pag aral

3

good morning! back logs — june 2017

out of the blue, nagising ako and nag-aya family ko ng morning road trip. as in 7am na 7am, pinagbihis kami ni papa. ‘di namin alam san kami pupunta and 'di rin naman kami nakapag-jogging attire so walk walk lang talaga haha :-) we found ourselves in breakwater, and in fairness, malinis tsaka amoy dagat naman siya. 'di amoy basura kasi syempre parking ng mga yacht 'yon so dapat malinis haha tapos 'yun nag breakfast nalang kami sa pancake house sa moa kasi on the way pauwi

last photo, kanta ni reese lansangan 'yan. & it struck me kasi ang ganda. one day i’ll find a love that’s worth growing old for; at ayoko muna ma-stress sa pag ro-romanticize. aral muna beh good morning :-)))))

Paano malalaman kung in love ka na sa isang tao
  1. Yung ngiting abot langit. Yung tipong nag-reply lang sa'yo yung taong gusto mo, eh halos mapunit na ang mukha mo sa sobrang ngiti mo. Minsan nga ayos lang na matawag na “baliw” eh wala eh masaya ka eh. 
  2. Yung hinahanap hanap mo ang presensya n'ya. Yung kahit badtrip ka na sa araw na yun, basta makasama mo lang s'ya kahit saglit, bigla nalang bumabalik ang energy mo. Ang lakas lang maka-power bank, diba?
  3. Yung kinakabisado mo ang features ng mukha n'ya. Minsan habang magkasama kayo tapos hindi s'ya nakatingin sayo bigla ka nalang natutula sa kanya, tapos bigla ka nalang matutulala na parang ewan.
  4. Yung lagi mo s'yang iniisip. Walang araw at gabi ang hindi mo s'ya naiisip, to the point na hindi ka na makatulog sa gabi. Tapos kasalanan pa n'ya kung bakit ka pa late sa school kinabukasan. Hart hart kay Prof.
  5. Yung nag-iimagine ka if ever na maging kayo. Nag-iimagine ka ng dream date n'yo, yung dream wedding kayo, kung saan kayo magha-honey moon, tapos kikiligin ka, tapos magwawala ka sa kama mo na parang bulateng inasinan. 

Kung lahat ng ‘yan ay nararamdaman mo sa isang tao, aba'y congrats! In love ka nga, Pero tandaan, okay lang naman, ma-in love. Parte ng buhay 'yan, pero mas importante ang pag-aral mga utoy at ineng. 

Alam mo, ang buhay ay hindi natatapos nang dahil sa rejections, pagtalikod ng mga taong mahal mo sayo o maraming pagkakamali. Hindi ito natatapos sa isang madilim at mabagyong gabi. Marahil ay nakasubsob ang parehong tuhod mo sa pagkadarapa ngunit, hindi dito magtatapos ang iyong istorya. Huwag mong hayaang kainin ka ng problema. Tandaan, bawat dumaraan ay may dahilan, bawat tanong ay may kaakibat na kasagutan, bawat pagkakamali ay may kasunod na aral na matututunan at higit sa lahat, bawat madilim na daan ay may katapusan. At sa dulo, matatagpuan ang mas na ikaw kaysa kahapon, pag-asa, kaalaman at aral na dadalhin mo sa habang panahon. Kaya ikaw, kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, alam kong kaya mo yan! Huwag kang susuko, malalagpasan mo rin yan :)

Mga dapat tandaan pag tinamad mag-aral:

1. Para sa sarili mo din yan

Unang-una, kailangan mong matuto di dahil utos ng teacher mo kundi dahil sa mga aabot na panahon, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa at buhayin ang sarili mo.

2. Ikaw kaya maghanap ng pang-tuition mo?

Oh diba, imagination mo pa lang, ayaw mo na! Huy bata, mahirap talagang kumita ng salapi! Kaya mag-aral ka para hindi ka “mas” mahihirapang humanap ng sariling mong salapi pag naka-graduate ka! Malay mo, yung iba pa ang manghingi sayo? Sipag at tiyaga, remember?

3. Kung mahal mo ang magulang mo, gagawin mo.

Corny ba? Ay hala sige. Magpakasasa ka sa sayang madaling kumupas at tingnan natin kung may ngiti pa bang aabot sa mukha ng nanay mo. Kasi kaibigan, walang makakakumpara sa sayang makikita mo sa magulang mo kapag alam nilang nag-eeffort kang mag-aral. Hindi kailangan na maging Top 1 o nangunguna ka sa klase. Ang importante, nararamdaman nila na pinapahalagahan mo ang tiyaga nila para sa’yo.

Oh kuha mo na libro mo. May quiz pa ata kayo.