pahiram-ng-gif

poreber alown

 Yung feeling na minsan e may sira ba ang fone mo kasi halos natext mo na ang lahat ng mga kaibigan mo pero wala man lang nagrereply miski isa. Nakatitig ka ng ilang minuto sa cellphone mo at wala pa rin nagbabago, nagbabago lang eh yung numero sa orasan. Tapos bigla kang magtatanung, may sira ba ang network ngayon? At babalik sa pagtitig sa cellphone mo.

 Hanggang mag iisip ka na lang ng kung ano anong bagay at darating sa puntong wala ka ng maisip wala ka ng masabi at wala ka ng maisulat. Naubusan ka na ng mga salita at maiisip mo na kumuha ng isang libro kung saan naglalaman ng mga salitang pupuno sa blangko mong utak. Pagkatapos ay magsasawa ka at magnanais ng makakausap ngunit wala pa din wala…