Minsan gusto ko na lang sapakin tong bestfriend ko e. “Hindi na talaga. Ayoko na” putangina nakailang ganyan na siya. Pinablock niya na yung ex niya sakin. Inaway ko na ex niya. Putangina nagbalikan pa rin. Pero ayoko ng ganong relasyon. Puro doubt at trust issues na lang meron. Magbrebreak tapos magbabalikan. Same issues. Nakakasawa yung ganon. Pero dahil beatfriend ko siya, no choice na tanggapin na lang katangahan niya. Wala e. Alipin siya ng pagibig.

When it comes to you, i am ready to risk everything, to sacrifice everything. I am ready to change the world i used to live in. That’s how i love you so much. Even though the world is falling apart i am still here running and looking for you to save us. You are my world, my universe. You were the one to sprinkle the stars in my galaxy. You are my everything.
One day, i know, i’ll be able to forget how much i love you today, about how much i cared and invested myself for you. One day, i believe that i’ll be able to divert my sadness into happiness, that every time i miss you i can easily forget the moments we spared. That whenever i hear your name i won’t feel any pain. One day i know i can move on, that i can finally forget everything you did to me. But i know it will take time. Because you’ve been my universe since then. My world turned upside down, i feel like the time stops to run when i’m beside you. One day those good memories will be treasured not because i still love you, but for a good cause, that having you somehow made me feel that i deserve to live and to be loved by someone who i truly loved also.
—  Someday thoughts of a real lover.

Gumawa tayo ng kasunduan.
Patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan
At patatawarin kita sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik
At patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita.

Patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis
At patatawarin kita sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot
At patatawarin kita sa hindi mo sakin pagpili.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw
At patatawarin kita sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo
At patatawarin kita sa hindi mo paglapit.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko
At patatawarin kita sa hindi mo pagsugal.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo
At patatawarin kita sa hindi mo sakin pagmamahal.

Bigla nalang tayong hindi nagusap
Wala na yung saya
Napalitan na ng lungkot at pangamba
Nasaan ka na ba?

Kung pu-pwede lang maalipungatan
Para magising sa katotohanan
Na ang mga paghintay ko
Ay walang nang saysay at talagang malabo

Minsan gusto ko idaan nalang lagi sa alak
Para malasing ako at makalimutan ang lahat
Kahit panandalian lang
Kahit sa mga panahong naalala ka

Pwede ba umalis ka na sa isip ko
Kasi sa totoo lang, walang araw
Walang araw na hindi ikaw ang laman nito
Palagi akong nangangamba, nasaan ka na ba?

Palagi akong naghihintay
Lagi akong nauuwi sa wala
Para bang gusto ko ng pumikit palagi
O kaya nama'y hindi na magising

Kasi alam ko sa muli kong pagmulat
Mararamdaman ko nanaman muli ang mga lapat
Ng sugar na iniwan mo
Simula ng iwan mo ako

Kaya heto ako
Balisa
Heto ako
Tulalala

Hindi na mawari kung ano ang dapat gawin
Sa mga bawat umaga at sa bawat gising
Gusto kang makalimutan kahit sa dapithapon
Ayoko na, pagod na akong balikan ang kahapon

—  Ayoko na, aandar na ako. Iiwan na kita.

Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit araw, buwan, taon na ang lumipas hinahanap-hanap pa rin natin yung taong wala na satin? Kung tutuusin, marami namang mas deserving. Marami namang taong kaya kang mas mahalin ng sobra kesa sa kanya. Pero bakit sa bawat oras na malukungkot ka, sya ang una mong naiisip? Minsan gusto mo nalang isipin na pagsubok ang lahat. Na binigay sayo ng Diyos ang lahat ng to para maging mas matatag ka pagkatapos nito. Pero bakit parang habang tumagatal, lalong sumasakit. Bakit parang habang lumalalim, lalong humahapdi? Bakit parang wala ng bukas? Wala ng sagot sa lahat ng tanong? Parang hindi na hihilom yung sakit ng kahapon? Bakit?

Say sorry for breaking her heart. Say sorry and mean it. Say sorry for being not good enough. Say sorry for giving everything up. Spill your reasons—the real ones. Yes, the truth cuts deeper, but that’s what she needs. Say sorry for all the things you might’ve done wrong, even for those you don’t even know about. Because I’m sure as hell she just simply chose not to complain about all sorts of things; that she just chose to keep it because she didn’t wanna look like a selfish brat hungry for perfection. Say sorry for the insensitive words you might’ve said. Say sorry for all the tears she shed. Say sorry for the lies you said just to avoid conflicts. Say sorry for the nights you made her doubt herself.

Because even though your “sorry” is never enough to alter your previous mistakes and even though it won’t fix her in the right places right away…a closure is a start.
—  Ces Castaño // for breaking her heart