paketeje

Grades ko nga pala this sem. Panis ka! Haha. Kaumay dre.

Oo na, alam kong mababa. Pasensya ah, gagu-gago eh. Wag mo nang ipangalandakan at ulit-ulitin pa. Unli, unli? Last sem, lowest grade ko 2.25. Ngayon, yun na GWA ko. Takte, ansakit sa tonsils!

FND PRG and SPCH1

Ito yung mga una kong nakitang grades. Ewan ko kung sino nauna sa dalawang yan. Ano grades ko? 1.75 pareho. Pwede na diba? :P

P R O G R A M M I N G

Hindi naman sa pagmamayabang, pero masasabi kong magaling ako pag computer-related yung mga pinapagawa at pinag-uusapan. PERO. NGUNIT. SUBALIT. DATAPWAT. Hirap na hirap na hirap ako dito. Puro codes lang naman yung ginagawa namin. Ewan ko ba. Mahilig naman akong gumawa ng theme codes. Konek? Haha. Siguro dahil na rin ‘to sa hindi ko pagfo-focus nung simula pa lang, kaya nung pahirap na nang pahirap yung topic, mamatay-matay na ko.

S P E E C H

Ay dito, bobo talaga ko. Matagal mo na namang alam diba? Ahe. Pero sobrang thankful ako kay repang Sir dahil kahit bobaness ako, ganyan ang nakuha ko. Napakagaling niyang magturo. Petiks lang naman siya, pero super effective ng mga binibigay niyang way para maging 'effective’ ang 'speech communication’ namin. Subject name lang dre. Haha!

Pero inpernes, effective talaga siya. Napapa-enggulesh kami kahit nasa labas na ng room. EOP kasi kami sa klase eh, kaya ayun, nasanay. Nasarapan. Haha! Tapos si repang Sir pa eh mabangis mag-English. “Wudafock!”, “Deeeymn.” Yan ang mga sinasabi niya eh. Haha. Chos lang. Basta kung i-spelling-in mo ang malupit, SIYA yun.

PE4 and FIN ACT1

Ansaya ko pa nung una eh. Yung GWA ko kasi medyo keriboomboom pa. Nasa line of 1 pa. Malamang. Tapos pakapaaaak! Biglang nag-2.65. Tengene.

P E

1.50. Yang grade na yan, mababa kung PE ang pag-uusapan. Ewan ko ba. Volleybeybe naman kami at keribels ko naman yun. Kahit yung mga repa kong malulupit nagrereklamo sa nakuha nila dyan. Kayamot man, pero tinanggap ko na yan.

F I N A N C I A L A C C O U N T I N G

3.00. Pota, pwede na! Expected ko na kasing babagsak ako dito since may ginawa nga akong kalokohan sa kanya. Pero ayun, yey! Nalungkot din ako syempre. Perstaym kong makakuha ng tres sa Acco. Wala lang, nakakalungkot lang. Haha! Pero errkay na ko.

BSC MACR, BUS STAT and INTRO PHLO

Ito, sabay-sabay ko na ring nakita. Ansakit sa ngala-ngala ng Macro ko! Tsk.

M A C R O E C O N O M I C S

Tengene, saklap nito! 3.00 nanaman! Eto, di ko talaga expected. Though alam kong mababa talaga ibibigay niya sa'kin, pero UGH! Kayamot. -.- Akala mo alive na alive magturo, eh kulang na nga lang antukin na rin siya sa mga sinasabi niya. Tapos yung reactions pa niya at yung mata niyang parang sinasabing “tulog naaaa.” HAHAHA! Okay, move on.

S T A T I S T I C S

2.25, pwedeng-pwede na! Haha. Pa'no ba naman kasi umiiyak yung nakita kong grade sa record niya, pero ganyan. BOOOOM! Akshely, lahat kami nagsibabaan talaga this finals, pero ayun, salamat talaga Ma'am Stat! :) Yan ang tinatawag na doktor. HAHAHA! Chos. Naawa lang siguro siya sa'min at in-adjust yung kung anumang dapat i-adjust. Haha!

P H I L O S O P H Y

1.50. Pota, ayus na ayos! Matino naman talaga ako dito at keriboomboom na yang 1.5. Di ako choosy eh! Booom. Salamat Ma'am Philo, na kahit na kumakain kami palagi sa klase niyo at nagdadaldalan nang wagas sa harapan niyo ay natitiis niyo pa rin kami.

Ito nga pala grades ko last sem ~> kulek!



RF: NEVER pa kong nakakuha ng UNO sa lahat ng subjects ko. Laslas! At ang masaklap pa, last PE ko na yan. Tss. Dyan na nga lang ako may pag-asang maka-uno eh. HAHA! And yeah, I’m such a loser

Dontcha wore, big dade. AIM ko yan this sem. :)

4

Pag-uwi namin ng bahay galing bayan, napag-isip-isip kong mag-bike. Sa tingin ko kasi kaya umariba na naman ‘tong si dishmenerr kasi di na ko nakakapagbanat ng buto. Naniniwala kasi akong kahit di ka kumakain ng gulay, pero nag-e-exercise ka naman ay di ka tatablan ng kamatay-matay na dishmenerr na yan. Okay, paniniwala ko lang po yan. Wag niyo nang kritikahin dahil yan na lang ang bumubuhay sa'kin. Chos.

Di na rin kasi ako nakakapag-basketball, sapagkat, because ala-una alas dos na nga ko nagigising. Ano 'to, tirik ang araw, maglalaro ako? Joke. Tsaka, ang chaka din kasi ng panahon, ang labo! Minsan maaraw, tapos biglang kukulog. Kaloka. Kaya ayun, yun na siguro pagkaka-abalahan ko ngayon. Tutal masarap namang mag-bike kapag gabi.

Tsaka may chick din kasi akong hinu-hunt. HAHAHAHA!

You're 8teen. :)

I can’t express it by words by I can tell it through pictures. HAPPY 18TH BIRTHDAY FRAZELLE BUCLATIN. :)HAHA, patawad na-expose yung GIFs natin, salamat sa friendship at sa pagappreciate ng lahat ng jokes ko, mabenta kasi lahat sayo. Halatang-halata sa tawa mo with iba’t ibang versions. Anyways, sana magustuhan mo ‘to and I hope classmates pa rin tayo hanggang GRADUATION,with CKYT. :*

10

Part II

Yan ang mahirap kapag wala kayong tagakuha eh. Hindi kayo mabuo-buo! SAKLAP. Haha. Yung tipo ng taong hindi sabik sa ginagawa niyo at sa pagkukuha lang ng litrato sumasaya. Tsk. Sana may kakilala kaming ganyan! HAHAHA. Pero seryoso, kailangan namin ng mga kakambal. Si Paul, photographer at editor sa PUP. Si Kuya, jump shot pro taker. Ako, nevermind. Syempre, bagong lugar, dapat kasama kami! Ako! Haha. Selfish mode. Syempre, ayoko namang naiiwanan sa mga ganyang kuha oh! Alam ko namang di ako pang-model, pero kaya kong pumose ng ganyan! Okay, ang layo ng sinasabi ko.

Madami pa kong gustong i-post na photos kaso wag na lang pala. Nasasaktan ako, sila lang ang mga nakikita ko. Huhu.



Dumadrama lang.

The Judgement Day Result

Putengene, nawala ang antok ko. Pagkagising ko kasi, nabasa ko yung text ni crush na pumasa siya. Woooh! Syempre natuwa ako, onggoling niya! :)

At dahil dun, nag-net na ko sa cp para maki-update sa mga nangyayari, kung sino mga pumasa at kung sino mga hindi pinalad.

“Congratss Frazelle ******** and Fayola May ********* ! Yey! KAYO NA BSA! kayo na tlga. :)))))” - Kris

Nabasa ko rin sa conve ng mga kaklase ko ‘to, Oo. 123 daw pumasa 2 from section nmin…”

Dapak! DALAWA lang sa section namin? That means yung mga frenelin ko yung mga pumasa. Ahaym so proud! :)))

Yung isa ko pang dating classmate, pumasa rin. Nakakatuwa lang na nag-level up na sila. Haha. Sana wag niyo kaming kalimutan ah? :| At syempre, patuuuroooooo! Hahaha!

NAKAKALUNGKOT din syempre.

Lima kaming hindi pinalad sa barkada. Tengene. At ang masaklap pa, yung dalawa kong frenelin na malulupit, hindi pinalad. Inaasahan ko kasing papasa din sila kasi malulupit nga sila at alam kong keriboomboom nila yung exam kahapon. Tsk.

Ramdam ko rin ang pag-eemo ni Pretzel dahil wala na kami. Pero nandyan naman si Fayetot! Magandang impluwensiya hatid niyan! Hahaha! :)))

Well, ako naman kasi, alam ko nang hindi ako papalarin. Kung pumasa, party-parteeeeh! Kung hindi, k.

Anyway, magiging CPA pa rin naman ako. Hindi nga lang sa Piyu. Basta mangyayari yan soooon.

So yeah,

I am still an IA student.

3

Eto lang naman ang ginagawa namin simula ng dumating kami dito kila Pretsibeybe. Stat pa lang ang nare-review namin. Ansakit kasi sa ngala-ngala nun eh! >_< Yung Programming, keriboomboom na siguro namin yun.

Stat talaga ang problema namin eh. Nagsibabaan kasi nang wagas yung Midterm Grades namin. Ako nga, pasang-awa lang. Tss. Kaya kailangan ko talagang ipasa ‘tong exam na 'to. Grrrrr.

Goooood luck sa lahat ng may exam! Keribooomboom natin 'to. :)



GANYAN KAMI MAG-REVIEW! Pero syempre, echos lang yan. 

credits to Pretsibeybe for the gif

9

May 31, 2012 - SAGALA | Part I

Opo, sumali ako sa Flores de Mayo.

Nung una akong tinanong kung gusto ko bang sumali, tanggi to the max kagad ako at iling na walang humpay. Pero naisip ko na experience din ‘to at sayang ang ganda ko. HAHAHA! Naisip ko rin si Mudra, para naman matuwa siya sa'kin kahit papa'no. Minsan lang din naman siya humiling sa'kin at minsan lang naman din akong umoo sa kanya, kaya why not, chocnut. Go na 'to!

Reyna De Las Estrellas kemerlu chuchu yung eklabarba ko. Basta yun na yun. Getching?

Hello sa escort kong nung araw ko lang din nun nakilala. Ansabe ng suot namin. Unexpected. Magkapareho kami ng kowley. Nakakatuwa lang. Soulmate ko na yata siya. Chos. 1st yr. college pa lang siya, so cannot be. 

Anyway, thank you sa mga sumama: Kuya, Babybro, Ate Pat, Paul, Madir, Adviser ko nung HS, I love you mga bebes! :) At sa pamilya at mga frenelin ni Kuya Escort, thank you.

Salamat din sa photographers kong sila Kuya and Paul. :)

Nakakalungkot lang, kasi na-move yung enrolment day nila Pretzel. Dapat kasi sabay yun sa'min, eh biglang binago. Saklap lang. Balak kasi namin na igaya yung sched namin sa makukuha nila, kasi nga dean yung magseset ng sched nila, while kami online mag-eenroll, kami ang pipili. Ayun, ang nangyari ay mauuna kami mag-enroll sa 29. Sila naman, sa 30 pa.

So in short, wala na kaming magagawa. Bahala na si Batman kung pagtatagpuin yung sched namin. Kahit sana yung uwian lang mag-meet sa'min, ayos na. Atleast sabay-sabay pa rin kami uuwi at rarampa. Haha!

Sana lang, sana lang talaga may magtagpo.

4

Hello sa fresh cut ko! Tanginot, kabobohan kasi pinapairal na naman. Minadali ko kasing ipasok yung bike, baka kasi maglabasan na naman yung mga aso. Ayan, tugoinks! Tumama sa pedal nung binuhat ko. Tanga-tangahan ampots!

Pinakita ko kay Babybro.

Ako: “Teds, oh!”

Babybro: “Yay! What happened?”

Ako: “Tumama sa pedal ng bike.”

Babybro: “Hugasan mo, may kalawang yun.”

Ako: “Naku, di ako naniniwala dun.”

Babybro: “Sabagay, matagal nabubuhay ang masasamang damo.”


DEPUTA talaga ‘yon! Kaloka! Pero syempre, natatakot din naman akong madeds. Hinugasan ko pa rin. :D

Infairness, na-cute-an ako sa kanya. Straight kasi, buti pa siya! HAHAHA!

SANA . . .

Sana magkaroon ulit ng qualifying exam next year. Mag-aaral na ko para makapasa.

Gusto ko palang pumasa. Ngayon lang nag-sink in sa'kin na bagsak ako, na hindi ako pumasa, na hindi ako pinalad, na magkakahiwa-hiwalay na kami.

Parang di ko kaya na kulang kami. Ang masaklap pa, baka magkakaiba kami ng section. Hindi ko na nga makakasama yung mga pumasa, hindi ko pa magiging kaklase yung mga repa kong hindi rin pinalad? Shit. Di ko kaya yun. Hindi ako nagsasalita kapag hindi ko sila kasama eh. Waaah.

Alam mo, hindi ako madrama eh. Pero mamimiss ko talaga silaaaaaa! T____T Fuck. Hindi ko inaasahang mahahati kami. Ang nasa isip ko lang either pasado kaming lahat or hindi. Haaaaaaayyyyyy.

Dito nalang ako sa Tumblar magdadrama. Sa Fb kasi ngiti ako nang ngiti sa mga post kong related sa quali. Tangina, ang sakit din pala. Lalo na pag nararamdaman mong nalulungkot din yung mga repa mo. Pero ako kasi panganay sa'min eh. Kailangan kong magpakasaya, magpakatatag para hindi maging madrama ang tema ng usapan.

Pero nakakalungkot talaga. Hindi ko rin ma-explain eh. Masaya na malungkot.

Hindi ko rin at ayoko rin namang ipakita sa kanila ang kadramahan ko. Ishtrung kaya ako. Pero nanghihina talaga ko ngayon. Para kong hindi kumain ng tatlong araw at walang tulog ng limang araw. Lugmok. Lumbay. Para nga kong maiiyak na ngayon eh. Pero mamayang gabi nalang siguro.

Ewan ko ba, biglang nag-iba ihip ng hangin. Naiiyak. Nalulungkot. Nanghihina ako. Haaaay.

Alam ko namang magkikita-kita pa kami. Hindi nga lang araw-araw, oras-oras at minu-minuto. Pero iba pa rin eh. Iba pa rin yung ingay, tawanan, lokohan, sigawan, basagan at samahan namin tuwing magkakasama kami, sa klase man o sa galaan. Pa'no na yan? Wala na yun ngayon. Next sem. Tsk.

Madaming magbabago. Baka hindi na tayo mag-abot palagi dahil sa salungat na schedule. Baka maging super busy na kayo. Baka hindi na tayo magkakasabay kumain. Baka hindi na tayo sabay-sabay umuwi.

Pero alam ko namang yung panahon lang ang magbabago eh. Kayo? Hindi naman, diba? Gagawa naman kayo ng paraan diba? Hindi niyo naman siguro kami iiwasan, dededmahin at tatalikuran, diba? Kilala ko kayo. Alam kong mag-eeffort kayo magkasama-sama lang tayo ulit. Syempre kami, no need for effort. Lagi kaming nandyan 24/7. Naks. Haha!

Wag niyo kaming alalahanin. One year lang naman ‘to. Sabi nila, may quali pa ulit next year. Ipapasa na namin yun. Mag-aaral na kami nang mabuti. Pipilitin naming makapasa para magkasama-sama na tayo ulit.

Oo nga pala, pag may umaway sa inyo dun. One text away lang kami, k? Reresbak kami. Haha.

Mga frenelin bebes, MAMIMISS KO KAYO! Swear, underwear, pinky swear, teddy bear, polar bear. Galingan niyo para sa'min at para sa sarili niyo na rin. GO, PUUUUUSH! 

-____________-

Ngayon pala ang graduation ni Kuya!

Tss. Sa'n ko ba narinig yung 27? Takte, yun yung sinabi ko sa mga kaklase ko at sa iba pang mga nagtatanong. Fahuck! Ba’t ba 27 ang narinig ko? Wrong news. Kahit kailan talaga, napakabobo ko. Mamamalita na nga lang, mali-mali pa! Tsk.

Kaya pala nagtatanong kanina si kapatid kung may regalo na daw ba ko. Tragis. Wala pa naman akong pera ngayon, bukas, sa isang araw, makalawa, isang linggo at sa susunod pang araw! Waaah. Stupid. Wooh!

Nakakahiya. Nung birthday niya last June, WALA akong regalo. Nung Pasko, WALA akong regalo. Pati ba naman ngayong LAST Graduation niya na, WALA PA RIN?! Samantalang nung nag-birthday ako last Feb 2011, may regalo siya. Nung Pasko din, may regalo siya. Fahuck. Ang kapal ko! Take and take and take lang ako. NAKAKAHIYA.

Yung moment na punung-puno yung sinasakyan niyong jeep ...

… tapos yung naaaaapakabait mong kaibigan eh biglang bumanat ng, “Gusto mo pa bang mabuntis?”

Reaction ni Ate (na nasa harap kong kulang nalang eh mahulog na sa sobrang sikip) at ni Ate (na katabi ko):

Reaction ko:


Daaaaaaapak. Daaaaaaheck. Baka akalain nila, nakaka-SAMPUNG anak na ko. Baka isipin nila, “Yuck naman ‘to!” Baka idagdag pa nilang, “Mga estudyante talaga ngayon ohh." Baka isipin nilang wala akong pinag-aralan, na di na dapat ako nag-aaral kung gano'n lang ang ginagawa ko. Baka idamay pa nila ang minamahal kong unibersidad, ang pamilya ko at ang mga kinanununuan ko.

Naisip ko lang naman yang mga yan. Tengene. Sa tanong nawala ang pagka-berjen ko eh! Haha.

Deputs kasi yung tingin nila Ate eh. Pero seryoso, napa-NGANGA din ako sinabi mo! Grrr. … na syempre, natawa nalang.

May hiya pa rin naman kasi ako. -_-

“Classes are cancelled tomorrow due to a transportation strike. Thank you. Please pass the words.” -IABF Student Council


Na-receive at nabasa ko ‘to kanina habang nasa biyahe ako. Naisip ko kagad, “Yeeees!” Tapos biglang, “Ay shit, BUKAS?! Wala naman talaga kaming pasok eeeeh. Tssss." 

Kami lang yata ang walang pasok. Kami lang apektado? Haha. Yata lang naman.

Nakakainis lang pag ganyan ang ibabalita sa'yo. Parang may matinding bagyo, tapos ang mga college student exempted sa suspension. GANYAN. Ganyan ang pakiramdam.

Sa tuwing free day namin, tsaka may biglaang suspension. Kainis lang.




PS: "The suspension is for the Metro Manila campuses: FEU Manila, FEU Makati, FEU East Asia, and FEU Diliman.” **updated

Ang dalawang babaeng medyo mas bata sa'kin na grabe kung *insert bonggang verb here* habang naglalakad.

Nung naglalakad ako papunta sa over-overpass sa may QMart, may nakasabay akong grupo ng mga estudyante. May naka-agaw ng pansin ko, dahil may dalawang babae na wagas kung maglambingan. KAYO NAAAA! Si babae one (b1), naka-akbay sa balikat ni babae two (b2) gamit yung kanang kamay niya. Habang si b2 naman, naka-hawak sa bewang ni b1 yung kaliwang kamay at yung kamay niyang yun eh hawak ng kaliwang kamay ni b1. Getching? Ahbasta. Imagine-in niyo kung ga'no sila kadikit dahil yung kaliwang kamay ni b2 eh naabot pa ni b1.

Ayun. Hanggang sa nakababa na kami ng overpass, sige pa rin sila. Tapos, nag-stop din sila dun sa lugar kung sa'n ako nag-aabang ng bus pauwi. Ayun, nauna nang sumakay yung mga kasama nila.

Nagulat ako. Nagyakapan sila bigla. WAGAS. Yung tipong mangingibang bansa yung isa tapos maiiwan yung isa pa. MATAGAL. Na parang hindi na sila muling magkikita pa. WAPAKELS. Na kahit andaaaaaaming taong nag-aabang ng masasakyan at ang daming sasakyang dumadaan, GOOOO pa rin sila.

Ayun, chinika ko lang. Bahala ka nang mag-conclude.



Ako na INGGIT.