pangit mo

anonymous asked:

Poks nakatingin ako sa picture mo mula sa screenshot dito sa phone nang asawa ko grabe ANG PANGIT PALA NG UTONG MO nakuha mo pang mag cam to cam huh? Ang itim te libangan mo sigurong magpagamit poks? Or should i call princess? Char 🤳🏻🤦🏿‍♀️

Uy. Hi poks. I’m flattered naman. NakaScreenshot pa talaga. Alam po ng lahat na Princess Kaye ang pangalan ko. Tapos may TTH ako dati, underboob na may slight Nip slip. Btw, sinilip ko naman utong ko ngayon, hindi naman maitim. Actually, Light brown yung areola ko, tapos darker ng bahagya ung nipple ko. Pero hindi maitim. Asan ka ba kase nung nangangati BAYAG ng asawa mo at naghanap pa siya ng iba na mapaglalabasan niya? Hindi ba siya kuntento sa kepay mo? O baka di siya nasiyahan sa utong mo, kaya humanap ng iba? Tsaka magpagamit? O dear. Yang utak mo isipin mo kung pano mo gagamitin ng maayos, nilulumot na ata e. Bakit kase di ka magpakilala. Hindi yung nagmamayabang ka ng nakaAnon. Tsk. Tapang tapangan? Never ko dineny na nagsend ako ng nudes dito, or ng SOP, o may nakakita sa boobs ko on Cam. Loveyouuuu! 💕

Ang pagmamahal ay parang cellphone

Totoo nga na ang pagmamahal ay parang cellphone

Na kapag bago iniingatan.
Kapag bago pinupunasan.
Kapag bago protektadong-protektado.
Na kapag bago, laging hawak.

At malalaman mo nalang na ito’y tumatagal na kapag

Hindi mo na ito madalas hinahawakan.
Na kapag nabagsak mo ito at nagkaroon ng gasgas
Syempre hindi mo na iningatan
Hindi mo na pinoprotektahan
Pinapabayaan mo na lamang sa isang tabi.

Tapos isang araw titignan mo,

Pangit na, puro gasgas
Nakakatamad nang hawakan
Nakakatamad nang gamitin
Nakakatamad dahil laging ganun nalang yung nakikita mo
Nakatatak na doon yung mga alaala ng kanyang mga pinagdaanan.
Ang pangit, nakakahiya na ilabas sa maraming tao.

Pero kung titignan mo sa kabilang banda,

Hindi ba’t napaka tibay ng cellphone na yan.
Na kahit ilang gasgas pa ang makita mo, makikita mong gumagana parin sya
Patuloy ka parin nyang sinisilbihan.
Bakas man sa cellphone na iyan ang hirap ng kanyang pinagdaanan
Hayan parin sya, nasa piling mo. Hinding hindi ka binibitawan,

Ganito rin naman sa pagmamahal diba.

Sa una sobrang iniingatan
Sa una sobrang pinoprotektahan
Sobrang pinagkakatiwalaan
Sobrang minamahal.

Sa paglipas ng oras, sa mga hindi inaasahang pagkakataon;

Mayroong nagkakasala, 
May nasasaktan ng hindi inaasahan
May umiiyak ng hindi sinasadya.
At sa paglipas ng panahon,

“Oo, pasensya na tao lang ako” 

Pero sana maisip din natin isang araw na

Oo marami mang gasgas. 
May tiwala mang nasira
Marami mang luhang pumatak, 
May puso mang nawasak

Sana, tulad ng cellphone, matuto parin tayong magmahal at ingatan ang relasyong puno ng pangako at pangarap.

Sana tulad ng cellphone, nagloko man o niloko. Matuto parin tayong kumapit at magmahal sa taong tanggap ang kanyang mga pagkakamali at hinding hindi tayo kailan man bibitawan.

Mabuhay ang pagmamahal sa ating mga puso.

What if pag gising mo isang araw manawa na sya sa kakapabebe mo. Yung puro pasuyo, puro arte. Paano kung isang araw wala nang humabol sayo? Kung mawala yung kaisa-isang taong umiintindi dyan sa pangit na ugali mo, ano nga bang gagawin mo?

Ngayon palang sinasampal na kita, sa mga katotohanan na pwedeng mangyari, kasi tao lang yan, may damdamin at pusong marunong masaktan.  Kaya hangga’t nandyan sya sulitin mo yung oras na nahahawakan mo yung kamay nya, nayayakap mo yung katawan nya at nahahalikan mo yung labi nya.

anonymous asked:

Hello po. Nahihirapan po ksi ko magidentify ng unqualified, qualified, adverse and disclaim. Whats the difference po nila o pinagkaiba? Nakakalito po ksi. Huhuhu. Help po. thank you

Parang ganto…

Unqualified opinion - “Ang ganda mo.”
Qualified opinion - “Ang ganda mo, kaso nga lang may pimple ka sa mukha.”
Disclaimer - “Hindi ka maganda. Hindi ka rin pangit.”
Adverse - “Ang pangit mo.”

Joke to ng professor ko dati pero inaapply ko na rin minsan kapag nagtuturo ako hehe

Hindi mo ba naisip na minsan, itinutulak kita palayo para sabihin mo sa akin na hindi ka aalis? Yung kahit mahirap akong mahalin, nandyan ka parin. Dahil ganito ako. Masasabihan kita ng masasakit na salita. Magiging dahilan ng balde-baldeng luha mo. Kadalasan, papagurin kitang intindihin ako, kahit hindi ko man sadya. May mga oras na hindi ako magsasabi ng totoo. At may mga panahon na maipaparamdam ko sayo na ikaw ang pinakawalang kwentang tao sa mundo. Ganito ako. Simula pa noon. Simula pa nung bago mo yakapin ang lahat ng pangit sa akin. Bago mo tanggapin ang lahat ng hindi katanggap-tanggap. Ngayon mo pa ba ako susukuan? Inaamin ko na hindi ako ang taong tulad ng nasa mga libro. Kaya kang paniwalain sa perpektong konsepto ng pag-ibig. Hindi ako tulad ng mga nasa pelikula, hindi puro masasaya ang wakas ng araw natin. Pero diba, hindi naman tungkol sa maligayang wakas ang pagmamahal. Hindi ito tungkol sa walang-hanggan o walang katapusan. Dahil nung minahal kita, batid kong mapapagod tayo sa isa’t-isa. Kalakip ng pag-ibig ko sayo ang pag-iintindi. Sana ganun ka rin. Sana sa mga panahong maiparamdam ko sayo na hindi kita kailangan. Hawakan mo ang kamay ko at sabihing wala kang pakialam. Diyan ka lang sa tabi ko. Dahil malupit ang mundo. Minsan gusto kong iwan ako ng lahat. Misan gusto kong tingnan kung sino ang mananatili parin sa huli. Sana nandun ka parin sa huli. Alam kong mahirap akong mahalin. Pero minahal mo parin ako. Sana yan lagi ang maalala mo.

PARA SA MGA SINGLE.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, alam ko kung gaano kahirap ang mag-isa. Oo andyan yung pamilya mo, mga kaibigan mo, ang D’yos na kailanman hindi ka iniwan at pinaramdam na mag-isa ka lang. Pero bilang isang normal na taong kumakain ng kanin naghahanap rin tayo ng isang taong magmamahal at mag aaruga sa atin. Yung special na taong matatawag nating sa atin.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, nalulungkot ka tuwing nakakakita ka ng masasayang couple sa daan, sa park, sa klase, sa trabaho, sa jeep, sa bus, sa lrt, sa lahat. ‘Yung parang sinasadya ng panahon na ipaalala sa’yong mag-isa ka lang. Na walang nagmamahal sa’yo kung hindi yung sarili mo lang.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, iniwan ka, sinaktan ka, nabigo ka sa dating akala mo s’ya na pero hindi pala. Wrong sent lang pala si God dahil hindi yun yung taong magmamahal sa’yo habang buhay. Akala mo lang pala. 

Alam ko yung nararamadaman mo ngayon, ang sakit kapag nakikita mo ulit ang taong minahal mo na may mahal na ngayong iba. Hindi mo maiwasang masaktan kapag nakikita mong masaya silang magkasama. Dating ikaw ngayon iba na. Uulitin ko ulit, na wrong sent lang si God sayo dati, Hindi talaga s’ya yung para sayo.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, walang I miss you/ I love you bago matulog at pagkagising mo sa umaga. Walang kain na o wag magpapagutom na text sa tanghali at gabi. Walang monthsary o anniversary. Walang chocolates o flowers. Walang hugs at kisses. Wala lahat.

Alam ko yung nararamadaman mo ngayon, puro selfie na lang at pagkain ang laman ng instagram mo. Alam kong pinangarap mo ring magtravel kasama ang mahal mo pero dahil single ka, pamilya mo na lang lagi ang kasama mo. Sa halip #relationshipgoals naging #familygoals.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, Hindi mo maiwasang tanungin yung sarili mo kung bakit? Kung anong kulang sayo, kung anong problema sa katawan at mukha mo. Kung anong pangit sa ugali mo at kung bakit walang nag mamahal sa’yo. 

Alam ko yung nararamdama mo ngayon, dahil nararamdaman ko din ito ngayon. Siguro nga hindi pa ito yung oras na makikilala nanatin yung taong matatawag nating sa atin, yung taong maiiharap na’tin sa altar balang araw. Pero sayo na umaasang may magmamahal na ulit o may magmamahal na, ‘wag kang susukong maghintay dahil baka ‘yung nakalaan sayo habang buhay, ngayon ay pinapanganak pa lang. Alam ko masaya maging single pero hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi sa lahat ng oras dahil kailangan rin natin ng taong makakasama natin habang buhay, yung taong ipagtatanggol ka, yung taong magaalaga sa’yo pag may sakit ka, yung taong kasabay mo mangarap para sa inyong dalawa, yung taong araw-araw magpapaalala sayo na mahal ka, na mahalaga ka.

FAMOUS LINES WHEN MAKING #GROUPIE

“Wait. Palit tayo. Hindi ‘to yung anggulo ko.” 

Tapos paglipat mo sa kabila, marerealize mong hindi din pala yun yung anggulo mo kaya ikaw na lang yung magvovolunteer kumuha ng picture. Sadnu?

“Okay. Wacky naman!”

“Kaya super effort ka sa pagwawacky pero yung mga kasama mo pabebe pa din yung pose. Kaya ang ending, ikaw lang yung mukhang tanga.

“Teka lang. Mag-aayos muna ako.”

Sabay buklat ng panyo na may nakatagong pulbo sa ika-3rd fold dahil alam mong mangyayari yung ganitong klaseng sitwasyon.

“Harangan niyo ko ng konti para hindi kita yung taba.”

At dahil isa kang tunay at tapat na kaibigan na handang gawin ang lahat sa ngalan ng friendship at mapayapang groufie, pinagbigyan mo na lang yung mga issues niya sa buhay.

“Patingin nga ng itsura.”

Yung kaibigan mong hindi makapaghintay makita yung picture niyo na maupload sa FB kaya bawat kuha gusto niyang makita yung itsura niya. Kaya humahantong sa ganito,

“Tanggalin mo yung flash. Ang itim ko.”

“Halaaa! Delete mo. Pangit ako.”

“Wag mong iuupload ‘to < deletes photo> tska ito  < deletes photo>. Tska ito < selected 5 photos sabay delete.>.”

“Kayo na lang. Haggard ako tingnan.”

Ang linya ng mga ultimate KJ sa mga groufie. As if naman ikaw talaga yung titingnan sa group picture. Sarap pagsasalaksakin ng monopod sa lalamunan ng matauhan.

“Ang ganda ko shet. Isa pa nga.”

Sa sobrang #GGSS, sila yung may mga tendency na icrop na lang yung picture nila at gawing ‘propayl pichur’. Ganda nila eh.

“Kayo naman ang maghawak!!!”

Yung andami-dami niyo ng groufie pero ikaw na lang palagi yung tagapindot kase ikaw yung may-ari. Sila puro pasexy at pacute sa likod habang ikaw, hirap na hirap hawakan yung monopod dahil hindi mo alam kung paano pagkakasyahin yung malapad mong mukha.

Fact: Kung sino pa yung may-ari ng camera, siya pa yung pinakapanget.

“Yung solo naman. Yung pang-DP bilis.”

Yung palagi kang naoOP kase lahat sila maganda sa groufie samantalang ikaw… parang Diyosa. Kaya ayun na nga, pupunta ka na dun sa isang sulok kasama yung tagapicture tapos magpopopose ka na parang model para sa ekonomiya ng Pilipinas. “Pak pak ganoyn.”

Golden Rules kapag may Girlfriend ka na.
  1. ‘Pag kayo na, h’wag ng titingin pa sa iba. Ano bang mahirap intindihin sa “Ick4w lh@nq sHap4t nhUa”?
  2. Required na mag-text back kahit na sabihin mong busy ka pa, kung ayaw mong magkaroon na naman kayo World War III.
  3. Dapat kasing haba ng traffic sa EDSA ang iyong…………pasensya lalo na kung sobrang moody ng girlfriend mo.
  4. H’wag sabayan ang kanyang init ng ulo, tayo ang lalaki dapat tayo ang dapat ng umintindi.
  5. Tandaan mo rin na dapat priority mo na si Girlfriend at option nalang ang CoC mo. 
  6. Sa pagko-couple picture, pag pangit ang kuha mo, pero maganda ang kuha n’ya, automatic na “save”, pero kapag maganda ang kuha mo, pero panget ang anggulo n’ya, automatic na “delete” 
  7. Dapat din na masanay ka na “women dictionary” Pag sinabi n’yang “hindi s’ya galit” ibig sabihin n’yan galit s’ya. Pero pag sinabi n’yang “galit s’ya” galit talaga s’ya! Kaya humanda ka na!
  8. Required na mag-holding hands kayo kapag gusto n’ya. Kahit na pasmado ka, ‘pag hinawakan n’ya kamay mo, ‘wag ka na pong papalag.
  9. Pizza, chocolate, burger, fries at mangga hilaw na may bagoong  ang mga golden na pagkain para suyuin s’ya kung sakaling may tampuhan kayo. So, magpatubo ka na ng puno ng mangga sa bakuran n’yo.
  10. Mahalin mo ng higit pa sa paborito mong damit, paboritong laruan nung bata ka pa at kung ano mang paborito mong bagay sa mundo. At irespeto mo s’ya gaya ng pag-respeto mo sa nanay mo.
Faaaaaall~

What’s gonna make you fall in love
I know you got your wall wrapped all the way around your heart
Don’t have to be scared at all, oh my love
But you can’t fly unless you let ya,
You can’t fly unless you let yourself fall

Scared as fvck. Nah, ewan. Sobrang tumatak sa isip ko yung kantang yan. Pakinggan niyo para feel niyo rin yung post kong walang kwenta. <3 de, hahahaha!! Umpisahan ko na ba ‘tong post na 'to? O'game! Nitong mga nagdaang mga araw, ang dami kong narealize. AS IN MARAMI.

  • ang cute ko
  • ang cute ko din pag natutulog (sabi ni Adz)
  • ang cute ng lips ko (hihi)
  • seryoso na hahahah
  • maglet go sa mga bagay na dapat ilet go
  • nakita ko na kung sa'n ako mas sumaya, sumasaya, at sasaya
  • mhlkntsy  ❤ AWOO

Andami diba? Marami na yan! Ako yung tipo ng babae na madaling ma-fall. Actually, halos lahat naman ng babae madaling ma-fall eh. HALOS. Mahina kasi tayo, babae tayo e. Pero in terms of emotions lang naman. Baka macho ako? DE, HAHA! Oh, balik sa madali akong ma-fall. Ayun nga, madali akong ma-fall pero pag na-fall ako, sisiguraduhin kong isa lang. Gets? Di ako yung mga tipo ng babae sa panahon natin na may mga “OPTIONS.” (Actually, mas uso sa lalaki ang salitang yan) HIHI Sa ngayon, inspirado ako. Yehez! Ewan. HAHAHAHAHA daming alam! Nagugutom ako.. De, ewan. HI, PAW! Taba mo. c: Baliktad naman tayo para bago, diba? =))

Yasmin Gutoman-Yulo~

Random bestfriend appreciation post. Hi Yasss! Pinagpalit mo na talaga ako sa IBS mo. Di na ba magbabago ang isip mo? :c MASAKIT… de! Nakakamiss na yung sobrang ka-slow-an mo, bave. HAHAHAHHAHAHA~ Lalo na yung ka-slow-an mo kani-kanina lang. Yung sa b***s nung lalaki. Oh, wag ka green! BONES KASI YAN. HAHAHAHHAHHAHAHHAAHHAHAHHA shete otso nuebe. WEH wala na. Ayun! Nakakamiss ka lang talaga. hihi~ Bonding soon ha? Lamyumakyu! :-*

anonymous asked:

sa lahat ng blogger. ikaw lang talaga yung napapansin kong "chill" lang sa mga problema. hindi ka gaano nag o-overthink sa mga bagay bagay tas nakakayanan mong kontrolin ung kaba mo. ako kase e urgh.. pag may isa akong pinoproblema lalo kong napapalaki dahil sa pag-o overthink ko. Gusto ko na ulit maging positive sa lahat ng bagay pero ewan kapag naman ginagawa ko yun lalo may mangyayaring di maganda. Pwede bang tulungan mo ako? :(

Thank you! And oo nga, I can see that I am just “chill” na sometimes nagwoworry na ako bakit ang chill chill ko lagi.

Anyways, here are some tips you can remember:

  1. When something is wrong, social media is not the best place for venting. Mas lalong lalaki ang problema mo kasi maraming epal sa internet na grabe makareact na akala mo sila yung mas affected sa nangyayari kesa sayo. if you can’t help it but just rant it all out online, choose your words wisely.
  2. You will get over anything. You will be okay. This too shall pass. Lahat ng nangyari before na problema, diba naging okay na rin sa ngayon kasi ngayon may bago ka nang problem ulit? Diba? Diba? So you’ll get over this one too.
  3. Choose the people you open up to. May ibang nagtatanong kung kamusta ka na para lang makalagap ng chismis. May iba namang concerned talaga sayo. Negative people aren’t really ideal to talk to when you’re already feeling down.
  4. Know that you don’t and can’t control everything. It is not always your fault kaya don’t be too hard on yourself. Wag mong pasanin ang lahat ng problema sa mundo! Wag kang selfish! Joke. Basta ganun.
  5. Always be the bigger person in situations. Kapag may ibang taong involved sa bad situation, wag nang magsisihan. Walang mangyayari sa ganyan. Be the understanding person.
  6. Let things just happen. Don’t force what you always want to happen. Kelangan flexible ka. Just because something doesn’t go your way, di na okay ang lahat. May purpose naman yan eh. You just have to get your way through it.
  7. Overthinking is okay 10% of the time. I have figured that we can never never never ever ever ever avoid overthinking so I just look at the bright side of this. Ano bang meron sa overthinking? It makes you realize things. But don’t let overthinking ruin your vibe. Di lahat ng iniisip mo mangyayari. 
  8. Look at it in another perspective. May mga bagay na ang pangit tingin sa paningin mo but you know, you can always see the bright side of it. If you can’t see the bright side of it, you will when it’s done. You will learn something.
  9. Opinions of other people matters when they sincerely care. Di naman mawawala ang comments ng ibang tao sa mga situations eh so just listen to all them, choose whose opinions matters, remember what they said and make a plan or a whatever out of them.
  10. Learn when to fight and when to just sleep it off. They say to go out there and fight fight fight! But for me, choose your battles. Not everything you see out there is worth sweating for. yeah sure, life is a battlefield but know when to rest and just watch.
  11. Don’t keep things all to yourself. If it is something really serious, talk to someone mature that you can trust. You can someone’s advice and encouragements. Examples: parents, trusted professors, friends, buhaybabae of tumblr. Hahaha. But seriously, talk to me. 
  12. Being nervous is good sometimes. This is one of the things I’ve learned in college. You see, when I’m nervous, I pray. It’s like being nervous is a cry of my soul to just reach out to God. Knowing that I can’t do this all by myself scares me but knowing God is backing me up, now that keeps me going. 
  13. Relax. Di ka nabubuhay sa mundo para mamroblema 24/7. Pero di karin nabubuhay sa mundo para matulog 24/7. Time management din, friend. I’m still struggling with this but yeah, managing your time wisely is really a great thing. Plan things but remember if something doesn’t go your way or according to your schedule, just go with the flow and know the perfect time to be against the current.
  14. Pray. It’s the most calming and intimate you can do that always make things better. If you don’t know how to pray, do this: be silent, you can just say a prayer in your mind. Talk to God. Talk like He’s your best friend. Ask questions. Ask for some things you want. Tell him about your day. I swear, He is listening and that’s what we all needed; someone who could listen to us without complaining. He does it 24/7 so just keep talking to Him. And most importantly, listen to Him.

Give all your worries and cares to God, for he cares about you. 1 Peter 5:7

Anonlover

Ito yung anon na sinasabi yung mga positive sayo. Sila yung “Humahanga” sayo. “Hi ate/kuya crush po kita”, “Ang galing niyo po mag blog idol na kita”, “Ang cute niyo po”, “Sana makaclose po kita” at madami pang iba. Sa kanila mo mararamdaman yung love. Sila yung mga taong nakakapag pangiti satin kapag natanggap mo yung message(s) nila. Sila yung mga taong kukumpleto sa araw mo. Sila yung mga taong nakakapagpagaan ng loob mo. Sila yung taong handang pangitiin ka araw araw. Sila yung mga taong masarap kaibiganina at makausap araw araw. At sila din yung taong gusto ng lahat. Minsan iniisip mong binobola ka lang nila pero diba kahit papano napapagaan nila loob mo. 

Anonhater

Ito yung anon na masarap ipakain sa pating. Oo minsan nakakatuwa kasi may nagsasabi sayo ng mali/negative sa ugali mo o sayo mismo. Pero kasi minsan ultimo kasingitsingitan mo pinapansin. Sila din minsan yung dahilan kung bakit may mga blogger na nagdedeactivate. Sila din yung mga taong anlakas makapanlait na akala nila perpekto sila. Sila yung mga taong masasabi kong duwag, manghehate nga nakatago naman sa isang kalbong nakasalamin at kapag hinamon mo mang off anon bigla na lang mawawala. Sila din yung mga taong ginagawang big deal ang mga maliliit na bagay lalo na yung isang pagkakamali ng isang blogger. Sila yung mga taong pakialamero, makikibasa na nga lang sa blog ng may blog magrereklamo pa keso “Ang drama mo naman”, “Ang pangit ng blog mo”. “ Wag ka mag post ng picture nakakasuka”. “Wag kang pasikat dito”. “Magdeact ka na nga lang”. Oh diba? Wala ng sinabing maganda. HATER NGA KASI.