pag ibig thingy

Masaya yung relasyon na cool lang, yung relasyon na sobrang open sa isat-isa. At the same time nirerespeto pa rin ang bawat karapatan ng mga ito. Napakasarap magkaroon ng relasyon na halos parang kaibigan mo lang din kung biruin mo, yung parang walang nagbago sa inyo, may pinang hahawakan lang kayong dalawa na salitang “KAYO", “TAYO”.

Napakasarap nga naman kapag naging consistent yung pagsasama niyong dalawa, yung dumaan talaga sa proseso at hindi talaga biglaan lang ang lahat ng nangyari.

Kakaiba nga naman kapag palaging game ang bawat isa sa lokohan, at lalo na palaging nagbibiruan na may kasamang harutan. Mga pasimpleng banat ni lalake at mga pasimpleng lambing ni Babae. Hindi man perpekto ang relasyon, ang mahalaga masaya ito.

- Isa sa Page ng Pag-Ibig Thingy Book.

Kahapon sa mall, naghahanap ako ng pwede kong paglibangan kasi wala kaming kuryente at signal. So, pumunta akong national, sa isip ko bibili na lang ako ng libro para may mabasa at mapaglibangan ako. Pagdating ko ng national, nakita ko yung book ni matabangutak katabi nung libro ni Marcelo Santos III, yung para sa mga broken hearted. Problemado ako kung alin ang pipiliin ko, kasi pang isang book lang yung budget ko. Ang tagal kong nag-isip, tapos minadali ako ni nanay kasi nakapila na pala siya sa cashier. Kinuha ko yung kay Kuya Rhadson, sa kadahilanang mas nacurious ako sa laman nung libro. Hahaha! Tsaka, naisip ko, hindi naman ako broken hearted. Hahaha! May nextime pa naman, mabibili ko pa yung book ni Marcelo.

So ayan na, sinisimulan ko na siya. May pangalan at date din kung kelan ko binili. Ganun ako e. Tsaka para di mawala. Hahahaha! Parang bata lang no? Nakucurious nga nanay ko kung ano to, balak yatang basahin at hiramin. :)))

Minsan malabo talaga ang tadhana. Kapag sumuko ka, may sasabihin ang tao na kung naghintay ka pa sana ng onti baka mapasayo na siya. Tapos kapag lumaban ka naman sasabihin na nagpapakatanga ka naman. Kaya may mga araw na hindi mo alam kung saan lulugar. Mapapangiti ka na lang e. Wala kang choice kundi ipagpatuloy ang buhay. Ganyan talaga minsan. Minsan close kayo ng tadhana, minsan parang bunsong kapatid mo na pasaway.
—  Pag-Ibig Thingy 2.0
2

PAG-IBIG THINGY mula kay MATABANGUTAK

Sobrang ganda lang talaga! :) At sobrang saya dahil ako ang unang nagkaroon na tumblrista thank you bro! :) Nabasa ko na! medyo kalahati na pero ito lang ang masasabi ko sulit kung bibilhin niyo sobrang ganda! :) Marami kayong mapupulot na aral at maraming makakarelate Oooops kalahati palang yan panu pa kaya yung bandang dulo. Abangan niyo nalang! Btw thank you Rhadson Mendoza! 

Sasusunod magready kana ha bro! yung sinabi ko sa'yo mag dala kana rin ng Body Guard mo. Godbless and more power! 

Ang libro ni kuya rhadson.

Pumunta kame sa nbs ng kablockmate ko, syempre para bumili ng mga kagamitan. Tapos napadaan kame sa dun sa may bandang gitna (pero di literal na gitna) basta sa aisle kung saan nakalagay yung mga best-selling books (novels, wattpad stories, cooking books etc.) Tapos sabi ko sa kaklase ko gusto ko bumili ng book ni marcelosantosiii edi naghanap kame kaso sa kasamaang palad wala kaming nakita out of stock daw sabi nung ate sa information kaya naghanap na lang kame ng mga talagang bibilhin namin.

Habang naghahanap yung kasama ko bumalik ulit ako sa aisle kasi gusto ko talagang bumili ng book (yung budget ko pang psicom lang, pero di ko trip yung sa mga wattpad kaya naghahanap ako ng libro ni marcelo) di kasi ako nawawalan ng pag asa hahahahaha. Talagang hinalungkat ko yung mga libro baka kasi natatabunan lang hanggang sa makakita ako ng cartoon na mukha, at ang title ay “Pag-ibig thingy”.

Tinignan ko kung sino author at si matabangutak. Nasabi ko na lang “ay finafollow ko to sa tumblr ah.” Dahil bago lang ako sa tumblr ay hindi ko alam na nakapagpublish na pala siya ng book. Ang alam ko lang ay famous sya kasi yun ang nababasa ko dashboard ko (Medyo huli sa sibilisasyon kaya wala akong muwang hahahaha) kaya yun ang binili kong book.

Pagkauwi ko sa dorm ay agad kong binasa ang libro niya. Tuwang tuwa ako sa libro dahil yung ibang topic ay relate sa akin, sa mga kaibigan kong taken at single kaya mukhang akong tangang nangingiti kapag naaalala ko sila.

Sobrang natuwa ako sa pagbabasa hanggang sa naalala kong may assignment pala kame at di pa ako nakakapaglaba ng uniform ko na gagamitin kinabukasan at ang oras ay 11pm na.

Wag mong harutin. Taken na e.

Kapag taken na at kahit biruan pa yan, wag mo pa ring harutin. Ang dehado kasi don e yung bf or gf nung hinarot niyo. Buti sana kung kayo ang mag aaway. Pero relasyon sinisira niyo kahit biruan lang.

Syempre, hindi maiiwasan magduda. Tipong matatapos ‘yong araw na hinarot mo yung gf/bf niya tapos siya ang sasalo nong sakit dahil lumalabas pa na pinagtanggol ka kasi magkaibigan lang kayo at wala kayong ibig sabihin sa ginagawa niyo.

Yes, wala kayong ibig sabihin sa ginawa niyo. Pero nalalagyan ng kulay 'yon kapag ang isang tao ay nagseselos na. Normal 'yon. May dahilan bakit sila taken at may dahilan bakit nag-eexist ang salitang “taken”.

Hindi ganun kadali sa pakiramdam nong partner na nakakita. Kadalasan humihinga na lang sila ng malalim at sinasabing “kami naman e, bakit nga ba magseselos?” pero meron at merong kurot sa kanila yan. Sana maging sensitive kayo sa mararamdaman nila. Hindi na nga sila pinagdadamot e, pero syempre dapat alam kung hanggang saan lang.

Alam mo ba na kapag lalake ang hinarot mo at yung babae ang nahuli eh daig pa niyan ang FBI Agent? At kapag lalake naman ang nakakitang may humaharot sa gf niya e tahimik lang yan pero daig pa niyan ang SPY at sa dami ng resources na pagkukuhanan niyan at kung paano ka mahuhuli at gusto mo bang  lagi kang bibisitahin niyan para tignan kung magkausap pa kayo? Ayaw mo naman sigurong may matang umaaligid sayo hindi ba? Kaya mag-ingat ingat kayo lagi dapat.

Kung single ka na humaharot sa taong taken na. Malalaman mo at mararamdaman mo rin 'yong sakit na sinasabi ko kapag naranasan mo na. Hindi ganun kadali magpaamo ng isang taong nagseselos or ng isang taong pinagdudahan. Kaya dapat alam mo lagi ang ginagawa mo. 'Lam mo kung bakit? Labas ka kasi lagi sa away ng dalawa. Sila ang mag-aaway at hindi kayong dalawa. Kaya mag-isip lagi. Wag tanga. Bulbulin ka na.

- Pag-Ibig Thingy 2,0