pagkain!!!

083016.Hindi ko nanaman alam kung bakit ang bilis naubos ng 350 ko sa isang araw.Pag-uwi ko inaalala ko lahat ng pinagkagastusan ko mula umaga hanggang hapon.Halos lahat pala naibili ko ng pagkain bc  f o o d  i s  b a e. Sabihin na nating yung 150 napunta sa McDo kasi nagkecrave ako ng fries dagdagan na natin ng large cokefloat tapos crispy chicken sandwich nahiya naman na raw kasi akong dagdagan tapos yung 55 sa pamasahe kasi you know walang naghatid sakin kaninang umaga bale papunta tas pauwi then yung natira sa canteen lahat napunta bc hindi pwedeng lumabas ng campus hanggang 4:30 p.m.So kung kumain ako ng mga between 5-6 p.m busog pa dapat ako but then saktong pagbaba ko kanina dumating sila papa na may uwing donut hindi ko naman matanggihan yung grasya kaya kumain nanaman ako pero dito kayo maaamaze sa katakawan ko pagkatapos nun nagawa ko parin kumain ng rice kasi naman bes masarap ulam sino bang hindi makakatanggi dun,right? 

Wag mo nalang siyang kamustahin. Wag mo nalang tanungin kung okay ba siya o kung naiisip ka pa ba niya. Mas okay na yung hindi mo alam. Mas okay na yung wala kang ideya kung ikaw parin ba yung dahilan ng mga ngiti niya. Mas okay ng hindi mo nalang alam kung may iba na bang nagpapasaya sakanya. Wag mo ng tanungin kung paborito parin ba niyang pagkain yung madalas niyong kinakain dalawa. Wag mo ng tanungin kung kahit minsan ba tinitigan nya yung cellphone niya at napaisip kung gusto rin ba nyang tawagan o kamustahin ka. Okay ng ganyan kayo. Kesa paulit ulit mong paniwalain yung sarili mong mahal ka pa niya kung paulit ulit lang din namang ikaw yung gumagawa ng paraan para makausap siya.
—  Wag mo ng tanungin kung mahal ka pa niya. Baka rin kasi “hindi na” ang sagot niya.

Good morning, Tumblr friends.

May konting paalala lang po kami/ako sa mga pupunta kay Val. Here are some lists of “pamahiin” kapag may patay na galing sa Mama ko. I’m not sure kung totoo ito pero wala naman masama kung susundin natin.

1. Bawal magsuot ng pula
2. Bawal magwalis.
3. Bawal ligpitin ng bisita ang pinagkainan.
4. Kailangan magpalit ng damit at mag-pagpag bago umuwi.
5. Bawal tumanggi kapag inalok ng pagkain.
6. Bawal patakan ng luha ang salamin ng kabaong.
7. Bawal ang masyadong maingay.
8. Bawal magbaon ng pagkain galing sa patay.
9. Bawal magpahatid sa kamag anak ng patay.

Ayun lang ang mga alam ko. At sana din magsuot ng puti na damit dahil yun ang request ni Val noong buhay pa sya.

May ishashare pa pala ako. Mahilig kasi ako magpakain ng mga bata sa P. Noval at España. Tapos napaaga yung pasok ko kasi may imemeet ako na seller ng second hand book. May bata na lumapit, hindi ko na pinansin kasi malelate na ko sa kameet ko. Pero sinundan niya ko tapos sabi niya, “Kuya, ibili mo naman ako ng red ballpen. Kailangan ko lang sa school.” Syempre ako, napatigil ako. Tiningnan ko siya, may mg abarya siyang hawak pero pakiramdam ko kulang yon sa pambili niya ng ballpen. Tuwang tuwa ako kasi unang beses na may batang lumapit na hindi pagkain yung hinihingi. Pumasok kami sa office warehouse sa España, tapos ang sama ng tingin sa kanya nung guard kasi madumi siya. Inakbayan ko siya kasi pinagtitinginan siya sa loob. Kumuha na siya ng ballpen na kailangan niya, tapos pinilit ko siya na kunin na lahat ng kailangan niya. Color lang ay ballpen kinuha niya kasi yun lang daw talaga yung kailangan niya at sobrang nahihiya na siya. Medyo naluha talaga ako kasi kulang-kulang din yung gamit ko nung nasa gradeschool pa ako at sa sobrang saludo ko sa kanya.

5

Blessed to have this bunch of people from my classmates since HS, Letran pips and Tumblr pips. I will never forget this day. Tired but happy. Umiiyak yung coin purse ko ngayon pero di ko pinanghinayangan lahat ng ginastos ko because I knew I made them happy. Pagkain yan e

5

Nag text ako sa kanya kagabi na baka mag report ako sa office bukas, so why not di ko sya puntahan sa school eh anlapit lang naman don ng office so ayun di na din ako nag dalawang isip na puntahan sya, tas dumaan muna ako sa market bumili ako ng pagkain nya kasi this past few days lagi ko na lang sya inaaway kaya ayun na i-stress na sya so ayern bumili muna ako ng pang stress reliever.

Tas yun sabi ko sa kanya 11 30 to 11 45 kami magkikita tas sa library na kami mag tagpo, pero almost 12 na wala pa din sya? Ano na? Hahahaha nakakadala na mag maaga bb eh jusko, well sanay na naman ako kahit dati pa 😂😘 tas ayun di ko kelangan magalit bec may exam pa sya jusko unawain na lang na sadyang ang babagal kumilos ng mga babae.

Tas ayun tinuruan nya po ako ng French huhu king ina ang hirap, ang layo ng pronounciation sa spelling eh english marino lag naman ako jusko karabaw pa. Hahaha ang saya lang kasi ang hirap tumitig sa kanya dahil grabe why so gorg 😍 lalo akong naiinlove, tas pag nagkakatinginan kami sabay kaming tatawa it means parehas na kaming kinikilig 😂😂😂. Tas di sya maka focus sa pag aaral dahil panay ang picture hahaha.

Tas ayun bago kami umalis ng lib para kumain eh ibinigay ko na yung pang stress reliever nya tas kumain kami don sa suki naming kainan, ohaaaa. Sulit din ang araw kahit sa maikling oras putaness ambilis ng 2 and half hrs juskoooo.

So ayun thankyou baby. Sobra mo akong pinasaya. Tapos nga pala Rip replay button don sa vid natin why so qtttttt 😘
Iloveyou. @naghilomnasugat

Andito na si mama. Di ko maexplain yung tuwa ko. Syempre first time kong malayo sakanya ng ganito katagal. Tapos nanibago ako ng makita sya kasi bagong gupit, bagets ang dating. Ganda ng sapatos. Sarap hingin pero di ko naman magagamit kaya wag na. Tapos natuwa ako sa mga dala nyang pagkain. Pagkaing hindi na de-lata at instant kundi totoong pagkain na. Pero mas naeexcite ako dun sa realidad na makakatikim na ako ng totoong lutong-bahay for 3days. Sarap na naman ng kain ko neto, goodbye diet. Hahahaha. Pero isa lang din ang sigurado ko, iiyak ako pag umuwi na ulit sya ng Bicol sa Monday. Hay. Hirap maging bunso, tindi ng attachment.

5pm, ang tagal dumating ng 5pm kahapon. Yun kasi yung out ko pero grabe ang bagal ng oras. Tapos Sobrang sama pa ng pakiramdam ko kasi diba nagpalpitate ako then nagkataon sinuka ko lht ng kinain ko. Hindi rin ako naglunch kasi natakot ako na baka sumama pakiramdam ko. Tinapos ko din kaagad lahat ng drug test. Minadali ko talaga lahat eh.

Tapos ayun katext ko si @baamcath , nasermonan pa ako abt sa katigasan ko ng ulo sa paginom at pagkain ng bawal na pagkain. Mas masarap kasi yun bawal pero yun din ang papatay sakin haha. Around 2pm sabi ko saknya na iidlip muna ako, sobrang bigat na ng ulo ko tapos ingat sila sa pagbyahe. Nagkataon naman na si @cm-psycho eh nasa dasma na. hahaha. ayan naramdaman nya yung feeling ng pinaghihintay. ang kulit eh sobrang aga ny sa meeting place.>

Then eto naman si @hugoterongmakata Wala na ginawa kundi magtxt kung asan na kami. Nakakaloka. Nabugnot na ako nung malapit na ako dumating sa cavite. Paulit ulit, di ko na nireplyan. Hahaha

Pag dating ko sa red cab, andun sila lahat. Ang cute ang dami pala namin. Tapos ako nalang hinhintay shet talaga. 7pm na ako nakarating sa sobrang traffic and lakas ng ulan. Nameet ko ulit sina @kendallhappens @sikolohistang-baliw , kenj, anne, @notyourplanb @cm-psycho @baamcath @hugoterongmakata

Ang ingay namin sa red cab parang inarkila yung sinasakyan haha. Tapos nagalit pa yun dispatcher. Init ng ulo. Nakakaloka. Ang kukulit nila eh habang otw kami kina @araykomasakit Hindi na masaway kahit na may 4 kaming kasabay sa cab na hindi namin kakilala. Laughtrip tuloy. 8:30 na kami nakarating sa house nila Tam and nagsisimula napala yung bday nya. Nakakahiya ang daming bisita. Nauna na din dun si @foureyedmonsteryeahx & @classicdaydream

Tapos ayun, 18 wishes and 18 dance na si Tam tapos kami sa table sari sariling mundo. Selfie dito, selfie doon. Ganern char. Nung nakain na kami, hinahanap na si Kenji ng mom nya at need nya na umuwi kaya by 9:30pm nagpaalam na kami kay Tam tapos umalis na kami nina van at kenji. Mga takot sa magulang, char. Hahaha.

Pagdating namin sa dasma. Nauna na si Kenji sumakay ng jeep pauwi ng gentri then ako naman hinatid ni Van sa sakayan. Buti nalang talaga meron pa, we bid farewell tapos nagmadali na dn sya umuwi kasi mapapagalitan na sya. Siguro 30mins ako nakaupo lang sa van, hinihintay na mapuno. Sobrang pagod na talaga utak ko. Gusto na magpahinga kaya idlip idlip din ako.

11pm na ako nakarating ng Sta. Rosa yesterday and I didn’t know what happened. Habang katxt ko si cath, nangangamusta kung dumating na ba sila house nina @clrxcnls , eh I went straight sa Mcdo. Nagutom ako bigla kaya I bought Fries and burger. Inasar ko pa si Cath abt sa fries kase gusto rin pala nya. Tapos ayun, I walked home. Hindi naman sobrang layo papunta sa subdivision pero mukha na kasi ghost town ng 11pm. Yung mga tao nalang sa kalsada e yung sa mga karinderya along the way pati mga bus driver sa terminals. So ayun, lakad lang ako. Paglumapit sila sakin, hahampasin ko sila ng payong kong malaki. Hahaha. So yun, pagdating ko sa harap ng subd, binati agad ako ng security guard at pinapasok sa gate. Ang saya saya ko nung nakita ko si baby simon, gusto ko sya hug kaso basa sya e. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan, tinawag ko si A na magdrive na ako. Tapos napansin nya na nanguya ako. Nakalimutan ko sabihin sa kanya na bumili ako sa mcdo. Tumawa tuloy sya sa call tapos sabi nya, “umattend ka ng bday pero gutom ka parin?”. Sagot ko naman, “eh bat ba, midnight snack, hehe talap talap bebe ko oh. Gusto mo?” Then sabi nya magdrive na ako baka hanapin na ako.

Pagdating ko ng house, tinawagan ko ulit si cath para tanong kung saan na sila. Ang layo pa pala nila kaya ayun, pumasok nadin ako sa house para di na magalala sina ninang at mameh.

Pupunta dapat kaming batangas,dun sa pinsan ni erpats sa talisay ata yun kaso di naman natuloy kasi late na nakapagreply na yung pinsan niya mga two na eh alanganing oras na rin kaya next time na lang. Lumabas na lang kami ng ate bumili ng pagkain. Bumili kami cassava cake tsaka pichi-pichi dun malapit sa school ko nung HS. Kumain din muna kami nung patatas na nakaikot-ikot tsaka chicken skin( sarap 😍😍 namiss ko kumain ng ganon) bago kami umuwi. Tapos nung papunta pa lang kami battered sister na ko sinapak ako sa pisngi di ko namalayan na sasapakin ako ng pabiro hahahaha solid yun mehn buong kamao. Ang sakit ng very light infairness. Tapos nung hinawakan yung kamay ko sabi ko tsansing siya sabi ba naman feeling daw niya ang ka holding hands niya kamay ng manok kasi may space space. Ay grabe siya talagaaaaaa pero nung pauwi na kami nagpalit kami tsinelas kasi pinaltos na ko sa tsinelas ko(yeah nahabag yung ate ko hahahahahaha). Sabi nga niya hindi daw talagang halata na sensitive ako kasi di daw halata sa kutis tsaka paa ko,ay wow hardddd naman this gerl. Siya petiks lang samantalang ako pinagpapawisan na. Beri-berihin ampoga hahahaha.

Kaya rin gusto ko na makapagtrabaho para talaga matulungan na si paps dito nakikita ko yung hirap niya, linggo linggo yung bayaran namin ng upa dito, pagkain pa tapos linggo linggo din padala niya kay mama, nanay at tita. alam kong hirap na hirap na si paps. Kaya sana talaga yung mga inapplyan ko kahit isa lang sa mga yun po Lord sana po talaga eh mabigyan ako ng pagkakataon. Ayoko nakikita si papa din na ganto. Hay

nagsisisi nanaman ako sa binili kong pagkain ang mahal mahal non £6 la na ko pera hirap na hirap na ko. MASARAP PERO NAWALAN AKO PERO OKAY LANG SHEREP naman pero nabawasan nanaman laman alkansya ko OMYGAD PANG JOLLIBEE KO YUN EH araw araw ako kakain sa jollibee tas bili ako sa palengke tocino tender juicy hotdog yes yes naman yesssssss

May nagshare nung apat na libro ni Lang Leav sa facebook, sobrang naiinggit ako. Yung tipong wala akong pera tapos ang mahal pa ng bawat libro!!! Pati sa Instagram kada makakakita ako ng pictures na madaming books naiinggit ako eh ayaw kong naiinggit kaya natutuluyan sa paguunfollow. Madalas talaga iniiwasan ko yung mga bagay na gusto ko. Ay biglang realization. Kahit sa pagkain tapos places grabe kasi sobrang nakaka-grr kapag nakakakita ka ng mga bagay na hindi mo pa kayang abutin pero medyo motivation na din yon para magpursigi ako at mabili lahat ng gusto ko pagdating ng panahon. Aja!

Nandito ako ngayon sa school ng bunso naming kapatid para sunduin siya. Pero bago ko pumunta naisip kong bumili muna ng pagkain kasi di ako kumain kaninang lunch break. Nung ako na yung katapat nung babae sa cashier, sabi ko isang crispy chicken sandwich. Tapos sabay nilabas ko yung wallet ko at binuksan. Napaisip ako, “Hala shet, bente lang pera ko.” Tapos kinakausap pala ako nung babae tas di ako nakikinig at di ko rin siya tinitignan kasi kinakabahan ako. Nakaorder na e tas aatras kasi bente lang nga. Tas nilapit niya mukha niya pati katawan niya parang nag lean over siya para tapatan mukha ko talaga na nakayuko. Tas sabi ko ay oo may mga barya pa pala ako. Buti nalang may 30 pesos mahigit pa yung mga barya ko. Tas ayun, di na ko nagsasalita at dahan-dahan binilang yung pera habang nilalapag ko sa counter. Nakakahiya pota. Sarap kong batukan kanina e. Tapos nung inaantay ko order ko, humingi siya ng 5 pesos kasi wala siyang panukli. Edi ayun, nung nakuha niya na yung 5, pinakita niya pa sakin lahat ng binayad ko. Isang 20, dalawang 10 pesos at isang 5 peso coin. Akala niya siguro bingi ako kaya niya ginawa yun para sabihin na sakto na yung bayad ko. Tas inayos ko na bag ko para makaalis na dun. Pero nung inaayos ko bag ko, nakatingin parin yung babae sa cashier sakin habang kinakausap yung sunod na oorder. Yung tingin niya parang naaawa siya na bingi ako o ano kahit hindi naman talaga. Mapapa puking inis ka nalang e hahahaha nakakahiya bes.

Umalis si mudra. May reunion kasi sila nung mga kaofficemate niya dati nung dalaga pa siya. Tapos im stuck here sa bahay, baka matempt akong ilibre na lang kapatid ko sa sine para makalabas ako dito. Kaso kuripot ako, what to do. Hahahaha. Si mommy lang gusto kong gastusan ng gastusan bc deserve na deserve niya yon. Sakit ng ulo palang samin, champion na siya e. Hindi ako sanay na wala si mudra. Walang nag-aalaga sakin. HAHA. Ayoko pa maging independent. Charot. Hindi naman kaya ng mga aso kong taasan ako ng pagkain. Wala din. Pamigay ko na nga sila. Jk. Hahahaha. Uy pero wag ka, nung nagkasakit ako andiyan lang sila sa tabi ko. Buti pa yung mga aso ko hindi ako iniiwan hangga’t hindi ako nagiging okay. Yung iba diyan, di man lang matanong kung ayos pa ba ako. Hahahahaha.

Halur. Umalis ako ng bahay na walang suklay, walang ligo, naghilamos lang ako. Naka shortyshort at mejo malaking Tshirt lang ako na suot ko mula kagabi pa. Paglabas ko sakay ako ng cab. Naiinis pa ako kasi parang ambagal nung sasakyan eh ang layo ng Jollibee sa bahay. Tapos kinocompute ko na din kung ilang oras ba sila mama maggrocery. mahigit 2 hours yun sila kaya nakahinga na akong maluwag na mauunahan ko talaga sila. Edi yun, ramdam ko pang naniningkit yung mata ko kaya napapatingin sakin yung mga tao. Bago ako pumasok sa jollibee nakita ko yung reflection ko sa glassdoor at gulo gulo at sabog pa yung hair ko. Di ko kasi naayos sa sasakyan kasi nakatulala ako kakacompute. Buti nalang eh walang pila kasi nga holiday. Bumili ako ng pagkain na pang dalawang tao. Bimuli ako ng garlic pepperbeef (fav ko) tapos isang spag at yum burger at fries. So dalawa din yung drinks ko. Hihihi Tinake out ko lang at pag uwi eh sumakay nalang ako ng tricycle para mas mabilis. Tapos takbo kagad ako sa kusina kumuha ng kanin kasi alam ko namang bitin sakin yung rice sa pepperbeef. As in parang patay gutom na akong kumain hahahahahah! sobrang gutom ko talaga. kaya ayun hindi ko na magalaw yung spag pati yum sa sobrang busog. Kakainin ko nalang mamaya. Di na lang ako lalabas uli ng kwarto o kaya pang bukas ng umaga dahil tanghali pa yung pasok ko at ayokong makasalubong si mama. Hmp!