pakikipagusap

Ako yung taong di mahilig sa chat lang, yung patype type lang. Kailangan ko ng boses. Kailangan ko malaman na hindi bot yung kausap ko. Kailangan ko marinig sinceridad sa boses nila habang nagkukwento. Alam ng mga kaibigan ko yan. Hindi rin kasi ako nagtatagal na kaharap ang phone, kasi sumasakit ang ulo ko dahil sa mata ko. Kapag chat lang madalas late na ako kung makapagreply. Hindi ko naman sadya pero bihira lang talaga ako maglast kausap ng pachat chat lang. Kaya kapag hindi interesado ang kausap kong makipagusap on call, nawawalan ako ng gana. Hindi dahil nakakabagot sila, kundi hindi ko nararamdaman ang pakikipagusap nila sa akin. Yung hindi ko dama. Ang saklap naman mag aksaya ng oras sa bagay na hindi mo dama. 

DAY 9: Difference between your personal and internet life.

Well, I’m just a simple girl who lives in Rizal. Malaki ang Rizal, so bahala na kayo kung saan niyo ako hahanapin. Haha! I’m the eldest among the three children in our house. Of course, kung height naman ang basehan, ako yung laging nasa unahan ng pila. Iniisip nila na ako yung pangalawa sa magkakapatid dahil dun. Maingay ako, malakas akong tumawa, minsan kapag trip, trip talaga ginagawa ko. Ako yung tipo ng tao na makikipagbatian sayo kung babatiin mo ako, pero kung hindi at invisible ako sa paningin mo, ganun ka rin sakin, “WHO YOU” ka pa. Simpleng babae na minsan sensitive sa buhay, minsan mahina ang loob. Palaban ako lalo na kung alam kong ako yung nasa tama. Marami akong ayaw, marami din akong gusto. Pero mas marami akong pangarap para sa buhay. Kalog ako gaya ng sinasbai ng mga kaibigan ko. Minsan nga, iniisip nilang masungit ako which is totoo pero depende talaga yun sa pakikipagusap sakin ng isang tao. Malakas akong kumain pero hindi ko alam kung saan napupunta yung mga kinakain ko.

Internet life? Wala naman akong ibang pinagkakabalahan bukod sa pagbablog and panonood ng mga videos about sa food. Yes, may instagram account din ako, yung twitter? Meron pero naka-deactivate. Wala lang. Ayoko lang kasi feeling ko puro pagmumura at away lang usually nababasa ko dun. I also use facebook, pero madalang akong nakatambay sa timeline ng account ko. Tumblr talaga minsan naman sa google, magsesearch ng mga sites na pwedeng papanooran ng mga movies. Bago lang naman ako dito sa twitter kaya wala pa ako gaanong kilala, ngayon lang din ako naging active dito kasi halos kakagawa lang din ng account ko. :)