi ko kayang gawin ang lahat para sa'yo kahit pa ito ang gusto ko.

Hindi ako si Marcelo Santos, na bibigyan ka ng mga mababaw na salita pero malalim ang kahulugan, at masasabi mong, “Oo, tama nga naman..” Pasensya ka na, kulang ako sa salita at mas lalong kulang ako sa gawa. Hindi ko kayang pagaanin ang mabigat na dinadala mo. Pinipilit ko lang gawing malalim ang mga sinasabi ko pero mababaw lang talaga ang kahulugan nito.

Hindi ako si Juan Miguel Severo, na susulat ng huling tula para sa'yo, at mag iiwan ng sampung utos na natutunan ko sa pag-ibig. Pasensya ka na, hindi ako magaling sumulat, hindi ako marunong tumula, at mas lalong wala akong maipapayo sa'yo tungkol sa pag-ibig. Ang alam ko lang okay lang kahit mag-isa, pero minsan hindi masaya.

Hindi ako si Tito Boy, na mag-aayaya sa'yong, “Tara kaibigan, usap tayo.” Pasensya ka na, hindi ako masyadong nagsasalita. Hindi ako masarap kausap. Ang kaya ko lang gawin ay makinig. Kahit gaano kahaba ang sasabihin mo, kahit abutin pa tayo ng umaga, o daigin man nito ang kwento ng pangako sa'yo, papakinggan kita. Halika dito, makikinig ako sa'yo.

Hindi ako si Daniel Padilla, wala akong ka-love team na Kathryn Bernardo. Pasensya ka na, akala ko pwede mong gampanan ang pagiging Yna Macaspac sa buhay ko kasi alam kong nasayo na ang lahat, ngunit hindi ka naniwala sa akin nung sabihin ko sa'yong minamahal kita ng tapat. Minahal kita… ng tapat.

Hindi ako si Alden, na kayang sundin ang lahat ng utos ni lola. Pasensya ka na, hindi ko nahintay ang sinabi mong tamang panahon para sa atin. Hindi ko sinunod ang utos ng puso ko na maghintay pa. Dumaan ang tag-araw at tag ulan, saan ba doon ang para sa atin? Mali ito. Maling mali. Walang tamang panahon para sa atin. Naubusan ka na ng panahon para sa akin.

Hindi ako sila.
Pasensya ka na.
Hindi ko ata kaya.

Para akong naliligaw, katulad ng isang asong kalye na naghahanap ng makakain na buto sa daan, at masisilungan tuwing bubuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong lamigin at nasanay akong yakap mo ang nagbibigay ng init sa akin, ang mga bisig mo ang nagsisilbing silungan ko hanggang sa tumila ang malakas na agos ng bawat luha, hanggang sa maubos ang lahat ng sakit.

Hindi ako sila.
Pasensya ka na.
Hindi ko pa kaya.

Para akong naliligaw, katulad ng mga batang hamog na sumasabit sa jeep at nanghihingi ng limos, ng kaunting oras, ng atensyon. Uhaw sa pagkalinga at pag aaruga. Naghahanap ng pwedeng kapitan. Umaasa na sana kaya pa, pero may pagdadalawang isip rin na baka nga wala na.

Hindi ako sila.
Hindi ka nila kilala.

Pasensya ka na.
Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko kaya na wala ka.

—  Hindi Ako Sila, (V.G)

Paano ba magsimula ulit?

Ang hirap maghanap ng tamang sagot para sa tanong na ‘yan. Hindi ako sigurado kung tama ba ang lahat ng magiging desisyon. Hindi ako siguro kung ito ba ang tamang panahon, kung handa na ba talaga ako?

Sige, simulan natin sa salitang “Okay ako, ayos lang ako. Buhay pa, gumagalaw pa 'yun nga lang hindi masigla. Hindi katulad dati na laging aktibo sa mundong ito.

Alam mo ang tagal na ng huling beses tayong nagkita, nagkausap, nagkadampian ng mga kamay. Kelan ba yun? Isang buwan?. Ay hindi halos isang taon.

Naalala ko pa 'nun sinabi ko rin na magbabalik na talaga ako. "Seryoso, Im back” Konting sulat,  iilang litrato, mga pagsagot sa tanong galing sa mga taong di ko kilala pero patuloy na nandyan at naghihintay ng mababasa, or yung iba naghihintay ng balita na pwede nilang ichismis sa iba.

Sa totoo lang nawalan ako ng gana, pakiramdam ko ang tanda ko na para dito. Pakiramdam ko hindi na ako “swak”. Hindi na para sa akin yung ganitong klase ng mundo. Maingay, minsan magulo pero kadalasan MASAYA.

Nakakamisss no? Nakakamiss magsulat ng kung ano ang nararamdaman mo. Tapos kapag nakumpleto mo, ipapadala ko sayo with feelings pa para maramdaman mo. 'Yung pakiramdam na magsusulat ka at wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Magsusulat ka lang ng kung ano ano. Base sa kung anong gusto mo.

Pero lahat ng sinulat ko ay binura ko. Kaya nga panibagong simula diba? Hindi mo na kailangan balikan ang nakaraan para lang sabihin na nakalampas kana sa lahat ng saya at sakit na naramdaman mo. Binura ko, kasi gusto ko. Kasi kaya ko ng pakawalan lahat ng ala-ala. Uy, wag mong isiping tungkol sa love life ko ito! Mali ka dyan sa iniisip mo, kasi ngayon masaya ako kahit single ako. Tungkol ito sa bagong simula.

SIMULA ng bagong pahina sa buhay ko. Wag kang magalala at hindi rin ako magaalala. Hindi ako magsusulat gamit ang Ingles, magsusulat ako sa tagalog para mas maramdaman mo ang nararamdaman ko. Para may connection tayo, bakit ako magpapakitang tao kung hindi ko naman mapapangatawanan? Ang gagawin ko lang magsusulat lang ako ng masaya.

Sya nga pala baka napapansin mo may sariling domain na ako medyo nakakaluwag luwag na kasi sa buhay, sumasahod ng sapat para mabuhay.

Asahan mong magiging masaya ang bagong paglalakbay na ito, marami tayong pagkwekwentuhan. At sana patuloy mo parin akong samahan.

Ako parin si Juankulot, walang nagbago mas magiging totoo lang ako.

Akala ko ok na ako. Akala ko ok na para sa akin ang makahanap ka ng iba. Akala ko hindi na kita maiisip pero mali pala ako. May mga gabi pa rin pala gayan nito na maiisip kita out of nowhere. Gusto kong kumustahin ka gusto kong magparamdam at sabihin sayo kahit sa chat man lang na I miss you pero alam kong mali yun kasi ano magpaparamdam na lang ako tapos mawawala na lang din ng bigla. Hindi pa rin pala ok sa akin na makahanap ka na ng iba. Umaasa pa rin pala ako na sana one day kahit na malaki ang nagawa kong kasalanan eh mapatawad mo ako at mahalin pa rin ako gaya ng dati.

hindi lahat ng bumabalik, nagmamahal ulit.

minsan sa buhay natin, may taong babalik sayo para lang tingnan kung maayos ba yung buhay mo, kung nagagawa mo ba yung mga dapat mong gawin, kung naalagaan mo ba ang sarili mo at kung nagiging masaya ka sa mga bagay na ginagawa mo at sa daang tinatahak mo.

kaso ang masakit dun, babalik sila kung kailan maayos na tayo. babalik sila kung kailan tanggap na natin na hindi lahat ng bagay na mahal natin ay para sa atin. syempre, babalik yung tao at may possibility na bumalik din ang feelings mo sa kanya regardless sa kung anong mararamdaman nya towards you. masakit para sa akin yun, na babalik sya kung kailan unti-unti ko nang nabubuo yung puso at sarili ko; na unti-unti nang naghihilom ang mga sugat na sanhi ng pagkawala nya sa buhay ko.

pero sa isang iglap, sa isang kurap ng mata, naglaho lahat ng pinagpaguran mo. nawala lahat ng saya na nararamdaman mo at kasabay ng pagbalik ng pagmamahal mo para sa kanya, ito na naman sya, humahanap na naman ng tyempo para iwan ka.

feeling sad.

Ang sakit sa pakiramdam nating mga anak na hindi tayo sinusuporthan ng ating mga magulang sa gusto nating course sa college. Pinipilit pa nila tayong kunin yung course na gusto nila para raw yayaman agad at magkaroon ng magandang trabaho, and many more absurd reasons. Kung sino pang hindi nating inaasahang susuporta sa atin, sila pa yung nagbibigay ng motivation sa atin. At this point in making decisions for college, dapat tayo yung namimili ng course natin at hindi mga magulang natin, dahil passion natin yung kukunin nating course. Okay pa sana yung sila yung mamili ng school na papasukan natin in means of tuition fee, location and distance of the school. Para sa akin, mas gugustuhin ko na lang hindi mag-aral kesa naman sa mag-aral sa isang course na hindi naman ako nage-enjoy.‬

Huwag mo parating sabihing pahiran ng Sebo de Macho ang mga bakas ng mga natuyo o nagsarang sugat dahil may mga taong pinipiling hayaan lang ang mga ito sa kanilang mga katawan dahil sumisimbolo ito sa kanilang mga paghihirap at ang kanilang pagsisikap na mapagwagian ang mga ito. Marahil hindi mo masyado maintindihan, pero dahil sa pamantayan ng kagandahan sa henerasyong ito na dapat makinis ang katawan ng isang tao’y nagiging pamantayan din ito ng pagsisinungaling niya hindi lang sa kaniyang sarili, kundi pati na rin sa ibang tao. May mga sugat siyang gumaling ngunit nanatili ang mga bakas nito, na pati ang mga sugat niyang hindi pa gumagaling ay pilit nang itinatago dahil ayaw makita o malaman ng ibang tao kung paano siya naghihirap. Para sa akin, mas magandang hayaan na lang silang nariyan bilang tanda ng mga tagumpay kahit na nasasaktan o nagkaka-sugat ka (pisikal, sikolohikal, emosyonal, o sa kahit saang aspeto ng buhay) dahil mas mabuting makilala at mahalin ka ng ibang tao at ng mga mahal mo sa buhay sa kung sino at ano ka, at sa kung sino at kung ano ang maaring maging ikaw sa darating na panahon. Ngayon pa lang, kung hindi ka na nila tanggap bilang ikaw, pilit mo lang ililigid sa kanilang kaalaman ang tunay na ikaw, hanggang sa isang araw, hindi mo na rin makilala ang sarili mo. Iniiwasan natin iyon, ‘di ba? Kaya sana, matutunan mong mahalin ang mga sugat mo kahit na natamo mo ang mga iyon sa anumang paraang hindi mo man mailahad ay nalampasan mo naman ang panahong iyon at ngayo’y ika’y nabubuhay ‘di lang para sa ibang tao kundi para na rin sa sarili mo.