pano ba to

March 20, 2017

I couldn’t stop crying.

Kanina nung sinabi sakin ni Ma'am yung final grade ko sa PCA, di na ako nabigla. Nung orientation pa lang, inexpect ko nang baka line of 7 yung grade ko. Lalo pa nung lumipas yung mga quizzes at halos 70 to 80/100 yung average ng nakukuha ko. Hindi na ako naiyak nung nalaman ko grade ko, kasi siguro naiyak ko na last week or before pa ako nagdecide na pumunta sa guidance office. Although sad ako, parang tanggap ko nang di na talaga ako magkaka-latin honor. Pano pa ba aabot ng 90 yung average ko kung I barely reached a GWA of 90 for the past 2 semesters tapos may 76 pa ako ngayon? I really lost hope.

Kanina, nakausap ko yung isa kong classmate. Tapos napag-usapan yung sa PCA and GWA. Umabot yung sa kanya sa 90. Sabi niya bat di ko raw try icompute? Sa isip ko “what’s the point?” kasi nga parang nag give up na ako. Pero tinry ko pa rin magcompute, baka sakaling mali lang ako ng akala. Baka sakaling umabot pa.

Nung natapos ko na, lo and behold… “90.2” yung GWA na na-compute ko. Napasigaw ako tapos sobrang di ko kinaya. Nung nagsink in, iyak ako ng iyak. Ngayon lang ako naiyak ng ganun dahil sa sobrang saya. Sobrang thankful ko. Kahit na hindi pa official na pasok ako para sa Latin Honors, sobrang saya ko kasi umabot pa rin ng 90 kahit na may 76 ako.

Sobrang hindi ako makapaniwala pero namaga yung mata ko kakaiyak.

Thank You, Lord!!! ❤️

Pano ba mababalik ung dati? Ung dating walang ilangan, ung dating masaya lang. Iba na kasi ngayon bat parang may ilangan? Bat ang awkward? Bat parang may mali. Miss ko na ung dating tayo. Bat kasi minahal kita? Hays. Miss na kita. Miss ko na ung “kaibigan lang”

Pano mo nga ba masasabi na “Magaling" ang isang blogger?

So ito nga, patulog nako tapos may nabasa ako about sa “galing" ng pagbablog? Pano nga ba nasusukat o masasabi na magaling ka mag blog?

Masasabi mo bang magaling na blogger ang isang manunulat base sa notes na meron sya? Sa followers na patuloy na nagbabasa o napapadaan sa blog nya?

O di kaya naman, Sa lalim ng bawat bagsak ng Ingles nya. O sa emosyon na minsan nagkaka kanda buhol buhol na dahil sa lengwaheng napili nya.

O di kaya naman, sa dami ng bumabati sa kanya, yung tipong para syang Kongresista na madaming kausap at kabatian

O di kaya naman, nasasampal ka sa bawat hulog ng kanyang mga tula o ang bawat parirala na para bang ikaw ang tinutukoy nya.

Pero sasabihin ko sayo,Walang magaling o di magaling na manununulat. Nagkataon lang na di angkop yung sinusulat nya base sa nararamdaman mo o di kaya naman di kayo pareho ng gusto. Napakasimpleng i judge yung kalidad ng pagsulat nya diba? Pero di mo alam yung emosyon na ipinundar nya makagawa lang ng babasahin mo at binabasa mo.

4

March 17, 2017

Day 2 of mock boards. Sobrang haggard/stressed namin. Pano ba naman puyat. Well ako hindi masyado kasi nakatulog ako hahahahaha pero eye bags ko wala na talagang pag asa. Haha ayun kanina nanood kami ni pins ng Beauty and the Beast. Bigla lang sya nagyaya tapos first time daw niya mag-3D kaya napa-sige ako. Hahaha nakakatuwa siya kasi sumisigaw/nagugulat sya pag may binabato feeling daw kasi niya tatamaan siya HAHAHAHA sobrang good vibes kahit feeling ko ang iyakin ko kasi 4x ako naiyak wiw. Nailabas ko yung iyak ko para sa mock boards hahaha kakauwi ko lang and I’m so tired sooooo…laters

500 na lang yung cash sa wallet ko tapos aalis pa ko ngayon. Saklap. Mukang mapapawithdraw na naman ako ng wala sa oras. Wala na ngang work dami pang gastos. haist. Buti na lang bayad na yung graduation fee ng dalawa kong kapatid. Wala na masyadong iisiping gastusin. Yung bill na lang ng PLDT/WIFI yung di ko pa nababayaran. Hays dapat bago mag May may work na ko kasi tapos na nga gala ko non eh. Ahahaha. Pano ba yan. Paalam na muna Tumblr world Maya na lang ulit ako tatambay dito. Ingat tayong lahat. :*

PS: Inagt ka Babe. Maya ulit tayo usap. 
Ahahahahahaha BABE!!! .. Shet ang landi ko dun! Ghe na nga bye na!

Parang ayoko magbukas. Pinagpipilian ko kasi kung pupunta ba kong Makati o pupunta ako La Salle Dasma para kunin ung award ko tas sasali na din sa Quiz Bee. Huehue. Pano ba to :(

anonymous asked:

Pano po ba manligaw? There is this girl, gustong gusto ko siya, pero hindi ko alam kung pano siya iaapproach e. Help naman po.

Be confident. Accept rejections. Never give up. Make her feel special, tell her how you feel, but at the same time, make an effort. Wag lang puro salita. Words are meaningless without action. If you are courting her already, make sure she’s the only one. No reservations, no other girl to jump into if she rejected you.

It takes a real man to realize that one woman is enough.

Pano ba malaman kung poser si blogger? Hahaha kebs ko naman kung poser sila. Di naman nila ako inaano. Libangan lang siguro nila yung ganoong modus. Hayaan nalang po

anonymous asked:

Pano ba yan jeysibells. Pagtitiyagaan daw siya ng girlfriend niya kaya ito namang walang kwento mong king thankful naman sa babaeng yun. Haha

If pagmamahal talaga yun, pagtyatyaga is not the right term kasi parang pag nagtiyaga ang sinabi para mo naring sinabi na dahil lang sa no choice ka. “I’ll stick with you no matter what, through the bad and good times i won’t leave you. I’ll stay.” Stay should be the right term, not tiyaga. A person should be more thankful once someone stayed not because of pagtyatyaga lang. there’s a difference and I hope she knows that.

anonymous asked:

Yun na nga po, nahihirapan ako, kase nakakarinig ako na may ibang kinikitang babae yung boyfriend ko. Dati alam ko yung password sa facebook and phone niya, pero ngayon hindi na. Binago na niya. And pag tinatanong ko, laging sinasabi na ibibigay mamaya pero hindi naman. Pano po ba gagawin ko?

Confront him in a proper way. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Hindi naman kase pare pareho ang rason ng tao. Sa bawat action, may kaakibat na rason kung bakit nila nagagawa ang isang bagay. Be open-minded. And abt the girl he is seeing, walang taong basta nalang umaamin sa isang kagaguhan. Ayoko na umasa ka na chismis lang yan or what. Hindi ako mangingime na sabihing niloloko ka na niya, wag kang pakatanga. Pero sa huli, nasa sayo pa rin naman ang desisyon kung ano ang tingin mong tama at makakabuti sa relasyon niyo.

anonymous asked:

Pano ba magmoveon? Ang sakit sakit na kasi eh 😢

Walang matinong sagot sa tanong na ito kase bawat tao kapag dumadaan sa sakit, lahat ginagawa para maka move-on. But for now, SLOWLY absorb that the relationship has ended. Then, make a progress. Haist. Nakakalungkot naman. 

anonymous asked:

Hi ate! Happy to see someone who survived LDR. Currently on LDR with a guy from Pampanga. We haven't seen each othet yet.. we've been chatting since October, we haven't established any "Formal" relationship yet, but we talk every night, exchange messages throughout the day. How long were you on LDR with your hubby? I used to hate LDR, still not comfortable with it pero I'm trying hard to make it work, kasi I love him. Pano ba? Anong mai aadvice mo, sometimes I get impatient kasi eh. 😰

Hi Anon, sorry for the very late reply. We were a year in LDR status but within that time span, he visited me twice. (2months stay all in all) I know what you have been going on. It’s not that easy. But keep the faith burning. These are my tips how to conquer it.

1. Constant communication. Aside from love, it is the main foundation.

2. Trust, loyalty, faithfulness, honesty and love. Doubt must not exists. It is the root of all misunderstandings.

3. When something is wrong, open up. Don’t hide it. Once you don’t have peace of mind, you easily get pissed off on little things which may lead to big quarrels. 

4. When argument starts, know when to listen and talk.

5. Respect his/her opinions. And support each other through ups and downs.

6. Don’t let day passes by without fixing the issue both of you dwell on.

7. When you have doubts, better to confront him/her.

8. Never bring up the past and mistakes of each other during quarrels.

9. Know how to say “Sorry.” even if it’s not your fault. Lower your pride.

10. Always ask your partner how his/her day was. You never know s/he had a tough one and all s/he needs is your sweet comfort.

11.Widen up your understanding. Not all the time s/he can give you the attention you need and want.

12. When you have problems as couple, as much as possible solve it together without the presence of other people. Other issues may come up when other people give their opinions. Just remember you know more your partner than them.

13. And most important, PRAYERS. Put God as the center of your relationship. And everything will fall in right places.


P.S We still apply all of these in our married life. And btw, this is also good for all types of relationships :)

anonymous asked:

Hi kuya jeuz! ☺️ gandang gabi with ❤. E pano mo ba malalaman if sya na tamang tao para sayo? :3 Pano kung yung tamang tao pala para sakin, nasa iba pa. Halimbawa, ikaw, para ka naman talaga sakin kaya lang may gf ka. Pano yun? Ano pwede ko gawin? Hehehe! Gusto kase talaga kita! 😍Akin ka na lang, pleeeeaaassseee?? 🙏🏻 ~ubebe girl ❤

Hindi ganun yun bunso. Pag kasi para sayo yung tao mararamdaman mo talaga tapos yung time na yun alam mong walang masasaktan. Walang iba. Kayo lang. Pag naramdaman mo yun masasabi mo na siya na nga. Pati di moko kilala hindi ako kamahal mahal. Kaya sobrang swerte ko sa gf ko kasi nakakatiis siya sakin.

sobrang naiiyak na ko kanina pa, pinipigilan ko lang kasi parang timang jk eh pano ba naman gumagawa ako ng plates habang umiiyak? Hahahah jk huhu ang dami kong gagawin ?? hay dami ko pang iniisip. sobrang stressful pa dito sa bahay. may nalaman pa ko na alam ko naman na talaga pero dapat di na lang pala napag-usapan lol kahit pala mejj matagal na mesheket pa rin hAHAHA tapos di ko pa makalimutan yung ano basta sheket sa bengs 🙄

Kinakatakot ko.

Yung Samsung Galaxy Young kasi yung nanakaw. May Facebook, Instagram at Tumblr app ako dun. At logged in ang Insta at Tumblr ko dun. Ang kinakatakot ko, buksan nya lang ang wifi, mao-open nya yung accounts ko. Baka kung anong gawin nya. Baka kung anong gawin nya sa accounts ko. Natatakot ako. :(

Walang code yung phone, tinanggal ko. Kaya madali nyang magagamit yung phone. Haaay. Natatakot ako. Kasi may mga photos ako dun, baka kung ano din gawin nya dun. Grabe ang frustrations ko. Yun talaga ang kinakatakot ko sa pagkawala nung phone ko.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Haaay.