pagmumukha

SERYOSONG TIPS SA PAG-AAPLY NG TRABAHO
  1. Bago mag-apply, alamin muna kung anong klaseng trabaho ang papasukin. Di mo alam ipagbebenta na pala kidney  mo.
  2. Ayusin ang paggawa ng resume dahil diyan ka nila unang ijujudge. Siguraduhing hindi naka-duckface ang ID picture at hindi ComicSans ang fontstyle mo. Kalimutan muna ang pagiging jejemon.
  3. Wag mo ng ilagay sa personal attainment mo na isa kang dubsmash sensation. Wala silang pake sa mga pabebe-videos mo.
  4. Kahit nagsubmit ka na sa email, mas maganda kung may dala ka pa ring extra documents at resume in case na tawagan ka for interview. Kakailanganin mo yan para kapag hindi ka natanggap, pede mo yung itampal sa pagmumukha nila.
  5. Magsaliksik sa background ng kompanya na pag-aaplyan. Diyan ka naman magaling di ba, ang man-stalk?
  6. Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon yung mga nagmemessage ng “Gusto mo bang yumaman?” Pakshet. Lahat ng tao gustong yumaman! Hindi na dapat tinatanong yan!  Kaya ka nga nagtatrabaho eh!!
  7. Don’t go barkadahan sa pag-aaply ng trabaho. You’ll end up hurting pag natanggap silang lahat tapos ikaw lang ang hindi. Tapos magseself-pity ka na namang kuyumad ka.
  8. Gumawa ng personal account sa jobstreet, jobsdb, at workabroad para madaling mahanap ng employer yung resume mo. Hindi kasama jan ang grindr at planetromeo, kingina ka. Saka ka na lang lumandi ‘pag nagkatrabaho ka na.
  9. Maging disente sa pananamit kapag mag-aaply ng trabaho. Utang na loob, never naging corporate attire ang puki shorts mo.
  10. Wag masyadong umasa hangga’t hindi ka pa pinapapirma ng kontrata. Kaya ka nasasaktan eh. Hindi ka pa ba natututo?
  11. Don’t rely on “Kung sino yung unang tumawag na employer yun ang tatanggapin ko.” Stick to your plans and goals. Minsan sa sobrang desperado nating magkatrabaho, nawawala tayo sa main goal natin. Tapos sa huli rereklareklamo ka na pangit yung kompanyang pinasukan mo.
  12. Wag madepress kapag narereject ka palagi. Kung talagang para sa’yo yung isang bagay, ibibigay sa’yo.
  13. Kung sakaling di ka motivated, try mo munang tumambay ng matagal para maranasan mo yung pakiramdam ng walang pera, mabored, maging walang silbi, palamunin at salot ng lipunan. Para kapag nag-apply ka ng trabaho, damang-dama mo, sagad.

“KELAN KA BA MAG-AASAWA?”

SCENE: Nasa family reunion ka. Wala ka naman talagang balak umattend dun pero sa ngalan ng madaming madaming pagkain, nagpunta ka pa rin. Saktong dadamputin mo na yung paborito mong crispy fried chicken sa harapan mo nang biglang lumapit yung kamag-anak mo na walang ginawa kundi pakialam ang buhay ng may buhay tapos bigla kang tatanungin,

“Uy. Kelan ka mag-aasawa? Napag-iiwanan ka na ng mga pinsan mo.” 

Ok lang naman para sa’yo na sagutin yung tanong pero everytime na magkikita kayo, yun palagi yung bukambibig niya na parang nililitis ka at niyuyurakan pakatao mo.

Tapos lahat sila nakaabang sa sagot mo.


And you be like,

Kase, pagod na pagod ka ng mag-explain. Gusto mo sana silang pagtatampalin ng breaded fried chicken sa pagmumukha pero pinigilan mo na lang ang sarili mo dahil pinalaki ka ng mga magulang mo na may takot at respeto… sa fried chicken. And sayang yung breading.

Pero deep-inside, you just want to slay them like,

1. “Pag hindi na po kayo pakielamero.”

2. “Eh kayo? Bakit ang tagal niyo ng panget?”

3. “Masamang espiritu lumayas ka sa katawan ng baboy na ito!”

4.  “Wow. Makapagtanong parang ang saya ng buhay may-asawa niya. Kumusta yung kabet?

5. “Excuse me. I don’t wanna end up like you.”

6. “Kapag umamin na yung mister mo na may kabit siya.”

7. “Kapag napatay ko na lahat ng chismosa sa mundo.”

8. “Try ko mamaya ha. Ako na mag-aadjust. Nakakahiya naman sa inyong lahat!”

9. “Saka niyo na lang ako tanungin ulit pag perfect na yung marriage niyo.”

10.  “Baket? Hindi ka naman imbitado ah.”

11. “Tapos ano. Magiging miserable din buhay ko katulad mo? Wag na uy.”

12.  "When it’s legal for everyone to get married. Charoot!”

13. “Libing niyo muna. Sukob kapag this year din eh.”

Pero siyempre joke lang yan. At dahil mabait kang bata,

Pakyu with class na lang.

Dedmahin na lang yung mga taong walang ginawa kundi i-pressure at bigyan ka ng sandamakmak na negativity sa buhay. Ang mahalaga, masaya ka sa buhay na meron ka. Hindi man kasing saya at perpekto ng sa kanila pero “Pake ba nila di ba? Kanya-kanyang trip lang yan.” Hindi porket yun ang makakapagpasaya sa iba ay yun na din ang makakapagpasaya sa’yo. Di tayo obligadong gawin ang mga bagay na ‘hindi pa’ o hindi natin gusto.

ITANONG MO SA #SELFIE NIYA HA?

Siguro ito yung isa sa pinaka hindi ko mapapalampas na status ng isa kong kaibigan sa FB.

Alam kong hindi ako yung pinapatamaan niya dahil unang-una, hindi ako ganun kaganid sa pagseselfie at pangalawa, hindi ako pangit. Wala akong dating at average lang ang sex appeal ko pero alam ko sa sarili kong hindi ako panget. At kung aaminin kong pangit ako, para ko na ring ininsulto ang lahi ng nanay at tatay ko na pilit ipinagtanggol ng lolo ko laban sa mga Dayuhang Kastila mabuhay lamang ako . End of explanation.

Gusto kong maging mala-nobela ang comment ko pero napacomment na lang ako ng, 

Pero sa likod ng “ang hardddd” kong comment nagsusumigaw ang mga salitang, 

Ganun ba talaga kapangit ang pagmumukha ng pinatatamaan niya para magpost ng ganitong status? Nacurious tuloy ako.

May mga taong masyadong ginagawang komplikado ang buhay pero kung tutuuisin, ang dali-dali namang mag-unfriend at mag-unfollow. Tatlong click lang yun kesa magstatus ka na halos iclaim mo sa buong newsfeed mo na ikaw lang ang may karapatang magselfie dahil ang pogi mo.

Merong mga taong kumukuha ng lakas ng loob sa pagseselife kahit alam nilang hindi sila kasing ganda ng iba. Sa simpleng pagseselfie, pwede niyang isigaw sa buong mundo na, “Konti na lang. Malalampasan ko din lahat problema ko. Pa-selfie muna ng 10x.” Pero palaging namimisinterpret ng iba. Dahil ang alam lang ng iba, nagseselfie sila para lang magpapansin, magpacute at maghakot ng likes.Mas makitid pa ang utak sa eskinita ng iskwater.

Hindi mo alam kung anong kwento sa likod ng selfie nila at kung ano yung mga bagay na pinagdaanan nila para makapagselfie. Yung isa kong kaibigan, biktima ng cancer of the lymph nodes, continuous pa rin yung treatment hanggang ngayon. Alam kong hirap na hirap na siya pero nagagawa pa rin niyang ngumiti sa mga selfie niya. Kaya sino ka para sabihing, “Magsalamin muna kayo. Nakakasira kayo ng araw.”? Buti nga isang araw lang yung sa'yo. Yung sa iba nga, halos buong buhay na nila yung masira. Pati ba naman pagseselfie ipagkakait pa?