pag ibig

Please don’t get tired of me. You’re all that I have. You’re all that I can lean on right now. Please don’t get tired of me. With you I’m always happy. All my worries go away. All I think about is how happy I am. But without you, everything that makes me sad haunts me again. Please don’t get tired of me. You’re the only one who understands. Although, sometimes I know that you’re trying really hard just to understand me, but you’re still here. You stayed. Please don’t get tired of me. Because I know that everyone who gets tired will leave and look for a place to breathe fresher air. Please don’t get tired. Please don’t leave me.

Hindi mo mapipili ang mamahalin ng puso mo.

Na try mo naba subukan ang tiwala mo para sa pagmamahal?
Na try mo naba sumugal kahit hindi mo alam kung matatalo ka lalo na sa pagibig? Lalo na’t nasaktan kana dati?
Na try mo naba magtiwala sa dating gago?
Na try mo naba magtiwala sa dating manloloko?
Na try mo na din bang magmahal ng taong hindi mo pa nakikita?
Ako kasi nasubukan ko na, at alam mo? sobrang thankful ako at sobrang saya.

Hindi ko rin naman inaasahan na magmamahal ako ng dating Bad boy, na akala niya din sa sarili niya hindi na siya magbabago, pero eto kami ngayon masaya at walang pang dududa sa lahat ng ginagawa niya. 
Bakit?
Kasi simple lang pinatunayan niya lahat sa akin, na kaya niyang magbago para sa akin, para sa pagmamahal. Na kahit anong mangyari hinding hindi niya sisirain ang tiwala na binigay ko sa kanya.

Minahal ko lahat sa kanya, yung nakaraan niya na binabahagi niya sa akin na puro kalokohan at ngayon na nagbago siya para maging better person. Mahal ko buo niyang pagkatao at hinding hindi ko siya huhusgahan dahil lang sa nakaraan niya, dahil ang mahalaga yung kami ngayon at yung magiging future namin.

Kahit malayo kami sa isa’t isa mas pinapatunayan niya na hindi dapat ako magduda, dahil ang isang siya ay mahal na mahal ako at may isang siya na pipilitin magbago para maging karapatdapat sa pagmamahal ko. Salamat mahal ko dahil ginagawa mo ang lahat. Mahal kita, at tanggap ko lahat ng buo mong pagkatao.

Lumayo ako hindi dahil sa gusto ko lang kundi dahil kailangan. Ito lang ang nakita kong paraan para makalimot at makapag-isa. Gusto kong makawala sa mundo kung saan ikaw lang ang nakikita ko. Masakit kasing umasa. Nakakatuyo ng pagkatao ang umiyak nang umiyak sa twing naaalala kita – hindi lang gabi-gabi kundi oras-oras. 

Kung kaduwagan ang paglayo ko sa'yo ay tanggap ko na. Siguro hanggang dito na lang talaga. Suko na kasi ako. Minsan na akong lumaban pero wala rin namang nangyari. Pero sa kabila ng lahat ay wala akong pinagsisihan. Ang mahalin ka ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Lumayo ako dahil ayaw kong ikaw ang maging dahilan kung bakit katakutan ko ang salitang pagmamahal. Ang gusto ko, ang pangalan mo ang magpapaalala sa akin kung bakit masarap at masayang magmahal.

—  Lumayo ako dahil mahal kita.

Akala niyo ba madali? Madaling kallimutan yung taong minsang ginawa mong mundo mo. Yung taong binigay mo sakanya lahat lahat. Yung taong kasama mo bumuo ng mga pangarap. Akala niyo ba ganon lang kadali kumalimot ng taong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin. Oo nga dadating din tayo sa puntong magiging ayos na ang lahat, magiging ayos na tayo. Pero yung sakit at kirot sa puso, yung mga memorya niyong dalawa, yun yung ang hirap hirap kalimutan. Ang hirap kalimutan kung paano kayo nag mahalan, kung paano niyo binuild up yung relasyon niyo. Ang hirap kalimutan ng taong ayaw magpalimot. Yung bang ipipikit mo yung mata mo ay makikita mo siya o maaalala. Yung may makita ka lang na bagay ay siya agad ang papasok sa isip mo. Yung bang kahit matulog ka na sya pa din. Ang hirap hirap. Kaya wag nyo sasabihing madali lang kumalimot, na madali lang mag move on. Dahil hindi naman kayo yung nag mahal eh, hindi naman kayo yung minahal nung taong yon. Hindi naman kayo yung nasa relasyon nila. Hindi naman kayo yung nag invest ng kung ano para sa relasyon na yon. Kaya wag nyo sasabihing madali, dahil wala naman kayo sa lugar nila.

Pangako ng Lumipas. (His)

Sa paglubog ng araw,
Ako'y nagbabalik-tanaw
Sa isang alaala ng nakalipas,
Nakalipas na para sa akin, parang kahapon lang.
Sa likod ng punong mangga,
Sa papalubog na araw, kayakap ka
Habang ibinubulong ko sa iyong tainga
Ang aking mga pangako.
Ang iyong mainit at malambot na labi, habang humihikbi
Ay nararamdaman ko pa sa aking labi.
Habang lulan ng bus, Paalis sa lugar kung saan tayo nagmahalan,
Ang lugar na saksi sa bawat saya’t pighati na ating naranasan
Ang lugar kung saan pinaglaban natin ang ating pag-iibigan,
Ang lugar na naging saksi rin sa aking paglisan.
Sa panahong lumipas, ang imahe mo pa rin ang nasa aking alaala
Imahe ng isang dalagang may mga matang puno ng saya,
Mga labing kay pula at mga ngiti kay ganda.
Gusto kong bumalik sa panahong iyon,
Kung saan ikaw lang ang aking inaalala
Gusto kong bumalik sa araw na yon,
Kung saan sana'y hindi na lang kita iniwan pa
Gusto kong balikan ang mismong oras na yon,
Kung saan sana'y hindi na kita binitawan pa.
Dahil sa araw na ito, Sa mismong oras na ito,
Ang mga pangakong binitiwan ko, ay hindi ko na matutupad pa,
Ang ika'y balikan pa, ay hindi na magaganap pa
Ang ika'y mahagkan pa, ay malabong magkatotoo pa
Ang pagmamahalan natin sa isa’t-isa, ay hindi na mangyayari pa
Dahil ang lalaking nangakong magmamahal sayo, ngayon ay nakatali na.
Ibubulong ko na lang sa hangin, at aking dinadalangin na sana ay iyong marinig ang bawat salitang aking nais sabihin,
Gusto kong malaman mo, na sana hindi ka na maghintay pa
Ayokong ika'y masaktan pa, Ang panalangin ko sana ika'y bumitaw na
Patawarin mo ako sa mga pangakong di ko na matutupad pa
Ang pangakong bumalik sa piling mo ay malabong mangyari na
Sa huling pagkakataon, ibubulong ko sa hangin, na sobrang mahal kita.
Ang mga pangako natin sa isa’t-isa ay tutuparin na natin ng magkahiwalay,
Pangakong, tutuparin na natin sa magkaibang tao.
At kahit na hindi tayo sa huli,
At hindi ko man natupad ang aking mga pangako,
Asahan mong ang pangakong mahalin ka ng buong buhay ko
Ay ang nag-iisang pangakong tutuparin ko,
Dahil sa puso’t isip ko ikaw pa rin ang naririto.
At ang pangako na ito ay pangako na ako lang ang nakakaalam,
Pangako, na hanggang ngayon ay akin paring inaasam.
Na hanggang sa huli, ikaw pa rin.
Ikaw lang.
Sa puso ko. Ang nag-iisa.
Kahit na merong iba, at ako'y nakatali na.
Nag-iisa ka lang.
Sa puso ko.
Pangako.

- @tinta-ng-pluma

- ty. jey//Pangako ng Lumipas. (His)