pangin

anonymous asked:

Ate anong mas masakit? Mang iwan o maiwanan?

Mang-iwan? Masakit kung kailangan mong iwanan ang isang taong mahal na mahal mo pero wala kang magagawa dahil kailangan. May dahilan ka na hinding hindi nila maiintidihan kaya minabuti nalang na itago yun at magmukhang masama ka sa pangin niya at sa ibang tao. Iiwan mo ang isang tao dahil sa tingin mo hindi na tama ang lahat. Yung dahilan mo kung bakit ka nang-iwan hindi sapat para alisin yung sakit na nararamdaman ng taong iniwanan mo. Pero hindi lahat ng nang-iiwan may sapat na dahilan. Minsan, ayaw na talaga nilang maging parte ng buhay mo.

Maiwanan? Yung araw araw tinatanong mo ang sarili mo kung bakit ka niya iniwan? Kung hindi kaba sapat, at yung mga nagawa mo para sa kanya. Yung iniwan ka niya ng walang dahilan o hindi sapat yung reason niya kaya gustong gusto mo siyang tanungin kung “BAKIT?”. Yung nagmumukha ka ng tanga sa mga tao na halos kaawaan ka nila kasi umaasa ka na isang araw babalikan ka niya kasi gusto mo pa siyang maging parte ng buhay mo. Yung araw araw naghihintay ka sa pagbabalik niya at umaasa ka ng paliwanag niya kung bakit ka niya iniwan. Magigigsing ka araw araw na kailangan mong tanggapin na wala na siya na hindi mo na siya makakausap. Yung araw araw tinatanong mo sarili mo kung kumusta na ba siya o okay lang ba siya. Pero minsan, isang dahilan ng pag iwan sayo ng isang tao ay dahil napagod na siya sayo.

Parehong masakit. Pero kailangan pa rin ng explanations ng lahat.