pakerkada

9

FHMU. Eto lang talaga yung mga picture na nasa phone ko. Pakerkada is <3 HAHA

Eto kasi yung kwento:
Nagkita kami ni masterpaker sa Trinoma. Pumunta ng MRT, kasi nandun na si frvrsrsly. Tapos bumaba ko sa Shaw station kasi nandun si antukingpogi. Lumabas lang ako ng tren para lang makita nya kung nasaang part kami ng tren. So ayun, 4 na kami. Nasa MOA na kasi sila colleenfinity, bawalsabihinurl and si sweetnasweet. Si Nica (frvrsrsly) naman, tanong ng tanong bat wala daw si Carlo (pogingmongoloid) ayiee. Hawot! So ayun na nga. Nakarating sa Taft, sumakay ng jeep. Jeep bang matatawag yun? Minion sized? Haha ang punggok kasi. Nung nakarating sa MOA, kinakabahan kaming apat! Kasi medyo first timer pumunta ng malaking mu. Tapos ako masaya kasi ngayon lang ako nakapunta ng MOA haha. Di kasi ako gala. Hue. :( Lakad lakad. Tanong tanong kung saan yung pa seaside. Si Rein (masterpaker) naman, puro Janna yung bukambibig. Haha nung makarating sa venue, una ko talaga siyang hinanap eh. Kaso di ko agad nakita :( Iniwan kami ni Derks nila Nica kasi pumunta dun sa mga friends niya. Kaya medyo OP kami ni Derks nung una. Ang dami pang tao. Haha :( nakakalula. Tapos ayun, nakita na namin si Colleen (colleenfinity) at si Yeng (sweetnasweet)! Pakerkada is <3 HAHA aambon, titigil. Aambon uli tapos titigil uli. Lakas mang trip ng kalikasan ano po? Haha so ayun ang inet. Kinuha nina Yeng at Rein yung cartolina at colored papers ko sa bag. Ginawang pamaypay. Edi gusot na. Pang FS sana yun eh. Kaso ayun gumawa nalang kami dun ng signboard na “Free hugs”, “Libreng Landi” atbp. Picture picture, usap usap. Tapos nakita ko sya sheeeet! Kinikilig ako nun tangina. Di ko naman nayakap. Okay move on. Salamat dun sa mga yumakap sakin kahit di ko kilala. Tapos kay kuya kinarga ko tapos pinaikot ikot. Jusko nakakahilo pero masarap! Haha Late dumating sila Timmy (timmiteo) tapos si Ed (ddlro). Syempre niykap ko mga tropa ko. Nag photo bombing, pictorial sa bay with pakerkada, naglalakad palayo tapos yayakap ng mga non bloggers then tatanungin kami from what school. Basta masaya! Tapos maagang umuwi si yeng :( Nung gabi na, pinasan ko si Rein. Lakas trip eh. Tapos pinasan niya din ako. Nakakatakot akala ko malalaglag ako. Ang bigat ko kaya. Ang bigat niya din pala. Hahaha pati yata si Nica pinasan ko? Haha basta nakailang yakap pa ko sa mga pakers ng aming kada :D Nung nakaramdam ng gutom. Lakad dito lakad doon. Ang ingay ni Rein kasi gusto niyang mag rides, eh ngugutom na kami. Haha ang layo ng nilakad namin para makapunta sa KFC! May nag holding hands nga habang naglalakad eh. Ayieee. So ayun. Lumamon kami ng flavor shots at tumungga ng gravy. Waht? Ayun tapos si Kat (bawalsabihinurl) nag woworry na kasi baka di makauwi! Haha pagtapos lumafang, bumalik kami sa seaside. Marami paring mga bloggers na hindi ko kakilala. Hinanap namin si Ash. Friend ni Nica na di ko kilala. Exchangedlives yata url? Ewan ko. Tapos nakasalubong ko si Paul (neverwannasay) nung papunta kami dun sa Vikings. Bakit ang tangkad niya :( HAHA Dapat talaga mag rarides kami eh. Kaso ang mahal :( kaya hindi nalang. Gabi na nun kaya gusto na nilang umuwi. Lakad uli ng napakalayo. Si Derks walang pakialam sa mundo. Naglalaro lang ng flappy birds. Hahaha humigh schore sya sa phone ko. Haha di ko mareach -.- Tapos ayun, pinasan ko si Nica na laging nawawala yung flower niya. You know what I mean guys! :)) HAHA after niya, si Masterpaker naman. Ang layo ng nilakad ko habang karga ko sya. Pero okay lang. Harot! Hahaha malaks naman ako eh. Tapos ayun nakarating na dun sa paradahan ng mga jeep. Humiwalay na si Ash. Di kami kasyang 6 sa jeep. Kaya kinandong ko si Derks. Sarap na sarap buhay biya kakalaro ng flappy bird habang ako ay naghihirap. Haha unang bumaba si Kat dun sa may bus station pa Laguna. Humiwalay naman si Nica samin nung pa MRT na kami kasi mag LRT nalang daw sya. Ayun, ang harot nk Michael sa station. Ang daming joke. Sya lang yung maingay sa tren nun jusko hahaha. Havey yung “banana” eh. Then ayun, sa Trinoma na kami naghiwa hiwalay.

Salamat Pakerkada! <3 sa uulitin.
Salamat din sa mga nahug kilala ko mano hindi, blogger man o hindi. Salamat sa pagpatol sakin.hahaha salamat sa mga yumakap sa aking fluffy body. Waht at sa lahat ng memories na woth remembering. Salamat din sayo <3 dahil sayo nabuo araw ko. Shet :>