pahingas

Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.

Minsan hindi mo alam kung may plano ba talaga sa 'yo eh. Hindi mo naman pinipilit at di mo hinahanap pero kapag sinubukan mong magkaroon ng pake sa mga dumating? Sa huli nakikita mo ang sarili mong hawak ulit nila. Tipong kahit gaano mo pinrotektahan ang sarili mo ay isusuko mo ito sa taong 'yon at magtitiwalang aalagaan nila ito kahit sobrang durog na.

Minsan di mo gets yung tadhana bakit gusto niya laging mag-isa ka at dadaanan lang ng mga tao na habang hinahanap din 'yong taong para sa kanila. Ayaw mong sanayin ang sarili mo sa kanila pero habang tumatagal ay nagiging paborito mo siya. Parang gusto mo palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon mo mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw ka rin pala.

Pero habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila. Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong tao na makakapulot at magpapalipad sa 'yo. Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa taong nakikita mo. Isang taong repleksyon ng kalungkutan. Isang taong nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang taong nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama.

So pinupush talaga nila parents na maguwian ako everyday. Like wtf? Laguna to Makati araw araw. As in araw araw? Pagod nako sa werk non tapos imbis na hihiga nalang ako, ayun abang pa ko bus then uwi sa bahay. Magkano gastos ko nun everyday? Baka sa pamasahe lang mapunta kikitain ko kalerks. Pero ayun still grateful na nahire ako hihi. Tnx universe 😘

okay so gagala ako today dahil burat na burat na ako dito sa bahay. pero ayoko na muna uminom pls pls pls dahil nakakaawa naman katawan ko niyan. hindi ko pa alam trip ko ngayon baka lumamon na lang ganon haha ge bat ba ganto hindi ako makuntento sa mga nangyayare sakin ngayon. sa totoo lang, pagod na pagod na ako kakaisip at parang bumibigay na rin katawan ko ng dahil lang sa trabaho na yan. ang labo naman talaga ng buhay na to tangina lang talaga ayoko na muna magisip bye werld. pahinga muna ako kahit 1 month ganon pls po hehe cute naman ako ng slight diba Lord labyu.

Insensitive Guys be like: Nagagalit yung girlfriend nila or nililigawan nila pero imbis na suyuin nila ng suyuin through text/chat/call man or personal, eh hinahayaan lang nila na humupa yung emosyon babae mag-isa. Mas dinagdagan mo lang ang galit niya kase mas pinakita mong wala kang pakialam sakanya.

Sa mga ganoong sitwasyon mga, Brad. Kahit anong mangyari, suyuin mo lang ng suyuin sila kase kailangan nila iyon. Hindi ka nirereplyan or blinock ka? Magpahinga ka lang pero wag kang titigil kakasuyo. Pahinga then suyo ulit. Hanggang sa mag reconcile na kayong dalawa. Wala kasing sense na magagalit sila sayo, tapos hahayaan mo lang din na maging okay sila. Hindi maganda. Hindi tama. Nakaka turn-off. 

2

424 // Day 02 Workout Sesh

Frankly, i wanted to stay home and sleep all day today but i thought to myself if i’m going to be lazy then i’ll end up on nothing again, and even if my cravings to stay home and eat a lot is at its highest, my determination to lose weight and be healthy is far way stronger than my random cravings. Pssh, who am i kidding. I’m in a serious battle here people, but yeah—like i said, i’m pretty much determined to lose all that flab. He he he.

What my coach made me do this morning were:

• Basic stretching
• 10min jog
• Ladder workouts
• Some leg and knee routine
• Core (abs and back workout)
• Boxing
• Squats

Not in chronological order. I’m sorry i am not yet familiar with the specific exercises names because ugh, don’t have the time to memorize them at all because i’ve got lot of thoughts in my head that are way more important. But i’m learning, so don’t be such a bum. We did 2sets of 30 Burpees, 2sets of 30 Jumping Jack, and a whole lot of shit i am not familiar (yet) with, that’s what i mostly remember. Man, i think our coach is killing us. Lol.

And pinag-aagawan ako ‘don. Ay maganda talaga lola mo day, gusto akong kunin ng isang coach ‘don siya daw tututok sakin tapos ‘yong coach talaga namin ayaw din ako ibigay. Haha. Sabi nga nila “Hayup ups kakarating mo pa lang pinag-aagawan ka na.” O kaloka diba? Tss. Terror din daw kasi 'yon baka pucha sa kanya ako mamatay. Haha. But i love a good challenge, pero wag muna now. Lol. Ako pa? Hahaha. Kidd, i love our Coaches by the way. Saka pinahiram ulit ako ni Coach ng extra shorts niya because i forgot mine. Lol. I feel awkward kasi whenever it’s bakat. Also, i almost want to quit this morning because maaan mahirap talaga siya. I didn’t have this kind of workout before so talagang bago sakin lahat saka hirap na hirap talaga ako. But my coach pushed me to my limits talaga. And that’s what i like, i mean i do that also in business towards my members so i know napakalaking tulong 'non. I’m glad because i’m used to creating my own sets of trainings in business without my mentor’s help and it feels so good that i actually have a mentor here in my workout program. Nakakataba ng puso, 'te. Hahaha. Pero para na talaga akong mahihimatay kanina. Sabi nga ni Coach pahinga muna ako kasi nahilo talaga ako saka parang akong nasusuka, ang alaga nila sakin 'don. No stir. Nanghihilot pa eh ('yong una nag-assist sakin 'nong medyo hilo ako was the Coach who wanted me in) then 'nong kalaunan na sila Coach Chard and Arnold na. Hahaha.

But guiseee… ang hirap pala talagang magpaka-healthy at magpapayat. Kaya ngayon pipigil ako sa food eh. I’m too careful na sa kinakain ko kasi pucha ang hirap nang mga pinanggagawa namin tapos lalamon lang ako ng lalamon ng mga pagkain alam mo 'yon, magpapahirap sakin—wag na uy. Hahaha. Pero seriously, pagod ako.

Pagod? Not feeling well? Pressured? Hopeless? Helpless? Feeling mo may mali pa rin?

Don’t worry. Huwag kang mag-overthink. Inhale. Exhale. Rest. Huwag mong tensyunin ang sarili mo. Lalo lang lalala ang problema o nararamdaman mo.

Hindi masamang magpahinga ah. Hindi bawal ang huminto sandali at i-clear ang laman ng utak at puso. Hindi masama ang huminga.

Tao ka. Hindi ka perpekto. Napapagod, nauupos, nanghihina. Pero huwag kang magpapatalo. Pahinga ka tapos kapag okay ka na, go na ulit.

One step at a time.

Kaya mo yan. :)

Kamusta na ko?

This message is for everyone who asks me kung kamusta na ako. And, thank you if you’ll spent time reading this.

I’m not okay.
Paggising ko na lang isang araw, hindi na ako okay. Matagal tagal na akong nagwowork sa graveyard shift - gigising para maligo, pumasok, magtrabaho, makikipagkulitan sa mga katrabaho, kakain, tapos uuwi at matutulog nang 9-10hrs habang mainit at maliwanag sa labas. Kapag weekend, babawi nang pahinga at aayusin ang body clock, maglalaba, magsisimba. Ilang taon na rin akong ganito, at dumating na sa sukdulan na nagsasawa na ako, na napapagod na ako. Simple lang, bakit okay lang sa akin na binabaligtad ko ang araw at gabi? Mahal ko ang mga trabaho ko, pero galit ako sa night shift. Dahil mahal ko nga, tiniis ko pero ayaw ko na. Lumipat ako ng work ko para makawala sa night shift. Pero bumalik lang din ako sa problema ko. Ang sabi temporary lang, kaya tiniis ko, kaya ako nandoon para palaguin ang kumpanya. Kasama doon ang pag adjust at paglabas sa comfort zone. Okay lang sa akin lalo na everything is doing fine, I am happy with what I am doing, pero real talk - night shift ‘yon. Isa to sa mga problemang tinakasan ko pero binalikan ko dahil mas inuna ko ang welfare nang iba kesa sa sarili ko. Kaysa maalaagan ko ang katawan ko, kaysa enjoyin ang pagkabata ko, kaysa makapaglaan ako ng oras sa mga taong gusto akong makasama, pinili kong alisin ang isang bagay na tingin ko makakapagpasaya sa akin.

At doon nagsimula ang pag iisip ko. I have been struggling for the past 4 years, I lived alone, I worked for myself, I tried to stay independent, I had the worst times, without family, unstable relationship with people. I managed to live because I always adjust. I always try to fit in - sa schedule ng iba, sa trip ng iba, sa gustong puntahan ng ibang tao. Kasi kapag hindi ko ginawa, maiiwan ako. All I want is to find the place where I belong, but I always fail. Matagal na palang mababa ang tingin ko sa sarili kasi palagi akong nandito kapag kailangan ng iba. Pero maraming-maraming beses na kapag ako yung nangailangan, ako lang ang lumalaban. Pakiramdam ko walang may gustong makialam sa nararamdaman ko.

And yes, I got other set of problems - I always fail with my finances, I just paid all my debts because of my irresponsible acts few months ago. I struggle with fitness goals as I always worry about my looks, I still feel distant with my family kahit we reconciled last year. I still can’t forget how my sister and my father left us during mama’s last days. My sister went abroad to work as a single parent, leaving her 3 sons to papa. And yes I am afraid that papa is too old to take care of these kids, and when the time comes na he needs to leave us, nobody will take responsibility for these kids, but me. When that happens, I need to temporarily forget my personal ambitions (yes, because i always think about other people first). Also, just recently, my body is developing new sickness and I can’t sleep, plus difficulty with breathing and stress eating. And, I miss my mom. I miss being a baby. Nakakapagod magmukhang malakas at matapang.

Oo praning ako. May mga bagay na di ko dapat pinoproblema. Tinatry ko lang naman mag care sa ibang tao hoping na I’ll get the same care back. Kaso hindi ko maramdaman. Where in the world can I feel the warm hugs that can slowly help me remove insecurities, fears, and worries?

It was since February when I start feeling this, and I am still struggling up to this point. Few people say this is my quarter life crisis, i dont know, but I should continue life as usual.

If you are reading this, thank you for understanding me. I want to tell you that I am still here to help you in case you need. Pero hindi ko alam kung kailan to matatapos. Hanggat alam ko na maraming dahilan para mabuhay ako, wala kayong dapat ipag alala. Thanks to everyone who pray for me.

Cheers,
Kian
08/05/17

Pagod — limang letra, limang beses na sinubukang maging masaya ngunit pagpapanggap ay hindi na kinaya. Tinanong ako ng “kamusta ka na?” subalit walang lumabas na salita at patuloy lamang ang pagpatak ng luha.

Kailangan ko rin ng pahinga, tila oras sa sarili ko ay nawawala. Inuuna ang pangangailangan ng iba at sarili'y napapabayaan na.

“Di ko na kaya” —apat na salita, apat na minuto na akong nakatulala. Nais ko lang pumunta sa mundo na puno ng sigla o sa mundong wala akong kakilala.

Kapag sinabi kong mahal kita

Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin salamat at nandyan ka
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin hinahanap hanap parin kita
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin napapagod din ako, nanginginig ang aking mga kalamnan, nanlalambot ang aking mga tuhod, nangangawit ang aking mga braso Dahil kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin pagpapaguran ko ito

Hihintayin kita, susundan, susuyuin
Dahil ang aking “mahal kita” hindi nagtatapos sa mahal lang kita
Ang aking “mahal kita” ay mayroong pagtanggap na ito, ito ang hirap na kalakip ng pag ibig, yakapin mo
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin malupit ang mundo at mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo

Kaya’t hayaan mong dumating ang mga bagyo
Hayaan mong malusaw ako sa araw
Hayaan mong kumbinsihin kita, na kakampi rin ako

Ikaw, na hantungang inaasam
Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan
Ikaw ang sandali, na parating inaalala
Ikaw ang kailangan kong pahinga
Ikaw ang paghinga
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin masaya ako dahil mahal, gaano man kahaba ang araw, uuwi ako sayo.

  • "May moment ba sa buhay mo na hindi ka nagalit sa mga taong nanakit sa 'yo?"
  • "Kaibigan ko lahat ng EX ko. Until now nakakausap ko sila na parang walang nangyari. Puro throwback ang nangyayari kadalasan pag nag-uusap pero I'm cool with that. Ang sarap nga naman balikan 'yong masasayang alaala. Pero hanggang dun na lang 'yon sa alaala. Masaya akong dumating sila sa buhay ko. Tinuro sa akin ng mga taong 'yon na dapat kong mahalin ang sarili ko. Akala nila nagagalit ako sa kanila noong una. Pero hindi. Nagtatampo lang ako sa kanila kasi sayang 'yong oras. Sayang yung pag set ng goals na kasama sila. Sayang yung energy at yung araw na kailangan ko gamitin para maging okay lang ulit. Hindi biro gumising sa umaga na parati mo na lang sila naiisip at kung ano ba ang nagawa kong mali. Minsan, nasasanay na lang na wala sila o kaya ay napagod na lang. Tapos totoong time will heal talaga. Panahon lang ang kailangan para maging okay. Eventually may mga bagong taong darating. Pick your poison ika nga. Pwedeng masaktan ka ulit, Pero who cares? Ang saya kaya nung ride kapag nagmamahal ka. Kung masaktan man ulit? Edi back to basic. Pahinga hanggang makita ang taong hinahanap at tutupad ng mga pangarap mo kasama sila."

Ang sarap umuwi ng bahay. Pahinga. Shower ng malala. Exfoliate ng katawan at mukha. Tapos mag isa ka lang sa kwarto. Tahimik. Aaaaahhhhh 😌 Happy weekend sa mga adulting mwa

Bale pagkatapos ng Welcome Walk, finally nakapag-pahinga na rin ako matapos yung eksena kong halos tinakbo ko na buong UST :( namaos na rin ako ngayon back to husky na ulit boses ko :( charot pero ayon, matapos ang lahat kitain ko sana si Ate sa may Qpav para sabay na kami umuwi, tapos habang hinihintay ko siya nakita ako nung friend ko na lately nabanggit ko na rin sa isang post (yung tungkol sa opm playlist sa spotify). Di ko alam pero first time ko kasi sya makitang naka-barber’s cut kasi madalas nakikita ko siya mahaba na yung buhok niya kaya natawa din ako nang slight pero g lang kasi bagay naman pala ‘di ko alam bakit ayaw nya ipakita sa’kin lol. Nag-aya siya samahan ko raw  siyang mag-shake sa Noval, matic alam na na sa batak na shake kami pupunta. Ngayon na lang din ulit niya ko na-aya samahan siyang kumain/mag-shake kasi busy kami pareho hindi rin naman kasi kami magkapareho ng kurso, kaya sinamahan ko na. Akala ko nga ililibre ako, kaso hindi hahahaha ang ginawa na lang nya binili nya yung combo (shake + footlong) at binigay sakin yung kalahati ng footlong nya na yon. Ayos na rin pero umasa kasi talaga ako sa shake HAHAHAHAHA de thankful pa nga ako kasi naisipan pa niya akong pakainin. Nakakainis lang syempre, kasi sa tuwing nabili kami do’n walang Strawberry Yakult. Iyak

RANTS ABT MONTH-END CLOSING

Ang di ko lang maintindihan sa mga collectors namin pag malapit na month-end closing ng mga GL accounts saka sila nagpapadala ng napakadaming ibu-book at gagawan ng entry. Like duh? Napakaraming araw sa isang buwan, pwede nyong iprpvide yung details for entries. Ang hirap mag reconcile minsan at nakakapag mag-OT. Tapos magpapa-reverse pa kayo? Asan ang pahinga dun? Nakakadugo ng isip mag-analyze at maghanap ng maling entry. Nakakagutom din magtrabaho, napapagastos ako lalo. Yung OT Pay ko kinakain pa ng tax ko. Tignan nyo?! Respeto naman sana. Charot. Hahaha