pang aasar

there are times i want to slap you for being a complete jerk.

you like to annoy me big time especially when i need to work and work requires concentration.

bae, i do love you, but please…. lets keep the pang aasar to a minimum. 

i really hate snapping at you. of all people, not you. 

10

oyoy pati ‘tong mga ‘to syempre mamimiss ko din!!! thank you sa lahat! luv ko kayo kasi kahit sobrang epal ko, pinapayagan niyo pa rin ako sumama sainyo. siguro nahihiya lang kayo sabihin na napakaepal ko huhu pero salamat pa rin ng sobra dun :) seryoso mas komportable ako pag kayo yung kasama/kausap ko, mas ‘ako’ pa aq pag kasama ko kayo kesa sa ibang girlz di ko alam kung bakit. nasasad ako don haha ewan. mas nalalabas ko kaweirdohan ko sainyo eh hahaha tas yung mga biruan/kwentuhan niyo na mej sobrang nakakapagpatawa sakin… hays. salamat kasi kayo yung nakakasabay ko pag iniiwanan ako ng mga tao hahayzt. ang saya saya niyo kasama grabe. mamimiss ko talaga yung pagtawag niyo ng ‘mario’ sakin. mamimiss ko mga pang-aasar niyo. 🙄 mamimiss kong sumabay sainyo lalo na sa pag-uwi. mamimiss kong mag-antay ng jeep ng mej sobrang tagal kasama kayo. hehe. sorry pala sa mga nasabi ko sa mga post ko dati :-( basta yon. sobra ko kayong mamimiss 💖



SML FOR THESE PEOPLE!!!!! (yak)

Spirit of the Coin pt. 2 of 4

Title: Spirit of the coin ft. Mabinaldo, Bonizal and Gresca.

  Part 1

Medyo naging  Grusca-centric ang part na’to haha. Whelp. Same warnings apply. Usapang lasing at kalokohan. Nadagdagan ng usapang hashtag hugot. Also, wag kalilimutan na ito po’y  isang crack!fic utang na loob. Haha.


“Patunayan mo!” dagdag ni Goyong na napatayo na rin. “Kung ikaw nga si Aguinaldo, sabihan mo kami ng isang bagay na hindi alam ng kahit sino.”Inirolyo ni Emilio-kuno ang kaniyang mga mata. “Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa inyo.” Sabi nito na sumandal na sa upuan at napapatong ng ulo sa palad ng kaniyang kamay na nakapatong sa armrest. “Ang kailangan ko lang gawin ayon sa batas ng kabilang mundo ay lumabas kapag tinawag at hintayin at umasang pabalikin ninyo ng maayos. Hindi niyo nga ako natawag ng maayos, ang pagbalik pa kaya?” Muli, siya’y nagbuntong hininga. “Ano nanaman ba itong napasukan ko.”


Hinayaan ng apat na mag-emote sa kinauupuang monobloc si Emilio-kuno at muling nagkumpulan.

“Mga pre, sigurado ba talagang si Emilio Aguinaldo yan?” bulong ni Jose, sumisilip ng kaunti sa multong kinakausap ang sarili.

“Mukhang kamukha naman niya.” Sagot ni Joven.

Nag-scoff si Rusca. “Porke’t kamukha siya na agad? Baka double-ganger.”

“Bobo, doppelganger ‘dun.” Saway ni Goyong. Gaya ni Jose, sumisilip-silip din ito kay Emilio-kuno. “Pero paano naman tayo makakasigurado kung ayaw rin naman magkuwento ng Flat Tops ‘to.”

Keep reading

May iba’t-ibang uri ng galit. Ano yung galit? Siguro ito yung pagkakaroon ng negatibong pakiramdam sa ibang tao, sa mga bagay o sa sarili mo. Maaaring may resonableng dahilan ang pagkakaroon nito pero maaari ding wala. Maraming mga salitang ginagamit para ipahayag yung negatibong emosyon na ito. Pero bawat salitang iyon, ibang klaseng galit ang ipinapahayag. Basta eto sila:

  1. Inis. Ito yung pakiramdam na nagkakaroon ka ng negatibong emosyon sa isang taong wala namang direktang ginagawa sa’yo. Basta may ginawa siyang iba tapos nainis ka lang dun sa ginawa nya. Maaaring naiinsecure ka lang o kaya talagang alam mong nang-iinis siya.
  2. Irita. Para ding inis ‘to kaso medyo mas matindi. Pag naramdaman mo ‘to, parang gusto mong magwalk-out o umalis kasi para sa’yo, sobrang nakakainis yung ginagawa nila. Eto rin yung madalas na nararamdaman ng mga babae pag meron sila. Naiirita sila dun sa pakiramdam na ano, basta alam mo nay un. Hindi ka mapapakali pag naramdaman mo ‘to; hindi moa lam kung anong dapat gawin.
  3. Bwisit. Mas matindi pa ‘to sa irita. Pati sa sarili mo, nagagalit ka na. Kapag naramdaman mo ‘to, kaiinisan mo na lahat ng makikita mo. Mainit na ang ulo mo; gusto mo ng magwala. Maaaring may nagawa kang mali kaya sinisisi mo sarili mo dun sa pagkakamali o kaya nabubwisit ka na talaga sa ginagawa nung isang tao sa’yo.
  4. Asar. Pareho lang ito ng inis kaso pwedeng direkta ka ng iniinis ng isang tao dito. Maaasar ka kapag iniinis ka sa bagay na totoo sa ‘yo. Halimbawa sinabi sa’yo ang itim mo. Totoo namang maitim ka pero naiinis ka kasi talagang sinabi pa niya. Asar na tawag dun. Kumbaga, may personalan ng nagaganap. O kaya naman, purpose talaga niyang inisin ka. Pang-aasar nay un.
  5. Tampo. Mararamdaman mo lang ‘to kapag mahalaga yung taong kinaiinisan o kinagagalitan mo. Pag tampo kasi, mild na galit lang ‘to kasi may connection kayo nung kinagagalitan mo. Maaaring selos ang dahilan o kaya misunderstanding. Medyo sweet tong galit na ‘to.
  6. Suklam. Eto yung galit na kapag naramdaman mo parang husto mong ipakulam yung kinaiinisan mo. Hindi mo siya gustong saktan physically kasi parang ayaw mo siyang lapitan ganun. Basta pag naramdaman mo ‘to, parang nandidiri ka pero galit na galit ka na ewan.
  7. Asdfghjkl. Eto yung sa sobrang galit mo naiiyak ka na tapos wala ka ng nasabi. Sasabog na yung dibdib sa sobrang inis ganun. Mataas na lebel ng pagkagalit na’to.
  8. Yamot. Parang inis o kaya irita na madalas ginagamit ng mga matatanda.
  9. Tangina. Eto yung galit na galit ka na. Yung naiiyak ka na, nagwawala ka na. Mapapamura ka talaga. Napuno ka na eh. Siguro, sobrang lala at nakakasakit na yung ginawa sa’yo. Halo halo na emosyon mo pag naramdaman mo ‘to. Beware.

Pero dapat hindi tayo nagpapadala sag alit na nararamdaman natin. Pagsubok lang yan para makita kung hanggang saan pasensya mo. Hingang malalim, relax ka lang. Huwag mong hayaang kontrolin ka ng negatibong emosyon na yan.

[AFTER HOURS] you call the shots (babe)

Title: you call the shots (babe)
Pairing: Andreau x Zade (TSIB)

Rating: Mature
Note: Title from Arctic Monkey’s I Wanna Be Yours aka the song na naiisip ko pag napapangiti si Paulo Avelino (aka aka the hymn of sex). Kasalanan ‘to ng santa hat ni Simon Evangelista sa OTWOL. Dapat matagal pa ‘tong ficlet na ‘to eh, pang-2nd birthday ng TSIB kaso… punyeta ka Paulo Avelino. The things you do to me ugh.

All mistakes are mine. Sana masabi ko rin na akin si Paulo charot.

Merry Christmas ya filthy animals!

**

“Why in the world are you wearing that?”

Keep reading

Panget POV (Girl):
Ang hirap namang maging panget. Ang hirap maging tampulan ng pang-aasar, kesyo mataba at hindi biniyayaan ng ganda. Ang hirap gumising sa umaga ng pagharap sa salamin eh hindi agad maganda nakikita ko. Ang hirap kasi ginawang tirahan na ng tigyawat ang mukha ko. Nakakababa kaya ng confidence yung ganito. Nakakahiyang humarap sa mga tao. Madalas nga, naka-earphone na lang ako para hindi ko marinig yung mga panglalait nila sa akin maging yung naiisip nila, ayoko ng isipin pa. Kaya madalas, nakatingin sa baba at iniisip bakit naging panget ako. Kapag nagkakagusto ako, palagi na lang paasa, nanggamit o nangloloko. Palibhasa kasi pangit lang ako, madalas pinaglalaruan at pinagtitripan. Ano kayang pakiramdam ng maganda? Siguro masarap kasi madami kang kaibigan at sentro ka ng atensyon. Ano kaya pakiramdam na nilalapitan ka ng tao at madalas tinitingala dahil sa ganda? Siguro masaya kasi madaming tao sa paligid mo na humahanga sa taglay mong ganda. Ano kaya feeling na maraming nanliligaw at hinahabol ng crush ko? Ano kayang pakiramdam na may isang taong proud na proud sa akin? Hay. Sana maging maganda ako. Nakakasawa na kasing maging pangit eh. Sana naging maganda na lang ako.


Maganda POV (Girl):
Ang hirap namang maging maganda. Hindi sa nagyayabang ako, pero mahirap talaga eh. Ang hirap kasi nakatingin silang lahat sayo. Bawat ginagawa ko, may nasasabi sila. Mapa-mabuti man o masama. Bawat kilos ko, minaman-manan, bawat taong kasama ko, kinukwestyon. Bawat pagkakamali ko, grabe ang panghuhusga. Kesyo bobo daw ako at puro paganda lang ang alam. Oo nga masaya dahil maraming taong nasa paligid ko pero hindi rin eh, sa dami nila hindi ko na alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Karamihan kasi sa kanila, may gusto lang makuha sa akin. Hindi ko na alam kung sino yung pakitang tao o yung totoong kaibigan ko. Ang hirap. Nakatingin nga silang lahat sayo pero bawat ginagawa mo, hinuhusgahan ka nila. Ayoko na ng ganito, ang hirap maging tampulan ng atensyon at hinahabol ng tao. Oo nga masaya kasi maraming may gusto sayo pero mahirap kasi karamihan sa kanila, hindi seryoso. Proud nga kasi maganda lang, hindi dahil sa pagmamahal. Ano kayang pakiramdam ng wala masyadong pumapansin sayo? Siguro, masaya kasi kahit magkamali ka, parang wala lang. Ano kayang pakiramdam na hindi ka sentro ng atensyon? Siguro, masaya rin kasi hindi ka nila huhusgahan base lamang sa pagkakamali o sa pisikal na anyo. Ano kayang feeling na wala masyadong nanliligaw? Siguro okay din kasi doon mo malalaman kung sino talaga ang seryoso sa hindi at doon mo mapapatunayan na sa dinami-raming magandang babae eh ikaw ang napili. Hay. Ayoko na ng ganitong buhay. Sana naging panget na lang ako.

AGAIN

“Uy. May reunion daw bukas?” she heard Maricris said.

Nasa technical rehearsals na sila nun and she’s waiting for their team’s turn onstage.

“Weh? Sino daw?” Aicelle asked.

“Hm. Loveteam daw eh.” Jonalyn replied.

Bigla silang tumingin kay Julie na kasalukuyang nakaupo sa bleachers.

“What?” pagtataka niya.

“Wala naman. Mala-Romeo and Juliet daw lovestory ng dalawang yun eh.” halatang nang-aasar na sabi ni Maricris.

“Adik niyo.” sabi niya sa tatlo at nagtawanan lang naman sila.

“Julie! Dun muna tayo sa green room.” she heard Ms. Yani said. Tumango siya tsaka na naglakad papuntang green room. “Dear, you’ll be the first artist featured in our new segment ha? The Green Room Session.” sabi nito sa kanya.

“Okay po.” she said. Umupo na siya sa harap ng laptop na nakaready na for recording a video.

After she records her song ay tumingin na siya kay Ms. Yani na nakaupo sa kabilang side ng green room.

“I’m done, Ms. Yani.” she said.

“Alright. Labas ka na. I think kayo na daw magrerehearse eh. Parang narinig ko sa staff.” sabi nito. Tumango na si Julie and walked out of the room.

“Julie!” she heard someone called. Paglingon niya ay si Diva.

“Uy pre! Bakit?”

“Dun muna tayo sa dance studio. Rehearse tayo nung song natin.” she said excitedly.

“Tara tara!” energetic na sabi naman ni Julie. Magkaakbay silang pumasok sa dance studio and sat on the floor with the other Instagang members.

“Vocalization muna tayo.” Mark instructed.

They started rehearsing at napagkatuwaan pa nilang ivideo ang vocalization nila.

“Feeling singer na talaga ako.” Diva said.

“Hahaha. Bagay sa name mo brad.” sabi naman ni Andrea.

“Porket ikaw rapper na ha.” asar ni LJ sa kaniya.

“Hep. Rapper? Diba reunion bukas ng rap and rhythm?” pang-aasar ni Diva sabay tingin kay Julie.

“Huh?” she said curiously.

“Maang-maangan pa pre?” asar pa rin nito.

“Ewan ko sa inyo. Che!” tsaka na siya tumayo at lumabas ng dance studio.

She walked towards the main studio and sat beside her friends na abala sa paglalaro sa mga phone nila.

“Anak ng! Mabbeat na kita brader oh! Konti na lang!!” Kristoffer yelled sabay pakita ng phone kay Derrick.

“Haha. Brader, ako pa din reigning champion.” mayabang naman na sabi nito.

“Hep hep! Ako kaya!” Ruru said and showed his phone to the two.

“Badtrip ka alam mo yun?!” asar na sabi ng dalawa.

“Ano yan?” she asked them nang makalapit sila.

“Kanina pa yang tatlong yan. They’re playing Flappy Bird. Again.” natatawang sagot ni Jonalyn.

“Haha. That game’s annoying. Mauntog lang konti sa pipe, game over na agad. Tsk.” she said and sat next to Jonalyn.

“Highest score mo, Jules?” Derrick asked, his eyes still focused on his screen.

“7” sagot niya. Nagtawanan ang tatlo saka siya tinignan nang sabay-sabay.

“Seryoso?!” Kris asked.

“Oo nga! Look oh.” sabi niya sabay pakita ng score sa mga to.

“Hina mo naman. Akala ko ba macho ka? Flappy Bird lang talo ka na agad.” asar ni Derrick sa kanya.

“Ts. Sa sobrang macho ng thumb ko, di kinakaya ni birdy yung force. Hahahaha.” nagtawanan silang lahat. “But seriously. Nakakainis tong game na to.”

“Hahaha. Sabi sa twitter, it’s a good distraction for people who are moving on.” sabi ni Kris.

“Alam mo, may nagtatag din saken ng ganyan. Yung totoo?!” she laughed.

“Eh bakit? Moving on ka na diba?” asar ni Maqui sa kanya. Nagulat siya because she didn’t see her coming.

“Maq! Kanina ka pa?” she asked.

“Haha. Che ka! Kakadating ko lang.” she said. “Pero diba nga? Moving on ka na?” asar nito sa kanya.

“Ha? Haha. Oo. Pwede. Hindi.” she said.

“Suuuus. Porket reunion, confused ka nanaman?!” asar niya uli sa bestfriend.

“Haha. Whatever!” sagot niya.

“Artists! Rehearse tayo ng opening!” sigaw ng floor director.

Sabay naglakad sina Maqui and Julie papunta sa stage for the opening rehearsals.

“Dadating ba?” Maqui asked her.

“Ha? Ewan ko dun.” she replied.

“Sorry I’m late!” nagulat sila when their subject stood before them at nakatingin sa kanya.

“Eh bakit kay Julie nagsosorry? Siya si direk? Ha, Magalona?” asar ni Maqui sabay pameywang pa.

“Haha. Uhm. Sorry direk! Late po ako.” Elmo said again sabay harap kay direk.

“You’re just in time, Elmo.”

*****

FLASHBACK

He thought he’s late for the technical rehearsal. Medyo natraffic kasi sila from SM Molino kaya kinabahan siya pagpasok sa studio.

“Don’t worry. Makakahabol ka pa.” Janine said.

“Yeah. Sana lang di magalit sa akin.”

“I doubt it.” sagot nito. He couldn’t stop fidgeting dahil naiinip na siya sa biyahe. “Will you stop that! Para kang may kiti-kiti sa tiyan.” sabi ni Janine sa kanya.

“Eh kasi ang bagal ng kotse.” he answered.

“Hahaha. Halata sayong you’re excited to see her again. Bakit ba?”

“She gave me another chance.” he replied sabay ngiti ng malapad sa kaibigan. Napaawang ang bibig ni Janine saka siya napangiti ng malapad dito.

“Seriously?! As in okay na uli kayo?!”

“Not okay as in kami na ulit. Pero okay as in pwede na ulit manligaw. Pwede na uli bumawi. May second chance ako ulit.”

“Second chance ka diyan?! This is your 10th chance no!”

“Hahaha. Grabe ka naman.” natatawang sabi niya.

“Hey. If you failed one more time, I swear ako na sasapak sayo.” Janine told him.

“I’ll make sure that this time, I won’t be a failure anymore.”

END OF FLASHBACK

“Hoy. Nakangiti ka nanaman diyan.” sabi ni Rocco sa kanya.

Hindi pa siya ang nakasalang sa rehearsal and nakaupo lang siya sa bleachers.

“Wala wala.” he said.

“Tss. Bakit bro? May nangyari ba? Tsaka hoy, absent ka nung birthday bash ni JayR.”

“Ts. I was busy that day.”

“Busy where?” malaman na tanong ni Rocco sa kanya.

“Busy magpaimpress.” nakangiting sabi niya.

“Yun!!! Oh kwento. What happened? Are you back together? Ano?”

“Atat?” he laughed. “Well, we’re not yet together. Pero getting there?” he smiled.

“Eh bakit getting there pa lang?!” tanong nito. “Julie!!! Bakit getting there?!” sigaw ni Rocco kay Julie na abala naman sa pakikipagchismisan with Maqui and Diva.

“Ha?!” Julie yelled back.

“Wala!!”

“Tsk. Baliw ka talaga. Syempre getting there kasi di pa ko sinasagot uli. I have to win her heart again. Kailangan malamangan ko yung ginagawa ko sa kanya dati. I should bring her trust back. I should break her walls again.” he explained.

“Ikaw kasi eh. If you didn’t take that stupid left turn, di ka maliligaw. Edi sana kayo pa din.”

“Nagsisisi na nga diba? Kaya nga I’m going to pursue her again.” he said. “You know how much I love her.”

*****

Sunday. The day of their comeback. Dahil ang araw na to, araw nilang dalawa.

“JuliElmo! JuliElmo!” sigaw ng fans sa studio. They smiled at them habang nagrerehearse sila.

“Oh. After ng Instagang, commercial then kayo na ha?” the director said. Katatapos lang ng prod rehearsal nila and pabalik na sila sa backstage.

“Okay po.” nakangiting sagot ni Julie. She’s about to go inside the dressing room nang hawakan ni Elmo ang kamay niya.

“Baby.” he whispered. Tinignan siya ni Julie and raised an eyebrow at him. “Ah. I mean, Julie. Haha. Uhm…”

“What is it, Elmo?” she asked.

“Uhm. Goodluck later. Haha” nahihiyang sabi niya sabay lakad palayo. Napailing na lang si Julie at napatawa tsaka na siya tuluyang pumasok sa dressing room.

“Ang ngiti pakitabasan.” Diva told her.

“Che!” nakangiting sabi ni Julie.

“Hay nako. In love again?” Andrea teased her.

“No!” deny niya.

“No your face. Bilisan mo na magbihis dyan. Opening na.” pagyaya ni LJ.

“Oo na.”

*****

Opening na and hindi pa naman siya ang kakanta. He stood at the side of the stage as he watched her sing. Napangiti siya. Right after her segment ay umalis na rin siya at naglakad papunta sa dugout.

“Oh. Grabe ngumiti ah!” Janine teased him.

“Namiss ko lang siya panuorin kumanta.” he confessed.

“Yiie! Why don’t you ask her out after the show?”

“She’ll hear mass with her family. Sure ako dun.”

“Edi attend mass with them. Simple naman oh.” Janine said.

“Haha. You’re right. Thanks ha.” tsaka na siya naglakad sa backstage.

*****

“JuliElmo! JuliElmo!” rinig sa buong studio ang sigawan ng fans nila. Dala pa nito ang malalaking tarpaulin na puro picture nilang dalawa.

Julie was waiting for the show to come on air at habang naghihintay ay napapasayaw siya sa gilid ng stage. She feels happy. Parang nasa cloud 9 siya na di niya malaman. Basta lutang siya. Yun ang nararamdaman niya.

“JuliElmo!!!” sigaw nanaman ng fans.

Paglingon niya sa kabilang side ay nakita niya si Elmo. Wearing the smile she missed so much. Abala ito sa pagkaway sa fans nila kaya napangiti siya. Namiss niya ang dating Elmo. Yung gwapo, fresh-looking Elmo Magalona she knew and loved.

“Okay. Julie and Elmo, standby na.” sabi sa kanila ng floor director.

She walked to the side of the stage and saw Elmo smiling at her. She smiled back at him tsaka na nila narinig ang intro ng kakantahin nila.

Nagsimula na kumanta si Elmo and she smiled. Namiss niya ang boses nito. Ngayon na lang niya kasi narinig ito na kumanta ng hindi lipsynch at hindi hirap. Kumanta na rin siya at saka na lumapit kay Elmo. A smile automatically appeared on their faces as they sat next to each other.

‘Cause I’m in love again
Oh it feels so good to be in love again
Never thought that I would feel this way again
Until she came around
Now it feels so good to finally be in love again’

Their hands automatically found their way to each other. Feeling each other’s presence. Holding each other’s missing piece.

They did a little dance number at pagkatapos nun ay automatiko niyang naabot ang phone niya kay Elmo. Agad namang binulsa ito ng binata tsaka na sila umupo ulit, his arm resting at the bench’s backrest. They stared at each other’s eyes at alam nilang ito ang namiss ng tao sa kanila.

'Cause I’m in love again
Oh it feels so good to be in love again
Never thought that I would feel this way again
Until she came around
Now it feels so good to finally be in love again’

*****

They finished the song at hawak niya pa rin ang kamay ni Julie. He doesn’t want to let her go. Ngayon na lang niya uli nahawakan ang malalambot na kamay nito.

“Alright!” narinig nilang sabi ni Jennylyn. Nagsimula na ang spiels and dahan-dahan na inalis ni Julie ang kamay niya sa kanya. Ayaw man niya but he can’t do anything about it. Kaya naman pasimple na lang niyang nilagay ang kamay niya sa beywang nito.

He felt her stiffened a bit but relaxed after a few seconds.

“Namiss nila tayo.” He heard her say. Ngumiti siya tsaka tumango.

“Namiss ko din tayo.” he said. Napangiti naman si Julie pero umiwas ito ng tingin.

After the spiels ay bumaba na sila.

“Moe, phone ko pala.” she said. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa niya and handed it to her. “Uhm… Moe this is yours.” she smiled.

“Ay. Sorry.” he said tsaka na kinuha ang phone ni Julie sa kabilang bulsa niya. “Here you go.” he said and smiled at her.

Bumaba na siya ng stage habang kumakaway-kaway pa sa mga fans nila. He thought that Julie’s right beside him but when he looked ay naiwan pa iyon sa stage. He waited for her downstairs and agad niyang nilahad ang kamay niya so that he could help her get down. Nang makababa ito ay nilagay niya ang kamay niya sa beywang ni Julie tsaka na sila sabay na naglakad.

“JuliElmo! Beso! Beso! Beso!” sigaw ng fans. Nagtawanan naman silang dalawa and waved at the fans.

They walked towards the backstage nang harangin sila ng pinsan ni Julie na si Mae.

“Ate, Kuya picture tayo.” she said. Pumayag naman si Julie and they both smiled for the camera. “Thank you!” Mae said.

“Thank you din, Mae.” Elmo said to her.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad papuntang backstage.

“Julie…” he called her.

“Yeah?”

“Uhm. Magsisimba ka after the show right?” he asked.

“Yes.”

“Uhm…”

“Gusto mong sumama?” pagyaya ni Julie sa kanya.

“Uhm… If that’s okay with you.” nahihiya niyang sabi.

“Di naman siguro kita iinvite if ayaw ko right?” she said and smiled at him.

“Hahaha. You’re right. Sige sama ako with you.” he said. Tumango na si Julie sa kanya.

“See you later then.” sabi niya sabay pasok ng dressing room.

“See you.” agad siyang naglakad papunta sa dressing room niya, a smile plastered on his face.

Right after the show ay umalis na rin si Elmo. He saw Julie’s car going out of the parking lot kaya sumunod na rin siya.

“Tara na po kuya.”

“San tayo sir?” tanong ng driver niya.

“Sundan na lang natin yung Sorento kuya.”

“Okay po.”

*****

After the mass ay pinagpaalam ni Elmo si Julie na kakain sila sa labas.

“Uhm… Sir, can I take Julie to dinner?” he asked.

“You don’t have to be formal, Elmo. Parekoy pa rin tayo.” natatawang sabi ng papa ni Julie.

“Ah eh. Haha.” nahihiyang sabi niya.

“Sige na. You know my daughter’s curfew. I’ll see you both at home.” he said sabay tapik sa balikat ni Elmo.

“Bye po, papa.” Julie said.

“Enjoy kayo ha.” her mom said.

“Bye ate! Bye kuya!” sabi naman nina Jac at Mae.

Sumakay na sila sa sasakyan ni Elmo and they went out of the church’s parking lot.

“Moe, san tayo pupunta?” Julie asked him.

“Basta.” Elmo answered and winked at her.

Dumating sila sa isang restaurant and they were ushered to a table reserved for two.

“Ano to?” Julie asked.

“Uhm… Date? Hahaha.” natatawang sabi ni Elmo.

“Psh. Daming alam.”

“Haha. Namiss ko lang to. How are you, baby?”

“Hmm?” nagtaas siya ng kilay dito.

“How are you, Julie?” tanong niya uli.

“I’m okay. Masaya.” she replied.

“As in?”

“Yeah. Ayaw mo ba?” she asked him.

“Gusto siyempre. Haha. And you know that I’m happy too.”

“Halata nga sayo eh. Hahaha.”

“In love kasi ako.” Elmo whispered to her.

“Really? Kay Janine?”

“Tss. You’ve got to be kidding me.” sabi ni Elmo.

“Hahaha. Eh malay ko ba?”

“I’m in love with someone. Her name starts with a J, she sings well and knows how to play a lot of instruments. She loves the color orange and she’s a multi-platinum artist.” he said.

Hindi naman kumibo si Julie.

“I’m in love with you, Julie.” sabi sa kanya ni Elmo.

“Tss.”

“Seryoso ako and I’m willing to do everything just to win you back, baby. Gagawin ko lahat to make you fall in love with me again.”

“You don’t have to do that.” she said. Natigilan si Elmo sa sinabi niya.

“W-what?”

“Coz I’m in love again. I’m in love with you again, Elmo.”


- END -

Palibhasa Hindi Best Section II

A Heneral Luna AU

Yes. I know. This fic is timely.

Para mabawasan ang mga sala. Para happy-happy tayo. Mahal na mahal ko kayo never forget that. Kalimutan na muna ang issue at balikan ang high school days kasama ating mga baeyani. Birthday na ni Sir Tonio dito pasayahin naman natin siya. Kapit lang, fandom.

P.S. Yung Gresca showdown na kay ruscang-ina-mo. *wink*


Benteng minuto bago ang simula ng mga klase, nagkumpulan ang mga binata’t nagbibinatang estudyante sa open grounds ng paraalan para sa flag ceremony. Lahat nag-aayos ng kasuotan (strikto nga kasi ang principal), nagpapakatino (saglit lang naman), at sinisigurong tama ang pagkakahawi ng kanilang buhok kundi diretso silang opisina (sa totoo lamang ay gusto rin nila ito dahil maiiwasan ang klase).

Isa si Joven Hernando sa mga huling pumasok ng gate bago ito maisara at kung sinumang hindi umabot ay late na. Bitbit nito ang kahon ng cake na binili niya kagabi para sa kaarawan ng kanilang adviser. Pagdating sa grounds, pumila ito sa may likod. Naroon na ang iba pang estudyante ng IV-Magdalo, nagbubulungan habang hinihintay ang paghahanda ng watawat.

“Uy Joven!” bati sa kanya ni Miong. “Nakabili ka?”

Itinaas ni Joven ang kahon at nag-thumbs-up. Tila nakahinga nang maluwag si Miong. Natural na kasi sa presidente na mag-alala’t baka may makalimot ng plano. Itinuon na muli ng dalawa ang pansin sa harap. Nasa puwesto na ang bandang tutugtog ng pambansang awit nang marinig ni Joven ang malakas na bulong ni Rusca sa kanyang tabi.

Keep reading

Tropa, tropa sino-sino ba sila?
  1. The Leader - Sila yung laging nag-seset ng date ng gala, nag-seset ng mga surprises para sa isang ka-tropa at siya yung laging pinapakinggan ng karamihan. Kung wala siya, walang patutunguhan ang tropahan niyo.
  2. The Megaphone - Pinakamaingay sa buong tropa, pinakamalakas ang loob na magtanong sa mga tao sa tuwing naliligaw kayo ng landas. Siya rin yung sobrang lakas ng boses akala mo nasa kabilang bundok yung kausap.
  3. The Moody - Maya-maya ang kulit–ang hyper, tas maya-maya nasa sulok na, biglang tahimik. Para silang mga Chinese. Hindi mo maintindihan.
  4. The Pa-VIP - Sila madalas yung late sa tuwing may gala kayo. Tas minsan gusto niyo mag-jeep para makatipid tas siya gusto niya mag-FX. Madalas kainisan dahil sa kaartehan.
  5. The “go with the flow” - Kung saan masaya ang tropa, doon siya. Sila madalas yung hindi hinahanap ng nanay nila kasi kaya niyang gumawa ng mga pangmalupitang palusot.
  6. The Kuripot - Lahat na ng ka-tropa nila nanlibre na, sila nalang yung hindi. Ayaw maglabas ng pera. Karaniwan niyang palusot: “Pamasahe ko nalang ‘to eh.” minsan naman “Next time nalang, guys. May pinag-iipunan pa kasi ako eh.” Mukha mo!
  7. The Bully - Pinakasadista sa tropa, yung tipong hindi ka titigilan hangga’t di ka naiiyak sa inis dahil sa pang-aasar niya. Sila rin yung maraming baon na pangbara sa mga pang-aasar mo sakanya.
  8. The HugotLord - Parang laging broken, eh wala namang lablayf. Yung tipong may nahulog lang na dahon, huhugot na ‘yan. “Kawawa naman yung dahon, nahulog na nga, wala pang sumalo.”
  9. The Engot - Yung aanga sa tropa, madalas na nabu-bully sa tropa. Well, sabi nga nila; “Hindi masaya ang tropa kung walang engot na kasama.” Kaya kahit gaano pa s’ya ka-engot kasama pa rin siya sa mga gala niyo.
  10. The Richkid - Madalas nanlilibre, madalas sa bahay nila ginaganap sa tuwing may movie marathon kasi may home theater sila. At masarap talaga tumambay sa bahay nila kasi bukod sa malakas aircon, mabilis din wifi nila.

Ikaw saan ka nabibilang sa nabanggit?

  • Her: Nasaktan na ko noon, ayoko ng masaktan pa ulit. Alam ko naman na may gusto siyang iba. Sa dinami dami ng lalaki bakit sa kanya pa? Wala siyang ginawa kundi asarin ako. Hindi ba niya alam na imbis na mainis ako ay nahuhulog na ko? Ayokong magkagusto sa kanya dahil alam ko, alam ko hindi niya ko sasaluhin. Masasaktan lang ulit ako.
  • Him: Hindi ko maamin sa kanya kaya dinadaan ko na lang sa biro at pang-aasar. Hindi ko maamin sa kanya dahil natatakot ako na masaktan ko siya. Natutuwa ako sa tuwing napipikon siya. At kahit na yung pag-aasaran lang namin ang naaalala ko, sa tuwing naiisip ko yun, natutuwa ako. Mahal ko siya pero hindi ko magawang maamin dahil alam ko iba ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya sa'kin.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 20

Nakauwi na sila sa bahay ni Julie at masaya silang nagkkwentuhan na dalawa habang nanunuod ng movie.

“Alam mo ba, pati si Thor nadepressed nung wala ka. He missed you kaya.” sabi ni Julie. Napangiti si Elmo at saka kinalong ang aso ni Julie.

“Really? You missed me buddy?” tanong niya sa aso at kumahol naman ito at dinilaan siya sa mukha.

“Hey! That’s mine, Thor!” saway ni Julie sa alagang aso tsaka pa mahinang pinalo ang nguso nito.

“H, grabe ka.” sabi ni Elmo kay Julie habang nagpipigil ng tawa.

“Aba. Kung ikaw bawal sayo na lumapit ako sa ibang guys, bawal ka din no. Kahit aso ko pa yan. Akin lang yan!” she said as she points his face.

“Possessive ha?”

“Wow! Nagsalita ang hindi! Gusto mo refresh ko sayo lahat ng sinabi mo saken kanina? Ha?” pang-aasar ni Julie sa kanya.

“Hahaha. Sabi ko nga possessive din ako eh. Ikaw naman di mabiro.” sabi ni Elmo. Binaba niya si Thor sa sahig at saka niyakap si Julie at pinupog ng halik sa mukha.

“Yuck, Elmo! Amoy aso ka!” reklamo ni Julie. Tumigil si Elmo sa paghalik sa kanya at saka siya tinignan ng nakakaloko.

“Amoy aso pala ha?!” sabi niya saka na hiniga si Julie at kiniliti. “Sinong amoy aso?! Sino?!” asar niya habang patuloy na kinikiliti ang dalaga.

“Hahahahahaha. Shit. Elmo stop! Hahahahahahaha. H-hindi na ko makahinga!” tumatawang sambit ni Julie habang pinipigilan ang mga kamay ni Elmo na kumikiliti sa kanya.

“Ano munang amoy ko?!” asar pa rin ni Elmo.

“Hahahahahahaha! Mabango na. Di ka na a-amoy aso. J-just stop! Hahahahaha.”

Tumigil na si Elmo sa pangingiliti tsaka tinulungan si Julie umupo ng maayos.

“Good. Akala ko mag-iinarte ka pa eh.” sabi ni Elmo.

“Kadiri naman kasi. Dinilaan ni Thor yung pagmumukha mo tapos manghahalik ka?” sagot ni Julie.

“Haha. Eh kasalanan ko bang nababakla si Thor sa akin?” sabi naman ni Elmo. Tinignan siya ng masama ni Julie at tinaasan pa ng isang kilay.

“Anong sabi mo?” tanong ng dalaga sa kanya. “Hinawa mo naman yung aso ko sayo. Hahaha.”

“Aba’t!” akmang kikilitiin nanaman sana niya si Julie nang salubungin siya nito ng halik. Nagulat siya kaya natawa ang dalaga.

“Hahahaha. Whattaface, H. First kiss lang ang peg?” asar naman ni Julie.

“Nagnanakaw ka ng halik. Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa ginawa mo? Ha?” banta niya.

“Pakulong mo. May pang-bail ako.” ani niya.

“Ah ganun ha!” sabi ni Elmo. Kinulong niya sa mga bisig niya si Julie at saka niya hiniga ang mga katawan nila sa sofa. Humahagikgik naman si Julie saka na sinuklian ang yakap niya.

“Dito ba ko makukulong?” Julie asked. Tinitigan niya ang dalaga at saka ito nginitian. “Kasi kung dito ako makukulong di bale nang mabulok sa kulungan. Basta sa mga yakap mo lang ako makukulong.” sabi niya.

“Ganun? Kahit di ka na magtrabaho ayos lang? Kahit di na tayo umalis dito okay lang sayo?” tanong niya. Tumango ang dalaga saka siya nginitian.

“Basta ikaw kasama ko, ikaw ang katabi ko, ikaw ang kayakap ko, ayos na ayos na ko. Feeling ko ako na pinakamayamang tao sa balat ng lupa.” she said. Napangiti naman si Elmo at saka siya hinalikan sa noo.

“Ako din. Yung moment na tinanggap mo kung sino at ano ako, I felt like I’m the richest guy on Earth. Parang mas mayaman pa ko kay Prince William, Oprah, Ellen, Manny Pacquiao, Pres. Obama in one. Kasi sila, they have all the money in the world. Pero wala naman silang Julie Anne San Jose sa buhay nila.” sabi naman niya.

“I love you baby.” Julie said and snuggled up to him saka pa nito hinalikan ang jaw niya. “Mahal na mahal kita.”

“I love you too, H. Mahal na mahal na mahal din kita.” sabi naman ni Elmo.

“Julietaaaaa! Pakape kami ni Marie Frencheska M— Ayy!!” napapitlag silang dalawa nang makita si Sef na nakatayo sa likod ng sofa na hinihigaan nila. Mataray itong nakatingin sa kanila habang ang isang kamay ay nakapatong sa dibdib niya na akala mo ay gulat na gulat sa nadatnan. “Sabi sayo Maq eh! May mga pusang naglalampungan sa bubong!” sabi nito sabay higit kay Maqui na papasok pa lang ng bahay.

“Sef?”/ “Maq?” sabay na sabi ng dalawa.

“Ay kaloka. Rehearsed lang sa pagkakasabay.” sabi ni Sef. Tumingin naman si Maqui sa kanila at napangiti.

“Hahahaha. Tama ka nga, bakla. May mga pusang malalandi nga. And baka naistorbo natin sila. Dun na lang tayo sa bahay.” sabi naman ni Maqui habang tumatawang hinahatak si Sef palabas.

“Eeeeeh!! Ayaw ko dun. Ditey tayiz sa baler ni Julieta. Aba babaita, hahayaan mo lang sila alone?! What if makabuo sila over here and andun tayo over there sa inyo? Friend, hindi pa ready maging ninang ang lola mo.” sabi ni Sef kay Maqui.

“Hahaha. Sef, matatanda na sila. Right age na kaya sila to have a baby. Tsaka teka nga. Kakasagot lang naman ni Julie sa pinsan ko. Ang advance mo mag-isip bakla ka!” sabi naman ni Maqui.

“Uhm… Magkakape ba kayo? Tara dun tayo sa kitchen.” istorbo naman ni Julie sa dalawang kaibigan. Tumingin sina Maqui at Sef sa kanila.

“Ay! Alam mo bff, sa lahat ng sinabi mo, yan ang pinakabet ko. Tarabels!” sabi ni Sef tsaka na sila naglakad na apat papuntang kusina.

*****

Nakaupo na silang apat sa bar counter habang nagkakape. Tinitignan pa rin sila nina Maqui at Sef.

“What?” tanong ni Elmo nang mapansing di sila tatantanan ng dalawa sa mga nakakalokong titig nila.

“Wala naman, Moe. Natutuwa lang ako kasi finally bati na kayo and kayo na.” sagot ni Maqui.

“Ako, wit akiz happy shalala sa inyo.” sabi naman ni Sef.

“John Paul Joseph!” sabay na sabi nina Maqui at Julie.

“Oh. Ikaw ba naman makitang more more pa sa lampungan mula elevator hanggang office at aba friend di pinalagpas ang bahay?! Sinetch ang matutuwa? Wit akiz nakapagkape on time alamoyun?!” angal niya. “Mga malalanding to. Di makapagpigil?!” tanong niya sa kanilang dalawa ni Elmo.

“Hahaha. Bakla ang OA mo.” sabi ni Julie sa kaniya.

“OA ka diyan?! Di ah. Kalokang to.” irap naman ni Sef.

“Teka nga. Bakit ba dito niyo naisipan makikape? Iniwan ka namin sa office nagkakape ka. Tapos makikikape ka nanaman dito sa bahay?” pagtataka ni Julie habang nakatingin kay Sef.

“Hahahaha. Nagkwento kasi tong si Sef saken kanina. Sabi niya nga may malalanding pusa daw siyang nawitness sa elevator ng office building niyo. Ang bakla, nagrereklamo kasi di nga daw siya nakameryenda on time at baka daw pumanget ang lola niyo. Tapos nung nagmeet kami kanina after ko sa resto, ayan. Nagyaya dito at may masamang kutob daw siya. Hahahahaha.” kwento ni Maqui.

“Oh bakit? Kung wit akiz nagyaya ditey baka may nangyaring kababalaghan na no?” sabi ni Sef.

“Hahahaha. Sef, wala naman kasing nangyayari. Para kang tanga diyan.” sabi ni Elmo na kanina pa nagpipigil ng tawa sa inaasta ng bestfriend ni Julie.

“Elmo, wala PA! May emphasis sa PA. Eh kung di kami dumating? Mamaya niyan…” he trailed off.

“Hahaha. Bakla, sasabihan naman kita kapag magddo kami ni Elmo.” asar naman ni Julie sa kanya.

“Yuuuuck! Save it, bff. Eww ka ha?” nandidiri kunyaring sabi niya.

“Hahahaha. Ang overprotective mo naman kasi kay Julie, bakla. Kasama yan sa relationship no. Pavirgin ka pa eh.” sabi ni Maqui sa kanya.

“Maqui, di pa nga kasi akiz ready.” sabi niya.

Tumawa silang tatlo sa kanya.

“Bakla, di naman ikaw ang bubuntisin. Ako naman. Tagabili ka lang ng pagkain ng magiging baby namin. Hahahahahaha.”

“Oh see?! Maqui! Gagawin akiz yaya ng junakis ni Julieta. My gosh! My beautiful being?! Sa ganda kong to, yaya lang ako ng junaknak mo? No way!”

“Ang arte!” sabi ni Maqui sabay binatukan si Sef.

“Hahaha. Sef, kapag naman nabuntis ko si Julie, sisiguraduhin ko namang hindi kayo masstress. Syempre ako mag-aalaga sa kanila ng baby namin.” sabi ni Elmo.

“Ay. Dramahan na ditey. Joke lang kasi yun! Hahahahaha. Elmo, kahit isang dosena pa anak niyo, keriboomboom ko no. Willing akiz maging ninang ng mga bata. Spoiled pa saken yan.”

“Grabe ka sa isang dosena! Masaya na ko sa isa, Sef.” ani Julie.

“H, isa lang?!” protesta ni Elmo.

“Oh bakit?”

“Gawin naman nating 2.”

“Ay. Nakakapagod manganak kaya. Napapanuod ko sa tv kapag nanganganak akala mo ikamamatay eh. Tsaka magiging losyang ako!”

“Hahaha. Di ka naman lolosyang, Jules. Sa ganda mong yan?” sabi naman ni Maqui.

“Friend, wag na choosy. Pag nagustuhan mo naman hahanap-hanapin mo din. Pavirgin ampota!” sabi ni Sef. Hinampas naman siya ni Julie at saka pa kinurot.

“Gago ka!”

“Oh bakit? Bet mo ikwento ko kay Elmo yung cry me a river moment mo nung nagpunta ka sa condo? Hahahahaha.”

“Ano yun?” pagtataka nina Maqui at Elmo. Nanlaki ang mata ni Julie saka na pinasakan ng tinapay ang bibig ni Sef.

“Wala yun! Niloloko lang kayo ni Sef. Hahaha.” sabi niya. Pinanlakihan niya ng mata si Sef na kasalukuyang ngumunguya ng pagkain. “Diba, Sef?”

“Oo. Waley ever yun. Umiyak lang naman kasi siya kasi nga binitin mo daw gago ka.”

“SEF!!!” sigaw ni Julie. Tumawa sina Sef, Elmo at Maqui. “Pakshet ka!”

“Hahahaha. H, gusto mo ituloy natin ngayon?” sabi naman ni Elmo.

“Ay! Aaction na sila, Maq. Gorabels na tayiz!” sabi ni Sef saka na hinatak si Maqui paalis. “Byers na!”

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 5

“Sure.” Elmo said. “I’ll help you make good memories here.” Julie looked at him, surprised. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pagbblush. Iba kasi ang dating nun kapag galing kay Elmo.

“T-thanks.” she said.

“No problem. That’s what friends do diba?” sabi nito. Tumango naman si Julie. “So. Why don’t you tour me around the house para alam ko kung anong dapat nating gawin.” he said.

“Okay. Tara sa loob!” they walked towards the main door at saka pumasok sa loob. Malaki ang bahay. Halatang mayaman ang mga nakatira doon dati. Everything around the house looks elegant.

“You got a big house.” Elmo said.

“Yeah. So imagine kapag kami lang ni lola dito pag wala sila mama. Aalog-alog. Hahaha.” Julie laughed. She looked to her right and saw the living area. Para niyang nakita ang sarili niya 8 years ago. She could imagine her grandma sitting on the couch habang nagbuburda or her mom drinking tea. Nakikita niya ang sarili habang nakikipagkwentuhan sa kanila everytime she comes home after school. They looked happy.

“Oh. Umiiyak ka nanaman.” Elmo said.

“Wala.” mabilis niyang pinunasan ang luha niya. “Namiss ko lang yung dati.” sabi niya. “Tara dun.” pagyaya niya. Naglakad sila at bumaba ng 3 hakbang at saka sila pumasok sa isang glass door. Pagpasok nila, bumungad ang dining area. Merong mahabang mesa. Elmo thought that it’s a 12-seater dining table. May framed paintings and a tv set.

“Dito sa dining area sobrang daming memories. Family gatherings, parties, and madami pa. My grandma would invite her friends over every Sunday to have lunch here. Masaya grabe. Tapos dito…” Pumasok sila sa isa pang set ng glass doors and they entered the kitchen. Hindi na siya modernized kitchen but it was still beautiful. “Favorite ko tumambay dito. Mahilig kasi magbake si mommy so lagi akong nandito.” she said habang pinadaan ang kamay sa marble countertop.

“Your kitchen looks nice.” he said as he roamed his eyes around the room.

“Wait til you see this.” she said. “Tara.” Lumabas sila ng kusina then ng dining area. Tapos naglakad sila sa hallway and into a room. “This is my favorite part of the house.” she said. Elmo’s jaw literally dropped. The room was surrounded by glass and the only thing in there was a grand piano.

“Wow.” he said.

“Dito kami nagbbond ni papa. We would play the piano until mom would call us for meal. Dito na ko halos tumira. And I can still remember every song my dad and I played here.” she said. Umupo ito sa harap ng piano and started playing something. It was a familiar tune. Something Elmo heard when he was a kid. Something his mom would sing for him everytime he’s being beaten by his dad. Something he and his mom shared…

“In the arms of the Angels fly away from here
From this dark, cold hotel room, and the endlessness that you fear
You were pulled from the wreckage of your silent reverie
You’re in the arms of the Angels; may you find some comfort here” she sang.

He wanted to cry dahil bigla niyang namiss ang mommy niya. He hasn’t seen her since he started college here and since they migrated in the States about 6 years ago.

“In the arms of the Angels fly away from here
From this small, cold hotel room, and the emptiness that you fear
You were pulled from the wreckage of your silent reverie
In the arms of the Angels; may you find some comfort here

You’re in the arms of the Angels; may you find some comfort here”

Nakita nanaman ni Elmo na tumutulo ang mga luha sa mata ni Julie. Lumapit siya rito and wiped her tears away.

“Iyak ka nang iyak. Baka mamaga yang mata mo.” he said.

“Sorry. Obvious bang daddy’s girl ako?” she asked. Natawa si Elmo at saka tumango.

“Yes. Halata sayo.” sabi niya and ruffled her hair.

“Hmp. Tara sa taas. Ipapakita ko lahat ng rooms sayo.”

*****

After nila sa bahay ay masayang umuwi ang dalawa. Thor was sleeping at the backseat of Elmo’s car. Si Julie naman nakatingin sa labas ng bintana.

“5 years ka na hindi nakatira sa bahay na yun and yet you left it untouched. Bakit hindi mo pinahakot yung mga gamit?” Elmo asked. Bigla namang tumingin si Julie sa kanya.

“Ayoko lang. Alam ko kasi babalik-balikan ko pa din yung bahay.” she said. Elmo nodded. “Aalisin ba natin lahat ng gamit dun?” she asked.

“Hm. You can save anything you want. Pero if you really want a new home, a new atmosphere then yes. We have to change all the furnitures.” sagot niya. Tumango na lang si Julie at saka nagbalik ng tingin sa labas ng bintana.

“I just… I don’t want to let them go.” she said habang malayo ang tingin.

“You have to let them go Julie. Para maging masaya ka na talaga.” he said. “And besides, they’ll be watching over you.” he added.

“Thank you.”

*****

Elmo’s locked in his room for almost the whole day. Si Maqui nagtataka na. She went to work early and got home na gabi na pero mukhang hindi lumabas si Elmo sa kwarto niya. Wala naman kasing kahit anong gamit ang nagalaw. Ni hindi nga nagalaw ang mga pagkain sa ref. Maqui went upstairs to check on her cousin. She opened the door and found him in front of his computer. Abala sa paggawa ng design ng isang bahay.

“Wow. Para kanino yan?” she asked. Nagulat si Elmo when he saw Maqui standing behind him.

“Uy! Kanina ka pa?” he asked, removing his eyeglasses.

“Nope. Kakadating ko lang. Kumain ka na?” tanong niya pa.

“Yeah. I ordered pizza kanina.” he answered and faced his computer again. Maqui watched as he typed different codes and as each code represent a window, a door or any other home feature.

“New project?” she asked.

“Yeah.” sagot naman ng binata. “Hm. You think this would be enough?” tanong niya. Maqui looked at the 4D picture on the monitor.

“Walang bubong, Elmo.” she said.

“Hahaha. Gaga! Malamang wala pa. Eh hindi pa tapos yan eh.” he replied.

“Haha. Sorry naman, ineng. Maganda ha. Parang dream house ko lang.” she said. “Sinong client yan?”

“Si Julie.” he replied habang nagttype ulit.

“Julie?” gulat na tanong ni Maqui.

“Oo. Bakit?”

“Wala lang. Wala naman kasing nabanggit sa akin na magpapagawa siya ng bahay.” she said.

“Eh biglaan ata. It’s actually their ancestral house sa Antipolo. She wants a major renovation. Kaya yan. Being a good friend, I told her na tutulungan ko siya sa design ng bahay.”

“So siya nagsabi ng mga yan?” tanong ni Maqui habang tinuturo ang iba’t ibang kwarto sa monitor.

“No. She told me na I should just surprise her.” he winked at Maqui at natawa naman ang pinsan.

“Hahaha. So when are you guys planning to start the construction?” Maqui asked.

“Hm. Wala pa. By Saturday aalisin na namin ni Julie lahat ng gamit. Then Sunday siguro lilinisin na yung bahay. Then maybe after maprocess yung building permit and estimation and mapasign sa engineers and sa akin and kay Julie lahat, we can start the construction.” Elmo explained.

“Tagal pa pala. But can I come with you pag naghakot kayo? I want to help.” she volunteered.

“Alright! Sabihan ko siya.” Elmo said.

“Okay! Osige na. I’m going to sleep. Good night, cousin!” paalam ni Maqui.

“Night, Maq!” at saka na lumabas si Maqui sa kwarto niya.

*****

Saturday came and Julie was happy to see not only Elmo but also Maqui and Sef na ready din maghakot sa bahay nila dati.

“Friend ikaw ha. Wiz ka nagsasabi sa akin na may baler ka pala sa Antips. Aba. Kung wit pa magkkwento itong si Elmo kay Maqui, wit ko pa malalaman!” reklamo ni Sef.

“Bakla, wag ka na magreklamo. Alam mo na diba? Aarte pa?” Julie said. Natawa naman sina Maqui at Elmo sa pagtatalo ng dalawa.

“Sabi ko nga bff eh. Zip mouth na ang beauty ko.” sabi ni Sef.

“Tara na.” pagyaya ni Elmo.

They all decided to ride his car since it’s a pick-up car at may mailalagay pa sila sa likod na mga gamit na ayaw itapon ni Julie. They’re all excited for this project. Hindi lang dahil may bagong bahay na itatayo but also because this serves as their bonding para makilala ang isa’t isa.

Pagdating sa Antipolo ay napanganga sina Maqui at Sef sa bahay.

“Friend, sureness ka bang sa iyo to?” Sef asked.

“Oo. Bakit?” Julie asked.

“Friend pang rich kid to eh. Poorita ka diba?” pang-aasar nito kay Julie.

“Gaga!” was all Julie said.

“Hahaha. Joke lang yun friend. Ikaw naman pikon masyado.”

“Pero wow Julie. Palace ba to?” Maqui asked.

“Hahaha. It’s just a house Maqui.”

“Just a house?! Ay kaloka ever ang bff ko Frencheska. Wag mo kausapin.” sabi ni Sef kay Maqui.

“Kayong dalawa diyan! Di pa ba kayo papasok?” Elmo yelled. Tsaka lang narealize ng dalawang kaibigan na sila na lang pala ang nasa labas.

Pagkapasok nila sa loob ay mas lalong napalaki ang pag-nganga nila. They can’t believe that Julie would throw everything inside para pagawan ng bagong bahay ang lugar. Mukha naman kasing okay pa ang mga gamit. And obvious na hindi naman nagagamit.

“Girl, itatapon to?” Maqui asked.

“Actually, I’m planning to hold a garage sale. Kung anong mabenta edi go. And if may tira then yun na lang ang ididispose.” Julie answered.

“Ay bet! Parang maganda bff, isang day next week natin yan gawin. Off tayong dalawa sa work then gorabels tayo sa pagbenta ng furnitures mo. Odiba? Bongga!!!” excited na sabi ni Sef.

“Yeah. That’d be great. I’ll help.” Elmo volunteered.

“Me too!” sabi pa ni Maqui.

“Haha. Thanks guys.”

Nagsimula na sila magligpit. Tumawag si Elmo sa opisina at nagpadala ng trucks to carry all the furnitures para dalhin sa warehouse ng opisina niya.

Abala sila sa pagliligpit sa iba-ibang kwarto nang makarinig sila ng sigaw.

“Aray!” it was Julie at agad na tumakbo si Elmo para tulungan siya.

“Anong nangyari?” he asked. Nakita niyang nagdudugo ang kamay ng dalaga.

“Ay nako. Sabi ko naman friend ang katangahan iniiwan sa bahay.” Sef said.

“Sef.” Maqui warned. Hinatak na lang ni Maqui si Sef pabalik sa taas.

“Eh kasi yung baso. Hindi ko napansin na may basag na pala. Ayun. Natibo ata ako.” sagot niya na halatang nanginginig ang boses.

“Teka wag kang magulo.” Elmo said. Umalis ito saglit at pumunta sa cr para kunin ang first aid kit at saka bumalik kay Julie. “Akin na kamay mo.” he said pero ayaw ibigay ni Julie.

“Bakit?” Julie asked. Sa totoo lang kanina pa niya gustong mahimatay dahil takot siya sa dugo pero nahihiya siya kay Elmo. Baka isipin na weak siya.

“I’ll check kung may naiwan na tibo sa kamay mo.” sabi ni Elmo sabay hawak sa kamay niya. “May parang tumutusok ba?” tanong niya. Umiling lang naman si Julie.

“W-wala.” she said.

“Sure ka?” tumango lang ito. Elmo looked at her hand at nang masigurong wala ngang tibo ay hinugasan at pinahiran niya ito ng gamot. Tapos nilagyan ng bandage ang sugat sa kamay ni Julie. “Ayan. Okay na.” he said.

“Thanks.”

“Mag-ingat ka kasi. Wag ka na dito magligpit. Ako na bahala. You go help Maqui na lang to pack the books sa kwarto mo.” he said. Tumango na lang si Julie at saka na umakyat ng kwarto to help Maqui.

“Ang dami mo namang books, Jules.” Maqui said habang isa-isang binabasa ang mga title ng libro niya.

“Bookworm ako nun. Kaya ayan. Mas mukhang library yung room ko than a typical bedroom.” she narrated.

“Hahaha. Mukha nga eh.” natatawang sabi ni Maqui. “I have a question.”

“Shoot.” she replied.

“Your house still looks nice. Bakit biglang naisip mo iparenovate?” tanong nito.

“I just want to create new memories here. Ayoko na ng malungkot. Gusto ko masaya na uli yung bahay.” she said. Tumango na lang si Maqui and smiled.

“And you thought that my cousin will be part of the new memories you’ll be creating here?” Maqui asked. Napayuko si Julie at napangiti.

“If he wants. Then yes.” she said.

“I’m sure gusto niya. He wouldn’t be spending all of his time making your house beautiful if he doesn’t diba?”

*****

“Psst.” Sef called him.

“Bakit?” he asked habang inaalis sa walls ang mga paintings.

“Anetch ka ba talaga? Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy?” tanong nito.

“Huh?”

“Anetch ang gender mo?”

“Bakit?”

“Basta! Sabi nila kapatiran daw kita. And smell din naman kita ng very very light. Pero sa actions mo, I can see that you like my bff ng major major! So… Anetch ka ba talaga?” tanong nito. Huminga ng malalim si Elmo at saka tumingin kay Sef.

“I am confused. Pero hindi ako bakla. I get attracted to girls but not with boys.” he said.

“Hmp. Sabagay. Wit ka naman fflirt sa bff ko kung kabagang kita eh.” he said.

“Me? Flirting with Julie?” pagtataka ni Elmo.

“Oh bakit? Kala mo ha. Nasight ko kaya kayo nung party. Bulungan overload at more more pa sa hhww. Ay kaloka!” hindi makasagot si Elmo. “Oha. Nanahimik ka no? Hahaha. Friend di naman ako kokontra sa iyo.” he said.

“Haha. Sabi ni Julie hindi ka daw pumapayag na ligawan siya.” Elmo said.

“Akiz? Ay oo. Pero kasi naman friend. Itry mo naman ang suitor niya parang naubusan ng toothbrush sa grocery at sobrang deadly ang breath!! Tapos may isa naman ay friend! Amoy giyera na amoy kahapon na amoy alimuom. At heto ang the best! Nako di mo kakayanin to!” sabi ni Sef at saka pa hinampas-hampas si Elmo.

“Ano?” tanong nito na nagpipigil na ng tawa.

“Friend yung isa, siguro nung nagsabog si Lord ng kaitiman, nasa bubong siya nagkakape.”

“Hahahaha. Grabe ka naman Sef.” he said.

“I’m saying the truth! Kaya ikaw, pakatotoo din ha? Julie hates liars.”

“I’m being honest naman sa lahat eh.”

“Just warning you. Bawal sinungaling sa bff ko.” he said.

*****

“Guuuuuuys! I ordered pizza!” Sef said in a sing-song voice. Hindi pa sila tapos magligpit pero lunch na kasi at wala pa silang kain mula kaninang umaga. Buti naisipan ni Sef magpadeliver kaya ayan. May kakainin sila.

“Naks. Ikaw talaga hindi makatiis yang anaconda mo na hindi kakain eno?” Julie teased.

“Wag kang kakain, Julieta ah. Wag ka lalafang! Jojombagin kita.” banta naman ni Sef sabay sara sa box ng pizza.

“Hahaha. Sef, we’re all hungry. Bigyan mo na si Julie.” sabi ni Elmo.

“Oo nga bakla. Bigyan mo na. Parang di bff oh.” sabi naman ni Maqui.

“Hmp! Oh yan na. Baka ipadalaw mo akiz kanila tito ay! Wit ko bet yun.” he said and passed the box to Julie.

After nila kumain ay nagpatuloy na sila sa paglilinis. Si Julie laging nasa tabi ni Elmo. Hindi naman umaapila si Elmo. Gusto niya din eh.

Nasa glass room sila looking for things na iddispose. Julie sat on the piano chair as her eyes roamed around the room.

“I’m gonna miss this place.” she said. “Moe?” tawag niya kay Elmo.

“Hm?” sagot ng binata habang tinitignan ang mga pictures na andun na sure siyang itatago ni Julie.

“Uhm… Lalagyan mo ba ng glass room yung bagong bahay?” tanong ni Julie.

“Hm. Gusto mo ba?” he asked sabay tingin sa dalaga. Nagkibit-balikat naman ito.

“I don’t know. Gusto ko na parang ayaw.” she said at saka pa mahinang tumugtog sa piano. Tinabihan siya ni Elmo and watched her as she tapped each key.

“Bakit naman nagdadalawang-isip ka?” he asked.

“I want to have a room like this kasi dito ako nakakapagrelax. Pero ayaw ko because I’m missing my dad so much…” she said. Napangiti naman si Elmo.

“Masaya ba maging daddy’s girl?” he asked.

“Hm. Sakto lang. Masaya kasi lahat ng gusto ko binibigay. Pero minsan hindi din. He’s overprotective. Ayaw niya ko makipagfriends sa boys. Sa sobrang ayaw niya, he enrolled me at an all-girls school from pre-school hanggang highschool.” kwento niya.

“Hahaha. Pero having a dad is the best pa din.” Elmo said.

“Bakit? Diba you have a dad? Nasa US sila with your mom and brother diba?” she asked. Napangiti si Elmo saka pumindot sa piano keys.

“My dad never loved me.” he said. Nagulat si Julie sa narinig.

“Impossible. Every dad loves his child.” she said.

“Not him. Si kuya lang ang mahal niya. Ayaw niya sa akin because he thinks that I am gay.” he said. Hindi naman kumibo si Julie. “He would beat me up everytime he sees me.” gusto na niyang maiyak dahil parang sa bawat kwento niya at pag-alala sa nakaraan, he can again feel every punch his dad gives him. At hindi siya makahinga.

“Wag ka na umiyak. Ano ba yan. Nahawaan na kita sa pagkaemo ko.” sabi ni Julie sabay yakap sa kanya. “Don’t cry, Moe. Andito naman kami for you eh.” she said tsaka pa pinunasan ang luha sa mata ni Elmo.

“Yeah. I’m happy to have friends like you guys.” he said.

“Good. Tara labas na tayo. Gabi na oh. Uwi na tayo.” she said and held his hand.

“Okay. Uwi na tayo.”

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 2

“Sisters! Kapatiran! Kabagang! Ka-federation! Bakla siya friend! Bakla!” Sef yelled.

“Grabe ka naman sa kanya, Sef.” Julie told him.

She was a little hurt dahil parang na-love at first sight siya kay Elmo. Yes she admits. Gwapo nga kasi and mukhang mabait. And ayaw niya tanggapin that Sef would think Elmo’s gay.

“Sorry to break your heart this early bff. Pero di mo ba nasmell?” Sef asked. Umiling naman si Julie at saka napasalampak sa upuan.

“Hindi siya bakla Sef.”

“Ay kaloka! Osige. Dare tayo bet? Kung hindi siya kapatiran, then I’ll help you pa with him. Pero if he’s like yours truly, then miss movin’ on ka na okay?” he said.

“Fine.” she said, determined to win their bet.

“Oh. Gorabels na akiz ha? Gorabels pa akiz kay mudra. Lamona. Birthday eh.” Sef told her saka na bumeso sa kanya.

“Alright. Happy Birthday kay tita okay? I texted her already. Sinabi ko di ako makakapunta sa inyo.”

“Okay friend. Ingat ka pag-uwi ha? Tanga ka pa naman. Hahahaha.” asar ng kaibigan tsaka na nagmadaling umalis sa location.

She bid goodbye to the whole team tsaka na rin siya umalis sa location. Napagod siya kahit pa nakaupo lang naman sila ni Sef while the others go about their work. Nastress kasi siya dahil siyempre di maiwasan ang aberya sa shoot.

She entered her garage and was about to open her main door nang makarinig ng paparating na kotse. She was curious on who would the owner be. Halata kasing bago lang niya nakita ito sa village nila. Hinintay niyang bumaba ang driver and was surprised to see who it was.

“Elmo?” her heart started beating faster. Natutuwa siya na nagtataka why this guy’s here. Could it be that he likes her too? Pero mahirap mag-assume. Hindi naman niya sinabi rito ang address niya. So why is he here?

She walked up to her gate and called his attention.

“Arch. Magalona what are you doing here?” she asked. Sakto lumingon ito sa kanya.

“Oh. Hi, Julie!” bati nito. “I live here.” turo niya sa bahay sa tapat. Tinignan ni Julie ang bahay na tinutukoy nito.

“Maqui’s house?”

“Yeah. You know my cousin?” he asked. Cousin. Buti na lang pinsan lang. Akala niya kasi… Nevermind.

“Ah. Yeah. We’ve been neighbors for 5 years. Magpinsan pala kayo? How come I only saw you now?” pagtataka nito.

“I just moved in yesterday morning. Galing kasi ako sa Cebu for a project and since wala pa naman akong makitang bahay, my cousin offered her house for me to stay in.” he replied.

“Oh alright. Nice to meet you new neighbor!”

“You too!” he replied at saka na pumasok sa loob. Napangiti naman si Julie at saka na pumasok ng bahay niya.

She dialled Sef’s number and waited for her dearest bestfriend to answer her call.

“What is it, Julie Anne?” Sef said on the other line.

“He lives here bakla.” she answered, sounding excited.

“Huh? Sinetch?” he asked.

“Elmo!” Julie announced.

“What?! As in over there sa baler mo girl?” gulat na tanong ni Sef. “Grabe ka naman friend. Desperate much?”

“Gaga! Sa tapat kasi. Sa bahay ni Maqui.” she said.

“Ay! Wala na girl. Girlfriend pala si Maqui. Kalukadidang ka lang niyan.”

“Bobo naman Sef. Magpinsan kasi sila.”

“Oh pero smell ko pa din siya so di pa din kayo mtb.”

“What’s mtb?”

“Meant to be! Mga tanong naman friend. Bobo ka na ba? Ha?” mataray na tanong nito.

“Grabe ka naman talaga sa akin Sef. Ang sama mo talaga.” she said.

“Hahaha. Charot lang. Oh anetch pa ang news mo?”

“Wala na. I just called to tell you na we’re neighbors.” she replied.

“Alright. Observe his every move ha? Remember friend ang bet natin. Okay?”

“Fine fine. Whatever. Sige na bakla. I have to sleep na. Maaga pa tayo tomorrow.” and she hung up the phone.

*****

“Maq, I’m home!” Elmo said the moment he got in.

“Hey there, cousin! Anyare sa site mo?” she asked.

“Ayos naman. Almost done na sila. Ikaw? What did you do today?” Elmo asked. He and his cousin, Maqui are the best of friends. Sobrang close silang magpinsan and they are inseparable since birth. Sila lang kasi ang magkaedad sa kanilang magpipinsan. And sabay din sila lumaki.

“Well, busy sa resto kanina. Ang daming customers.” Maqui said. Busy itong magluto while Elmo sat on the bar stool on the bar counter in the kitchen. He loves watching his cousin cook. Ang saya kasi panuorin nito. Halatang nag-eenjoy sa ginagawa.

“Good to hear.” he said. “Hm. Nga pala Maq, yung neighbor mo sa tapat?”

“Si Julie? Oh. What about her?” Maqui asked saka pa tumingin sa kanya.

“I worked with her kanina.” he answered. He took a cookie and ate it.

“Really? Paano?”

“Remember nung nasa Cebu ako, someone offered me a modeling stint for a magazine?”

“Yeah. I remember that pero tinanggihan mo kasi nga dito sa Manila yun and you had a lot of things to do in Cebu pa.” sabi nito sabay tikim sa niluluto. “Sarap.” dagdag niya.

“Yes. Tapos kanina tinawagan nila ko uli. Sakto it’s in Taguig din so yun. I accepted it.”

“Eh anong connect ni Julie dun?” Maqui asked curiously. She and Julie have been neighbors for 5 years and naging magkaibigan na rin sila.

“Siya yung editor-in-chief nung magazine. And I think she owns the company din?”

“Ah. Yung Bachelor Magazine. Yeah kanya yun. And she’s got skills sa writing. Love her columns.” Maqui said.

“Yun. Yun lang naman.”

“You sure? Baka naman nagandahan ka sa kanya? She is pretty you know.” pang-aasar sa kanya ng pinsan. Natawa naman si Elmo. “Oh bakit? Hindi ba? Haha.”

“Well. Yeah she is pretty. Pero kasi alam mo naman yung before diba?” Elmo said.

“Moe, matagal na yun eh. And besides, pwede ka pa magbago. Tsaka wala naman na siya sa buhay mo so okay na diba?”

“But I don’t think I can change myself. Ito na ko eh.” he said. Maqui looked at him frome head to toe.

“Hmp. Pag nainlove ka ulit, tsaka mo malalaman kung ano ka ba talaga. Hahahaha.”

“Why are you laughing?” Elmo asked.

“Wala. Sabi kasi nila you go through identity crisis at the age of 12 to 16. Pero bakit ikaw? 24 na pero ganyan ka pa? Hahahaha.”

“Shut up, Maqui!” he cried pero mas lalo lang tumawa ang pinsan.

“Hahaha. I’m sorry. I just can’t help but wonder why.” she said.

“Hmp! Ewan ko sayo. Diyan ka na nga. Magbibihis ako.” sabi niya sabay akyat sa kwarto.

“Hahahaha. Hey come back down. Dinner will be ready in 5 minutes!” Maqui yelled.

“Whatever!”

*****

“Jules, ito na yung draft for the cover.” Carl, her layout director, said habang inaabot ang sample ng magazine cover.

“Hmmm. Looks okay naman. Pero try to put a little more gold dun sa name ng magazine. Then emboss it. Special edition natin to so dapat maganda right?” she said. Napangiti naman si Carl.

“Yes. Sabagay. We have to make this big diba? It’s our 3rd anniversary pa naman. Sige I’ll work on it.” sabi nito.

“Thanks Carl!” she said. “Mich?” tawag niya sa secretary niya.

“Yeah?”

“Naprint na ba ni Hale yung pictures?” tanong niya rito.

“Yes. Ito oh.” sabay abot ng envelope kay Julie. “Check mo daw if it’s okay na or if it needs editing pa.”

“Alright. Sabihan ko siya later. Asan ba siya?”

“Nasa cubicle niya. He’s working on the other model’s pictures pa eh.”

“Okay. Si Sef nasan?” tanong niya.

“Yes my ever dearest bestfriend? What can my beautiful being do to you?” sabi nito pagkapasok sa opisina ng kaibigan.

“Yung interview mo. Have you started writing about it?” she asked.

“Oh yes. Pero wit pa siya finish friend. Pasa ko sayo later na lang. Wag mo ko pinepressure baka jombagin kita!” natawa naman si Julie at Mich. “And you Michelle Dimaculangan, wag ka laugh nang laugh diyan. Baka tirisin kita over there.” mataray na sabi nito.

“Grabe ka naman, Sef. Haha.” sagot ni Mich.

“Sige na Mich. Bumalik ka na sa desk mo.”

“Okay po.” lumabas na siya sa office ni Julie.

“At ikaw John Paul Joseph Cadayona, umiral nanaman kabaklaan mo ha. Tapusin mo na yung column mo so that I can read it.”

“Hmp! Ito na po madam.” at saka na ito pumasok sa opisina niya.

*****

Abala si Elmo sa paggawa ng bagong design niya sa opisina when his phone rang.

“Yes hello?” he answered the call.

“Arch. Magalona, are you available today? We have a problem lang po sa site.” the guy from the other line said.

“Oh. Osige I’ll come over.”

“Thank you po sir.” In-off na niya ang computer niya saka na umalis ng opisina. He drove to Taguig para icheck ang problema.

“Sir. Buti nakarating kayo agad.”

“Ano ho bang problema, Sir Rick?” he asked the foreman.

“Eh sir kasi yung may-ari gusto po ipatibag yung part na to.” sabi nito sabay turo sa isang parte ng building.

“Bakit daw?” pagtataka ni Elmo. “Eh diba yan yung nasa plano? Pinakita naman natin sa kanya yan before we started the construction ah.” naiinis na siya dahil nakakailang revisions na sila ng plano pero parang ang hirap makuntento ng may-ari.

“Hindi daw po iyan yung nasa plano sir.” sagot ng foreman.

“Anong hindi?! Yan yun eh! Tawagan mo si Mrs. Calderon and tell her to go here immediately.” utos niya.

Sa lahat ng ayaw niya sa projects niya ay ang pabago-bago ng plano. Iritang-irita siya sa mga kliyenteng di makapagdecide agad at lalo na sa mga papalit-palit ng gusto. Dahil imbes na mapabilis ang trabaho ay napapatagal pa ito lalo.

After about an hour ay dumating ang client niya.

“Mrs. Calderon ano pong problema sa plano?” he asked.

“I want this wall out.” the old lady said.

“Pero ma'am we can’t take it out kasi po if titibagin natin to, most likely, your building will collapse. And besides hindi naman po ito makikita once it’s finish.” Elmo said.

“Hindi kasi ganyan ang nasa plano.” reklamo pa ng matanda.

“Ma'am iba po talaga ang floor plan sa actual construction. Kasi po the floor plan is the top view of the whole contruction. And what you’re looking at is the perspective already. Look.” Elmo showed her the interior perspective of the building while he explains everything. Naconvince naman niya ang kliyente na hindi na alisin ang wall kaya naging okay naman na ang araw nila.

Pagkaalis ni Mrs. Calderon ay nagpasalamat ang foreman sa kanya.

“Sir salamat po ha. Buti napapayag niyo si madam na hindi na tibagin.”

“Okay lang po yun sir. Sige ho. Mauna na ko.” at saka na siya umalis.

*****

“Jules?” Mich called her.

Abala si Julie sa paggawa ng editor’s note for the next issue of their magazine. Next week na kasi ang launch nito and everybody’s busy making it their best issue.

“Yes?” sabi niya as she looked up from her computer.

“You have a visitor.” sabi ng secretary niya.

“Sige papasukin mo.” she told her.

Lumabas uli si Mich sa opisina at nang pumasok uli ito ay may kasama ng isang babae. Julie looked at her and her eyes grew wide when she recognized who her visitor was.

“Oh my goodness. Janine!!” she squealed as she stood up and hugged her.

“Hey there, Julie!” bati sa kanya nito.

“How’ve you been? Namiss kita!” sabi niya.

“I’m good. Ikaw? Ang tagal na natin di nagkikita.”

“I’m doing great din naman. Anyway. How’s your career in New York? Buti nakauwi ka?”

“Well I had a month vacation kaya I decided to go home muna. It was great. Sobrang saya dun and grabe. Dream come true!” kinikilig na sabi nito.

“Aww. I’m so happy for you Janine. Lovelife? Musta?” tanong naman ni Julie. Natawa si Janine at saka pa ito umiling. “Single?”

“Yeah.”

“Akala ko may boyfriend ka? When we did your shoot last January sabi mo you’re in love. What happened?” pagtataka ni Julie.

Janine has always been a friend to her ever since they shot her for the Bachelor Magazine’s counterpart.

“Well. Naging kami after that. Pero we only lasted for 6 months. We broke up last July.” sabi nito.

“Bakit?” Julie asked.

“Wala eh. Ganun talaga siguro. Maybe we’re not just meant to be together.” sagot nito.

“Aww. Sorry to hear that Janine.”

“It’s okay. I’ve moved on naman na eh.” and she smiled.

“Good for you.” Julie said. “Oo nga pala. You wanna attend our 3rd year anniversary? We’ll be launching a new issue and if you want you can be our guest of honor. Since your cover issue has the most number of sales this year.” Julie said. Janine paused and thought about it then she smiled.

“Sure! I’d be happy to go.”

*****

It’s the launch of his cover issue. Naeexcite siya na kinakabahan. Excited because it’s the first time na cover siya ng isang magazine and nervous because of something he can’t pinpoint at. Basta ang alam niya may mangyayari tonight na hindi niya ikatutuwa.

“Hoy. Wag ka nga kabahan diyan. Tignan mo oh. This is it!! Cover ka na ng magazine pinsan!” Maqui told him. Kasama niya kasi ito sa venue at mas excited pa nga ito kaysa sa kanya.

“Iba kasi pakiramdam ko Maq. I can feel something na hindi magandang mangyayari today.”

“Tss. Will you relax? Ang nega mo talaga lagi. Chill okay?” she said. Maqui ruffled his hair at saka pa siya mahinang sinuntok sa braso.

“Maq!” paglingon nila ay si Julie. She was wearing a long gold dress that hugs her body and shows just the right curves. Her hair was curled at nakalugay. And she has just the right amount of make-up. Yung tama lang na ipakita ang ganda niya.

“Julie!” Maqui hugged her at saka pa nagbeso. “Wow. Looking good ha? Goddess na goddess ang peg ah.” sabi nito.

“Haha. Of course. Anniversary ng Bachelor and kailangan kong maging maganda.” natatawang sagot nito. “Ikaw din ha. You look pretty!” bati niya pa kay Maqui. Nginitian naman siya ng kaibigan. Elmo looked at them at saka kumaway kay Julie nang magtagpo ang mga mata nila.

“Hi, Elmo!” bati nito.

“Hey!”

“Are you excited?” Julie asked him.

“Excited and nervous. Haha.” he laughed.

“Haha. That’s normal. Pero don’t worry. We got your back.” sabi ni Julie sa kanya. “Uhm. Maq, Elmo excuse lang ha. I’ll just talk to the other guests.” at umalis na nga si Julie sa kinauupuan nila.

The party is great. Magaganda ang music na pinapatugtog and everyone seems to be enjoying. Elmo and Maqui were busy drinking and talking nang bigla siyang sikuhin ng pinsan.

“What?” he asked. Ngumuso ito sa gawi ng pinto and when he followed her gaze ay napalunok siya. Bigla nanamang bumalik ang kaba niya and he couldn’t breathe properly. “Bakit siya andito? Bakit sa lahat ng lugar, dito pa ulit?” he thought.

“Anong gagawin mo?” Maqui asked.

“I-I don’t know.”

“Tsk. Kalma lang. Kalma. Di ka mapapansin niyan.”

“Maq, I’m sure mapapansin niya ko. I’ll be introduced in a short while and my pictures will be flashed on the screen at aakyat ako sa stage.” he said.

“Shit! Tsk. Act normal Elmo. Wag mo ipahalatang kinakabahan ka because of her presence.”

They tried to enjoy the rest of the night pero halata pa rin sa kanya na hindi niya gusto ang nangyayari. Maya-maya pa ay umakyat na sa stage si Julie with microphone in hand.

“Alright ladies and gentlmen. We are proud to present the new cover of Bachelor Magazine. Give it up for Mr. Elmo Magalona!” pagkarinig niya nun ay saktong tinutok sa kanya ang spotlight. “Elmo? Please come up the stage.”

Elmo walked towards the stage at saka na inabot sa kanya ni Julie ang magazine kung nasaan ang mukha niya. He looked amazing in the shot chosen at mukhang maganda ang write-up about him pero he just can’t focus on that. Dahil alam niya that by this time, she knows he’s here.

“Also! We have a special guest to say a short message para sa anniversary natin. Our January cover girl of Bachelorette, Ms. Janine Gutierrez!” nagpalakpakan ang lahat at nakita ni Elmo ang pag-akyat ni Janine sa stage. Julie handed her the mic and she smiled before she spoke.

“Good evening everyone. I’m just so happy to be a part of Julie’s magazine covers and through the past months that we’ve been friends, she never failed to amaze me with every issue you guys release. Jules, I’m so proud of you because you reached the 3rd year mark of your dream.” she said. Then napatingin ito sa kanya. “And I wanna welcome you Mr. Elmo Magalona for being a part of this amazing issue.” she continued. Ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko at saka humarap sa audience.

“Whatever you’re thinking, don’t do it.” he whispered.

“But I have an announcement to make. Listen very well Elmo. This guy right here is…”

“Don’t think about it Janine.” he said. Kabadong-kabado na siya sa maaaring sabihin nito. Janine smiled at him tsaka muling nagsalita.

“Is a great man. Congrats to your cover Bachelor Magazine! Cheers!”