pangulong

cambaganda  asked:

Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!

Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)

Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.

Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.

Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.

Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.

Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 

Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  

Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.

Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”

Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.

At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.

Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!


*All photos of book covers belong to their respective owners. 

Isang telegrama.

Dumating sa gitna ng pagpupulong. Ipinatatawag ang Heneral. Sa isip nila’y ang dadatnan ay tagumpay ni Cesar, ngunit kamatayan ni Cesar ang hinantungan.

Isang putok.

Umaalingawngaw pa rin sa mga panaginip niya. Sumisingit na parang isang linta sa bawat paglingap, bawat hininga, bawat pintig ng puso, sinisipsip ang bawat masayang alaala hanggang sa mapasigaw siya at isiping sana kasama na lang nila siya hanggang sa libingan.

Isang sigaw.

Naririnig pa rin niya. “Traydor!” Alam niyang hindi siya ang tinutukoy, ngunit nangagatal pa rin siya sa hiya sa tuwing naalala. Ano nga ba ang karapatan niyang sumuko kung sila’y lumaban hanggang sa huling hininga?

Isang tamales.

Tandang-tanda pa rin niya ang lasa ng huling tamales na kinain nila ng magkasama ni Paco. Matamis, kasingtamis ng mga pinagsamahan nila sa ilalim ng Heneral. Isinusuka na niya ngayon ang tamis, wala na ang asukal sa kanyang buhay, umiinom na ng kapeng sing-itim ng budhi ng mga nagkasala, kapeng barakong laging pinapaubos sa kanya ng nagmamadaling Heneral.

Isang kaibigan.

Hindi na niya alam ang nangyari kay Joven matapos ang trahedya. Umaasa pa rin siyang ligtas ang binata, ang sibilyang sumama sa kanila sa gitna ng sigwa. Nawa’y mabuhay siya upang isulat ang katotohanan.

Isang pamilya.

Ang magkapatid na Bernal. Ang Heneral Alejandrino. Si Tinyente Garcia. Tinanggalan silang lahat ng armas. Pinigilan ng pangulong magsalita. Silang mga nakaalam sa tunay na naganap. Si Manuel na pinahirapan muna bago pinatay. Si Jose, na tumatakbo palayo nang pagbabarilin ng walang habas. Ang tanging krimen lamang nila ay maging tapat. Hindi niya mapapatawad ang lahat ng may sala.

Isang dalangin.

Adelante, compatriotas. Sulong, mga kababayan. Wag ninyong hayaang maging alabok na lamang ang aming dugong inialay para sa bayan.

Sinong Pumatay kay Heneral Luna?


The most unforgettable for me was when, Luna was being butchered by fellow Filipino soldiers, then I heard something like a muffled scream from the crowd of students watching, “Tama na!” So it dawned on me, when will violence, oppression, and injustice stop? When we finally kill our enemies?

Perhaps, that is the thought of Luna’s enemies. That once they get over with the crazy guy, the war may cease and life and business will just go on as usual.

But the question, ‘who killed the general?’ hang over my head. Who are his real enemies?

Definitely not Gen. Tomas Mascardo for he was a coward and always missing the action to save his ass. He was too afraid that he preferred to attend a feast in Pampanga than join Luna in the battlefield.

The one who wielded the bolo and first struck the General was Capt. Janolino, the maniac who prefers the comfort of a woman rather than charge the Americans. But obviously, in the film, he is just an accessory and not the mind behind the murder.

Well, there is Felipe Buencamino and Pedro Paterno. Were they the ones behind the killing? They’ve been killing Luna since day one, in every cabinet meeting. Not literally of course. But each time they refuse and turn down Luna’s ideals and opinions for the love of country, they are already killing the soul of the great General. They pretend to love the Philippines but are not willing to sacrifice their own interests in exchange for true freedom. They prefer riches and comfort and they look at Luna as no more than just a lunatic obsessed with war and violence.

Could it be Pres. Emilio Aguinaldo and his adviser, the sublime paralytic, Apolinario Mabini? In the movie, Aguinaldo is nothing short of his adviser. He is the true paralytic in this story. He is often pictured sitting behind his desk, listening and watching but he can’t do anything. His passive and indecisive character in the face of surmounting crises could earn him the title, “Ang pangulong walang bayag!”

How about the woman in silhouette who asked, “Nagalaw pa ba yan?” Her voice resonates with indifference, numbness, and apathy of most Filipinos. We just don’t care even if a man is slaughtered right under our windows and in front of our house. Either we are afraid to become victims as well or we are grateful it is not us and our family who are suffering and dying.

I think, it was Antonio Luna who killed himself. At the outset, he was already suicidal. He charged to the Americans without any backup when he felt hopeless in the midst of battle. Maybe he really has a death wish. He wanted to prove his courage by dying for his country. Actually, Luna already killed himself when he challenged the bureaucracy, the businessmen, and politicians of this country. In search for true freedom and sovereignty over his motherland, Luna already poured his blood. He already died when he chose to fight for the Republic of the Philippines rather than enjoy the comfort of his own family.

Each time we choose our own comfort and interests over the lives of our fellow Filipinos, we kill Luna and many like him—we are killing the soul and spirit of true freedom.

Jesus Christ and Antonio Luna

When Isabel told Antonio that war is his wife, Luna responded, “krus ko sya.”

For speaking the truth and fighting for justice and the freedom of people from oppression because of sin and corruption Jesus was called a demon-possessed Samaritan and Beelzebub—the prince of demons. Whereas Luna was accused of being a crazy violent man.

Jesus once told his disciples, if you wanted to follow me, you must deny yourself and carry your cross. He even said that people who loved riches are not worthy to enter the kingdom of God. He also said that if one loves his family more than the Gospel, he is not worthy to be called a disciple. Whereas Luna called the Buencaminos and Paternos and Mascardos traitors and cowards.

At the end, like Jesus Christ, the great General was right, our country and we, its people, have a greater enemy to deal with, that is, ourselves.