pakialam mo

Why do we refuse to block our Ex?

Bakit nga ba every time na maiisip mong iblock or i-unfriend ang ex mo, sasabihin mo, “Baka kase isipin nilang bitter ako.” Why do you care so much kung anong thoughts nila about you? Hindi ba pwedeng isipin mo din yung sarili mo? Oh eh ano naman kung sabihan kang bitter? Masusunog bahay niyo? Natural lang ang maging bitter ang isang taong TOTOONG NAGMAHAL at binigay yung mga sacrifices na dapat para sa taong mahal niya. Isa lang yun sa mga palatandaang nagmahal ka ng wagas at naapektuhan ka ng totoo sa nangyare. Bakit niyo pinapaganda? Bakit niyo kailangang magpanggap na malakas kung mismong sarili mo pinaplastik mo naman? Oh eno kung bitter, masakit eh, nasaktan ako eh, pakialam niyo ba? Hindi mo ma unfriend kase may pakialam ka parin at gusto mo parin ng updates coming from them. Ayaw mo iblock kase ayaw mong masabihan ng bitter, pero every time na may updates sa ex mo, affected and still may reactions and feedback ka parin. So, sino ngayon ang hindi bitter? Lokohin mo sarili mo. It’s okay not to be okay and in order for you to move forward, remove them entirely from your system. Wag mo nang pakialaman yung thoughts nila to you kung bitter ka man or hindi. Isip nila yan, iisipin nila ang gusto nilang isipin anytime and anywhere.

Minsan gawan mo naman ng pabor ang sarili mo para tuluyan kang gumaling. Kapag magaling ka na at kaya mo nang humarap sakanya ng masaya at confident, pwede mo nang sabihin na naka move on ka na. Pero sa ngayon, pakitulungan mo muna ang sarili mong makatanggap, mapag isa, at buuin ang puso na minsang nadurog ng dahil nagmahal ka ng totoo.

Pag kasama mo, di mo masyadong pinapansin. Tinitake for granted mo yung presence, puro ka selpon, chat nang chat sa iba or check nang check nang socialmedia accounts. Pero pag wala na sya sa tabi mo, hinahanap mo. Pang engot lang noh? Ganyan tayo eh, nalalaman lang natin yung halaga nang isang tao pag wala na pero pag anjan, wala tayong pakialam. Pahalagahan at alagaan mo kasi nang tama para wala syang rason para kumawala.

042717 0241

Mahirap magkagusto sa isang taong hindi naman seryoso. Mahirap magtiwala sa isang katagang wala namang kasiguraduhan. Mahirap magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Mahirap mahulog sa isang taong hindi alam na nahuhulog ka na sa kanya. Manhid? O sadyang wala lang talagang pakialam.

Ginulo mo ang buhay ko na parang isang tubig na binagsakan ng bato. Nagulat ako, eh. Ang bilis mo rin kasi. Magkaklase tayo pero hindi tayo ganoon ka-close. Hindi nga kita napapansin sa room, eh.

Kinausap mo ako, “Ang astig mo naman! Writer at young age.” Ako naman, in-entertain ka. Eh, malay ko ba?

Hanggang sa ‘di ko namamalayan, araw-araw na pala tayong nagkakausap. Lagi mo akong ginugulo, “Good morning!” “Kauuwi lang!” “Atm eating pizza,” “magpapagupit ako!” Ako naman, tuwang tuwa sa ‘yo. Ang random mo, eh. Ang dami mong skl’s. Kahit di ko tinatanong, sinasabi mo. Ang kulit lang.

‘Di ko ulit napansin, palagi ko na palang inaabangan ‘yong panggugulo mo. ‘Yong paggising sa umaga'y inaantay ko ‘yong good morning greet mo. Tapos sasabihin mo, “Kumain ka na?” “Ingat ka,” “Kumusta?” “Galingan mo!“

Naalala ko pa nang minsang magkasakit ako, sabi mo sa akin, “Magpagaling ka. Inom na gamot. Ikakain na lang kita para di ka masuka.”

Ang caring mo.


Halos dalawang buwan din tayong nag-uusap. Hanggang sa… bigla nalang hindi ka na nagparamdam. Ang masaklap, nasanay na ako sa presensya mo.

Masyado akong nawili sa pagbagsak ng bato na nakalimutan kong mawawala rin pala ang along dala nito.

At kung kailang nahuhulog na ‘ko, saka ka biglang naglaho. Nakakagago.

Akala ko may ibig sabihin ‘yong mga pagsulyap mo, eh. 'Yong panggugulo mo, akala ko may ibig sabihin lahat. Wala pala.

Akala ko sparks na, eh. Short circuit lang pala.

PS. Nakakamiss ka. Lol
37

Mahirap kasi kapag inuuna mo ang kapakanan at damdamin ng mga taong wala na sa buhay mo. Mahirap kapag pinapahalagahan mo pa rin ang isang taong wala ng pakialam sayo. Isusuko mo pa rin yung kaligayahan mo para sa katahimikan nila na hindi man lang nila nalalaman na nagsasakripisyo ka.

8 Kinds of Friends Na Dapat Mo Nang I-Unfriend

Lahat tayo may mga kaibigan, lahat tayo gusto natin ng mas healthy na friendship pero hindi maiiwasan na magkaron tayo ng mga kaibigan na nakakainis, na minsan, ayaw mo ng kasama o lagi ka na lang nababadtrip kapag magkakasama kayo. Sila yung mga toxic friends na hindi worth it sa time at friendship na inooffer mo sa kanila. Eto yung mga examples ng klase ng friends na dapat mo ng iunfriend dahil wala silang magandang maidudulot sa buhay mo:

1. The Jealous Friend

Ito yung kaibigan mong never naging happy for you. Yung kapag may magandang happenings ka sa buhay, nagiging bitter siya. Nagpo-post ng kung ano-anong parinig na status na nagsasabing siya din daw, magaling din daw siya. Yung tipong kapag exam, tatanungin ka agad niya kung anong score mo tapos kapag mas mataas ka, titignan niya yung test paper mo para i-check kung nandaya ka. Pero kapag mas mataas naman siya, magpapa-humble pa yan na kesyo hindi daw siya nagreview. Edi siya na genius! O kaya naman kapag may bago kang boylet na gwapo, magpapa-cute yan ng patago para lang mapatunayan na mas maganda siya sa’yo. Taray! Hindi lang pala sa gubat nakikita ang mga ahas, sa group of friends mo din. Lahat gagawin niya para hindi mo siya maangatan at para hindi mo siya malamangan. Wag ka na magsayang ng panahon diyan, unfriend mo na yan!

2. The JOHN MICHAEL Friend

Ito yung kaibigan mong John Michael— AnJOHN lang pag MICHAELangan. Siya yung kaibigan mong hingi ng hingi ng favor pero kapag ikaw naman yung may kailangan, deadma lang siya. Kakausapin ka lang niya pag may kailangan siya. Dun siya magaling. Siya yung kaibigan mong matagal ka nang hindi kinakausap pero bigla na lang magcha-chat sa facebook out of nowhere ng “Hello. Kumusta? Miss you.” tapos ikaw naman tong na-miss mo siya, rereplyan mo. Tapos bigla ka niyang babanatan ng “Pwede favor?” Edi wow, di ba? Minsan, magpapa-like ng picture or post sa facebook na para daw sa project niya sa school o kaya naman magpapa-pasaload kasi emergency lang daw. Galawang friends with benefits, literal! Yung ganitong klaseng kaibigan na daig pa ang parasite kung makakapit dahil lang may kailangan, sila dapat yung mga fina-flush sa toilet.

3. The Plastikerang Friend

Kung may kaibigan ka na wala ng ibang ginawa kung hindi siraan yung iba niyong kaibigan kapag wala sila, siya yung tinutukoy ko. Plastikera-backstaberang friend! Kung ginagawa niya to sa iba niyong kaibigan, malamang sa malamang, ginagawa niya din to sa’yo kapag nakatalikod ka. Siya yung kapag lalabas kayo together, walang ibang bukambibig kundi puro chismis at issue tungkol sa iba niyong friends. Yung tipong lahat pala ng mali sa mga kaibigan niyo, napapansin niya. Malakas siya mang-okray kapag hindi nakaharap pero mas mabait pa siya sa anghel kapag nakaharap. Maloloka ka na lang talaga dahil isa siyang two-faced bitch. Doble kara. Minsan mas malala pa yan, umaabot na siya sa point na pinag-aaway na niya kayo ng iba niyong friends. Sarap balatan at pagulungin sa rock salt!

4. The Nagkaroon-Ng-Jowa Friend

Oh, lahat tayo mayroong ganitong friend. Kung wala naman, baka ikaw yun. Charot. Siya yung friend mo na nung single, eh lagi niyong kasama, kalabit-sama, at madalas mag-aya ng mga lakad o hang-out. Pero taas na ni friend ngayon, cannot be reached na. Madalas na siya mang-seen ng mga messages sa facebook. Madalas na rin hindi sumagot sa mga tawag at text. Madalas na rin siyang mang-talkshit sa mga gala at lakad niyo. Bakit kamo? Eh kasi hindi pinayagan ng jowa. Siya yung nagkaroon lang ng jowa, nawalan na ng friends. Yung tipong magpaparamdam na lang kapag magka-away sila ng jowa niya. Panigurado yun, manlilibre siya ng inom dahil broken hearted siya. Kinakalimutan niya ang tropa kapag masaya sila ng jowa niya, pero kapag magka-away naman, todo iyak at drama at bigla kayong mamimiss. Bongga ni friend, no? Dipende sa jowa niya ang friendship niyo.

5. The Bad-Influence Friend

Eto yung friend mong mahilig mag-aya sa kung saan saan at gumawa ng kung ano ano. Walang mabuting madudulot sa buhay mo. Siya tipong mag-aayang wag na pumasok  dahil magdidiscuss lang naman daw si Ma’am. Siya yung friend mo na suki na ang magulang niya sa guidance office. Siya yung wala ng ibang ginawa kung hindi mag-aya uminom, mag-aya gumimik, mag-aya mag-try ng kung ano anong drugs. Siya din yung mag-aadvice sayo na okay lang makipaglandian sa iba kahit friend niya din yung jowa mo. Hindi siya concern sa welfare mo, gusto niya lang mag-good time at gumimik palagi. Siya yung friend mong papasok ng lasing kapag exam tapos kokopya sayo. Siya yung friend mo na isasama ka sa bar tapos iiwanan ka bigla dahil nakahanap siya ng awra (kalandian). In short, friend mo lang siya sa good time pero in bad times, missing in action siya!

6. The Nega Friend

Negamall, Negastar, Negalicious. Siya yung friend mo na sa sobrang nega niya, nakakahawa na. Never na nagkaroon ng positive outlook sa friendship niyo. Siya yung friend na kapag worried ka sa result ng exams mo, eh lalo ka lang kakabahan kapag kinausap mo siya. Ang lagi niya lang reaction kapag may sasabihin kang problema sa kaniya ay “Hala… Lagot ka.” Eh mapapamura ka na lang talaga ng malutong pa sa crispy pata dahil ang lakas makahawa ng negativity niya sa buhay. Yung lagi siyang nakasimangot, daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa kahit wala namang ginagawang masama ang mundo sa kaniya. Siya yung friend mo na laging wala sa mood, laging masungit. Kapag magpapapicture lang siya nags-smile. O kaya kapag birthday niya. Siya din yung friend na walang masasabing maganda sa kapwa niya. Nakakasira ng araw lagi!

7. The Attention-Seeker Friend

Eto yung friend mong walang buhay maliban sa friendship niyo kaya ang ending, gusto niya ganun ka din. Siya yung friend na nagagalit pag may mga bago kang friends. Possessive! Mas malala pa sa jowa mo. Siya yung friend na inaaway ka kapag lumabas ka ng hindi mo siya inaaya, nagtatampo kapag hindi ka nakakareply sa mga text niya o mga chat niya sa facebook. Malala to! Nagkaron ako ng friend na ganito dati, nakakasakal ang eksena. Very magjowa ang peg namin. Gusto niya lagi kaming magkasama, gusto niya magkaklase kami sa lahat ng subjects, gusto niya hintayin ko siya pauwi. Hindi ko kinaya. Kaya ikaw, wag mo na rin kayanin. Pipigilan ka lang niya sa pag-grow mo as a person.

8. The Bida-Bida Friend

Lahat tayo may kilalang ganito. Siya yung friend mo na daig pa si Jollibee kung maka-bida, daig pa ang showtime at araw kung magpasikat. Siya yung gusto niya siya lagi ang bida. Siya yung gusto niya siya lagi ang magkukwento, ayaw niyang pa-daig, ayaw niyang makinig sa mga kwento mo. Basta dapat siya lang masaya, siya lang yung may mga bagong friends, siya lang yung may mga bagong experiences. Maririndi ka na lang sa mga kwento niyang paulit ulit na wala ka naman talagang pakialam dahil hindi mo naman kilala yung mga kinukwento niya. Hindi yan titigil kakasalita hanggat hindi nya nasasampal sayo na mas magaling siya, mas maganda, mas bongga ang love life niya, at mas masarap yung ulam niya kaysa sa ulam niyo!

#MEDYOBITTER WAYS TO ANSWER THE PHONE

SCENARIO: Wala ka ng bitterness sa puso at isip mo, nakamove on ka na at nakalimutan mo na lahat ng pakingshet feelings na dulot niya. Pero niloloko mo lang pala ang sarili mo. Ano ang isasagot mo kapag bigla na lang tumawag ang napakagaling mong Ex na pinagpala sa lahat?

OPTION #1

“Ang linyang ito ay para sa tao lamang. Pakibaba na po ang telepono. Salamat.”

OPTION #2

“Hello! Kung ako ang kailangan mo, hindi kita kailangan.”

OPTION #3

“Hello! Tao ba ito? Hindi? Hayop ba ito? Oo? Tangina ba ito? Oo? Sinaktan ba nito yung feelings ko kahit wala naman akong ginawa kundi mahalin siya ng lubusan? Oo?”

OPTION #4

“I’m sorry I cannot answer the phone tulad ng hindi mo pagsagot sa tanong ko kung mahal mo pa ako. Bye.”

OPTION #5

“Aba teka! nakaalala ka…nangangati ka na naman ba??”

OPTION #6

“Before you die. You’ll hear a ring after this call.”

OPTION #7

“Hi. My name si Bogart. 25. Philippines!!!! At wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Kdie.”

OPTION #8 

“i dont know who you are. i don’t know what u want.. but I will look for u, I will find you, and I will kill you.”

OPTION #9

“Hello, ako si Kanor, ang iyong suking tubero. Anong ipapa-sundot mo??”

OPTION #10

“Hello? Helllo? Chappy ka! Hello? Chubby ka! Magpapayat ka muna. Bye.”

OPTION #11

“Hello? oh ano napatay mo na ba? san mo nilibing… yung feelings mo sa akin.”

OPTION #12

“Kung ito yung ex ko, wala tulog, nasa cr, nag out-of-the-country, patay na! Pero kung ito yung bagong nilalandi ko na mas masarap pa sa'yo, hello?”

"Makikipag-break na ba ako?"

— ‘Yan yung madalas itanong ng mga humihingi ng payo.

Dapat nga bang ituloy pa o hindi na?

  • First things first. Para sa'yo bakit mo nga ba dapat pang ipagpatuloy? Kasi mahal mo pa siya? Kasi kaya mo pa naman ipaglaban? O kasi ayaw mo lang siyang masaktan? Mahalagang malaman mo muna kung bakit.
  • Kung hindi mo na siya mahal, malamang oo dapat ka na ngang makipag-break. Kung ayaw mo lang din naman siyang masaktan, tapusin mo na agad. Ano pang rason para ipagpatuloy kung hindi mo naman na siya mahal 'di ba? Mas lalo mo lang siyang sasaktan kung ipagpapatuloy mo kahit na wala ka naman nang nararamdaman para sa kanya. Isa pa, ikaw din naman ang mahihirapan sa pag sisinungaling tungkol sa feelings mo sa kanya.
  • Kung away kayo nang away, hindi ibig sabihin hindi na dapat ipagpatuloy pa. Depende pa rin sa kung ano ang pinag aawayan at sa pag uugali ng bawat isa matapos ang away. Tandaan, sa bawat away lagi kayong may matututunan at yun ang mas makakapagpa tatag sa relasyon niyo. Kung away lang kayo nang away at ni minsan hindi naman kayo natuto, maaaring 'yun na ang senyales na wala nang patutunguhan pa. May mga away kasi na kahit na paulit-ulit, ang mahalaga naman 'dun niyo mas lalong napapatunayan na mahal niyo talaga ang isa’t-isa. Meron din namang mga away na paulit-ulit at wala man lang realization na nangyayari. 'Yun bang ni wala sa inyo ang naka-realize ng pagkakamali ng bawat isa at wala sa inyo ang handang baguhin kung ano man ang pagkakamaling iyon.
  • Kung nahihirapan ka na, tanungin mo ang sarili mo: Ikaw lang ba? Kung pati naman siya nahihirapan din, 'wag ka sanang maging unfair na porket nahihirapan ka na bibitaw ka na. Paano naman siya? Nahihirapan din naman siya pero pilit niyang kinakaya kasi ayaw ka niyang mawala sa kanya. Kung kinakaya niya, makakaya mo din. Makakaya niyo, pero kung ikaw na lang yung bukod tanging nahihirapan at parang wala na siyang pakialam, alam mo na siguro ang sagot. Makipag-break ka na. Aminin mo na sa sarili mo na ikaw na lang ang lumalaban at bumitaw na talaga siya. Minsan kasi may mga taong alam na ang sagot sa tanong nila pero mas pinipili nila ang ibang sagot. Nahihirapan silang aminin sa mga sarili nila ang katotohanang sila na lang ang nagmamahal. 

Pinaka mainam na gawin ay mag dasal. Walang sinuman ang makakapagsabi ng dapat mong gawin. Ikaw at ikaw pa rin ang mag dedesisyon. Kung hindi mo alam ang gagawin, hingi ka ng tulong kay God. Siya kasi ang pinaka the best na makakapag paliwanag sa isipan mo. 

Sometimes when they ask me how are you, i really want to say…

Im afraid. Gusto kong malaman nila na natatakot rin ako. Natatakot ako sa mga bagay na pwedeng mawala sakin. Hindi ako yung taong palaging malakas at kampante. Natatakot rin akong matalo.. magkamali.. masaktan.. maiwanan..

I cut myself. Gusto kong malaman nila kung gaano na ako nahihirapan ngayon. Kung gaano ko na gustong wakasan yung paghihirap na nararanasan ko. Hindi ko gustong malaman nila para kaawaan ako. Gusto ko lang na maintindihan nila yung pinanggagalingan ko.

Im depressed. Gusto kong malaman nila na hindi ako palaging positive sa buhay. May mga oras na hindi ko na magawang maging positive sa mga problema. Dumadating din sa point na hindi ko na alam kung paano yun masusulusyunan. Pakiramdam ko hindi ko na alam yung mga dapat gawin… ewan na lang ang naisasagot ko sa katanungang malalagpasan ko kaya to.

Im sick. Sawang sawa na ako sa mga nangyayari. Sawang sawa na akong umintindi.. lumaban sa buhay.. lagpasan ang mga problema. Masisisi mo ba ako kung magsawa na ako sa mga pagsubok kung paulit ulit na lang yung mga nangyayari.. walang nagbabago.. walang nangyayaring maganda. Marunong din naman akong magsawa.

Im unhappy. Hindi ako katulad ng ibang tao na palaging masaya. Hindi ako katulad nila na palaging nakangiti.. palaging maayos ang buhay. Gusto kong malaman kung may pakiaLam mo ba sakin yung iba kung hindi ako masaya. Gagawa ba sila ng paraan para makita muli akong masaya.

Im fine. Dalawa lang ibig sabihin nito eh. Yung okay lang ako kasi ayokong ipakita sa kanila na hindi ako okay. O di naman kaya, okay talaga ako kasi masaya ako. Pero mas gusto kong sabihin na okay ako na okay talaga ako. Mas masarap kasi sa akiramdam. Hindi mo sila niloloko at hindi ko rin niloloko yung sarili ko.

Dalawang klase ng tao:

  1. Taong masakit sa ulo: Ito yung mga taong, maingay, nagsisimula ng mga away, issue-maker, etc . Mga hindi nakikinig kapag pinagsasabihan at hindi marunong umintindi ng sitwasyon. Basta gagawin lang nila kung ano ang gusto nila.
  2. Taong masakit sa puso: Ito naman yung mga taong tahimik lang pero kung makapanakit wagas. Ito yung mga taong kahit hindi nagsasalita ay nasasaktan ka pa rin dahil minsan ay affected ka sa mga ginagawa nila. Kung ang taong masakit sa ulo e hindi marunong umintindi ng sitwasyon, ito namang taong masakit sa puso e hindi marunong umintindi ng damdamin. Yun bang, aalis lang sila kung kailan gusto nila, yung ipagpapalit ka nila basta-basta pagnagsawa na sila. Wala silang pakialam sa nararamdaman mo basta kung ayaw na nila wala na.

Wag mong piliting ibigay ang sarili mo sa taong wala naman talagang pakialam sayo. Kasi sabihin mo man na hindi tungkol yan sa sarili mo, sa huli, hahanapin mo parin ang taong nagmamahal rin sayo nang tunay. Eh paano ka na kung naubos na yung oras sa taong hindi naman pala magiging sayo? Sino ang lugi? Sino ang masasaktan? Syempre, ikaw diba? Wala naman talagang kasiguraduhan ang mga bagay eh pero kung halata mo na at ramdam mo pa na mauuwi lang naman sa wala ang kung ano man ang meron sa inyo ngayon, bakit mo pa ipagpapatuloy? Para maging masaya ka? Eh dyan nga nadadali ang mga tao eh. Sa mga panandaliang kaligayahan na kung saan nauuwi sa pangmatagalang kalungkutan. At isa pa, buti sana kung malungkot ka lang sa huli. Paano kung may halo pang galit at pagsisisi? Ang sakit naman yata nun. Kaya sa ngayon palang na alam mo nang hindi yan para sayo, lumayo ka na. Hindi lahat ng nagpapasaya sayo eh nakakabuti sayo hanggang sa huli.