pangmatagalan

Hi Baby,

Alam mo bang mahal na mahal kita? Kung hindi mo pa alam, pwes ito na, sinasabi ko na sa'yo. Mahal na mahal kita! Promise, peksman, mamatay man. Basta, masaya ako sa kung anong mayroon sa ating dalawa. Gaya nga nung lagi kong sinasabi sa'yo, kung hindi ka dumating sa buhay ko, hihinto muna ako sa pagmamahal. Siguro ngayon, natutulog lang ako sa bahay namin.

Alam mo bang habang kinakausap kita nung una tayong magkakilala, may halong kilig at takot?

Kilig kasi, isang tulad mo ba naman yung makausap ko eh. Basta. Yung mga ganun.

Takot kasi, baka maulit na naman yung nangyari noon sa past ko. Yung sinaktan lang ako.

Basta, ang importante ngayon ay yung tayong dalawa. Sana magtagal tayo! Sana ikaw na nga.

Gusto ko ng pangmatagalan na relasyon, ayaw ko ng panandalian lang. Sorry sa pagiging immature ko ah. At sana wag ka nang mainitin ang ulo.

Ayun na nga, gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita! Baby ko! Sana magtagal tayo. Walang iwanan. Akin ka lang?

I love you.

(This is my ex’s last love letter.)

Gusto ko yung tipong pangmatagalan

Yung tipong kahit matagal kami malayo sa isat isat, kami parin, yung hinding hindi makequestion yung pagmamahalan kase sa pinapakita at sinasabi eh iisa ang kahulugan. Gusto ko yung matindi, yung hindi ordinaryo. Yung magtatawanan kami ng parang magkatropa tapos inlove na parang bagong kasal, at mag aaway ng parang matalik na magkaibigan kase hindi nila natitiis ang isat isa. Yung ganon! Yung kakaiba!

Bakit ka kasi naniwala dito. :(

Gusto ko ng pangmatagalan na relasyon, ayaw ko ng panandalian lang. Sorry sa pagiging immature ko ah. At sana wag ka nang mainitin ang ulo.

May mga tao lang talaga na kaya kang mahalin, pasayahin at iparamdam sayo masarap mabuhay pero hindi sa mahabang panahon. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na sila naging totoo sayo. Kailangan mo lang talaga tanggapin na minsan may mga gusto tayo na hindi natutupad kasi yung gusto natin, hindi yun nakalaan para sa atin. Kailangan mo lang maghintay kasi may mas magandang plano sayo si God. Yung pangmatagalan na makakapagpasaya sayo.
—  (d.g)

Masayang magkaroon ng relationship. Pero walang kasing masaya kung yung relationship na yun ay bigay mismo ni God at hindi yung pinilit niyo lang dalawa. Dahil yun ang relationship na pangmatagalan at hindi panandalian lang.

Isang Pagsusuri sa Tipo ng Taong Hindi Minamahal

// 032016

Minsan akong nasabihan na hindi raw ako yung tipo ng tao na minamahal, na hindi raw ako yung tipo ng tao na inaalagaan, na hindi raw ako yung tipo na pangmatagalan.

Na ang mga mata ko raw ay tila apoy na hindi marunong hindi pumaso. Na ang alam lang ay magliyab habang ang puso ng karamihan ay gawa sa yelo, wala raw tatagal sa piling ko. Matutunaw na lang sila at hindi ko pa mapapansin, hanggang ang puso nila'y maging dagat na lang na hihilahin ako pailalim. Ikalulunod ko raw ito.

Sige, ang mga mata ko ma'y apoy, init naman nito ang bubuhay sa ‘yo. Init nito ang magbabalik ng pakiramdam sa katawan mong nasanay sa ginaw. Sa pag-iwan. Kalamnan mo na ang hahanap ng init, naghahanap ng ibang klase ng pagnginig At ako man ay lunurin ng dagat mong ako rin ang salarin, tandaan mong handa akong kaibiganin ang iyong mga multo, ang lahat ng mga kalansay na iyong binaon sa limot, bawat hampas ng mga alon, lahat ng paghagupit ng bagyo, lahat ng pwedeng ikalunod, lahat ng nalunod na.

Gahaman ako sa pagmamahal, gusto kong malaman ang lahat hindi para masaktan ngunit para maintindihan. Apoy ang laman ng mga mata ko hindi dahil intensyon ko ang makasunog, apoy sila dahil minsan, masyado nang madilim ang mundo. At bakit ko pa ipagkakait ang liwanag at init na dala ng mga mata ko?

Ang mga labi ko raw ay parang lason, lason na unti-unti kang pinapatay. Lasong sa dugo hahalo nang walang kahit anong parte ang iiwang buhay. Mararamdaman mo ako sa lahat, hanggang sa mga tagong sulok mong pilit sinisikreto. Hilig ko ang mga bagay na hindi alam, na hindi naiintindihan. Mararamdaman mo ang mga labi ko kapag naalala mo ang mga bagay na minsan mong sinubukang itago. Mararamdaman mo ako sa lahat.

Maiintindihan mo na ang konsepto ng pagpaparaya at pagtanggap. Pagpaparaya sa ideya na hindi ka karapat-dapat mahalin dahil lang sa dilim na hindi nila kayang tanggapin; at pagtanggap na may mga tulad kong handa kang sagipin.

Ang paghawak sa kamay ko ay para raw pagtawid sa isang tulay na gawa lamang sa kawad at baging, walang kasiguraduhan kung kailan ito bibigay. Kakalas. Bibitaw. Maaari na lang masira bigla, at bangin ang kahuhulugan. Kamatayang hindi damay ang katawan, isang pagkahulog na mabilisan, isang pagkahulog na puso ang puhunan.

Ang puso ko raw ay isang abandonadong simbahan, naghahangad na lamang na maging buo muli, nagpapanggap na lamang na akala mo ay tulad pa rin ito ng dati. Naghahangad muli ng masugid na babalik.

Inaamin ko, ang puso ko’y minsan nang inabandona; ngunit alalahanin mo, na ang ibig sabihin nito ay sa akin ay minsan ring may naniwala. Minsang may nagdasal para sa isang mirakulo, minsang may nakuntento sa payapa na dala ko, minsang may hindi natinag ng kung ano dahil lang alam niya na ang kasangga niya sa lahat ay ako. Minsan ring may nagmahal at nag-alaga, siniguro na ako rin ay kumpleto. Minsang may bumalik, minsang may umalis, minsang may nanatili. Minsang may pumili. Minsan akong pinili.

Kaya para sa mga nagsasabing hindi ako ang tipo ng taong minamahal, siguro nangyari lang na hindi ikaw yung tipo ng taong kayang magmahal sa isang tulad ko. Nangyari lang na hindi ako ang pipiliin mo. Na hindi ang tipo ko ang kaya ring magmahal sa isang tulad mo. Nangyari lang siguro na may mga tipo ng pagkaguho na hindi kaya ng lahat makaligtas. Isa na tayo rito.

Hindi ako madaling mahalin, may mga gabing mas mahal ko ang kalungkutan ko kaysa sa kahit kanino.

Hindi ako madaling mahalin, minsan nakakalimutan kong hindi ako mag-isa. May mga araw na init lang ng araw ang kaya kong madama.

Hindi ako madaling mahalin, mahirap akong intindihin.

Hindi ako madaling mahalin, pilit kitang iintindihin. Kahit ayaw mo na. Kahit hindi ka na sa akin. Lalo na’t pag ayaw mo na sa akin. Iisipin pa rin kita.

Hindi ako madaling mahalin, iisipin ko kung saan ako nagkamali. Kahit pa hindi ako ang nagkamali.

Hindi ako madaling mahalin, marami akong iniisip. Parati akong may iniisip. Marami akong gusto. Marami akong pangarap, hindi ko alam kung paano itali ang sarili ko sa ngayon.

Hindi ako madaling mahalin, minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko.

Hindi ako madaling mahalin, sa iilang bagay lang ako sigurado. Pero pag ako ang nagsiguro, hindi mabilis umatras ang puso ko.

Hindi ako madaling mahalin, mararamdaman mo ang pagpigil ng puso kong umatras, lalapit ako.

Hindi ako madaling mahalin.

Hindi ako madaling mahalin, mabilis akong mahulog, mabilis akong masaktan, pero dapat ko bang ihingi ng tawad ang puso kong marami lang kayang ibigay na pagmamahal?

Hindi ako madaling mahalin.

Hindi ako madaling mahalin, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi rin ako karapat-dapat sa hiling kong pag-ibig.

Kinginang Attachment!

Attachment. Para tong sumpa na mahirap takasan at para tong sakit na mahirap pagalingin.

Bakit kasi ang hirap maattach sa mga bagay o tao na minsan lang nagbigay importansya sa buhay natin pero kala natin pangmatagalan na. Kala natin totoo na at kala natin sayo lang at wala ng iba pa.

Kinginaa! Hirap! Sobrang hirap kailangan mong mag move on sa mga bagay na hinding hindi naman naging sayo at para bang hindi na talaga magiging sayo.

Para sakin, yung mga kaibigan na  pikon, madali maasar, tapos mamaya tatawa nalang, tapos may pagaawayan kayo saglit, tapos tawa ulit, tapos from high to low, funny to serious conversations, tapos mga kalokohan biglang what, di ka na papansinin ulit hanggang sa magkaroon siya ng peace of mind, sila ay yung tipo ng kaibigan na kahit di mo maintindihan minsan, madalas, o kung ano man, sila parin sa huli ang magiging kasundo mo, maaring hindi panghabambuhay, pero pangmatagalan yung pagkakaibigan niyo. Kahit pa magkaroon kayo ng tampuhan, in the end, dahil sa tiwala niyo sa isa’t isa, at dahil sanay na kayo sa moodswings ng bawat isa, kayo at kayo parin ang magkasama sa bawat kalokohan, bawat iyak, bawat saya, bawat lungkot, bawat lahat. Kahit pa hindi siya yung tipo ng aakalahin mong best friend mo, wala. Magiging best friend mo parin sila, kahit na ikaw hindi ka nila ituring na best friend. Kahit na hindi talaga klaro kung bestfriends kayo o hindi, alam narin naman niyo yun kahit walang label, o tawagan, o kung ano man. Kaya dapat yung mga ganitong kaibigan, tratuhin mo nang maayos. Hindi yung tulad ng ginagawa mo sa iba na papansinin mo lang pag gusto mong mangtrip, pag may itatanong ka, pag may event, pag may ganito ganyan. Maging kaibigan kang tunay, at totoo. Hindi yung pang-isang araw lang. 

Ayaw ko ng panandaliang saya.

Ayaw ko ng panandaliang saya. Ang gusto ko— yung pangmatagalan, hindi panandalian. Kaya kung parte man ng buhay ko na maghintay nang matagal bago kita makilala at makasama, okay lang. Alam ko naman na darating sa punto ng buhay ko na magkakatagpo ang tadhana natin— makikita kita, makikilala, at makakasama.

Huwag ka mag-alala. Hindi naman ako naiinip habang hinihintay kita; hindi rin ako nagmamadali na makasama ka. Hindi ako naiinip habang hinihintay kita dahil alam kong may tamang oras para sa lahat ng bagay— darating ka sa buhay ko at makikilala kita. Hindi rin ako nagmamadali na makasama ka sapagkat alam ko na— sa ngayon, hinuhubog pa tayo ng oras at panahon para maging sukat at perpekto para sa isa’t-isa.

Ikaw. Ikaw ang taong hinihintay ko. Ang taong kabiyak ng puso ko; ang taong papawi sa lahat ng mga kalungkutan at sakit na dinanas ko. Ikaw at ako— tayo. Tayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Tayo ang magsasama. Maaaring oo— hindi pa kita nakikilala at nakakasama, pero alam kong magkakatagpo rin tayong dalawa.

Ayaw kong magmadali. Kung sakali man na dumating na yung tamang panahon para tayo ay magsama, ayaw kong magmadali kasi ayaw kong magkamali.  Ayaw kong magkamali kasi ayaw kong masayang ang pagsasama nating dalawa. Ang gusto ko, kapag nakasama na kita, ikaw na talaga.

Ayaw ko ng panandaliang saya. Kung parte man ng buhay ko na maghintay nang matagal bago kita makilala at makasama, okay lang sa akin. Okay lang sa akin na maghintay, lalo na’t kung ang kapalit naman ng matagal kong paghihintay ay ikaw. Ikaw— oo, ikaw.  Ang taong nakatadhana para sa akin. Ang taong makakasama ko na syang magbibigay ng panghabang buhay na kasiyahan. Ang taong kukumpleto sa aking pagkatao, kalakip sa pagtupad ng aking mga pangarap sa buhay.

Ikaw at ako— tayo. Tayong dalawa, wala nang iba. // (-l.m.l.b)

Ayoko ng panandalian, gusto ko ng pangmatagalan.

Minsan akala mo siya na. Minsan akala mo tatagal kayo. Minsan akala mo sasaya ka na sa kanya. Pero ang lahat ay isang akala lang pala. May mga pansandalian lang na kasiyahan. Yung tipong masaya ka ngayon, kausap siya, kasama siya, pero bukas wala na. Dahil lang sa simpleng hindi pagkakaintindihan, nauwi kayo sa hiwalayan. Masakit. Nakakalungkot. Hindi naman kasi ganoon kadaling maka move on.

Kaya kung pipili ka ng susunod na taong makakasama mo, siguraduhin mong siya na talaga. Huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon. Hindi basehan ang unang impression sa kanya para maging ganoon siya hanggang sa huli. Kilalanin mo muna siya ng mabuti. Kilatisin. Para sa'yo rin naman yan. Para sa sarili mong kapakanan.

Piliin mo yung alam mong sasaya ka. Yung maiisip mong siya na pala talaga, Yung pangmatagalang kasiyahan. Hindi panandalian.

Isang Araw

Isang araw ginusto kita,
Walang rason, wala talaga.
Pero sa isang araw na yun ang ngiti mo,
ay naging rason ng isang araw na pag ngiti ko.

Isang araw na bitbit mo ay ang kamera,
Na sa bawat pag silip mo sa maliit na salamin ay sana ako ang iyong makita.
Isang araw na sana kuhanan mo ako ng nakaw na larawan.
Malabo man mangyari sana ako ay hindi maagawan.

Isang araw na nakakatawa,
Na gusto kita tapos gusto mo sya.
Oo, isang araw na gusto kita,
At isang araw na nalaman kong kaibigan ko ay gusto mo pala.

Isang araw na ginusto kita,
Ngunit yung sakit bakit hindi pang isang araw lang ?
Isang araw lang kita nagustohan,
Pero ang sakit talagang pangmatagalan.

Isang araw na sa iyo lang ako nakatuon,
Isang araw na ngiti mo ay ngiti ko din non,
Isang araw lang yun,
Pero naisulat kita ng tula na maalala mo hindi lang ng isang araw,
Maalala mo hanggang sa makilala mo ako sa tamang panahon.