pa pala

3

10.20.17 |

some bitch got a flat 1.0 in her thesis defense today, and that bitch is me! 😏 LOOOOL hindi ko ito deserve dahil nga inaway ko iyong prof ko, sobrang nagulat ako na ang taas ng grade na ibinigay niya. though deserve ko naman kasi puta, isang buwan akong walang tulog dahil dito. daming nag-away dahil dito, but okay na. sembreak na aaaaa ((may finals pa pala)) idk who to thank, so i guess, thank you, self. ang happy ko lang hehew pinaghirapan ko to the fuck. ayaw nila maniwala na individual thesis ako like bitch don’t you think i can do this shiet. ang sad lang wala kaming picture lima. aaa I’M STILL CRYING SIRA NA MAKE UP KO

Draga ja,

naravno da ti pišem zato što spremam ispit pa mi je pala na pamet ova briljantna ideja da se obratim pismom samoj sebi umesto da učim. 

Biću kratka, nemam mnogo vremena. 

Samo želim da te podsetim na neke osnovne stvari. Možda nekada budeš smorena, pa slučajno pronađeš ovo i to učini da ti klikne u glavi i prestaneš da se nerviraš, jer zaista, uglavnom nemaš razloga za to. 

Ne moraš da izađeš ako ti se ne izlazi. Takođe, ne moraš da piješ ako ti se ne pije. Zabavno je biti lud i mlad i teško je ne popustiti na nečije nagovaranje, ali neće ta osoba povraćati umesto tebe ni proklinjati alkohol sutrašnji dan. Tvoj organizam sprovodi egzorcizam svaki put kada se napiješ, pa zapamti to i ponašaj se u skladu sa tim. I nema ništa loše u tome da ostaneš kod kuće i propustiš žurku na koju ti se ne ide. Nemaš 15 godina, boli te kurac za socijalnu prihvaćenost.

Ako te neko ne tretira sa poštovanjem, samo idi. Ne ljuti se, ne prepiri se, ne dokazuj se, okreni se i - idi. 

Batali tog momka ako vaš prvi sastanak ne shvati ozbiljno. I ne prihvataj ispale. 

Čuvaj pare za nakit iz Unikantnog kutka, ne kupuj ga svugde, uglavnom je kič ili preskupo. 

Otiđi u teretanu i kada te mrzi. 

Ne govori nikome s kim se viđaš i s kim se vataš. Ok, možeš jednoj osobi. I Isidori. Isidora sme da zna sve. 

Znam da su za tebe orgazmi jedna od najvažnijih stvari na svetu, da žališ svakog ko ih nije doživeo i da imaš mnogo zanimljivih priča vezanih za njih, ali ljude to zaista, nažalost, ne zanima. 

Ne smeš zaboravljati da jedeš, to je neljubav prema sebi. 

Spremi uvek odevnu kombinaciju unapred, gde god da ideš. 

Ne komentariši mnogo kolege sa faksa i ne tračari. Možeš ti mnogo bolje od toga. 

Kada naiđe stres, samo se posmatraj. Posmatraj sebe. Posmatraj stres. I proći će. 

Ništa, mala, moram da idem. Piši češće sama sebi, pametna si ti. Do sledećeg pisma, arrivederci. 

22. avgust 2015. 

Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.

Minsan hindi mo alam kung may plano ba talaga sa 'yo eh. Hindi mo naman pinipilit at di mo hinahanap pero kapag sinubukan mong magkaroon ng pake sa mga dumating? Sa huli nakikita mo ang sarili mong hawak ulit nila. Tipong kahit gaano mo pinrotektahan ang sarili mo ay isusuko mo ito sa taong 'yon at magtitiwalang aalagaan nila ito kahit sobrang durog na.

Minsan di mo gets yung tadhana bakit gusto niya laging mag-isa ka at dadaanan lang ng mga tao na habang hinahanap din 'yong taong para sa kanila. Ayaw mong sanayin ang sarili mo sa kanila pero habang tumatagal ay nagiging paborito mo siya. Parang gusto mo palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon mo mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw ka rin pala.

Pero habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila. Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong tao na makakapulot at magpapalipad sa 'yo. Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa taong nakikita mo. Isang taong repleksyon ng kalungkutan. Isang taong nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang taong nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama.

kwento....

I was at Krispy Kreme early this evening, thinking that the 80 pesos promo is on - turns out bukas pa pala lol (sorry na. 3rd world problems) 

eh since gutom na din ako, i bought a doughnut and while eating, this guy approached and said “hi”

hindi ko naman pinansin malay ko bang me kilala sya sa likod ko?

                             “Hi kayo po ba si Kuya Sef?” 

anak ng tokwa, ako nga. kuya na nga at eto  nag “po” pa si beshie.

turns out he reads my tumblr…

eh since I was alone, i invited him to sit with me and share the box of doughnuts I bought - nagpalipas ako ng oras kasi ang sama ng traffic kanina. 

going back, the guy pala is a working student. mornings will find him attending customers at Jollibee and after his shift runs to STI BGC for his classes. the only time he has for himself to relax is the walk going home. 

it was an interesting chat and it felt good to know a new friend but it was getting late and he has to wake up early tomorrow. so there, I sent him off with the rest of the doughnuts for his baon and extracted a promise that he will study hard. 

so there…

gusto ko sana ikwento kung paano sumasabog yung feelings ko para sa taong wala namang ginawa kundi saktan ako hehe. kaso tinamad na ako kaya yeah wag na lang.

edit: pero okay eto na nga tae ang hirap kasi pag wala ako malabasan. tangina naman kasi alam niya tong blog ko kaya for sure mababasa niya to kaso wala akong pake hindot ka. anyway, naalala niyo yung crush ko sa office noon? feeling ko gusto ko siya ulit lol. ayos na sana yung samahan eh, smooth lang. kaso tangina bigla na naman akong nililito. akala ko wala na akong pake pero meron pa pala. ako naman tong si tanga kahit anong sabihin, go agad. tho ganon rin naman siya sakin, kung ano naman ginagawa ko sa kanya ganon din ginagawa niya. ang bottomline lang neto, tangina bakit parang feeling ko option lang ako? lol pero mukhang ganun na nga. tapos ilang beses ka na nagpalit ng dp na ako yung kumuha. you’re selfish, alam mo ba yon? nagaway na tayo once, may nasabi akong hindi maganda sayo. umiyak ka, yes pero reasonable naman yung ginawa ko. ina-avoid kita kasi pwede maging deep yung feelings ko para sayo kaso ayaw mo. edi ako naman tong si tanga ulit, naguilty sa ginawa at sinabi kaya pinagbigyan ulit kita. tangina? alam ko aware ka sa nararamdaman ko pero sana naman wag mo ako i-take for granted :-)

ang bullshit lang kasi parang ako na lang lagi yung dehado hehe. buti sana kung madali lang gawin eh?? actually, kaya ko palang gawin ang kaso huy, nasa-iisang opisina tayo. araw-araw tayo nagkikita, lagi mo ako kinukulit. kapag nga mag a-absent ako lagi mo ako hinahanap. nagiging dependent ka masyado sakin. parang ako yung comfort zone mo lalo na pag hindi ka okay. paano naman ako? aasa lang ako sa sarili ko ganon? 

masaya pa rin naman ako kaya oks lang pero sana naman i-sure mo kung ano talaga nararamdaman mo kasi medyo nakakagago ka eh. pagod na ako sayo sa totoo lang, lagi na lang kita iniintindi. hanep naman talaga, bakit ka ba ganyan? gege wala naman magbabago kahit ano pa sabihin ko kaya oks atleast nasabi ko gusto ko sabihin.

Pag-ibig pa nga ba?

Minsan ang lungkot. Madalas ang saya. Minsan mahirap. Madalas madali pag kasama ka. Minsan maingay. Madalas tumatahimik kapag galit na. Minsan pagod na. Madalas pinaglalaban pa. Minsan magulo. Madalas maayos kapag nandyan ka. Minsan kaya pa. Madalas pagod na. Minsan sabik sayo. Madalas sawa na. Minsan ikaw pa. Madalas may gusto nang iba. Minsan nakangiti pa. Madalas nasasaktan na pala. Minsan naaayos pa. Madalas hindi na. Minsan sayo pa. Madalas pag mamay ari na ng iba. Minsan naiisip ka. Madalas siya na. Minsan may pag asa pa. Madalas wala na. Minsan tanggap na. Madalas sobrang sakit pa. Minsan naging tayo. Madalas tapos na. Tinapos na. Napagod na.

youtube

A piece from Juan Miguel, I just thought this is so beautiful not to share…


Mga Basang Unan ni Juan Miguel Severo

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.”

Mahal. Kita.

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko, nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila. Mahal. Kita. At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”

Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay ‘kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.

Nabangga mo ako at nadapa ako
Inangat mo ako, hawak ang puso ko
Minahal kita pero pinaasa mo ako
Binigay ko ang lahat, pero sinayang mo

Ginawa mong dahilan na mahal mo pa pala siya
Iniwan mo ako nang madali at nag iisa
Binalewala ang lahat, parang di naging sapat
Ang pagmamahal ko sayo nang tunay at tapat

Sa pagmamadali mo, may nakalimutan ka
Yung mga pangarap natin na tayong dalawa
Tatanda magkasama at bubuo nang pamilya
Nakalimutan nga ba o kinalimutan mo talaga.

Sa sakit na naidulot, pinilit kong lumimot
Maghanap nang iba na di marunong magpaikot
Pero iba talaga ang iyong naidulot
Ang buhay ko ay ginawa mong malungkot at masalimuot

I see “4” (sì) everywhere. Unlucky number sa mga chinese. Sounds like death kasi. I hear ambulance sa labas ng pad, everyday meron yan pero this one’s different guess on duty na naman si kamatayan. I smell flowers dito sa room eh wala namang bulaklak dito, reminds me of the flowers na present dun sa funeral ni tita. I taste blood, i don’t know why but dumudugo lips ko. Nakakatuwa, may dugo pa pala ko after all the puyat sessions ko pustahan ikakamatay ko talaga to.

Ayos ah. Nagpaparamdam ka @ death. Not now, amigo. Give me time. I know madaming options dyan, pwede mo kong samahan sa rooftop don’t worry i don’t mind sharing my favorite place naman. Pwede ring dyan sa labas mismo oh, sa highway. I know nakailang tambay ka na dyan, pwede mo kong samahan pag tatawid ako dyan 2 months na rin lumipas simula nung last duty mo dyan eh. Idk meyn. Ewan ano ba tong pinagiisip ko.

Seryoso, namimiss ko yung luto ni nanay. Iba kasi kapag lutong nanay kesa naman sa karinderya, oo alam natin na parehas masarap pero mas masarap pa rin pala kapag niluto ng taong pinakamamahal mo sa buhay.

Pinapalaya na kita

ilang alak pa ba ang lalaklakin mo hanggang sa hindi mo na ako maramdaman dyan sa puso mo?

ilang babae pa ba ang makaka inuman mo, hanggang sa tuluyan mo nang hindi mabigkas o maisip ang pangalan ko? 

ilang bukas pa ba ang hihintayin ko hanggang sa mawala na'ng lahat ng sakit na naidulot mo? 

sa pagdilat ng mga mata ko, lumalakad ka na papalayo papuntang dulo

ni ayaw mo nang lumingon sapagkat nabulag ka na sa mga matatamis na mga salitang pinaramdam sayo na akala mo bubuhay sa pagkatao mo pero hindi..

hindi, dahil sabi mo naiisip mo pa rin pala ako, akala mo masaya ka na pero alam nating dalawa na sa tuwing naglalakad ka ng mag isa

naiisip mo pa rin tayo

ilang beses mo pang lolokohin ang sarili mo pati na rin ang mga taong nakapaligid sayo? 

tila nabulag din sila sa matatamis mong salita na taliwas sa pinaramdam mo sa'kin noong tayo pa

na halos itong puso ko ay mamanhid at hindi na tumibok pero tiniis ko dahil mahal kita

pero tama na

pasensya na kung nawala na akong bigla dahil alam kong pagod na rin ang puso nating dalawa

sana malaman mo na minahal kita at ngayon ay pinapalaya ka na

-para kay L