pagme

DISCRIMINATION AT JUDGMENTAL SA PINAS

Grabeng discrimination na ang natatanggap ng lahat ng big deal sa Pinas. Iba na talaga ang nagagawa ng media ngayon masyado ng harsh sa mga tao, wayback 2013 hindi naman ganyan yung mga tao sa social media, hindi naman sila judgmental pero dahil sa mga page sa facebook lahat nalang big deal tulad nung mga ‘starter pack’ at ‘squad/relationship goals’ na nakikita mo sa facebook.

Tulad nalang ng:
Pag may iphone ka at nakabrace ka mayaman ka na kaagad- hindi ba pwedeng may pera lang sila pambili or ipon nila para mabili yun at baka sadyang hindi talaga pantay ngipin nila at gusto nila iayos yun kaya nagpabrace siya.

Pag maputi ka maganda ka na, pag maitim ka puro ka naman daw libag- hindi ba pwedeng nasa genes nila yung pagiging maitim at maputi, what if maitim both parents niya anong gusto niyong mangyari? Maging maputi siya paglabas, diba syempre maitim talaga siya. At nasa kulay na ba talaga ang description ng pagiging maganda ngayon? Hindi ba pwedeng sa ugali pa rin.

Pag mataba ka ang baboy agad tapos alam na nga ng tao na mataba siya magko-comment at sasabihan mo pa siya ng ‘ang taba mo’- Hindi ba pwedeng hayaan mo lang siya sa katawan niya, katawan niya yun ,'ay pambili siya ng pagkain na gusto niya or baka genes nila ang pagiging mataba kaya simpleng pagkain niya kang tataba siya agad hindi kasi madali maging mataba, konti lang kinain mo pero yung dunagdag sa'yo daig mo pa yung lumamon. Ganun ba.

Pagflat chested or boobsie ka man may sasabihin at sasabihin pa rin sayo- pagflat chested ang 'kapatagan’ at 'dalawa ang likod’ mo. At pagboobsie ka naman itago mo man yan yun at yun pa rin ang mapapansin, eh ano naman if nabiyayaan siya, struggle din kaya para sa kanila yung pagiging boobsie, mas yun ang unang dinadapuan ng mga mata ng mga manyak kesa sa mismong mukha.

Pag nagpost ka ng mga nakatwo-piece or reveling ka sa picture mo at party goer ka sa gabi sasabihin 'slut/whore/hoe’ ka na agad- Eh sa proud sila sa sariling katawan nila eh at may lakad sila ng loob kaya nagawa nila yun, at may mga party goer naman na kayang bitbitin ang sarili kumbaga they party responsibly pero dahil sa impression ng iba na pag party goer ka fuckgirls/fuccboi ka na agad.

Pag nakamake-up ka naman, kapit daw sa make-up, pag wala namang make-up panget naman agad- so saan ba dapat lumugar? Eh sa magaling at hilig nila ang pagme-make up kaya they can be pretty with or without those, pag wala daw kasi simple lang, eh pagwala naman make-up ija-judge agad na panget at katakot takot na panlalait.

Pag maaga ka nagkaanak 'malandi’ naman itatawag sa'yo- what if they are a raped victim ? Hindi madali para sa kanila yun, at pinanagutan naman? Ano? Sasabihin na naman aral muna daw bago landi? E’ natukso eh kaya yun. Ang sabihan niyo ng malandi yung nga lalaki na nangbuntis taoos iniwan at hindi pinanagutan yung anak tapos nanglalandi pa ng ibang girls out there , hindi na na nakuntento feeling binata pa.

Pakikisabay mo sa uso at magsuot ka ng mga trendy outfit- iba-bash ka pa rin- may pambili sila kaya nakakaya nila bumili niyang mga crop-top, at outfit na gusto nila.

Mag-english post ka nandyan ang mga grammar nazi, magtagalog ka naman jologs ka naman daw at pag conyo maarte ka naman- saan ka nalang pala lulugar diba? Minsan magiging conscious ka nalang sa mga post mo kasi may mga mata at isip na nagbabantay sa bawat post mo at hindi mo alam jinu-judge ka na nila sa isip nila na 'bobo/stupid’ sa isip nila.

Pagmaganda/pogi tumetrending, pag panget iba-bash- pagmaganda hakot likes nay heart heart pa at sandamakmak na friend request at followers pero pagpangit hakot comment puro bash at panlalait pa.

Bakit ba hindi nalang nila hayaan yung nga tao na 'Hey life nila yun so hayaan niyo na’. Pera nila ginagastos nila not yours. Kung ayaw niyo na sa kanila in the first place nandyan sina unfriend, unfollow, block or deactivate nalang kayo para wala na kayong problema, sila nga hindi na momroblema sa sarili nila tapos kayo stress na stress na kayo sa pinanggagagawa nila. I-block niyo ng hindi niyo na makita. At ingat ingat sa mga binibitiwang salita hindi porket trending ang isang issue at alam niyo lang yung isang side palang (yung nagpost or yung sa nagpakalat) huwag agad magko-conclude ng kung anu-ano hindi niyo pa alam yung sa other side, hindi niyo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Then yun nga wag basta judgmental in a way na makakasakit ka na ng tao.

Insecure lang mga taong kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi sa'yo. Kaya nga minsan nakakaconscious na magpost hindi mo alam nilalait ka na nila sa isip nila or minsan magpaparinig pa. Kaya dapat in the first place palang 'POST RESPONSIBLY’, once na pinost mo sa social account mo ang isang status or anything pangatawanan mo pero hindi sa way na may tinatapakan ka na ring tao na wala namang ginagawa sa'yo. Buhay niya 'yun ikaw taga basa/tingin ka lang kung ayaw mo unfriend/unfollow mo as simple as that. I-blocked mo pa kung gusto mo.

 Usapang Love. Usapang Life.

Hello po mga ate’t kuya, Wala pa po akong gaanong karanasan pagdating sa pag-ibig pero may gusto lang po sana akong itanong sainyo…

Dumating na po ba kayo dun sa punto na sa sobrang galit mo, Sa sobrang inis mo, Sa sobrang tampo mo sakanya, Gusto mo na ring gumanti? Gusto mong ipakita at ipamuka sa kanya na katulad nya, May bago ka na rin kahit sa totoo lang, wala naman talaga at alam mo sa sarili mo na imposibleng magkaroon ka ulit ng bago kasi alam mo na hindi ganon kadali sayo yung palitan agad sya, Masyado pa kasing masakit at masyado ka pang totoo sa sarili mo. Napunta na ba kayo dun sa panahon na bigla bigla ka nalang mapapatanong sa sarili mo, “Damn, bat ganon? Anong meron? Anong nangyare? Ganon nalang ba talaga ako kabilis palitan? Ganon nalang ba talaga kadali sakanya gawin lahat ng yun? Eh bakit naman ako, ganito? Hirap na hirap.” Yung tipo na noong una, Akala mo ikaw tong magloloko na mauunahan syang makahanap ng iba pero hindi pala, sya yung mas mauuna, at eto pa, sobrang napaaga. Ang sakit lang no? Yung mga inakala mo, wala na ngang nasunod tapos yung kabaligtaran pa yung nangyari. Nakakatampo. Masakit… Nakakainis. Ayun na yata yung matatawag nating napaka-letsugas na sitwasyon pero Ika nga, Love isn’t a competition. Hindi porket nakamoveon na yung isang side at meron na syang bago, dapat ganon ka na rin. No, It’s not like that kasi pag ginawa mo yun, Mas magmumuka ka lang na t***a and That’s immaturity. Kung hindi pa talaga, Wag pilitin, Wag magkunwari… Respect yourself. Accept the truth na sya okay na pero ikaw hindi pa kasi alam mo? Onti nalang… Darating ka din sa puntong ganon. Darating ka din sa panahon na magiging okay ka na rin at pag dumating ka dun, Mas mahihigitan mo sya. Sa una lang yan ganyan, Yung ikaw yung sobrang mahihirapan at masasaktan pero pag dumating ka naman dun sa stage na okay na, Paniguradong mapapantayan mo rin sya o baka naman mas mahigitan mo pa, Ayun yung magiging lamang mo sakanya. Masakit sa una pero pag okay na, Mas magiging masaya ka, Mas magiging kampante. Mas makakatamo ka nung tinatawag nating peace of mind kaya ikaw, kung inaakala mong napag-iiwanan ka na, kung sa tingin mo, napakabagal ng usad mo pagdating sa usapang pagm-move on, Wag kang magreklamo baka naman kaya lang ganyan kasi tama yung daang tinatahak mo o yung mga prosesong ginagawa mo, Hindi ka shumoshortcut, Walang pandaraya sa sarili. Lahat, totoo at tama. Matatagalan man pero ayos lang yan, Every bit of pain will be worth it in the end. Darating ka din sa panahon na pag naalala mo lahat ng yan, matatawa ka nalang. Trust meeee! Good luck.