pakiramdam ko kapag ako lang mag isa

Monday palang pero may energy gap na ako agad. Masama yung gising ko, tamad na tamad ako pumasok, nabigla ako sa dami ng tao sa mrt, sobrang wala akong choice kundi mag bus, wag lang ma-late pero na-late parin ako. Pagdating ko sa office, pinilit ko maging maayos yung mood ko kasi sa totoo lang naluluha na ako, ang bigat bigat ng pakiramdam ko gusto ko nalang umiyak, tapos yung isa kong supervisor, pinag iinitan kami, ito yung mahirap eh kahit nag-iingat ka sa mga kilos mo, kapag nadamay ka, nadamay ka.. hindi ko naman mapagtanggol sarili ko dahil may grade akong iniingatan. Hay, mas lalo akong nawalan ng gana magtrabaho talaga. Hindi na nga ako nag overtime dahil ayokong mag panggap, feeling ko may sakit nanaman ako. Mas ginusto ko ulit mag bus pauwi dahil wala na talaga akong lakas para makipagdigma sa mrt. Halos 2 hours din ako sa bus, inenjoy ko yung traffic at yung magaling kong utak, ang daming iniisip. NAKAKAPAGOD. Hay, basta!! Hindi rin ako nakaligtas sa manyak sa bus pero idc, okay na ako sa natapakan ko ang paa nya. Gusto ko magpakalasing, gusto ko nalang mag thursday na agad para makasama si Lord. Hay. 

Mas nakakapagod talaga kapag utak mo yung kumikilos at hindi yung katawan mo, gusto ko nalang matulog at wag na munang magising. Itakas nyo naman ako :( 

Sus, akala niyo masaya ako? Akala niyo hindi ako nasasaktan? Hahahahaha kingina eto nga ako ngayon, sobrang naiiyak na ko kasi ayoko ng ganitong pakiramdam na mag-isa lang ako. Na ang weak ko pa din kahit na akala niyo kapag kasama niyo eh okay lang ako. Hahahahahahahaha nakaka gago lang. Kelan ba ko sasaya? O baka naman wala na talaga akong chance sumaya? Tanggap ko naman lahat ng pagkakamali ko, pero bakit pagka tapos ng araw malungkot pa din ako? Hahahahahahahahahahaha tangina lang. Ang sarap sumuko.