panty mo

HOW TO MAKE ‘UTOT WITH CLASS’

Nababalot ang mundo ng katahimikan, pagmamahalan at kapayapaan ng bigla kang nagpasabog ng karimarimarim na lagim sa loob ng iyong underwear at walang nagawa ang panty/brief mo kundi isiwalat ang katotohanan na umutot ka. Hindi lang basta nananapak ang amoy, nambubugbog, warfreak. Paano mo lulusutan ang sitwasyong ito laban sa mundong mapanghusga?

PALUSOT #1

Biglang tumingin sa kaaway para magmukhang mabait sabay sabi, “Oy. Don’t judge her naman. Lahat naman tayo umuutot guys.” 

PALUSOT #2

“Siya yung umutot! ( sabay turo sa sofa.) 

PALUSOT #3

“Lumabas na ang signos! Nalalapit na ang paghuhukom!” 

PALUSOT #4

“Tingnan mo na. Kahit pag-utot ko ikaw yung sinisigaw. hihi”

PALUSOT #5

“Di ba kapag inlove ka daw parang may background music sa paligid? Eto na yun. hihi. Intense no?”

PALUSOT #6

“Tadahhh!! Ang tunog na narinig mo ay nangangahulugan na nanalo ka ng 20 petot! Congratulations!!!” ( sabay walk-out.) 

PALUSOT #7

“It’s my way of saying na… komportable akong kasama ka. hihi.”

PALUSOT #8

“Oo na! Ako na! Ako na umutot! Ako na mag-isa! Ako na walang lovelife!”

PALUSOT #9

“Sabay-sabay po tayong pumikit at namnamin ang halimuyak ng hustisya.”

PALUSOT #10

“Atleast, nalaman niyong sikip pa. :3” ( sabay lipbite )

PALUSOT #11

“Si PNoy na naman ang may kasalanan nito.” 

PALUSOT #12

“Lahat ng inyong narinig at naamoy ay isang malaking bahagi lamang ng aking misyon. Wala kayong dapat ipangamba.”

PALUSOT #13

“Tunginuh? Mahal siguro ‘tong silya na ‘to. Tumutunog na lang bigla eh.”

PALUSOT #14

“Guys kalma! Si Gloc 9 lang yun sa loob ng pwet ko, nagbibeatbox.” 

Dear girls

Huwag kayong masyadong showy sa katawan niyo. Kung biniyayaan kayo ng magandang hubog ng katawan, malaking hinaharap at matambok na likuran, huwag niyo masyadong i-expose lalo na sa picture. Kaya maraming nagla-like dyan kasi may nakikita silang magandang tanawin hindi dahil sa tunay na kagandahan mo. Hindi mo alam kung sino na ang mga pinagpapantasyahan ka, iniisip ka bago matulog at paggising sa umaga sa paraang hindi tama. At isa pa, huwag niyong gamitin yan sa paghahanap ng love life. Huwag ka magtaka kung maraming nanliligaw sayo. Hindi love ang habol nila, kung hindi libog. Bobolahin ka lang niyan tapos kapag nakuha loob mo, kapag kampante ka na, aalisin ang panty mo, titikman ka tapos iiwan ka rin. Bakit? Kasi mas nauna mong pinakita yung laman mo kaysa sa kalooban. Ganyan ang kalakalan sa mundo.