pagikot

Hindi lahat ng pasahero, hinihintuan ko. Hindi lahat ng gustong pumara at sumakay sa byahe ng buhay ko, pinapahintulutan ko. Hindi lahat nabibigyan ko ng pagkakataon para lang mapansin na kumakaway sila sakin habang bumabyahe ako. Hindi lahat ng pasaherong kaya palitan ang mahal na patak sa metro, pinapasakay ko.

May umagaw ng aking pansin. Isang pasaherong hindi ako magawang parahin. dahil iba ang hinahanap mo. Hinihintay ko pa din ang pagsakay mo pero wala yata akong halaga sayo. malayong lugar na ang nararating mo, pero ni minsan hindi mo ako magawang hanapin. Binaba ko na nga ang metro ko, hinihintay ang pagdating mo. isang beses ko lang ginawa sa buhay ko ang bagay na yun pero sa bandang huli, yung pasaherong yun pinalampas ko. Sa unang pagkakataon, binigay ko halos buong pagmamahal  ko sayo, sa isang taong hindi ko man lang alam ano ba talaga ako sa kanya. nakalimutan ako, Taxi nga lang pala kasi ako.

Maniobra. paikot ikot lang. nakalimutan kong napakaraming pasahero diyan na may bitbit na pagibig ngunit hindi ko magawang sukilan anng sobra sobra nilang binibigay sakin. Hikab habang hawak ang manibela ng buhay ko. wala man akong katabi habang bumabyahe sa ngayon, alam kong madaming tao diyan ang ang nagpaparamdam sakin kahit hindi ko sila hintuan, handa silang patunayan na karapat dapat silang umupo sa tabi ko. subukan nating tignan sa dulo ng byahe na to, kanino nga ba dapat ako? sini ba yung aabot dito sa puso ko? kung sino yung man yung matiyaga, papahalagahan at pipiliin ako, siya yung taong hihintuan ko. ba-biyahe na muna ako. sige..